Chapter 4: Dragon

1982 Words
NAPAANGAT ng kilay si Asia nang makita si Callen na tinuturo ang braso nito. Gusto yata nitong kumapit siya doon. “You’re not my date,” aniya sa binata. “I know. Pero binibigyan kita ng privilege na mahawakan ako, since ginawa mo na akong driver.” Naniningkit ang magandang mata ni Asia sa narinig. Wow, huh? As if siya pa ang may utang dito. “Excuse me! Wala akong sinabing sunduin mo ako. Kaya kasalanan mo kung bakit nagmukha kang driver. Kaloka kang lalaki ka!” ‘Yon lang at tinalikuran ito ni Asia. Kamot-kamot naman ng ulo si Callen na tumingin sa dalaga. Mukhang mali ang pagpapakonsensya niya sa dalaga. Ngayon, paano pa siya nito papansinin? Tatlong beses na pinukpok ni Callen ang ulo bago sumunod sa dalagang yamot na. Pagkakita ni Asia sa mga kaibigan, agad na nilapitan niya ang mga ito. Nakapameywang siya pero ngiti lang ang ni-reply ng mga ito sa kanya. “May gana pa kayong ngumiti sa akin, huh? Bestie?” Ang mata ni Asia ay kay Laura. Kasi nahuli niyang tumingin kay Callen na noo’y lumapit kay Lexxie. “Sorry, Bestie,” alanganing ngiti ni Laura sabay peace sign. Para kay Asia, sira na ang araw niya dahil kay Callen. Kaya nawala na sa isip niya na landiin si Astin. Saka hindi ito umaalis sa tabi ni Laura kahit na hindi ito pinapansin ng kaibigan. May ilang schoolmate na silang nagtangkang lumapit sa kanya at yayain siyang sumayaw pero tinatanggihan niya. “Kanina ka pa hindi umiimik, bestie,” tanong ni Laura nang umalis si Astin sa tabi nito. “Paano pa ako ngingiti, e, nasira na ang gabi ko.” “Sorry na. Si Astin kasi. Alam mo naman kung gaano ka-bossy ‘yon. Ayoko lang masira ang mood ko rin.” Naiintindihan naman niya. Saka totoo ang sinabi ni Laura, masyadong bossy si Astin. Feeling pag-aari din nito ang kaibigan. Though pumasok sa isipan na niya iyon kanina since si Laura nga ang gusto ni Astin. Sasagot sana si Asia nang may biglang lumapit sa sa kanila. Kasunod niyon ang paglahad ng kamay nito sa kaibigan. “Would you mind dancing with me?” “Oh my God!” Si Andrea na bigla na lang bumulalas din. “Sheezzz!” bigla na lang din lumabas sa labi niya. Sino ba kasing hindi mamangha, si Gael Malonzo kaya ito! Sikat din ito sa unibersidad dahil sa mga sports na sinasalihan nito. At isa nga ito sa mga tinitilian ng mga babae. Matagal na tinitigan ng kaibigan ang kamay ni Gael kaya siniko niya ito. “Bestie, sumama ka na habang wala pa sila Astin.” Hindi alam ni Asia kung saan nagpuntahan ang mga ito pero mabuti ito para naman hindi maramdaman ni Laura na nasasakal ito. Alam niya ang hinaing ng kaibigan. At talagang naaawa siya rito. At kaya niya ito sinabi dahil iniisip niya ang kaibigan talaga at hindi dahil sa may gusto siya sa binatang Hernandez. Siyempre, mas lamang sa kanya ang pagkakaibigan. “Asia is right, Ate. Kaya bilisan mo na,” sinusugan din ni Andrea. Si Lexxie, tumango rin kay Laura bilang approval. Kita ni Asia ang pagkislap sa mata ng kaibigang si Laura nang tanggapin ang kamay ni Gael. Babae siya, kaya alam niyang mukhang may gusto ang kaibigan kay Gael Mayamaya ay hindi nila matanaw si Laura at Gael sa dance floor. Mayamaya lang din ay bumalik na ang magkakaibigan. Bumalik na rin si Laura. Mukhang nakita nito si Astin kaya nagmadaling bumalik sa upuan nito. “Let’s dance,” ani ni Astin kay Laura. Bahagyang may kumirot sa dibdib niya pero sanay na siya doon. “Pagod na ako, Astin. Kakataupo ko lang kaya.” “What do you mean? May ibang humawak sa ‘yo? Sa bewang mo?” sunod-sunod na tanong ni Astin sa kaibigan. “Who is he?!” “Ako na lang kasi Astin ang isayaw mo,” nakangiting alok ni Asia ng sarili sa binata. Pero nagulat siya nang may naglahad din ng kamay sa kanya, walang iba kung hindi si Callen. “Shall we?” masuyong tanong nito. Hindi niya ito sinagot, kay Astin ang atensyon niya. “Astin, kung ayaw ni Laura. Pwede naman tayong dala—” “Shut up! I’m not talking to you, Del Franco!” singhal ni Astin sa kanya na ikinagulat niya. “A-Astin,” nauutal niyang sabi. “Kuya!” Si Andrea iyon. Lalo tuloy kumirot ang dibdib niya. Bigla rin siyang nakaramdam nang pag-iinit sa mata kaya tumayo siya at mabilis na umalis sa mesa na iyon. Narinig niya rin ang pagtawag sa kanya ni Laura pero hindi niya pinansin, dire-diretso lang siya. Natagpuan ni Asia ang sarili sa likod ng event hall ng school nila. Doon, pinakawalan niya ang hagulhol na kanina pa niya pinipigilan dahil sa mga nakakasalubong. Napasalampak pa siya nang upo sa sementong baytang na kinatatayuan kanina. Ilang minuto pa yata ang pag-iyak ni Asia nang may narinig na mga tinig na palapit. Mga grupo iyon ng kalalakihan na may mga bitbit na alak at disposable na baso. Bawal iyon kaya siguro pumunta ang mga ito sa likod. Natigilan pa ang mga ito nang makita siya. “‘W-wag kayong mag-alala, hindi ako magsusumbong. B-basta bigyan niyo ako kahit konti lang,” garalgal ang boses ni Asia ng mga sandaling iyon. Alak. Ito talaga ang gusto niya ngayon. Hindi niya alam kung bakit, pero nakakatulong daw ito sa mga gaya niya na lumimot kahit sandali. “O, hindi daw. Bilis, tagayan mo na, dude,” dinig niyang sabi ng isa. Mabilis ang kilos ng mga ito na binigay sa kanya ang baso na puno ng alak. Hindi siya sanay sa mga hard liquor pero tinungga niya pa rin iyon. Sayad na sayad ang mapait na lasa, buti na lang may tubig na dala ang mga ito. “Thanks.” Muli niyang tiningnan ang mga ito. Mga freshmen yata ang mga ito. Ngayon lang niya kasi nakita. Nang mapansing parang lalayo ang mga ito sa kanya ay tinawag niya ang nagbigay sa kanya ng baso. “How much is that? Pwede bang bilhin ko na lang? Please? I need—” “Asia!” Napapikit siya nang marinig ang boses ni Callen. “Get lost!” utos ni Callen sa lalaking kinakausap niya. “Callen, ano ba!” aniya. Hindi siya pinansin ni Callen, pinagtutulak nito ang mga lalaki saka sinara ang pintuan. “What the heck, Asia! Hindi mo sila kilala pero ang lakas nang loob mo na tanggapin ang alak?” “Ano bang paki mo, huh?! Eh sa gusto kong magpakalunod sa alak dahil sa ginawa ni Astin! Ang sakit-sakit kaya!” sigaw ni Asia kay Callen na ikinatahimik ng huli. Hindi nakaimik ang binata pero humakbang ito palapit sa kanya. Nagulat pa siya nang bigla siyang kabigin nito at niyakap nang mahigpit. “Hindi ko alam kung paano ka i-comfort. Pero ako na ang humihingi nang paumangin sa ginawa ni Astin.” Kasunod niyon ang masuyong haplos nito sa likod niya kaya lalong hindi natigil ang iyak niya. “My shoulder is yours, corazon.” Kung nasa tamang katinuan siya, baka kanina pa niya nahampas si Callen sa pagtawag na naman sa kanya ng corazon. Buti na lang, kailangan niya ng balikat na masasandalan ngayon. Hindi alam ni Asia kung gaano ito katagal na nakayakap kay Callen. Basta nang makaramdam nang pagod, bumitaw siya at napasalampak muli sa kinauupuan kanina. Gumaya din ang binata at tinapik ang balikat. Wala sa sariling napasunod din ang dalaga, sumandal siya sa balikat ni Callen. “Nagmumukha na ba akong desperada, Callen?” tanong ni Asia kapagkuwan. “Hindi ko masabi, Asia. Kasi ganyan din ako. Kahit na hindi ako gusto ng babaeng gusto ko, pinipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya.” Napaangat nang tingin si Asia kay Callen. Hindi gaanong maliwanag doon pero malinaw pa naman ang mukha nito sa kanya. “So, broken hearted ka rin ngayon?” Parang gustong konyatan ni Callen ang noo ni Asia. Hindi ba talaga sumasagi sa isipan nito na gusto niya ito? Seryoso naman siya lagi kapag sinasabing siya na lang gustuhin nito. “Everyday naman akong broken hearted,” kaswal na sagot lang ng binata. “Oh, Callen! Ano ba ang gagawin natin para hindi naman tayo laging malungkot?” Napangiti si Callen sa huling sinabi ni Asia. “You know what? Hindi pa naman huli ang lahat. Pwede ka namang sumaya. Nga lang, sa ibang paraan. Ano?” Napalayo si Asia sa binata. “At anong paraan iyon?” “Basta.” Ngumiti si Callen pagkuwa’y tumayo. Naglahad ito nang kamay na agad namang kinuha ni Asia. Naging sunud-sunuran si Asia ng mga sandaling iyon. Walang kontra sa kanya nang isakay siya ni Callen sa magarang sasakyan nito. Pagdating sa expressway ay nagtatakang tiningnan niya ang binata. “Saan ba tayo pupunta?” tanong niya rito. “Tagaytay.” “Wow!” Biglang na-excite si Asia sa narinig. May villa sila doon pero hindi siya pwedeng pumunta doon dahil walang alam ang magulang niya. Ito ngang pagsama niya kay Callen ay hindi nakita ng mga bantay niya dahil sa sasakyan ni Callen siya sumakay. “Ipikit mo kaya muna ang mata mo habang nasa biyahe tayo,” suhestiyon mayamaya ni Callen sa kanya. “Okay.” Masunurin yata ng mga sandaling iyon si Asia. Siguro, ramdam ng katawan niya ang pagod. Wala naman siyang ginawa pero iyon ang pakiramdam niya. Baka nga napagod na talaga siya kay Astin umasa. Minsan naman hinihiling niya na sana mapagod na dahil alam niyang nagmumukha siyang tanga. Dahil sumagi na naman sa isipan ni Asia si Astin, hindi na naman niya naiwasang humikbi. Narinig iyon ni Callen kaya agad itong humugot ng panyo at binigay sa kanya. Wala itong imik matapos na ibigay ang panyo nito. Seryoso lang sa pagmamaneho. Dahil sa pag-iyak, nakatulog si Asia nang mahimbing. Kaya imbes na i-enjoy ang gabi sa Tagaytay, tinulog niya iyon. Ni hindi man lang siya ginising ni Callen pagdating. Bagkos, binuhat siya nito at inihiga sa kamang naroon. Hindi lang iyon, talagang tumabi ang binata sa kanya, na kalaunan ay nakayakap na sa kanya. Kaya naman, isang malakas na sigaw kinabukasan ang pumukaw kay Callen dahil sa nabungaran ng dalaga. “Walang hiya ka, Callen! Hindi na ako virgin! My God! Bakit sa ‘yo pa! Ah!” Naghihisterikal na nga ang dalaga. “Hey, hey! Asia, stop shouting! Walang nangyari sa atin kaya virgin ka pa, okay?!” sigaw rin ng binata sa kanya. Sa narinig, natigilan si Asia at tiningnan ang damit niya. Right, hindi man lang napalitan nga. At wala siyang ibang nararamdaman gaya ng mga nababasa niya sa book. Like no’ng masakit ang pempem dahil sa pamamaga. O ‘di kaya basa. “S-so, virgin pa ako?” “Are you?” Hindi alam ni Callen kung bakit ganoon ang inilabas ng bibig niya. Hindi malaman ni Callen kung tatawa ba o iiyak nang sumagot si Asia ng yes. Ibig bang sabihin, may chance pang siya ang makauna? Dahil sa isiping iyon ni Callen, nakaramdam siya nang kakaibang init sa katawan. Actually, kagabi pa ang epektong ito sa kanya dahil sa matagal nilang pagyakapan. Kaya sigurado siyang gustong-gusto niya ang init na hatid sa kanya ni Asia. At sa pagtulog nga, sumama pa. Muli, naramdaman na naman niya ang baba niya na naninigas. Napababa siya nang tingin sa shorts niya dahil doon at hindi niya alam na nakasunod din nang tingin si Asia sa tinitingnan niya. “Oh my God! Is that—” Hindi na natapos ni Asia ang sasabihin nang takpan ni Callen ang bibig niya. Hindi tuloy niya masabi na dragon ang nakikita niya ng mga sumunod na sandali. Binitawan lang nito ang bibig niya nang masigurong natatakpan na iyon ng unan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD