Prologue

1184 Words
Habang nagbubuklat ng mga libro ay naagaw ng pansin ko ang grupo ng mga lalaki na maingay na nagkakantyawan sa loob ng bookstore. "Pare, si Ethan nga hinahabol habol pa rin ni Cindy kaso iba 'tong magsawa, kahit gaano kaganda hindi na binabalikan." "Panigurado may bago na 'yan kaya ganyan 'yan. Tanda ko pa kung gaano ka-inlove 'yan noon halos ayaw nang pakawalan ung chicks." Nag-high five pa ang dalawa sa pinakamalakas ang boses. "Mga ulol! Tigilan n'yo nga ako," tipid na sagot ng lalaking inaasar nila. Awtomatiko akong napatingin sa kanila. Parang pamilyar ang boses. Hindi ko ito makilala dahil nakatalikod ang mga ito. "Pero pare, ayaw mo na ba talaga? May bago ka na?" tanong ng isa sa mga ito na nakasalamin. "Soon pare, kaso mukang manhater eh. Pero tingin ko, siya na." Nagtawanan ang mga kasama nito. "Wow pare, mukang tinamaan na nga itong kaibigan natin. Siya ba 'yong ini-stalk mo non isang araw? Kaya pala lagi mong hawak ngayon ang cellphone mo." "Eh naka-first base ka na ba? Sino yun, kilala namin?" tanong ng isa. Umiling ito. " Suplada eh. Hindi nga pinapansin ang mga text ko." Muli akong napatingin sa kanila. Parang narinig ko na talaga ang boses na 'yun, hindi ko lang matandaan. Maya-maya ay lumapit sa'kin si Noemi, bitbit ang ilang items na binili nya. "Tara na? Nag-text na ba si Bobby, Mon? Baka inuubos na 'yon ni Aubrey ha? Sabihin mo, tirhan naman ako!" sabi nito saka tumawa ito nang malakas. Natawa rin ako nang marinig ang biro niya. "Baliw ka talaga!" Tumunog ang cellphone ko "speaking" sinagot ko ito saka kinindatan si Noemi. "Hello Kuya Bobby, tapos na ba kayo?.." Hinila ko si Noemi palabas nang may humarang sa harap ko. "O..oo Kuya.." Kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang nasa harap ko. "Yes?" tanong ko sa kanya. Ito 'yong kaibigan ni Chelsea na muntik na akong bukulan. Napatingin ako sa ilang lalaki na hindi kalayuan sa kanya na nakamasid sa'min na lahat ay ngiting-ngiti. 'Parang sila 'yung maingay kanina,' naisip ko. "Hi, Mon!" bati nito habang napapakamot sa batok. Tipid akong ngumiti. "Bunsoy, saan n'yo gustong kumain?" I came back to my senses. Nasa kabilang linya pa nga pala si Kuya Bobby. "Kahit saan Kuya Bobby, palabas na kami dito sa bookstore..." "Excuse me." Tiningnan ko ulit siya at diretsong lumabas hila ang braso ni Noemi. "Sa Max's. Ok, papunta na kami." Tumigil si Noemi pagkababa ko ng telepono. "Mon, sino 'yon bumati sa'yo kanina? Ang gwapo ah. Ang tangkad pa," nakangiti nitong tanong at lumingon pa. "Bakit hindi mo kinausap?" "Hindi ko 'yun kilala, baka napagkamalan lang ako," kaila ko. Pero hindi ko naman talaga alam kung ano ang pangalan niya. Nakilala ko lang siya sa mukha. "Eh alam niya ang pangalan mo 'di ba?... OMG, manliligaw mo? Swerte mo, Mon ang hot niya!" kinikilig ito habang takip ang bibig. "Baliw! Bumati lang manliligaw agad?" tumalikod ako at naglakad. "Tara na, hinihintay na tayo ng Prince Charming mo," tukso ko. "Nakakainis ka! Alam mo naman na nagmo-move on na ko sa Kuya mong hilaw, inili-link mo na naman 'ko," maktol nito. "Sus, eh bakit ka sumama?" Yumakap ako sa braso niya at sabay kaming naglakad. "Yaan mo na makikilala mo rin ang totoong Prince Charming mo." Ngumuso ito at tumingin sa'kin. "Sana kasing gwapo nun humarang sa'yo." Ngumiwi ako pagkasabi nito. Pero hindi ko na lang kinontra. "As you wish!" Pagdating namin sa Reataurant ay naghihintay na sa amin sila Kuya Bobby at Ate Aubrey. Umupo kami sa tapat nilang dalawa. Tinawag nito ang waiter at kinuha ang order namin. Maya-maya ay may pumasok na mga customer at umupo sa kabilang lamesa sa likod nila Kuya Bobby. Hindi ko pinagtuunan nang pansin ang mga ito hanggang sa kinurot ako sa braso ni Noemi. "Aray! Ano ba?" nilingon ko siya at isinenyas ang likod ni Kuya Bobby. Sinundan ko nang tingin ang nginunguso niya at nasalubong ng mata ko ang nakatingin sa akin sa katabing lamesa. Kumunot ang noo ko. Siya na naman? Kasama nito ang tatlo pang lalaki. Nakita ko ang pagsiko sa kanya ng katabi nitong lalaki na hindi niya pinansin. Ngumiti siya but I furrowed my brows. Iniwas ko ang tingin. 'Weird!' "Bunsoy, kausap ko nga pala si Aerol kanina. Pinabibigay niya 'to. Pa-birthday daw niya sa'yo." Inabot nito ang isang katamtamang laki ng paper bag. Kinuha ko ito at binuksan. Tumambad ang isang smart phone na mukang mamahalin. "Wow! Alam ba niya na magkikita tayo ngayon?" "Yup, pero kanina lang. Nag-transfer agad ng pera para raw hindi ka na maka-tanggi. Pinapasabi rin pala na itapon mo na raw 'yong antique mong cellphone," pang-aasar nito. Ngumuso ako pero napangiti nang tumingin sa kanya. "Alam mo, hindi na ako magtataka kung bakit naging mag-bestfriend kayo ni Kuya. Pareho niyong goal sa buhay ang asarin ako." Ipinasok ko sa loob ng backpack ko ang box. "Anyway, thank you sa inyo ni Kuya ha? Mahal na mahal niyo talaga ako. Naiiyak tuloy ako," biro ko. "Ate Aubrey, 'wag mo ng pakakawalan 'yan ah. Kahit ganyan 'yan si Kuya Bobby, pwede mo na rin pagtyagaan." tumatawang biro ko. "Ah, grabe ka talaga! Pagkatapos kitang ihanap ng cellphone mo gaganyanin mo 'ko? Alam mo bang iilan na lang kami ni Aerol na super loyal at sobrang mapagmahal na boyfriend.. Di ba Hon?" Kinuha nito ang kamay ni Ate Aubrey at saka hinalikan. Si Ate Aubrey naman ay ngiting-ngiti na hinawakan din ang kamay ni Kuya Aerol. Sa totoo lang ay sweet talaga itong si Kuya Bobby at totoong swerte si Ate Aubrey sa kanya. First love nila ang isa't isa at halos limang taon na rin. Napangiti ako pero pinigilan ko nang mapalingon kay Noemi na kunwari'y masayang nakikinig. Nilapag ng waiter ang mga pagkain na in-order namin at nagsimulang kumain. "At dahil nilalaglag mo 'ko, hindi ko ibibigay sa'yo 'yung allowance mo..Huh!? Tingnan natin," baling sa'kin ni Kuya Bobby habang ngumunguya. "May allowance na ko 'no? Binigyan na 'ko ni Nanay." Nilabas nito ang sobre at itinapik-tapik sa palad niya. Ngumiti ako at inirapan siya. "Sabi pa naman ni utol, nakokonsensya raw siya dahil hindi ka nakapag-celebrate ng debut mo last year kaya dito na lang daw siya babawi. Pero since ayaw mo, akin na lang." Ngumuso ako at yumuko saka muling tumingin sa kanya. "Kuya, magkano ba itong cellphone? 'Di ba mahal 'to?" nag aalangan kong tanong. Hindi ko pa naman kase kailangang ang gantong cellphone. Basta magagamit sa text at pangtawag ay ok na sa akin. "Bunsoy, alam mo naman na mahal na mahal ka ng Kuya mo kaya balewala sa kanya 'to." Inilagay niya sa kamay ko ang sobre. "Pwede mo raw i-treat ang mga barkada mo." Nakangisi ito na itinaas taas pa ang kilay. Ngumiti ako at tumingin kay Noemi. Nag-high five kami at saka bumungisngis. Napatingin ako sa mga lalaking nasa katabing mesa dahil nagkakantyawan ang mga ito. Saktong napatingin sa akin ang kaibigan ni Chelsea. Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Lumingon din si Kuya Bobby, pagkuwa'y tumango ito at nakangiting tumingin muli sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD