Tigang

2428 Words

CHAPTER 8 Hindi ko alam kung ano ang meron sa paghawak niya ng aking kamay nang hinatid ko siya. Hindi ko din alam kung bakit hindi ko na nakalimutan pa ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking labi. Dahil ba noon lang ako nakaranas na halikan ako ng lalaking mahal ko? Hindi na naging madali sa akin ang magiging masaya. Hindi na katulad noong una kaming nagkahiwalay. Parang sa akin, napakabilis ko siyang tanggalin sa aking utak at harapin ang pag-aaral ngunit ngayon, bakit kahit anong gawin ko ay paulit-ulit lang iyong tumatakbo sa isipan ko. Kung dati sakop niya ang bahagi ng aking puso at kaya iyon na kontrolin ng aking utak, ngayong nakasilip na ako ng kaunting siwang ng liwanag ay buo na niyang inangkin ang aking pagkatao. Mahal na mahal ko na si Lando ngunit hindi ko siya maaring makit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD