Selos

2441 Words
CHAPTER IV Ganoon pa mang halos tunawin na ako sa init na aking nararamdaman ay pilit kong tinanggal sa isip ko na ibigay ang hilig ng katawan. Nakainom kaming dalawa. Lasing siya. Sabihin na nating puwede kong gawin ang gusto kong gawin sa kaniya ngunit respeto sa pagkakaibigan namin at hindi ko din kayaning galawin siya ng wala siya sa katinuan. O siya, sige na nga, hindi ko din kayang magladlad ke tulog o gising pa siya. Takot ko lang. Pinahiga ko siya sa kaniyang kama. Nanginginig ko siyang pinagmasdan lalo pa't bakat na bakat ang alaga niya sa kaniyang suot. Napapalunok lang ako. Kung susundin ko lang ang kalibugan ko sa gabing iyon ay maaring nakagawa ako ng hindi ko magugustuhan. Maari din na maging susi iyon ng pagkabuwag n gaming pagkakaibigan. Bago ko magawa ang hindi dapat ay pinilit kong inihakbang ang aking mga paa. Kahit masakit sa loob kong tumalikod at tunguhin ang banyo ay ginawa ko at doon, sa banyong piping saksi ng mga pinipigilan kong pag-ibig kay Lando ay ibinuhos ko ang sinupil kong katas na likha ng ibayong pagkasabik sa kaniya. Nagpatuloy siya sa kaniyang pag-aaral. Sinikap niyang maghanap ng trabaho ngunit laging umuuwing bigo. Madami siyang dahilan. Madami siyang hindi gusto. Ayaw niyang sa fastfood siya magtrabaho dahil baka makita siya ng mga barkada niya at kaklase at asarin pa siyang utus-utusan dahil sa pagiging service crew. Ayaw niya sa mga coffee shop. Basta siya yung tipong naghahanap ng trabaho na hindi pa man nakakatapos ay gusto niya yata Manager agad ang posisyon. Ayaw niyang uutus-utusan siya, ayaw niyang nakikita siyang nagwawalis... hindi ko din naman siya masisisi dahil galing siya sa taas na biglang bumaba... hindi pa siya handang gawin ang bagay na iyon. Hindi pa niya ramdam ang ibayong hagupit ng kahirapan. Tuwing umuuwi sa hapon ay ramdam ko ang bigat ng kaniyang dinadala. Sa paglipas ng araw, alam kong unti- unti na siyang ginagapi ng kawalang pag-asa, malapit na siyang lamunin ng walang katiyakan at gahibla na lang ay tuluyan na siyang bibigay sa krus na dala-dala niya. Lahat ng gastos niya ako muna ang sumagot. Unti-unti ng nababawasan ang ipon ko. Ngunit ganoon talaga. Kailangan kong pangatawanan ang pangako ko sa kaniya. Masaya naman ako sa ginagawa ko. Hindi naman ako nagrereklamo sa pagkakabutas ng aking bulsa. Mahal ko si Lando. Mawala na sa akin ang lahat, ayaw ko lang makitang malungkot siya. Isang lihim na pagtatangi. Hanggang isang araw pagdating ko mula sa school ay naabutan kong may nakahiga sa kama niyang guwapo at hindi maitatagong may sinasabi sa buhay. Maganda ang katawan nito dahil wala siyang pang itaas na damit at ang kumot ay nasa kalahating katawan lang niya. Naisip kong maaring barkada lang ni Lando. "Hi!" matipid kong bati sa entrangherong guwapo. "Hellow! You must be Terence." Iba na ang dinig ko sa dating ng boses niya. Matigas ang katawan. Lalaking lalaki ang hitsura ngunit iba ang dinig ko sa boses niya. May ibang kurba ito. May ibang halimuyak na sumasama sa bawat indayog ng pagbigkas niya ng salita. "Si Lando?" maikli kong tanong para may mapag-usapan lang. "Nasa banyo, naliligo. Ako nga pala si Ram. Bagong kaibigan ni Lando." "Ah, okey. Ram May lakad kayo?" tanong ko. "Nagyaya kasing lumabas ang besfriend mo. Sasama ka?" Uyy, maraming alam tungkol sa amin. Niyaya akong lumabas kasama sila? Tinignan ko sa mata. Binasa ko ang totoong intensiyon niya sa pagyaya...hindi... hindi ko nakikita sa hitsura niya ang sinseridad sa pagyaya. Napakalaking orocan... balot na balot ng kaplastikan. "Kayo na lang. Okey na ako dito." Pagtanggi ko. Mahirap namang makaabala pa ako sa kanila. Biglang lumabas si Lando. Nakabrief lang siya at nagulat ng makita akong naroon na. May sasabihin sana siya kay Ram ngunit nakita ko ang mabilis niyang pagtigil ng makita akong naroon." "Uyy pare, nandiyan ka na pala. Si..." "Ram, kilala ko na siya. Nag-usap na kami." Mapakla kong sagot. Nagtataka ako dahil sa mga barkada niya, hindi ko nakikitang lumalabas siya ng banyo na nakabrief lang ngunit bakit kay Ram, parang wala lang sa kaniyang ibandera ang bukol niya. At nakita ko din ang takam na takam na mga mata ni Ram. Hmmmnnn... parang may naamoy ako ngunit ayaw kong pag-isipan si Lando ng masama. Kilala ko siya... Tama... kilala ko siya noon... ngunit alam ko din ang posibilidad ng pagbabago. Lahat tayo ay nagbabago...at ayaw kong isiping may pagbabago sa kaniya na hatid ng kahirapan. Ayaw kong isipin ang pagbabagong iyon. Natatakot ako. Hinintay ko siya. Hatinggabi... ala-una... alas-dos... alas-tres...nakaidlip na ako... at umaga na...wala paring Lando ang umuwi. Nag-almusal akong mag-isa...naligo at nakapalit... parang wala ako ganang pumasok dahil hindi pa siya umuuwi ngunit huminga na lang ako ng malalim. Sa paraang iyon, mababawasan ang mga naipon doong takot at pagkabahala. Kahit pa kasama niya ang mga barkada o kahit anong lakad, nagagawa niyang umuwi ngunit bakit ngayon? Kahit sa school ay hindi ako mapakali. Walang iisang direksiyon ang iniisip ko. Maraming mga pinatutunguhan dahil nga hindi ko din naman kung ano ang totoong nangyayari. Ngunit hindi nakokontrol ang utak na magbigay ng kahulugan sa bawat napapansin sa paligid. At alam ko, sa panahong iyon, hindi ako maaring magkamali sa aking hinala. Nasasaktan ako. Pagdating ko sa bahay ay nagulat ako sa dami ng mga groceries at mga bagong gamit niya na nakakalat lang. Hindi pa ito natatanggal sa mga plastic bags. Tulog siya at mukhang pagod na pagod dahil tanggal nga damit niya ngunit suot parin niya ang pantalon na nakaloose lang ang belt at button nito. Labas ang garter ng brief. May namumula sa bandang taas ng u***g niya. Binababa ko ang bag ko at mga folders. Umupo ako sa kama ko at pinagmasdan siyang tulog na tulog.Curious ako sa namumulang iyon at nilapitan ko. Tama, hindi ako maaring magkamali. Kiss mark nga iyon. Hindi ko alam pero sumama ang pakiramdam ko. Nahiga ako sa kama ko. Nangyayari na nga ang kinatatakutan ko kahapon. Nabigla man ako ngunit alam kong tinulak siyang gawin ng pagdarahop kung anuman ang ginagawa niya ngayon. Pero si Lando? Ang kaibigan kong si Lando? Hindi ko talaga akalaing magagawa niya ang bagay na iyon. Ngunit sa tulad kong nakakaintindi...ayaw ko siyang husgahan. Sa ngayon, kailangan ko munang magpakalma... hindi ko kailangan mag-isip ng iba maliban sa magkaibigan nga sina Lando at Ram. Iyon ang pakilala nila sa isa't isa ngayon kaya iyon muna ang paniniwalaan ko. Mahirap tanggapin at paniwalaan ang isang bagay lalo pa't mas malaki ang hinala mo ngunit kung gusto mong gumanda kahit sandali lang ang iyong pakiramdam ay kailangan mong mag-isip ng kung ano lang ang alam mong tama. Nakapagluto na ako ng panggabihan namin ngunit tulog parin siya. Alam kong hindi siya pumasok sa klase niya. Gusto ko man siyang gisingin para kumain ay hindi ko na lang muna ginawa. Nahiga na ako at pinatay ang ilaw nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya iyon. Paanas. Nagkunwari akong tulog na tulog. Gusto kong marinig ang sinasabi niya ngunit sadyang hindi ko maintindihan. Bumangon siya. Kinuha ang tuwalya habang may kinakausap siya. Lumabas ng kuwarto. Ilang sandali pa ay bumalik na nakatapis lang ng tuwalya. Tanging ilaw ng celphone ang ginagamit niyang ilaw para makita niya ang kaniyang mga ginagawa. Siguro ang alam niya tulog na ako pero pinakikiramdaman ko siya. Mabilis siyang nagpatalon, nagsuot ng damit, nagwisik ng pabango at lumabas na siya ng bahay. May lakad na naman siya. Paglabas niya sa kuwarto ay sumilip ako sa bintana. Kitang-kita ko si Ram na naninigarilyo na nakasandig sa isang magarang kotse. Mabilis na sumakay si Lando at pagkatapos itapon ni Ram ang sigarilyo niya ay sumakay na din siya. Nang humarurot ang kotse ay isang mainit na luha ang bumagtas sa aking pisngi. Masakit... sobrang sakit. Pinilit ko na lamang matulog. Pinilit kong isiniksik sa aking isipan na wala akong karapatang pigilin kung anuman ang ginagawa niya ngayon. Masakit dahil mahal ko siya. Ngunit wala siyang alam na nasasaktan niya ako dahil hindi naman kami. Magkaibigan kami. Kaibigan lang ang papel ko sa buhay niya. Iyon lang 'yun. Wala akong karapatang panghimasukan siya tungkol do'n. Kung meron man akong dapat pakialaman siguro, iyon ay ang nakikita kong hindi niya pagpasok sa kaniyang mga subjects. Iyon lang ang dapat concern ko. Siguro naman bilang kaibigan, dapat alam kong paaalahanan siya sa kung ano ang nakabubuti sa kaniya. Maliban do'n wala na. Hindi ko na papel pang pagsabihan siya, maliban kung tatanungin niya ako. Halos araw-araw na nangyari na iyon. Hindi na kami nakakapag-usap. Una dahil madaling araw na kung umuwi kaya tulog na din ako at pag-alis ko ng umaga, siya din ay tulog pa. Pangalawa, masakit ang loob ko sa ginagawa niyang pagpapabaya sa kaniyang pag-aaral at ang huli, nagseselos ako. Sa buong sabado at linggo ay wala siya. Kung saan siya pumunta, hindi ko alam. Iisang kuwarto lang kami ngunit parang biglang napakalayo na niya. Hindi ko alam kung tinitiyempuhan lang niya na wala ako saka siya umaalis o sadyang hindi tugma ang oras naming dalawa. Ngunit ang sigurado ko lang ay sadyang hindi siya pumapasok sa kaniyang mga klase. Madaling araw ng Lunes ng dumating siya. Hindi pala, dumating sila. Kasama ng isang napakakinis at may hitsurang anaconda... Ahas agad? May inahas ba siya sa akin? Parang wala naman ngunit nilalayo niya ang kabigan ko sa akin... o siya sige na nga, tama na ang kaplastikan, inaagaw niya si Lando sa buhay ko. Nagising ako sa kaniyang mga tawa...sandali...tawanan pala nila. Kahit patay ang ilaw ay maliwanag naman ang buong kuwarto kaya nakikita ko ang kanilang ginagawang paglalampungan sa kama niya. Masakit yung may hinala ka ngunit mas masakit pa pala yung nakikita mo na. Kung nakita mo na ang isang bagay na sanhi ng pagkasugat ng iyong damdamin, kahit pa pumikit kang muli, kahit pa ayaw mong isipin, nasasaktan ka parin dahil iyon na ang paniniwala mo. May ginagawa silang kinasasakit ng kalooban mo. Hindi ko na makayanan pa ang lahat. Kinuha ko ang unan at nilagay sa aking mukha ng pabagsak. "Huwag ka kasing magulo. Nagigising si Terence." Malakas ang pagka-anas ng salitang iyon. Alam kong sinadyang ipinarinig iyon ni Lando sa akin. Tumahimik ng ilang sandali. Ngunit napalitan naman iyon ng langitngit ng kaniyang kama at mabigat na hininga. Para akong hindi binibigti sa naririnig ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Masakit na masakit ngunit tulad ng dati kong ipinapaunawa sa aking sarili... may karapatan ba ako? Basa ang unan ko ng luha. Natuyo ang luha sa pisngi ko. Tahimik kong ninamnam ang pait ng pag-iyak habang pinagsasaluhan nila ang kakaibang sarap. Nang tumahimik ang langitngit ng kama at unti-unting natapos ang malalim na mga hininga ay pinilit kong itinuloy ang pagtulog. Hinabaan ko ang pasensiya ko. Inintindi ko ang lahat. Hinanap ko ang sarili ko at nilagay sa dapat kalagyan. Kaibigan lang niya ako. Pagkagising ko kinabukasan ay wala na si Ram sa tabi niya ngunit tulog pa siya. Ilang araw na lang finals na namin. Wala akong pasok sa araw na iyon dahil may pinuntahang seminar ang professor namin. Gusto ko siyang makausap. Hindi tungkol kay Ram. O siya, sige na gusting gusto ko siyang tanungin tungkol kay Ram. Sobra yung pagnanais kong ilayo siya sa pamintang iyon. Ngunit hindi tama. Hindi pwede. Masakit pero wala akong lugar na pakialaman ang tungkol do'n. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa kaniyang pag-aaral. Wala akong planong awayin siya. Gusto ko lang malaman ang plano niya...bilang isang nagmamahal...ngunit isang nagmamahal na kaibigan lang. "Kain na." yaya ko sa kaniya nang makita ko siyang bumangon. Sinuklian niya ako ng ngiti. Hindi siya sumagot. Tinignan ang orasan at parang nagulat. Kinuha ang tuwalya na nakasabit at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Nakaligo na siya nang bumalik sa kuwarto. "May lakad na naman kayo?" tanong ko. Alam kong may dating ang pagkakasabi ko pero bahala na. Tao lang din kasi ako. Naiinis. "Oo, e. Usapan kasi namin ni Ram na... " hindi na niya tinuloy. "Late na ako sa usapan namin." "Bakit kung tungkol kay Ram nagmamadali ka samantalang mga klase mo, ni hindi mo na pinapasukan. Malate ka lang sa usapan niyo nagkakaganyan ka pero pa'no naman mga subjects mo na di mo na sinisipot." Tinitigan niya ako. Hindi ako ngumiti. Halatang galit. "Anong ibig mong sabihin, iiwasan ko si Ram at papasok ako sa school?" "Akala ko ba dati mahalaga sa iyo ang pag-aaral mo. Akala ko din dati ayaw mong tumigil at nanghihinayang ka na di matapos ang pag-aaral mo. Pero bakit ng dumating si Ram sa buhay mo, parang nawala na lahat ang mga iyon?" "Dahil imposible ang mga naging usapan natin dati." "Alin ang imposible do'n?" "Lahat, Terence. Lahat lahat. Kailangan ko si Ram para mabuhay. Walang tumatanggap sa akin sa trabaho kaya impsibleng matapos ko pa ang pag-aaral. Kay Ram, naeenjoy ko ang buhay. Nakakalimutan ko lahat ang problema. Kung nasa school ako, hindi ko rin naman maipasok sa utak ko ang sinasabi ng mga instructors namin dahil laging problema lang ang naiisip ko habang nakaupo samantalang kung sasama ako kay Ram, lahat nakakalimutan ko. Masaya akong kasama siya. Hindi na ako mag-aaral. Hindi na pumapasok sa aking utak ang mga pinag-aaralan ko." "Gano'n? Iba ka din ano. Yung mga ibang naghihirap, gumagawa ng paraan para muling umangat. Ikaw, bumaba ka na nga, pati buo mong pagkatao gusto mo pang ibaba." Huli na ng maisip kong mali ang tinuran ko. Nasabi ko na ang dapat ay sa isip ko lang. "Anong sinabi mo pare?" nanlilisik ang mga mata niya. "Wala. Sige gawin mo lang ang gusto mong gawin. Huwag mo lang sabihin na hindi kita pinagsabihan pagdating ng araw." "Hindi, ulitin mo yung sinabi mo kanina. Dinig ko iyon e. Para sabihin ko sa iyo, kaibigan lang kita at wala kang karapatang panghimasukan ang buhay ko. Tarantado ka, matalino ka lang at mayaman, kung magsalita ka akala mo hawak mo na ang mundo." "Huwag mo akong murahin. Pinagsasabihan lang kita dahil kaibigan kita." "Pinagsasabihan mo ako dahil nagseselos ka. Hayaan mo, bukas na bukas lilipat na ako dahil nakakahiya ng pumisan pa sa iyo. Kaya ka siguro nagsasalita sa akin ng ganyan dahil ikaw ang nagbabayad sa tinitirhan natin. Puwes! Solohin mo itong bulok na kuwarto mo!" Umagos ang luha ko. Masakit ang loob ko. Napaupo ako. Hindi ko akalaing sabihan niya ako ng ganun. At dahil sa sakit ng loob may isang nasabi ako na siyang lalong nagpainit sa aming sitwasyon. Noon ko naranasang lumuha dahil hindi lang sa sakit ng loob ng naipong pagseselos kundi sa sakit ng katawan na likha ng galit niya sa mundo na sa akin naibunton. Hindi na siya ang dating si Landon a nakilala ko. Malayong-malayo na siya. Tuluyan na siyang nilasing ng mga panandaling kasiyahang naibibigay ni Ram. At sa araw na iyon, nagsimulang umikot ang pinakamasalimuot na bahagi ng buhay ko, ng buhay namin ni Lando... tuluyang nagiba ang sana mabuti naming pagkakaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD