CHAPTER 9 Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang buntis na babae na kumakatok sa pintuan. Biglang parang natakot ako. Hindi ko maipaliwanag yung takot na namuo sa dibdib ko ngunit mahusay kong pinakalma ang aking sarili sa paghinga ng malalim. Sabi ko sa sarili ko, huwag OA Terence. Huwag mag-assume, huwag mag-judge. Kung sakaling may hindi magandang mangyari, matibay ka na oo nga't pangit ka pero matatag ka, matalino at buo pa din ang pagkatao. Kaya nang pagbuksan ko siya ng pinto ay naging kalmado na ako at mabilis na akong nagpakawala ng magiliw at maaliwalas na ngiti. "Sino pong hinahanap nila?" magalang kong tanong. Ngumiti siya sa akin. Dama ko ang kabaitan niya. Ngiting hindi nagpapakitang tao lang. Ngiting totoo na parang nababasa mo ang kanilisan ng puso. "Magtatanong po sa