There's something wrong ngunit hindi ko matukoy kung ano iyon. Maganda naman ang panahon nang magising ako. Hindi ako ginising ni Janice na kinaiinisan ko tuwing umaga. Niluto ni Kuya ang paborito kong ulam at nakita kong nakangiti si Mama nang bumaba ako galing sa aking kuwarto.
Ngayon ay naghihintay ako kay Janice dito sa labas ng aming bahay. Hindi siya late, maaga lang talaga akong nagising which is nakapagtataka. Hindi ako nagigising kapag walang gumigising sa akin. Kung hindi magawa ni Janice ang gisingin ako ay si Kuya naman ang gagawa. Minsan naman ay si Mama.
Uminom ako ng tubig sa hawak kong plastic bottle. Sinubukan ko na baka mawala lang ito kapag uminom ako ng maraming tubig ngunit parang wala lang nangyari dahil pangatlong plastic bottle ko na ito.
Nang sa wakas ay makarating si Janice agad akong pumasok sa kaniyang sasakyan. Napansin niya ata ang aking buong aura dahil tumingin siya sa akin ng nakataas ang kaliwang kilay.
"Okay ka lang?" tanong niya.
She pulled out of the driveway.
"Yeah, I think so," sagot.
Hindi ko alam ngunit nababahala akong sabihin ito kay Janice. Baka wala lang siguro ito. Ayaw ko ring mag-aalala siya sa akin.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang papuntang paaralan. Ayos lang dahil wala rin ako sa mood makipag-usap ngayon.
Ang kaninang mahinang pagpintig ng aking puso ay mas dumoble pa nang makita ko ang paaralan. Ang akala ko ay mawawala lang ito kapag nasa loob na kami ngunit hindi man lang humupa kahit na naglalakad na kami papuntang classroom.
This is new. Kailan man ay hindi ko naramdaman ang ganito.
Nang makapasok sa classroom ay akala dadagdag lang si Nicole sa aking nararamdaman dahil sa kaniyang mga masasamang tingin na ipinupukol sa akin.
Hindi na ako magtataka pa kung pagkapasok ko ng room ay babatiin niya agad ako ng masamang tingin.
Para akong nabunutan ng tinik nang makitang wala siya sa kaniyang inuupuan. Akala ko ay late lang siya ngunit nang magsimula ang klase ay alam kong absent na talaga.
Si Kairo ay pasimpleng ngumiti sa akin. Kahit na hindi ko ramdam ang ngumiti ay ginawa ko para sa kaniya.
Janice keeps on asking me if I'm all good and I keep on telling her that I am. Kahit hindi ko sabihin siya kaniya ay alam kong alam niya na hindi ako okay.
Kung iisipin ay wala naman akong dahilan para maramdaman ito. Lahat ng magagandang bagay ay nangyari samin noong mga nakaraang linggo. Nalaman kasi namin na kay mama iniwan ni Aling Ivy ang flower shop na pagmamay-ari niya. Nagulat na lang kami nang may kumatok na abogado sa bahay at sinabi sa amin lahat. Si Kuya ay tumaas ang sahod sa kaniyang pinagtatrabahuhan sa motor parts shop na pag-aari ng papa ni Janice.
Ang hindi magandang nangyari lang ay nang makita ko sina Nicole at Kairo sa isang Italian restaurant noong sabado ngunit naging maayos din naman nang makapag-usap kaming dalawa sa C.R ng nasabing restaurant.
Maliban sa mga masasamang tingin ni Nicole sa akin ay wala na. Alam ko namang hindi harmful ang ginagawa ni Nicole sa akin kaya hinahayaan ko na lamang siya.
Dapat nga ay masaya ako dahil Huwebes na ngayon at dalawang araw na lang ay christmas break na.
"Palagi ka na lang nagsasabing okay ka pero halata naman sa mukha mo na hindi. Ano bang pakiramdam mo? Masakit ba ang ulo mo?" nag-aalalang tanong ni Janice sa akin. "Kailangan mo bang pumunta sa clinic? Sasamahan kita."
"Wag na. Mawawala rin to mamaya panigurado."
Hindi naman sa sobrang sama ng pakiramdam ko na parang lalagnatin ako. Kinakabahan lang talaga ako sa hindi malamang dahilan.
Hanggang sa mag-lunch ay hindi parin nawawala. Hinayaan ko na lamang at pilit na maging masaya kahit sumasalungat ang aking damdamin.
Kasama ko si Kairo ngayon kaya ay dapat masaya ako.
Wala kasi si Nicole kaya malaya kaming makakain dito ng walang inaalala. Si Janice magiging busy hanggang sa mag christmas break kaya siguradong mag-isa lang din akong kumain kapag nandito si Nicole.
At mukhang wala namang balak ipagkalat ni Alfred ang kaniyang nakita noon kaya kampante akong bumalik dito kasama si Kairo.
Mukhang tinupad niya ang kaniyang pangakong gagawin niya ang lahat hindi lang ipagkalat ni Alfred iyon.
"Nasaan pala siya?" I asked him.
My was subtle when I asked him, too subtle that he even raised his brows in curiosity.
Nag-uusap kami ni Kairo ng mga bagay-bagay at napunta ang usapan namin kay Nicole nang tanungin ko kung nasaan ito.
"She's not feeling good kaya lumiban muna," maikling sagot niya.
Halata namang hindi niya gusto pag-usapan si Nicole dahil sa mga maiikli niyang tugon kaya hindi na ako nagtanong pa.
Mukhang napansin niya rin ang nararamdaman ko kasi tinanong niyang ayos lang ba ang pakiramdam ko. Gaya ng sagot ko kay Janice ay iyon din ang tugon ko sa kaniya.
Ayaw kong mag-alala sila sa mga bagay na wala lang din naman at nasisiguro kong mawawala lang.
Nanatili kami sa rooftop, hinihintay na tumunog ang bell. Nagtatawanan at nag-uusap tungkol sa mga nangyari sa amin noong mga nakaraang araw.
Nag-uusap naman kami tuwing gabi pero iba itong sa personal kami mag-usap. Ramdam ko ang saya. Kung wala lang akong kabang nararamdaman ay paniguradong sobrang lakas ng aking tawa. Siguro ay maririnig ito hanggang sa baba.
Tumunog ang bell para sa unang klase kaya ay tumayo kami upang maghanda. Tinapon muna namin ang mga basura na pinagkainan namin. And headed to our biology class.
This long boring classes wear me out. Ang akala ko ay hindi na ito matatapos ngunit sa awa ng kapalaran ay natapos din ang lahat ng panghapong klase.
Excited na akong umuwi dahil gusto ko na lang matulog.
Kailangan ko rin kasing maglakad pa dahil mamaya pa si Janice. Magpapaiwan muna siya mayroon pa silang meeting sa kanilang club.
Sana ay makasama ko si Kairo sa paglalakad o kung dala niya ang kaniyang sasakyan ay sana papasakayin niya ako. Pero nang tanungin ko siya ay nabigo ako sa kaniyang tugon.
"Sorry baby. Susunduin ko kasi sila mommy pero papasamahan na lang kita sa mga kaibigan ko," seryoso niyang sambit.
Natawa ako ng bahagya. Ayos lang naman sa akin maglakad mag-isa. Ilang beses ko na rin namang nagawa ito. Magpapasundo na lang din ako kay kuya. Mukhang tinatamad akong maglakad ngayon. Mayroon kasi siyang kinuhang motor kahapon lang, babayaran niya ito kada buwan.
Dahil nasa tagong parte kami ng parking lot, hinawakan ko ang kaniyang pisngi at ngumiti sa kaniya.
Nararamdaman ko na parang may nagmamasid sa'min ngunit alam kong guniguni ko lamang ito. Normal lang naman na maramdaman ko ito kapag magkasama kami ni Kairo sa public places.
"Wag mo ng abalahin yang kaibigan mo magpapasundo na lang ako kay kuya."
Kahit na maghintay pa ako ng kalahating oras ayos lang dahil hindi ko alam at bakit ayaw kong maglakad ngayon.
"You sure?"
"Oo."
Pumasok siya sa kaniyang sasakyang pero bago yan hinalikan niya muna ako sa pisngi at labi.
I waved him goodbye nang umatras siya palabas ng parking space. Nang makitang wala na siya ay dinukot ko ang aking phone at nagtext kay kuya.
Maglalakad na sana ako palabas ng gate ngunit naramdaman kong mabigat ang aking bag.
Oo nga pala.
Nakalimutan kong ilagay sa locker ang mga libro.
Kahit tinatamad ay pumunta ako sa kinaroroonan ng locker. Parang ang bigat ng aking mga paa habang ako ay naglalakad.
Nakakatamad naman ang araw na 'to. Wala naman kami masyadong ginawa kanina sa klase. Nakapagtataka, parang nagkaroon naman kami ng exam simula kaninang umagang klase hanggang sa matapos kung ganito ako makaasta.
Siguro ay napagod ako sa buong araw na puro discussion. Siguro nga.
Nang sa wakas ay narating ko rin ang aking locker. Daglian kong binuksan at kinuha nga mga mabibigat na libro sa aking bag at agad na pinasok ito sa loob.
Napapansin kong parang ako na lang ang natira dito na pagala-gala. Maliban na lang siguro sa mga staff at maintenance ng school. Ngunit naramdaman ko ulit na parang may nagmamasid sa akin. Biglang dumoble ang kabog ng aking dibdib.
Sinubukan ko itong balewalain ngunit nang makarinig ako ng yabag ng paa sa aking kaliwa ay dagli akong lumingon. Napahinga ako ng malalim nang makitang janitor pala ang paparating.
Ngumiti ito sa akin kaya ay tinugon ko ito kahit alam kong nanginginig ang aking labi. Pati kamay ko ay nanginginig din kaya nang isara ko ang aking locker ay hindi ko ma-lock ng maayos. Nang magawa ko ay agad akong umalis at binilisan ang aking paglalakad.
Tumitingin ako sa aking likuran dahil hindi nawala ang nararamdaman kong parang may nagmamasid sa akin.
Parang natigil ang aking paghinga nang makarinig ako ulit ng yabag ng paa na sumusunod sa akin.
Baka janitor lang ulit kaya dapat akong kumalma.
Malapit na rin naman akong makalabas ng building at nakikita ko na rin ang field hindi kalayuan kaya kailangan kong bilisan dahil kung sakali mang may sumusunod sa akin o gusto akong saktan ay may makakakita sa akin.
Baka si Samuel na naman ito.
Si Samuel man yan o hindi kailangan kong bilisan dahil ayaw kong may bully na namang makahuli sa akin lalo na at mag-isa lang ako.
Huling pasilyo na lang ang dadaanan ko nang may biglang tumakip ng panyo sa aking bunganga at ilong. Hinwakan rin ang aking braso na sobrang higpit.
Natigil ako sa paglalakad. Parang buong lakas ko ay nawala nang namayani ang nginig sa buo kong kalamnan.
"Saan ka pupunta? Nagmamadali ka ata," marahas na bulong ng kung sino man ang may hawak sa akin.
Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Bigla na lang dumilim ang aking paningin at huli kong narinig bago ako nawalan ng malay ay ang marahas na pagbanggit ng bakla sa aking tainga.