CHAPTER III
Valedictorian lang naman ang lola niyo nang nagtapos kami ng high school. Mahirap namang nang naghagis ang Diyos ng kagandahan ay tulog ako at hahayaang tulog pa din ako nang naghagis ito ng katalinuhan. Kaya dilat na dilat ako nang naghagis ng Diyos ng dunong at hindi ko din hinayaang makatulog ako ng nagpaambon siya ng kabaitan.
Tulad ng inaasahan ko, pagkatapos ng high school, tapos na din ang relasyon nila ni Janine, nawala ang impakta ngunit naroon parin naman ako sa piling ni Lando. Iyon ang kinaganda ng tunay na kaibigan, nawawala ang mga karelasyon ngunit kung tapat at tunay kang kaibigan, mananatili ka sa buhay ng mahal mo. Masakit, mahirap, madami kang dapat isakripisyo ngunit ang kapalit naman ay ang pananatili niya sa buhay mo basta maging handa ka lang na masaktan, lumuha at magparaya para sa kaniyang ikaliligaya. Mother Teresa ang beauty ng lola ninyo. Living Saint siya pero ngayong dedo na siya ako ang pumalit sa trono niya sa buhay ng pinakamamahal kong si Lando.
Enrolment noon nang sinabi sa akin ni Lando na gusto niyang kung saan ako mag-aaral ay doon din siya. Plano ko pa naman sana sa UST, La Salle o kaya ay sa UP magtapos pero dahil sa pagmamahal ko sa lolo mo, e sa San Sebastian na namin ipinagpatuloy ang college life namin. Mas lalong mahirap sa akin pigilin ang aking nararamdaman lalo pa't sa iisang kuwarto na lang kami. Tuwing gabi na magshower siya bago matulog at tatanggalin ang balabal niyang tuwalya at tanging brief o boxer short na lamang ang suot niya ay napapalunok ako sa ganda ng hubog ng katawan idagdag pa ang bukol niyang nahalikan ko lang naman. Sa tuwing tulog na siya ay halos luluwa ang mga mata ko sa pagtitig sa kaniyang kahubdan. Para siyang napakasarap na ulam na napakasarap kamayin ngunit wala akong sapat na perang bilhin kaya hanggang tingin lang ako. Bawal amuyin lalong bawal sandukin. Sa tuwing nagigising siya sa umaga at nakasherlag ang alaga niya na pupunta sa banyo para umihi ay hindi ko mapigilang pagmasdan iyon at parang bigla akong nawawala sa katinuan. Sarap sana iyong isubo ng buong buo lalo pa't galit na galit. Pero masaya na ako do'n. Masaya na akong kasama siya sa kuwarto. Nakikitang hubad, nakikitang nakasherlag, nakakabiruan, nakakatabi sa upuan at napagmamasdan kahit hanggang anong oras ko gustong tignan. Napakahirap talang pigilin ang sariling gusto nang bumigay ngunit respeto sa sarili at paggalang sa aming pagkakaibigan ang tanging pinairal ko.
Kumuha ako ng Accountancy at siya naman ay Management. Di daw niya kaya ang kurso ko pero hindi ko naman kayang mag-adjust pa ng course para sa kaniya. Oo nga't mahal ko siya pero naisip ko pa din na ang kursong kukunin ko ay isang mahalagang desisyon na magiging parte ng aking kabuuan.
Naging maayos naman ang turingan namin ni Lando. Lahat ng gusto niya ay nagagawa naman niya sa kuwarto namin. Nang dahil sa kaniya, pinilit kong matutong magluto. Dahil sa mga papuri niya sa mga luto, lalo kong pinagsumikapan dahil napaniwala naman ako sa sinasabi nilang "The fastest way to man's heart is through his stomach". Gurl, dalawang taon kong ginawa iyon pero parang walang nabago. Hindi ko parin napansin na minahal niya ako pero madalas kong naririnig niya ibinibida niya ako sa mga katropa niya ang sarap ng luto kong sisig at iba pang mga pulutan. Hindi ko alam kong binobola lang niya ako para sa tuwing magshot sila ay lulutuan ko sila ng ganoong pulutan o kaya ay nagsasabi lang talaga siya ng totoo. Bespren ang pakilala niya sa akin sa kaniyang mga kaibigan at tropa. Okey na ako doon. Ke binobola niya ako o totoong masarap ang pulutang inihahain ko, wala na akong pakialam basta ang alam ko, masaya akong pagsilbihan siyang parang asawa lang.
Third year college na kami noong naglalasing siyang nadatnan ko sa kuwarto. Nakabihis na siya noon. Nakita ko ang kaniyang mga maleta sa tabi.
"Anong nangyari?" pagtataka kong tanong sa kaniya. Hindi niya ugaling uminom ng mag-isa lang siya. Lalong hindi ko maintindihan kung bakit lahat ng gamit niya ay nakasilid na sa maleta.
"Uuwi na ako sa atin. Hindi na ako mag-aaral pa."
"Bakit?" nataranta kong tanong.
"Naembargo ang bahay namin. Sumama sa ibang lalaki si Mommy at baon pa sa utang si Daddy sa nalugi niyang negosyo. Hindi na ako makapagpapatuloy sa pag-aaral ko tol."
Tuluyan ng umagos ang kaniyang luha. Dama ko ang kahirapan ng kaniyang kalooban. Napansin ko din na sa nagdaang mga buwan, halos ako na ang bumibili ng pagkain namin, mga kailangan sa banyo at nitong huling bayaran ng tuition ako ang sumagot na kinuha ko sa ipon ko at di pa niya ako nababayaran. Sa akin naman, okey lang iyon dahil scholar naman ako at okey naman ang pamumuhay namin. Sa kaniya ako nakaramdam ng awa dahil hindi siya sanay sa hirap. Minsan hindi siya makalabas dahil wala siyang pera. Umiiwas sa barkada dahil wala siyang mabunot na pera. Nang makita kong may tumulong luha na umagos sa kaniyang pisngi, alam ko, hindi niya gustong tumigil sa pag-aaral. Hindi siya handa para sa malaking pagbabago sa kaniyang buhay.
"Sayang naman kung hindi mo tatapusin ang pag-aaral mo." Umupo ako. Nag-isip.
"Sayang nga ngunit may magagawa ba ako?" tumabi siya sa akin. Yumuko at minamasa-masahe niya ang kaniyang ulo. Bumuntong hininga. Ramdam ko ang bigat ng kaniyang dinadala.
"Siguro naman may magagawa pa tayo. Puwede tayong magtrabahong dalawa para sa iyo. Puwede ko ding limitahan ang paggasto ko para ipunin nang makatulong naman iyon sa tuition mo. Kaya naman siguro nating dalawa huwag ka lang titigil sa pag-aaral mo. Kung talagang hindi natin kaya ay puwede ko ding palabasin na wala na akong scholarship dahil bumaba ang grades ko at ang ibigay nina mama na tuition ko ay siya mong pambayad sa tuition mo...baka naman puwedeng ganun di ba?"
Nag-isip siya. Nag-isip din ako. Parang hindi ko yata kayang magsinungaling sa mga magulang ko. Hindi ko alam kung paano sila maniniwalang wala na akong scholarship gayong alam nila na ako ang laging may pinakamataas na general average sa buong campus at kung pagpalain ay magiging Suma-cumlaude. Hindi ko din alam kung paano ako magsisinungaling sa kanila at mahingan ng pera para sa lalaking lihim kong minahal. Kailan ba ako huling nagsinungaling sa kanila? Hindi ko matandaan pero ang alam ko ay hindi ko alam na kaya kong gawin ang bagay na iyon para sa aking mahal. Hindi ko din siguradong makakaya ng konsensiya kong ipagpapalit ang pagtitiwala ng pamilya ko kapalit ng pagtulong sa taong lubos at lihim kong mahal. At nabigla ako sa naging bilis ng desisyon ko...at ang tanging alam ko noon ay..."bahala na!"
"Tama ka, pwede akong magtrabaho, bawasan ko na lamang ang i-enrol kong units next sem. Kung ano ang kaya mong maitulong sa akin, tatanggapin ko at balang araw babawi ako sa iyo ngunit hindi ako gano'n kasama para tanggapin yung alok mong magsisinungaling ka sa mga magulang mo para lamang sa tuition ko. Titigil na lamang ako kaysa gawin mo 'yun."
"Tama ka. Pero kunsakali lang naman na magkagipitan. Babawi na lang ako sa ibang bagay sa mga magulang ko. Natakot lang ako na titigil ka sa pag-aaral mo lalo na ilang taon na lang makakatapos na tayong dalawa. Sayang."
"Hindi mo dapat sisirain ang tiwala nila sa iyo dahil lang sa gusto mo akong tulungan. Marami pang puwede nating gawin basta ba handa kang pagtiisan ako at hindi mo ako obligahin sa bayad ng renta sa bahay at baka madalas niyan, di ako makapag-ambag ng para sa pagkain natin."
"Kung sa renta, huwag kang mag-alala kaya ko na pag-ipunan 'yun. Sa pagkain naman, kasya na siguro ang allowance ko para sa ating dalawa basta ba tiis ka lang sa luto ko."
"Ako pa ang magtiis samantalang pera mo na ang pambili, ikaw pa ang magluluto. Tutulong na lang ako sa mga gawaing bahay nang makabawi ako sa iyo."
"O, paano, solve na ang problema?"
Huminga siya ng malalim. "Oo, solve na naman. As usual, ikaw na naman ang gumawa ng paraan. Laging ikaw ang lumulutas sa lahat ng problema ko. Nakakahiya na."
"Huwag mo nga isipin 'yan. Basta nandito lang ako." tatalikod na sana ako para magpalit nang hinawakan niya ang balikat ko.
"Salamat tol. Sobrang nagpapasalamat ako at nandiyan ka." Bigla niya akong niyakap. Isang mahigpit na yakap na siyang tumibag sa akin. Kung sa kaniya ang yakap na iyon ay pasasalamat. Sa akin, nagbigay iyon ng libong boltahe sa akin. Isang yakap na matagal ko ng pinangarap. Ang makita na nga lang siyang nakashort at sando ay langit ko na iyon, ano na lang itong buong niyang katawan na naidampi sa aking katawan?
"Wala nga 'yun ano ka ba." Tinapik ko ang balikat niya. Sasabog na ako kung hindi pa siya bibitaw sa pagkakayakap niya sa akin.
Tumingin siya sa akin. Natuyo na ang kaniyang mga luha.
"Salamat at pinatatag mo ang loob ko. Litung-lito na ako kanina. Dami ko ng utang na loob sa iyo. Di na kita mababayaran."
"Wala yun, ikaw naman, huwag mo ng isipin iyon. Ubos na ba iniinom mo! Sabayan kita!"
Sinabayan ko nga siya sa pag-inom. Nauna siyang nalasing. Hanggang sa dahil hindi na niya kontrolado ang bunganga ay kung anu-ano na ang kaniyang mga nasasabi.
"Bakit mo ginagawa ito sa akin tol? Kasi mula highschool tayo parang ikaw na yung anghel kong hindi napapagod at nagsasawang suportahan ako." nakatingin siya sa akin. Lasing na siya ngunit alam ko na alam pa din niya ang sinasabi niya sa akin.
"Kasi nga magkasangga tayo. Matalik na magkaibigan. Ikaw nga lang ang matalik kong kaibigan. Higit pa nga yata sa kapatid ang turing ko sa'yo" Pagkasabi ko iyon ay bigla akong natigilan. Tang-ina, pagkakataon ko na sana magtapat iyon ngunit sandali, aalog-aalog pa ang mga bilbil ko, tadtad pa ng taghiyawat ang mukha ko at isa parin akong dambuhalang pangit. Magugustuhan naman niya kaya ako? O siya! Sige na nga. Sabihin na nga lang natin ang pinakaproblema ko...may lawit ako! Paano ba niya magugustuhan ang talong kung ang malusog na petchay naman ang hanap niya. Hayyyy!
"Alam mo, kung bakla ka lang tol, siguro isipin ko na gusto mo ako, na mahal mo ako. At kung sakali mang gano'n ka? Sa dami ng naitulong mo sa akin? Handa akong magpahada sa iyo ng walang kahit anong kapalit. Iyon nga lang ay alam ko namang hindi ka ganu'n." tumawa siya. Kasabay niyon ng paghubad niya sa kaniyang damit at tanging pantalon na lamang ang suot niya. Tumambad muli sa akin ang matagal ko ng kinababaliwang katawan niya. Napakaganda ng pagkakahulma ng kaniyang katawan. Litaw ang maumbok niyang dibdib at kahit walang abs ay wala naman siyang tiyan na binagayan ng manipis na buhok sa dibdib hanggang sa kaniyang pusod. Napapalunok ako habang pinagmamasdan siya lalo pa't nakakapang-akit ang kaniyang mukha kasabay pa ng kaniyang sinasabi. Bigla akong tinigasan.
Ako naman ay tumungga ng alak at tubig dahil nga hindi ko talaga akalain na masabi niya iyon sa akin.
"Kaya nga malakas ang loob mong sabihin iyan sa akin dahil alam mong hindi tayo talo!" iyon lang ang nasabi ko bilang panlaban sa sinabi niya. Ngunit muli akong nagsisi sa nasabi ko. Ano ba itong nangyayari sa akin. Nakapagbibitaw ako ng salitang hindi ko nagugustuhan.
"Tol, seryoso nga ako. Totoo ang sinabi ko! Kaya kong gawin iyon!"
Nanlaki ang mga mata ko. Napalunok ako. Amoy ba niya ako? Susunggaban ko na ba ito? Ito na ba ang katuparan ng aking mga pangarap? Nahalata niya ang pagkabigla ko at pangangatal dahil hindi ko talaga kayang itago sa kaniya ang kakaiba kong emosyon. Kitang-kita iyon sa kilos ko at mababanaag ang excitement sa aking mukha.
"Uyy tol! Baka isipin mo bakla ako ha! Nagbibiro lang ako! Iba na kasi hitsura mo e. Baka kasi isipin mo binabae ako! Inom na nga lang tayo!" nilagyan niya ng alak ang baso ko at baso niya. Inabot niya sa akin ang baso ko na parang wala parin ako sa aking sarili.
"Cheers tol"
Nakita ko ang bahagyang pamumula ng kaniyang mukha at ang parang inaantok na niyang mga mata. Sarap sigurong halikan ang mapupula at mamasa-masa niyang labi. Bigla na naman lumakas ang kabog ng aking dibdib. Tang inang pagmamahal ito. Tuluyan niyang ginagapi ang aking katinuan.
Kinuha niya ang kamay ko na may hawak na baso ng alak. Pinisil niya sabay taas saka niya tinaas ang kaniyang baso.
"Cheers sabi ko! Okey ka lang ba tol?"
"Cheers." Sagot kong kahit papano ay nahimasmasan na rin uli.
Hanggang sa nakita kong hindi na niya kaya pa. Hindi ko na maintindihan ang kaniyang mga sinasabi. Inalalayan ko siya papunta sa kaniyang kama at sa bigat niya ay napasalampak kaming dalawa. Dahil ibinalanse ko siya ay ako ang napatungan niya. Dama ko ang init ng katawan niya. Tumbok na tumbok ng alaga ko ang alaga na noon ay naghuhumigting na. Nagulat siya at napatingin sa akin. Nagtama ang aming mga paningin at gumalaw ang kamay ko sa kaniyang likod. Dama ng kamay ko ang magandang hubog ng kaniyang likod na lumakbay malapit sa kaniyang puwitan. Halos hindi ko na kayanin ang init. Nag-uumigting na ang kakaibang sipa ng aking libog! Gusto ng bumigay ang aking katinuan! Lalo pa't napasubsubo na ang labi niya sa gilid din ng aking labi. Ramdam ko ang kakaibang sensasyon ng aksidenteng halik na iyo sa gilid ng aking labi. Amoy ko ng bahagya ang kahit amoy alak niyang hininga ay walang mamahalin pabango ang pwede kong ipagpalit sa sinasamyo kong halimuyak na nanggagaling sa kaniyang ilong. Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan na sumasanib sa aking katinuan. Halos tuluyan ng bumigay ang aking buong katinuan. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung paano ko iiwasang ang nag-uumapoy ko ng pagnanasa. Kung may mangyari ngayon sa amin? Kaya ko bang iharap sa kaniya ang aking mukha kinabukasan? Kung susunggaban ko ang pagkakataon, ang isang panandaliang pagkakamali bang ito ay kaya niyang pagtakpan ang habang panahon kong pagsisisihan? Kaya ko bang isugal ang tawag ng laman kapalit ng maayos at matagal na naming pagkakaibigan? Ngunit hanggang saan kakayanin ng utak na kontrolin ang sigaw ng aking damdamin. Hanggang kailan kakayanin ng aking pag-iisip ang naghuhumarentado ko ng nararamdaman o mas akma bang sabihing nag-uumigting kong kalibugan?