CHAPTER 11 Pagbalik ko ng Manila ay sunod ko namang pinarenta sa iba ang condo ko. Hindi sa gusto kong pagkakitahan ito kundi gusto kong kahit papaano ay may maglilinis o may mag-aalaga habang wala ako. Si Mama ang inatasan kong maningil buwan-buwan. Alam kong di naman nangangailangan si Mama pero sinabi niyang ihuhulog na lang niya sa bank account ko para magiging savings ko na lamang din. Mahirap para sa akin na lisanin ang bahay na siyang nagiging piping saksi sa ilang araw na kaligayahang hatid ng naudlot na pagmamahalan namin ni Lando. Nang piñata ko ang ilaw ay alam kong babalot na muna doon ang kadiliman. Nang isara ko ang pintuan ay hudyat na din iyon na isasara ko na ang puso at isipan ko para kay Lando. Ang hindi ko lang alam ay kung hanggang kalian. Ang di ko lang sigurado ay k