Chapter 16

1686 Words
I checked my watch and saw it's already 3:36 P.M in the afternoon. Kasalukuyan ako ngayong nag-iimpake ng konting gamit ni Mama. Tumawag siya sa akin kanina habang sumasagot kami ng activity namin sa bahay ni Kairo. Naospital daw si Aling Ivy kanina lang. Nawalan daw ito ng malay kaya biglang tumawag si Mama ng ambulansya. Umatake na naman daw ang sakit niya buti na lang at may malay na siya ngayon. Ako ang inutusan ni Mama na kumuha ng kaniyang gamit dahil hindi niya maiwan si Aling Ivy dahil ayaw nitong paalisin si Mama. Nasa trabaho pa kasi ngayon si Kuya kaya ako ang naisipang utusan ni Mama. Dalawang bag ang nalagyan ko ng gamit dahil hindi pa raw sigurado kung kailan makakalabas si Aling Ivy lalo na at mas lalong lumalala ang kaniyang sakit. Natatakot din si Mama na baka ano mang sandali ay bigla itong mamamaalam kaya hindi niya ito maiwan mag-isa. Kahit may mga nurses naman na nag-aalaga ay si Mama palagi ang hanap ni Aling Ivy. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kaniya. Kung tutuusin ay parang lola na ang turing ko sa kaniya. Sa bahay siya palagi nagce-celebrate ng kaniyang kaarawan. Kahit bagong taon at pasko ay doon rin siya sa amin kaya hindi maiwasang mapalapit ang loob ko sa kaniya. Hindi lamang ako, pati narin ni Janice. And speaking of her. Baka hindi pa niya alam ang nangyari. Ipapaalam ko mamaya sa kaniya. Aling Ivy has Arrhythmia. Nang malaman namin noon ang kaniyang karamdaman ay nalungkot kami dahil hindi naman ito masyadong masama kaya ay kampante kaming gagaling siya mula rito. Sabi kasi ng doctor na umasikaso noon sa kanya na hindi naman daw ito masyadong seryoso at nagagamot daw ito subalit mayroon daw itong tsansang lumala. Kampante kaming gagaling siya dahil wala naman siyang masyadong maraming ginagawa lalo na ang mga mabibigat na gawain ngunit hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang kaniyang sakit. Kahit araw-araw naman siyang umiinom ng mga niresetang gamot sa kaniya ng doktor. "Ma, papunta na po ako. Anong room po ba kayo?" tanong ko kay mama sa kabilang linya. "Room 032 nak," rinig kong tugon niya. Agad akong lumabas ng bahay at pumara ng tricycle. Malapit lang naman ang Dr. Philip Hospital dito. Kaya nasisiguro kong makakarating ako agad. Nag-alok kanina si Kairo na ihatid ako dahil naiwan ng kaniyang magulang ang kanilang sasakyan ngunit tumanggi ako. Hindi dahil sa ayaw ko kundi ay ayokong maiwan si Dave mag-isang sumasagot ng activities. Inihinto ni Manong ang tricycle sa harap ng ospital kaya agad akong bumaba matapos kong makapagbayad. Tumingala ako sa malaking ospital at tumingin sa napakalaking sign na nakalagay sa taas nito. Ang pangalan ng ospital. Isang alaala ang bumalik sa akin nang mabasa ko ito. Alaalang ayaw ko sanang isipin ngunit hindi ko maiwasan. Ngayon pa lang ako ulit nakabalik dito. Hindi ko ninanais na makabalik dito. Sino ba naman ang gustong pumunta ng ospital? Lahat ng pumupunta rito ay alam kong may mahal sa buhay na nakaratay sa banig ng karamdaman. May mga ibang ilang segundo na lang ang natitira sa kanilang buhay. May ibang araw, linggo, at taon. Kung papalarin ay gagaling at makakabalik pa sa kanilang pamilya. Sa labas pa lang ay ramdam ko na agad ang atmospera sa loob ng ospital. Malalanghap agad ang amoy na kailan man ay hindi ko magugustuhan. Naaalala ko tuloy si Papa. Dito rin siya dinala noon nang magkasakit siya. At dito rin siya nawala. Bumuntong hininga ako at pumukit. Simula nang mangyari iyon kay papa ay iba na ang pananaw ko sa tuwing makakakita ako ng ospital. Para bang lagusan sa ibang mundo na kapag makapasok ka ay mahihirapan ka nang makabalik. Pilit kong itulak sa likod ng aking isip ang kaisipang ito. Hindi ako pumarito upang maalala ang naging paghihirap ni Papa at ang negatibong mga bagay. Nandito ako dahil may mahal sa buhay akong lumalaban, pilit na hinahanap ang daan palabas. Umalingawngaw ang tunog ng bagong dating na ambulansya. Kahit na naglalakad ako papuntang entrance ng ospital ay makikita ko parin ang pinto ng emergency room. Kung saan may binaba na isang lalaking naliligo sa sariling dugo na nakalagay sa stretcher. Umiwas ako ng tingin dahil sa nakita. Ayaw kong makakita ng ganoon. Hindi ako sanay. I immediately entered and looked for the room number that mama gave me. Nang mahanap ko ito ay agad akong pumasok. Natagpuan kong nakaupo si Mama sa gilid ng hospital bed kung saan nakaratay si Aling Ivy. Mugto ang kaniyang mga mata habang hawak-hawak ang kamay nito. Nakita kong payapang natutulog si Aling Ivy. Her face was so peaceful just like her personality. Ang payapa ng kaniyang mukha na para bang walang inindang karamdaman. Habang lumalapit ako ay biglang tumayo si Mama. Inabot ko sa kaniya ang dala kong bag at ako naman ang pumalit sa kaniyang pwesto. "Maiwan na muna kita, nak. Bibili lang ako ng pagkain," rinig kong paalam ni Mama. "Opo," sagot ko ngunit hindi lumilingon sa kaniya. Nakatuon kasi ako sa mukha ni Aling Ivy. Hinawakan ko ang kaniyang kanang kamay gaya nang ginawa ni Mama kanina. Ramdam ko ang lambot nito. Akin itong masuyong hinaplos. Naninikip ang aking dibdib sa nakikita. I want to see her peaceful face but not here. Not in this kind of situation. Hindi rito sa higaan na ilang buhay na ang nawala. A tear fell down to my face. Ayoko ko siyang nakikitang ganito. Ang gusto ko ay makita ang kaniyang ngiti. Lalo na sa tuwing dadalaw ako sa shop at kung minsan kapag tumutulong ako sa kanila ni mama every weekend. Kailangan mong lumaban Aling Ivy. Gusto ko pa makita ang mga matatamis mong ngiti. Hindi ko alam kung ilang minuto akong tulalang nakatitig sa kaniyang mukha, narinig ko na lang ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Tiningnan ko at nakita si Mama na may dala-dalang pagkain. "Kumusta po ang kalagayan niya?" agad kong tanong kay mama. Nilagay niya sa mesa ang mga pinamiling pagkain at umupo sa upuang malapit sa kaniya. "Hindi ko alam." Natahimik muna siya at bumuntong hininga bago nagsalita ulit. "Ang sabi kasi ng doktor kailangan pa nilang obserbahan ang kaniyang kalagayan kung bubuti ito. Sa ngayon kasi ay hindi nila nasisigurong magiging maayos siya," nanlulumong sambit niya. Lumapit ako kay mama at niyakap siya ng mahigpit. Ayokong nakikita siyang ganito. Ganito rin kasi siya nung lumala ang kalagayan ni papa noon. Ayaw kong maramdaman ulit namin ang mawalan ng mahal sa buhay. "Magiging maayos din siya, ma," mahinang bulong ko. Hindi ko alam kung sino samin ang sinusubukan kong pagaanin ang loob. Ako ba o siya. "Sana nga anak. Hindi pa ako handa na...." Hindi na niya natuloy pa ang kaniyang nais sabihin dahil napahagulgol agad siya. Hinigpitan ko lalo ang aking pagkakayakap sa kaniya. Kahit ako mismo ay hindi naiisip na mawalan ulit ng mahal sa buhay. Kahit hindi namin kaano-ano si Aling Ivy ay pamilya na ang turing namin sa kaniya gaya ng pagturing niya sa amin. Nanatili kaming ganito ni mama hanggang sa kumalma na siya at naisipang kumain muna dahil hindi pa raw nakapagpananghalian. Ako naman ay lumabas muna para tawagan si Kairo at sabihing hindi muna ako makakabalik agad. Nagpaalam kasi ako kanina sa kanila ni Dave na sandali lamang ako. Sabi niya ay ayos lang daw at natapos narin naman nila itong sagutan. Tinanong niya sa akin kung saang ospital daw na confine si Aling Ivy at kung anong room dahil pupunta raw siya rito. Nag-aalangan akong ibigay sa kaniya dahil baka may iba pa siyang gagawin at maaabala ko ngunit sinabi naman niyang wala na siyang ibang gagawin kaya binigay ko na lang din. Bumalik ako ng silid pagkatapos ng tawag. Hindi parin gumigising si Aling Ivy sa kaniyang pagkakatulog. Bumilis ang t***k ng aking puso baka ay may iba nang nangyari sa kaniya ngunit gumaan naman agad dahil sa narinig kong tunog mula sa heart monitor. Maayos naman ang pintig ng kaniyang puso. Si Mama naman ay natutulog sa maliit na sofa dito sa loob ng kwarto. Buti at private ang nakuhang kuwarto ni Mama para kay Aling Ivy. Bumalik ako sa puwesto ko kanina, sa gilid ni Aling Ivy. Tahimik na pinagmamasdan muli ang kaniyang mukha. Sa tagal ng pagtitig ko ay nabigla ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Ang akala ko ay si Kairo na ang dumating, hindi pala. Si Kuya Ezekiel pala. Nagising din si Mama sa kaniyang pagkakatulog nang marinig ang pagbukas ng pinto. "Kumusta si Aling Ivy?" Iyan agad ang lumabas sa kaniyang bibig nang makapasok siya. Kinusot ni Mama ang kaniyang mata at pagkatapos ay sinabi niya kay kuya ang lahat gaya ng sinabi niya sa akin kanina. Mababakas sa mukha ni Kuya ang lungkot matapos ni Mama na magsalita. "Magiging maayos din siya. Matapang yan, e," seryosong sambit niya. Walang kahit sino ang umimik sa amin matapos niyang magsalita. Sana nga. Sana maging maayos siya tulad ng mga hiling namin ngayon. Ilang sandali pa ay tumayo si Mama. Nagpaalam siyang babalik ng shop baka hindi niya raw ito nasara ng maayos. I-che-check niya rin ang bahay ni Aling Ivy kung naka-lock ang mga pinto. Kaming dalawa nalang ni Kuya ang natira. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa silid. Walang nais na magsalita. Ang bumasag lamang ng katahimikan namin ay ang tatlong katok mula sa pinto. Bumukas ito at iniluwal si Kairo. "Hi babe," he said while looking at me. Bigla akong nanigas sa aking kinauupuan. Lumingon ako kay kuya nakita siyang nakakunot ang noo na nakatitig sa mukha ni Kairo. Hindi niya siguro nakita si Kuya. Kapag kasi sa pinto kay ay hindi mo malalaman kung may nakaupo ba sa sofa dahil nasa kabilang bahagi ito ng silid. Natatakpan ng malaking halaman. "Sorry natagalan ako, bumili pa kasi ako ng prutas." Tuloy-tuloy siyang pumasok at nilagay sa mesa ang mga prutas na binili. Doon laman niya napansin si Kuya nang lumingon siya sa gawi nito. Natigilan din siya. Hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ni Kuya ang meron kami ni Kairo. Hindi pa ako handang malaman nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD