Chapter 5: Carried by someone

2097 Words
“Nice.” Hindi pa rin mawala sa ngiti ni Asia ang kakaibang pang-aasar kay Callen. Ito ang first time na ngitian siya nito at inasar nang ganoon kaya hindi siya naiinis. Pinapatigil niya lang si Asia dahil hindi nga mawala-wala ang paninigas ng kaibigan niya sa baba. Kung dati, agad na nawawala dahil hindi naman nagtatagal sa paligid niya si Asia, pero ngayon, parang ayaw tumigil dahil sila lang naman na dalawa ang nandito sa haven niya. “Oh my!” biglang tayo ni Asia at lapit sa bintana nang makita ang araw na papasikat. Nawala na sa isipan nito ang pang-aasar kay Callen kaya nakahinga nang maluwag ang binata. Kita ni Callen ang pagsilip sa balcony niya. “Saan ang daan niyan?” Nilingon siya ni Asia pagkuwa’y nginuso ang balcony niya. Nginuso niya rin ang pintuan na natatakpan ng curtain. Agad namang lumapit doon ang dalaga at nagmadaling lumabas. Napangiti siya dahil nakita rin nito ang isa sa paborito niyang spot kapag nandito. Saktong sumisikat na kasi ang araw noon kaya magandang tingnan. Bumaba si Callen at lumapit sa bintana. At imbes na sa magandang sunrise ang tingin ni Callen, sa dalaga na nakatingin doon. Binuka pa nito ang mga braso para damhin ang paligid. Matagal na tinitigan ni Callen ang dalaga sa balcony. Never niyang na-imagine na makakasama niya si Asia dito sa haven niyang ito. Yes, hindi pa naman sila good terms pero good news na pinansin siya nito kagabi na ilayo doon. Hindi naman talaga siya dadalo, pero dahil sa kanya napadalo siya. Hinayaan ni Callen sa balcony, lumabas siya ng silid para tumawag sa restaurant para magpa-deliver ng makakain. May contact na siya rito dahil inaabot siya minsan ng umaga dito. Wala siyang stock sa ref niya na mga pwedeng lutuin dahil hindi naman nga siya nagtatagal dito nang ilang araw. Nakasalampak si Asia sa sahig nang puntahan ni Callen. Nakapikit ito. Para bang nagme-meditate ito kaya hindi niya muna ito inistorbo. Pero biglang nagmulat ito ng mata at tumingala ito. Matagal na nakititig sa dalaga si Callen dahil sa magandang mata nito. Parang naengkanto na naman siya. Para kasi kay Callen, mata na yata ni Asia ang isa sa magandang nakita niya. Bilugan iyon na animo’y laging pinanlakihan ng mata ang kausap pero normal na iyon dito, na bumagay sa mamula0mula at umbok na cheeks nito. Mapipilantik din ang mga mata kaya kapag kumukurap ito ay gusto niya rin. “Callen, I’m talking. Hello?!” untag ng dalaga sa kanya. “May dumi ba ang mukha ko?” “N-no!” mabilis niyang sabi. “M-may sinasabi ka ba?” “How much is this place? I like it here. It's so relaxing, and I'm interested in buying it. Is that possible?” Napaayos nang tayo si Callen. “Seriously?” “Yes, I am dead serious, Callen.” “Haven't I told you that this is my haven? So why are you interested in buying this?” Napasimangot si Asia pagkuwa’y tumayo. “Oo o hindi lang naman ang sagot, e. Hmp.” “Asia! Wait!” tawag ng binata nang bigla na lang siyang iwan doon. Napahilot siya sa noo. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit kailangan nitong bilhin samantalang nasabi na niya kagabi na mahalaga ito sa kanya. Saka pwede naman nitong hiramin ang susi niya kung gusto nitong pumunta rito. “I want to go home,” ani ng dalaga nang balikan siya nito. “We need to eat—” “I said, gusto ko nang umuwi!” sigaw nito bigla na ikinaawang niya ng labi. Oh, break na agad sila? Mukhang nakikinita na naman ni Callen ang patutunguhan ng samahan nila ni Asia. Paniguradong hindi na naman siya nito papansinin. At hindi nga nagkamali si Callen, hindi na siya nito pinansin simula nang araw na iyon. Ganoon talaga nito kagusto nag lugar na iyon? Kung gusto nitong makuha ang lugar na iyon, papayag siya. Pero sa isang kundisyon, sagutin muna siya nito. Napailing si Callen sa naisip. Dumating ang kaarawan noon ni Astin, hindi siya dapat pupunta pero nang malamang dadalo si Asia, tumungo na rin siya. As usual, hindi siya nito pinapansin. Bumalik sa dati ang treatment nito sa kanya kaya mas lalo lang siyang nahirapan. Saka malapit na ang graduation, pokus na siya sa aktwal na trabaho kaya ganoon na lang ang kagustuhan niyang makita ito. Matagal siyang napatitig sa dalaga nang makita ito kasama si Laura. As usual, nabuhay na naman ang paghanga niya kay Asia. Day by day, nadadagdagan ang paghanga niya rito. Kahit hindi niya ito nakikita nang personal, updated naman siya sa social media nito. Kaya okay lang ito. Saka galit ito sa kanya dahil sa hindi niya pagpayag. Isang magandang ngiti ang pinakawalan niya nang tumingin si Asia sa kanya, ngunit isang ingos ang binato nito. Lalo siyang napangiti dahil ang cute nito. Tinalikuran din siya nito. At kasabay nga niyon ang pag-indayog ng balakang nito. “Damn you, Asia Jade Del Franco!” nausal niya bigla. Pero nang mapagtantong nausal niya, agad niyang inilinga ang paligid sabay kagat-labi. Sanay na si Callen na nire-reject ni Astin si Asia. Pero nang gabing iyon, hindi niya akalaing masasaksihan na naman ang pag-amin ni Asia sa kaibigan. “Gusto talaga kita, Astin. Pansinin mo naman kasi ako. Hindi ka naman gusto ni Laura, eh,” ani ni Asia kay Astin nang ma-corner nito ang kaibigan. Gaya nang inaasahan niya, agad ding ni-reject ni Astin si Asia. Nasasaktan siya na natutuwa ng mga sandaling iyon. Siyempre, may pag-asa pa siya. Pero hindi niya akalaing tataas ang tension sa dalawa habang nag-uusap. Gustuhin man niyang pumagitna pero hindi pwede. Naging honest lang si Astin sa nararamdaman nito kaya hindi niya ito masisisi, saka alam na niya ang nakaraan ng magulang ng mga ito. “Asia!” sigaw ni Callen sa isipan nang makita ang paghulog ng dalaga sa pool dahil sa paghawi ng kaibigan ng kamay ni Asia. Nakita niyang hindi iyon sinasadya ng kaibigan, pero nasaktan pa rin siya dahil babaeng mahal niya ang babaeng nahulog sa pool. Agad siyang lumapit para sana tulungan ito pero mabilis itong nakatayo. At imbes na kamay niya ang kukunin ni Asia, kamay ni Laura ang inabot nito na ikinadismaya niya. SA kabilang banda, hindi mapigilan ni Asia ang sarili na humagulhol nang makapasok sa banyo ng silid ni Laura. Basang-basang siya dahil sa pagkahulog niya sa pool. Pakiramdam niya, may kumukuyumos sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. Sumobra na si Astin, muntik na siyang mapahamak. Oo, sabi niya sa sarili, hindi na niya ipu-pursue si Astin, pero nagkaroon siya nang pag-asa nang malaman sa kaibigang si Laura na matagal na pala nitong sinagot si Gael. Ang buong akala niya, nanliligaw pa lang ito. Inilihim nito sa kanila dahil kay Astin. Ang akala niya, iyon na ang pagkakataon, hindi pala. Muling bumalahaw si Asia sa pag-iyak kaya kinatok siya ni Laura. Pero hindi niya ito pinagbuksan. Nang mga sandaling iyon, binilisan niya ang pagligo. Gusto na niyang umuwi. Kasi ‘pag tumagal pa siya rito, baka sumabog ang puso niya. Kahit ‘yon man lang ang maisalba niya mula sa sarili. “B-bestie.” Sumunod sa kanya si Laura habang nagbibihis siya. “Kung ano man ang ginawa sa ‘yo ni Astin, ako na ang humihingi nang tawad.” Nilingon niya ito at ngumiti nang matamis. “I’m okay, bestie. Lilipas din ito. Just like old times.” Tinaas pa niya ang balikat para makumbinsi ito. Hindi rin niya pinalis ang ngiti. “Remember, maraming beses na niya akong ni-reject.” Tinitigan lang siya ni Laura. Mukhang hindi ito kumbinsido. “Bestie, I’m okay. Promise. Naiyak ko na, narinig mo naman.” Nagpakawala nang buntonghininga si Laura. “Hindi ako naniniwala, Asia.” “C’mon, bestie. Hindi ka pa ba sanay sa akin?” “Sanay. Pero sobra ang ginawa sa ‘yo ni Astin ngayon. Kaya alam kong hindi ka okay,” ani ng kaibigan. Nilapitan niya ito at hinawakan sa kamay. “I am really okay, bestie. Kasalanan ko naman kung bakit ako nahulog sa pool.” Napayuko siya. “Okay lang talaga ako. Gusto ko lang umuwi dahil ayaw maalis sa dibdib ko ang sakit.” Tumango si Laura sa kanya. Nakahinga siya nang malauwag nang pumayag itong umuwi siya. Saglit na nagpaalam siya kay Andrea. At gaya nga ni Laura, nag-aalala rin ito sa kanya. Imbes na sa bahay nila, sa ZL Lounge siya dumiretso. Nakailang tawag na ang bodyguard niya na bawal pumasok sa bar na walang kasama pero inignora lang nito ang banta na makakarating sa ama. Ah, talagang pakialamero ang bodyguard niya dahil inaanak ito ng Daddy niya, kaya ito lang ang may lakas nang loob para tawagan siya. “Vodka, please,” ani ni Asia sa bartender. “Ho?” mukhang nagulat ito sa sinabi niya pero pinanlakihan niya lang ito nang mata. Alanganing ngiti ang ibinigay nito sa dalaga saka agad na hinarap ang order niya. Ibinaling ni Asia ang sarili sa dance floor. Parami nang parami na ang mga naroon. Noon, agad siyang pumupunta sa gitna kapag ganoon kaharot ang tugtog pero ngayon, wala siya sa mood. Parang kasabay nang paglubog niya kanina ang paglubog rin ng kaluluwa niya. Basta ang nararamdaman niya lang sa ngayon ay sakit na dulot ni Astin. Pero sa kabilang banda, hindi niya ito masisi dahil talagang makulit siya. Hindi niya akalaing ang malaking chance na iyon para sa kanya ay wala pala. Ibig sabihin, talagang ang puso nito ay kay Laura lang nakalaan. Kaya kahit na anong sabihin niya, hindi man lang kumukurot sa puso nito. Oras na ba para sukuan siya? Kung kay Ismael naman, ang hirap din mahanap nito dahil protektado ng employer nito— ng mismong pubhouse. Hindi rin naman niya pwedeng sabihin sa ama dahil ayaw nitong ma-involve siya sa kung sino-sino lang. Siguradong tututulan siya nito. “Ma’am Asia,” untag ng bartender sa kanya na ikinalingon niya rito. Ang layo pala nang iniisip niya habang nakatingin sa mga nagsasayawan at naghihiyawan. Napakapa siya sa bulsa niya nang maramdaman ang pag-vibrate. Agad niyang inilabas ang telepono para tingnan kung sino ang tumatawag. Nang makitang ang Kuya Darryl niya ay ibinalik niya iyon sa bulsa at hinarap ang sinerve ng bartender sa kanya. Hindi na matandaan ni Asia kung nakailang shots siya. Pero ramdam na niya ang epekto no’n sa kanya. Namumungay na ang mata niya at ang paligid niya ay unti-unti nang gumagalaw. Nagiging dalawa na rin ang paningin niya. Pero para sa kanya, bahala na kung malasing siya ngayong gabi. Nandyan naman ang bodyguard niya sakaling malasing siya. Kaya nga malakas ang loob niya. Saka kilala na siya rito ng mga nagtatrabaho rito kaya walang magtatangka sa kanya na masama. “K-kung ayaw niya sa akin, ‘di ‘wag!” aniya, sabay yukyok sa counter ng bar na iyon. “‘Di ba, Kuya?!” malakas niyang tanong nang tumingin sa kanya ang bartender. “Opo, ma’am.” “M-marami namang lalaki dyan! Si Denver, Romnick at… si Callen…” Bahagyang nanlaki ang mata ng bartender nang marinig ang huling pangalan na binanggit ng dalaga. Napatingin ito sa second floor kung saan nakita nitong pumunta ang anak ng isa sa may-ari ng bar na ito. Lagi naman nitong nakikita si Asia at Callen dito pero wala itong alam sa ganoong bagay kaya medyo nagulat lang ito. Muntik nang mahulog si Asia sa kinauupuan nito nang biglang umayos ito nang upo. Hinarap nito ang bar tender pagkuwa’y ngumiti. “A-alam mo bang maraming beses na silang nag-confess sa akin!” “‘Yon naman ho pala, Ma’am Asia. Ibaling niyo na lang ho sa kanila ang pagkagusto niyo, kesa sa taong ayaw naman sa ‘yo. Sa totoo lang ho, mas maganda iyong ikaw ang mahal kesa ikaw ang nagmamahal. Kasi ho, makakasiguro kang hindi ka nila sa sasaktan. Aalagaan ka pa nga,” ani ng bartender habang nagpupunas ng wine glass. Napatitig si Asia dito. Wala sa tamang anggulo ito sa paningin ni Asia dahil nakahiga ang ulo niya sa counter habang nakikinig dito. Hindi niya pa masabi kung tama ang pinupunto nito pero kung iisipin, parang okay naman. Iwas sakit sa part niya. “O-okay.” Sabay pikit ng mata ni Asia. Ramdam na talaga niya ang pag-ikot ng paligid. Nahihilo na siya kaya nagpasya siyang pumikit. Pero hindi pa man nagtatagal ay biglang may pumangko sa kanya, na lalo niyang ikinahilo. Kaya imbes na tingnan kung sino ang mapangahas na pumangko, hindi na lang siya nagmulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD