Chapter 6: He loves her

1346 Words
“BAKIT ba kasi kailangang magpakalasing?” tanong ni Callen kay Asia. Alam naman niyang hindi siya nito masasagot pero naisatinig pa rin niya. Tumayo si Callen mula sa kama niya para kumuha ng towel na pampunas dito. Maraming nainom ito kanina kaya lasing na lasing ito. Parang lantang gulay nga lang nang pangkuin niya kanina. Hindi naman pala kasi kaya ng katawan nito ang alak, iinom-inom ng marami. Naiintindihan naman niya kung bakit. Dahil sa ginawa ni Astin dito. Pero maraming paraan naman para mawala ang sakit. Gaya na lang ng pagbaling sa iba ng pagmamahal nito. Like— sa kanya? Right? Tinampal ni Callen ang ulo dahil sa huling naisip. Pero hindi, e. Kung siya lang ang pinili nitong mahalin, hindi ito masasaktan sa kanya. Araw-araw niya itong pasasayahin at paliligayahin. Napangiti nang mapakla si Callen. Kaso hindi, e. “Kulit mo din talaga, Callen!” naisatinig na niya. Mabuti na lang at tulog na si Asia. Bumalik si Callen sa silid niya pagkakuha ng basin at towel. Nilagay niya iyon sa mesa pagkuwa’y binasa ang towel saka pinigaan. Akmang lalapit siya sa kama nang mapaupo si Asia. Nagmumura ito habang sapo ang ulo. Nakapikit din ang mata nito. Hindi tuloy alam ni Callen ang gagawin kung lalapitan ba ito. Iniisip niyang baka magmulat ito pagalitan siya sa ginawang pag-uwi dito sa penthouse niya. Bahagyang kumunot ang noo ni Callen nang igiya ni Asia ang sarili sa gilid ng kama. Nagmulat ito pagkuway iginala ang paningin. Sunod-sunod ang lunok niya nang mapatingin ito sa kanya. “Where am I?” tanong nito sa namumungay. Lasing nga talaga. “S-sa penthouse?” alangan pa si Callen sa pagsagot. Pinag-aaralan niya pa ang kilos ng dalaga kung magmamawala ba o hindi. “P-Penthouse?” ulit ni Asia pagkuwa’y tinitigan siya. Napanguso pa ito. Pero wala nang sumunod na salita doon. Hindi rin naman nakasagot si Callen dahil sa takot na baka magalit ito. “W-who are you? N-nasaan ang banyo?” tanong nito sa kanya. Kasunod niyon ang paghilot nito sa ulo. Oh. Hindi siya nito kilala? Tumingin si Callen sa paligid. Sabagay, dim ang ilaw. Nas likod pa niya, kaya talagang hindi kita ang mukha niya nito. Tapos nakainom pa ito kaya talagang hindi siya nito makikilala. “It’s me. Call—” “Nasaan ba ang banyo?” tanong ulit nito. Halatang iritado na. “D-doon.” Tinuro na lang ni Callen ang pintuan ng banyo niya. Tumango lang ang dalaga pagkuwa’y tumayo. Ang akala ni Callen maglalakad ito papunta doon kaya nilapitan niya ito. Inisip niyang baka matumba ito. Mas mabuti na iyong nakaalalay siya. “H-hey!” ani ni Asia sa kanya. “‘Y-yong totoo, nasaan tayo? Bakit parang umiikot ang paligid?” “Marami kang nainom kaya nahihilo ka. Okay?” paalala niay rito. “Ano ba kasi ang gagawin mo sa banyo? Mahihilo ka lang kasi lalo kapag naglakad ka. Mahiga ka na lang kaya muna,” suhestyon niya sa huli. “I-I think I am going to throw up.” “Oh. No!” Akmang papangkuin ni Callen si Asia nang bigla na lang itong magsuka. Mabuti na lang at mabilis ang pag-atras niya at sa sahig nito nailabas. Hinagod na lang ni Callen ang likuran nito. At habang nakatingin siya sa suka nito ay napapangiwi siya. Wala na siyang magagawa kung hindi ang linisin iyon mamaya. Pagkatapos na pagkatapos ni Asia magsuka ay nahiga ito. Hindi na raw nito kayang pumunta sa banyo nang sabihan niyang kailangan nitong maglinis ng sarili.. Kaya naman napilitang pangkuin na lang ni Callen ang dalaga papuntang banyo. Sa hot tub niya ito dinala. Basta na lang niya inupo ang dalaga doon para mahimasmasan na. Pero mali yata ang ginawa niya. Nilubog nito ang sarili nito doon kaya napilitang iahon ni Callen ito doon. Mukhang balak pa yatang magpakamatay nito. Dahil sa kabiguan? “Asia naman! Magpapakamatay ka ba, huh?!” pagalit niya sa dalaga matapos na isandal ito sa malamig na pader. “Paano naman ako kapag nawala ka?!” Imbes na sumagot, umiyak si Asia kaya nataranta si Callen. “I-I’m sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka. Okay?” Kinabig niya ang dalaga at niyakap nang mahigpit. Matagal bago ito nagsalita dahil sa paghikbi nito. “Buti ka pa, ayaw akong mamatay. S-si Astin… Tinulak niya ako. Mas gusto niya akong mawala sa mundong ito kesa mahalin…” Sinundan iyon nang hagulhol ni Asia kaya hindi na muna pinakawalan ni Callen ang dalaga. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap dito para aluhin. “Alam mo namang hindi ka niya gusto. Kaya bakit mo kailangang pilitin ang sarili mo sa kanya?” aniya rito. “Nandito naman ako, Asia. Gusto kita. Gustong-gusto. Ano ka ba?” Napatigil sa pag-iyak si Asia. Tinulak siya nito kaya inilayo niya ang sarili. Nagkaroon tuloy nang pagkakataon si Asia na titigan siya. Mukhang nag-sync-in na dito kung sino ang kasama nito sa banyo na iyon. Nang mapagtantong may nasabi siya ay nakaramdam siya nang hiya. “Callen?” ani ni Asia na nakakunot ang noo. “Y-yes. It’s me.” “K-kasama mo si Astin? Nasaan siya?” sunod-sunod na tanong ni Asia imbes na sumagot sa sinabi niya. Sabi niya, gusto niya ito. Pero hindi man lang pinansin ni Asia. Si Astin ang inilabas ng bibig nito. Hindi ba nito narinig ang sinabi niya? Ganoon ba talaga kahirap ibaling ang pagtingin sa kanya? Kailangan ba niyang linisin ang tainga nito? Fvck! Fvck! “Wala siya rito, nasa bahay nila. At nasa penthouse kita,” sa mahinang sabi niya. Tumayo si Callen pagkuwa’y ngumiti rito. “M-maghahanap lang ako ng damit na kakasya sa ‘yo.” Hindi naman siguro mahahalata ni Asia ang malungkot niyang himig. Wala namang pakialam ito sa nararamdaman niya. Lumabas si Callen ng banyo. Pero hindi naman siya pumunta sa closet niya. Sumandal siya sa pader at pinikit ang mata. Kasunod din niyon ang pagkuyom niya ng kamao. Kailan ba ibabaling ni Asia ang pagtingin sa kanya? Nasasaktan na siya. Sa totoo lang, kung kaya lang utusan talaga ang puso, hindi niya gugustuhin si Asia. Hindi niya ipipilit ang sarili dito. Kaso hindi niya magawa dahil sa tingin niya, mahal na talaga niya ang dalaga. Pagbalik niya sa loob ng banyo, nakatayo si Asia sa harap ng shower. Nakangiting tumingin ito sa kanya. Basang-basa ang saplot nito pero bakat na bakat ang dibdib nitong tayong-tayo. Nawala yata sa sarili nitong wala itong bra? Iniwas ni Callen ang sarili. “Here.” Sabay sabit niya sa hook. “Thank you, Callen. Pero kailangan ko nang umuwi. Baka mag-alala na si Mommy at Daddy.” Natigilan si Callen. Ayaw niyang umuwi ito. No! Sana magbago ang isip nito. “G-gabi na. P-pwede ka namang matulog—” “I said hahanapin ako ng parents ko. Alam niyo naman kung gaano ka-protective mga ‘yon pagdating sa akin. I owe you again. I know. Makakabayad din ako sa kagandahang loob mo na ito. Promise.” Pwede bang pagmamahal na lang? Gusto sanang isatinig ni Callen. Pero mukhang nasa tamang huwisyo na ito. “A-alright.” Alanganin ang mga ngiti niya rito. “A-actually, naaalala ko si Astin kapag nakikita ka. Kaya hindi ko kayang matulog rito.” “I-I understand. H-hintayin na lang kita sa labas.” “Thank you, Callen.” Hindi na napigilan ni Callen ang dalaga. Hinatid niya ito sa tapat ng bahay ng mga ito. Pagkalabas din nito ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan palabas ng subdibisyon ng mga ito. Hindi naman siya bumalik sa penthouse niya. Pumunta siya sa isang lugar kung saan iilan lang ang nakakakilala sa kanya. Gusto niyang libangin ang sarili. Gusto niyang kalimutan ulit ang nangyari ngayon. Hanggang kailan siya magiging ganito? Hanggang kailan siya aasa? Gusto niyang mapagod kay Asia. Pero hindi niya kayang pigilan ang puso. Talagang mahal niya si Asia. Kaso, si Astin ang gusto nito. Napatigil si Callen sa gilid ng kalsada at pinaghahampas ang manibela niya. Hindi pwedeng ganitong. Kailangang mapasakanya si Asia bago siya maging abala sa opisina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD