Hours, days and a month had pass ngunit hindi parin maalis sa aking isipan ang nangyaring nahuli kaming naghahalikan ni Kairo sa school rooftop.
Nakakadagdsg pa rito ang masamang tingin na ipinupukol ni Nicole sa akin. Habang lumilipas kasi ang bawat araw ay napapansin kong mas lalong sumasama ang kaniyang tingin.
Ayaw ko siyang tawaging baliw dahil masama iyon. Nakakatakot lang kasing ganoon makatingin sa iyo ang isang tao.
Buti na lang at sa bawat araw ay mas lalong nagiging sweet si Kairo sa akin. Ito lang naman ang importante e.
At isa sa mga nagpapasaya sa akin sa mga nakalipas na Linggo ay ang pagkakaroon ni Janice ng kasintahan. Yes, you got it right. May kasintahan na siya.
She finally overcome her fear of entering a relationship. Although, hindi parin umaalis sa kaniya ang pangamba but she's trying. Kasi gustong-gusto niya raw si Daryll. Remember him? Iyong lalaking nakausap niya nung gabi ng acquaintance party. Siya ang boyfriend ni Janice.
Sobrang saya ko dahil alam kong mapagkakatiwalaan si Daryll. I don't know why but he's got this aura na nakapalibot sa kaniya na tuwing lalapit ka ay maramdaman mo kaagad ang kabaitan niya. If that makes sense.
"Sure kang hindi siya yun?" paniniguro ni Janice.
Nandito kami ngayon sa mall, naghahanap ng mga kagamitan para sa project namin sa Filipino. Binigyan kami ni Mrs. Cruz ng isang project bago ang Christmas break next week.
Oo nga pala, it's already December. Marami ng christmas decor na nakalagay dito sa mall na pinuntahan namin.
"Oo, hindi siya yun. Sasabihin niya sa'kin kapag lalabas siya."
Me and Janice are having a conversation tungkol sa nakita niya. Nahagip raw kasi ng kaniyang mata ang mukha ni Kairo. Napaka-imposible iyon. Sinabi niya sa akin kanina na sa bahay lang daw nila siya at tinatamad siyang lumabas nang ayain ko kaninang sumama sa amin dito.
At isa pa hate na hate ni Kairo ang pumunta sa mga mall dahil masiyado raw maingay at maraming tao.
Good thing she dropped the topic about what she saw at pinatuloy na lang namin ang paghahanap.
Kanina pa kami lipat nang lipat ng store. At ang aking mga binti parang hindi ko na maramdaman.
"Found it!" masayang sambit ni Janice.
Sa wakas dahil hindi ko na kayang maglakad at maghanap pa sa iba kung hindi pa kami nakahanap. Buti na lang at mayroon dito.
In case you're wondering if what we're looking. Ang kanina pa naming hinahanap ay isang scotch tape na mayroong design. Ewan ko kung nakakita na ba kayo ng ganoon pero yun ang hinahanap namin ni Janice kanina pa.
Iyon kasi naisipan ni Janice na gawing design sa aming scrapbook. Yes, scrapbook. Iyon ang binigay na project sa amin ni Mrs. Cruz. Buti na lang at by pair ang paggawa dahil kung hindi ay siguradong wala akong magawa. Makagawa nga siguro ngunit hindi ko alam kung katanggap-tanggap ito tingnan.
Hindi kasi ako mahilig sa mga ganoon. Simpleng design nga lang sa kwarto ko ay hindi ko magawa ito pa kaya.
Kumuha si Janice ng tatlo at agad binayaran ito sa counter. Nagmamadali rin kasi siya dahil kanina pa raw siya nagugutom. Hindi siya nag-iisa dahil kanina pa tumutunog ang aking sikmura. Wala na akong ikasasaya kapag pareho kami ni Janice ng nararamdaman dahil gagawa siya ng paraan para matupad iyon.
Naisipan naman naming kumain sa isang Italian restaurant. Sounds expensive pero ayos lang. Libre naman ni Janice e.
Nang nahanap namin ang isang restaurant na gusto namin ay agad kaming pumasok. Italian spices entered my senses the moment we step inside na walang ginawa kundi dagdagan lalo ang galit ng aking sikmura.
Narinig ito ni Janice at pareho kaming natawa.
Nag order kami at ang pinili ko ay iyong mumurahin lamang. Hindi ko maintindihan ang mga pangalan lalo na ang pagkain ngunit mukhang masarap naman kaya ayos lang.
Nang makuha ang pagkain ay sinimulan namin ni Janice kumain. Kalagitnaan ng aking pagnguya ay bigla akong kinalabit ni Janice.
May itunuro siya sa entrance dahil nakatalikod ako rito ay hindi ko makita. Kailangan ko pang lumingon upang makita iyon. Biglang bumilis ang t***k ng aking puso pagkatapos kung makita at makilala kung sino ang pumasok.
Si Kairo at Nicole lamang ang aking kilala ngunit alam kong mga kasama nila ay ang kanilang mga magulang. Nakilala ko kasi ang parehong parents ni Kairo dahil nang minsang pumunta ako sa kanila ay nakita ko ang mga larawang nakahilera sa hallway. Kaya kahit hindi ko pa sila nakikita sa personal ay alam ko kung ano ang pagmumukha nila.
Malaki ang ngiti ni Nicole habang nakakapit sa braso ni Kairo. Ang kanilang mga magulang ay nagtatawanan habang nag-uusap.
Hindi ko alam kung ano ang aking maramdaman sa nakita.
Tama nga siguro si Janice kanina nang sabihin niyang nakita niya si Kairo. Akala ko ba ay wala siyang gagawin ngayon. Sabi pa niya sa akin ay wala raw ang kaniyang mga magulang lalo na at linggo. Nasa simbahan daw.
Parang binuhusan ng asido ang aking dibdib.
Pumasok silang lahat at alam niyo kung ano ang nakakatawa? Malapit sa mesa pa talaga namin ang may bakanteng upuan. At ang mas malala pa ay nakaharap si Kairo sa gawi ko.
Nagtama ang aming mata at nakita ko ang pagkagulat rito. Nagtitigan kami ng ilang sandali ngunit umiwas din naman siya.
Bigla akong tumayo.
"Excuse me. Mag-cr lang muna ako," paalam ko kay Janice ngunit hindi ko parin tinatanggal ang aking tingin kay Kairo.
Kahit hindi siya nakatingin ay alam kong nakikita niya ako sa kaniyang peripheral vision.
"Sige, gusto mo samahan kita?" aniya.
"Wag na. Ako na."
Nang makapasok sa C.R ay agad akong pumunta sa lalabo at naghilamos. Sinusubukan kong pakalmahin ang aking nagwawalang kalooban.
Ilang sandali pa ay narinig kong bumukas ang pinto ng C.R. Hindi na ako lumingon pa upang malaman kung sino ito. Nalanghap ko kasi ang paborito kong pabangong lagi niyang gamit.
"Akala ko wala kang gagawin ngayon. Bakit parang may family bonding ata kayo ng family mo at ng family ni Janice."
Hindi ako against na lumabas siya kasama ang kaniyang pamilya. Actually, nagulat ako at nakaramdam ng konting saya dahil alam kong minsan lang ito mangyari. Alam ko ring gustong-gusto niya rin ito mangyari. Ang labag lang sa kalooban ko ay bakit hindi niya sinabi sa akin? Alam kong hindi lahat ng bagay na gagawin niya ay alam ko ngunit alam niya na nagseselos ako minsan kay Janice at ang makitang kumain sila sa labas kasama ang pareho nilang magulang ay walang ibang pumapasok sa aking isipan kundi ang mag overthink. Alam ko ring sobrang close ng pamilya nila pero natatakot ako.
Pa'no kung ipinagkasundo na sila ng kanilang magulang dahil masiyadong obvious naman kasi si Nicole na ipakita ang pagkagusto niya kay Kairo.
Naramdaman kong lumapit siya sa akin at humawak siya sa aking braso. Bigla niya akong hinarap sa kaniya. I know it's exaggerating pero hindi mo ako masisisi.
"Baby, hear me out first," sabi niya habang tinitingnan ako ng malumanay sa mga mata. Ayaw na ayaw niya kasing nagkakaganito ako. "Biglaan ang nangyari. Umuwi sila ni Mommy galing sa simbahan at sinabihan akong magbihis dahil may pupuntahan daw kami. I didn't know where it was until we arrived here. Nagulat nga ako na naghihintay sa labas ng mall sila ni Nicole kasama ang parents niya. I can't call you kasi hindi ko alam kung nasaan ang charger ko kaya hindi ko na charge yung phone ko. I'm so sorry."
Hindi ko man masabi sa kaniya ngunit nagpagaan ito ng aking naramdaman. Huminga ako ng malalim at tumingin din sa mga mata niya.
"I'm sorry. Sobrang OA ko lang talaga," sabi ko habang tumatawa pero alam naming pareho na hindi tunay iyon.
Ngayon ay seryoso na ang kaniyang mga titig sa akin.
"Don't ever think of yourself like that. You're not overacting, Jas. You're just being protective over your property and I understand that. Trust me, I do. If gatekeeping your lover makes you overacting then I'm happy. It makes me like you even more."
Hindi ko alam ang aking sasabihin maliban sa yakapin siya. He's always like this when my head wants to explode with so many thoughts. Palagi niyang pinuputol ang mga kawad sa loob ng aking isipan bago pa ito sumabog. I'm glad he's always this understanding. Wala na akong hihilingin pa na iba. Well, mayroon naman. Ang mahawakan ang kamay niya sa harap ng maraming tao. Na maamin sa lahat ang relasyon namin. Na hindi na magtatago ngunit alam kong darating din ang araw na iyon. Kailangan ko lang maghintay.
Nauna akong lumabas ng C.R at agad na pumunta sa mesa namin ni Janice. Nakita ako ni Nicole na umupo at ang ngiti sa kaniyang labi ay napalitan ng pagka-disgusto ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.
Hindi nagtagal ay bumalik rin si Kairo.
Hindi parin nawawala ang masamang tingin ni Nicole sa akin nang tumingin ako sa kaniya. Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Kairo at alam ko kung ano ang kaniyang iniisip at tama siya. Napangiti ako.
"Naging maayos ba ang usapan n'yo?" tanong ni Janice. "Wag mo na pala sagutin, halata naman sa malaking ngiti mo e."
Natawa kaming pareho sa kaniyang sinabi.
Nang matapos kami ay napagdesisyunan naming umalis na. Lumingon ako kay Kairo at tumango sa kaniya bilang paalam. Sinuklian niya rin ako ng tango at lihim na ngiti.