Chapter 10

1703 Words
“Class, we will have our educational tour to these three different companies by next month.” Turo ng aming professor sa nakasulat sa blackboard. “As for your assignment, do some advanced research about each company and that would be compared to your actual understanding after the tour. This will serve as your final exam.” “Yesss!” halos sabay sabay na reaksyon ng mga classmate ko. “So be prepared. I will give you the details regarding this tour in our next class. Practice na rin 'yan for your thesis next year. That's all for today. See you, class on Wednesday." “Goodbye, Sir!" Hindi agad ako lumabas ng classroom. Gumawa muna ako ng notes ng mga diniscuss namin kanina. Sana hindi mahal ang fee. May naipon pa naman ako sa allowance ko at sa discount na nakuha ko noong nagbayad ako ng full tuition. Plus yung binigay pa ni Kuya na pa-birthday daw sa akin.  Palabas na ako ng classroom ng tumunog ang cellphone ko. “Hello?” “Bunsoy, musta ka na?”  Awtomatikong lumapad ang ngiti ko. “Kuya! Eto ok naman, pauwi na ko kakatapos lang ng last subject ko. Ikaw kumusta ka na? Ang tagal mong hindi tumawag ah!” “Ayos naman ako rito. Busy kami these past few weeks. Hindi ka ba nag-o-online?” “Hindi nga eh. Lagi kaseng busy dito sa school. Malapit na kase ang sembreak.” “Kuya, salamat pala dun sa cellphone, ha? Saka dun sa cash. Sobra-sobra naman yung binigay mo.”  “Aba, eh nakakahiya na 'yan cellphone mo. Antique na. Hindi mo pa pinagre-retire. Ikaw na lang yata ang gumagamit n'yan sa mga kaedad mo.”  “Tse, ayaw mo nun nakatipid ka sana.” Inirapan ko ito kahit hindi nakikita. Matagal na kase niya akong pinabibili ng smart phone pero nahihiya na akong tanggapin. 'Yun pag-aralin niya ako ay ok na sa'kin. “Pa-birthday ko naman sa'yo 'yun. Hindi ka raw nag-celebrate ng birthday mo ah!” “May pasok kase ako tsaka hindi naman tayo sanay na nagce-celebrate 'di ba?” “Kahit na, hindi ka na nga nag-celebrate ng debut mo. Bahala ka, ipangchi-chicks ko na lang dito 'yung ayaw mong tanggapin," biro nito. “I know, kahit naman hingan kita ng pera linggo-linggo makakapambababe ka pa rin naman. Knowing you Kuya,” ganting biro ko. Naglakad na ako habang nag-uusap kami dahil alam kong uubusin na naman nito ang load niya bago tapusin ang usap namin. Kung anu-ano ang mga kwento niya tungkol sa trabaho at mga bago nya’ng kakilala. Ang dami niya rin tanong tungkol sa araw-araw kong ginagawa at sa bahay kapag umuuwi ako.  Hanggang sa nakarating na ako sa tapat ng boarding house namin.“S'ya nga pla kuya, thank you dun sa food na pina-deliver mo after nun birthday ko, ha?” “Anong food? Wala naman akong pinapadala d'yan." nagtatakang tanong nito. “Totoo? Hindi ka nagpa-deliver ng pagkain dito?” kunot noong tanong ko. Sino naman magpapadala nun kundi si Kuya? “Baka naman may boyfriend ka na hindi mo pa sinasabi sa Kuya mo. Hindi naman kita pinagbabawalan pero dapat alam mo ang limitasyon, ha? Ipakilala mo rin sa'kin para makilatis," seryosong utos nito.  Nakaipit sa pagitan ng tenga at balikat ko ang cellphohe habang binubuksan ang gate. Tama ako, mag-uubos ulit ito ng load.  “Kuya, alam mo namang wala akong tiwala sa mga lahi ni Adan 'di ba? Kapag siguro may nakilala akong katulad ni Papa Damian, baka pa. Kaso ang nakikilala ko, mga katulad mo rin eh! tukso ko rito habang humahalakhak ng malakas. “Tsaka natatakot ako na ako ang makarma sa mga pinaggagawa mo sa mga babae.” “Bunsoy, hindi na ako ganun. Nagbago na ako alam mo 'yun. Kahit itanong mo pa sa Ate Madelyn mo." Ang tinutukoy nito ay ang naiwang girlfriend. "Teka, man hater ka na?” “Hindi ah. Alam mo naman na marami kaming barkadang lalaki 'di ba? Ganun ba ang man hater? Tsaka love na love kaya kita…kahit ganyan ka!" “Bolera ka talaga! Pero kung ako ang tatanungin, mas ok sa akin syempre na 'wag ka munang mag-boyfriend pero kung magkaron man eh basta ipakilala mo sa'kin, ha? Para ako'ng bahala kapag pinaiyak ka.” “Wow, sige sige. Tapos aalamin ko lahat ng info pati relatives para madali mong ma-hunting ano?” Pareho kaming tumatawa habang nag-uusap ng mga walang kwentang bagay. Kahit pa malaki ang magastos niya sa pagtawag ay balewala kapag naumpisahan na akong pag-trip-an. Hindi muna ako pumasok sa loob at nanatiling nakaharap sa gate na bukas. “Hay naku Kuya, sabihin mo lang kung ayaw mo na sa'kin at hindi lang ako magbo-boyfriend, mag-aasawa agad ako,” biro ko na sinabayan nang malakas na tawa.  Eto ang kahinaan niya pagdating sa'kin. “Subukan mo lang kundi bugbog ka talaga sa'kin, pareho kayo,” birong banta nito. Mas lalo kong nilakasan ang halakhak. “Kitam? Kaya ayokong mag-boyfriend kase nga mag-aasawa agad ako." Biglang humina ang tawa nito at may narinig akong boses ng babae. “Wait!. Just for a while... No, it's my sister.. Shhhh, just give me a minute, ok?” bulong nito na rinig ko rin naman. “Hmmmm, nagbago na pala, ha? Oh sige na, galit na yata si Honey. Bulong pa, rinig naman. Tsk, tsk. Boys will always be boys.” “Bunsoy, I’ll call you again. Ingat ka d'yan” “Ingat ka rin d'yan Kuya.” Nawala agad ito sa linya. Napailing na lang ako. Si Kuya talaga! Inilagay ko ang cellphone sa bag at pumasok. Nang isasara ko na ang gate ay muntik na akong mapaigtad. “Ay palaka!” Bahagyang nakaupo si Ethan sa motor na halos nasa likod ko lang nang kausap ko si Kuya Aerol. “Kanina ka pa d'yan?” tanong ko. “Mula ng dumating ka?” nakangiti nitong sagot. Bakit ang gwapo nito? Kahit konting ngiti lang, pamatay na. Bagay na bagay pa ang uniform nya'ng suot. Lalo yata sya'ng gumwapo ngayon. Ipinilig ko ang ulo ng mapansin ang lalong paglapad ng ngiti nito . Gosh! Napatitig na naman yata ako sa kanya.  “Ikaw, ha? Napapadalas ang pagtitig mo sa'kin. Baka iba na 'yan, Babe. Sabihin mo lang, madali naman akong mag-adjust” nakangising tukso nito. “Feeling ka. Ano'ng ginagawa mo rito?” Pagtataray ko para hindi mahalata ang pagkapahiya. “Sinundo ka.” “Anong sinundo?”  “Galing sa school. Masyado kang busy na 'di mo man lang naramdaman na kasunod mo ako. Hindi naman kita maistorbo dahil mukang enjoy na enjoy ka sa kausap mo.” Napalitan ng simangot ang ngiti nito kanina. Natawa ako sa itsura nito at nakaisip ng pambawi. “Sounds like a jealous boyfriend ah?! Baka iba na 'yan, babe. Sabihin mo lang…” bigla kong nakagat ang labi ko. Ang tanga lang Monica? Lalo nya'ng ibinigay ang nakakaloko nya'ng ngisi at lumapit sa akin. “Sure ka na ba d'yan, Babe? Kase pakiramdam ko nga, iba na ‘to.” Kumabog na naman ang dibdib ko sa sobrang lapit niya at hindi agad nakasagot. And I feel my heart beating fast. May naramdaman din akong kakaiba sa tiyan ko. Ano ba ‘to? Tumikhim ako at nagbawi ng tingin. Hindi ko kinakaya ang mga titig nya. I tried to compose myself. “A… ang pakiramdam ko, nagugutom na ‘ko kaya umuwi ka na. Magluluto pa ko,” taboy ko rito. Sa halip na mainis, ay lalo pa yata itong natuwa. Kumunot ang noo ko at hinintay lang kung aalis nga siya. “Ano namang lulutuin mo? Pwede bang makikain?” “Wala akong ipapakain sa'yo 'no? Sa inyo maraming pagkain 'di ba? Uwi na!” “So anong lulutuin mo? Pancit canton at egg?" Natawa ako. “Bakit alam neto?”  Ito kase ang madalas namin kinakain dito dahil tamad magluto lalo na't paubos na ang budget. Hindi rin ako mahilig bumili ng lutong ulam. “I just know. Hindi healthy 'yun alam mo ba?” sumeryoso ang mukha nito pagkasabi niyon. “Alam ko pero hindi mo pa yata naranasan tumira sa ganto kaya hindi mo alam kung bakit 'yun ang usual naming kainin." He moved his lips . "Let’s eat outside.” Utos 'yun at hindi imbitasyon. Tumaas ang kilay ko. “Ayoko!" Mahal kumain sa labas. Gusto ko sanang idugtong. “My treat..for helping me out to make an excuse.. Kay Mama.”  Napalunok ako. Nabasa niya yata ang nasa isip ko. Pero bakit siya ang magti-treat samantalang ako ang may atraso sa kanya? “Ikaw nga ang napaaway dahil sa'kin tapos ikaw pa ang manlilibre?” “E di ako ang ilibre mo?” “Sorry, I'm poor. For sure hindi ko afford ang taste mo sa pagkain. Uwi na dali,” tinulak ko siya sa dibdid para itaboy pero hindi man lang ito natinag.  Sa halip ay seryso akong tiningnan at hinawakan ang kamay ko na nakalapat pa sa dibdib niya. Bigla na naman akong kinabahan. At parang may dumaloy na kuryente sa kamay ko na hawak niya. Gusto kong bawiin ang kamay ko pero mahigpit niya itong hinawakan. Sinalubong ko ang tingin niya. Dapat magalit ako tulad ng nararamdaman ko sa iba kapag hinahawakan ako. Pero bakit parang may kung anong magnet na humihila sa akin na manatili sa ganoong sitwasyon? Ilang sandali kaming nagtitigan, bumaba ang mata niya sa mga labi ko. I consciously bit my lips. Napansin ko ang paggalaw ng adam's apple niya.  I cleared my throat at pilit hinila ang kamay ko. “Umm, pasok na 'ko. Oo, tama t..treat kita. Next time,” sabi ko na nauutal.  Hindi ko na siya hinintay sumagot at dali-daling isinara ang gate. Napahawak ako sa dibdib ko habang nakasandal sa nakasaradong gate. My Gosh! Bakit ganun? Ano 'yun? Nalilito kong tanong sa sarili. Sumilip ako sa labas, nakasakay na siya sa motor niya pero hindi pa umaalis. Nakangiti siya habang nilalaro ang susi ng motor niya. Madiin kong kinagat ang labi ko at napapikit. Ang tanga ko! Dali-dali akong pumasok sa loob. Baka mapansin niya na hinihintay ko pa siyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD