CHAPTER 10 Nahiwagaan din ako sa tanong. Sasabihin ko bang kami kung wala naman talagang napag-usapan na kami. Kapag nagsex na, may mga lambingan at pagpapahalaga, ibig bang sabihin no'n kami na kahit di ko man lang narinig sa kaniyang sinabi niya na mahal niya din ako? Kahit pa sabihing mahal ko siya at kahit papano nababasa ko sa mga kilos niya ang kahit papano ay may pagpapahalaga siya sa akin ay puwede nab a ituring iyon na officially, akin na siya? "Pati ba naman pagkakaibigan namin ni Terence pag-iisipan mo ng iba? Ikaw talaga." Iyon ang narinig kong sagot ni Lando. Ang sagot niyang iyon ang naghatid sa akin sa katotohanan. Oo nga naman. Magkaibigan lang kami. Bukod sa mga nangyayari sa pagitan namin, wala ng masasabing espesyal na turingan naming dalawa. At kung ako ang sumagot,