sweet & dangerous

2334 Words
Hindi mabura ang ngiti ni Luzifer habang nag mamaneho ng kotse n'ya patungo sa Luzifer's Den. Kinailangan n'yang mag panggap na si Damon kanina para i-meet up ang babaeng gustong ipakasal ng ina sa kapatid pero wala si Damon umalis ito right after ng usapan sa mansion ng mga Montenegro. Naki-usap itong mag panggap s'yang bilang ito para hindi mag hanap ang ina, tutal daw naman sanay ang Mommy nila na s'ya ang laging wala gamit ang passport n'ya lumabas ng bansa si Damon. Hindi n'ya siguro pero malakas ang kuton n'ya na hindi si Klary ang nasa harapan nila ngayon. Kundi ang asawa n'yang matagal na n'yang hinahanap kung paanong nangyari na naging mukha ni Klary si Precious at walang maalala ang asawa sa nakaraan nila. Hindi talaga matanggap ng Mommy n’ya ang babaeng pinakasalan n’ya. Biglaan lang din naman kahit s’ya sa sarili n’ya nagulat din kung bakit ora-orada nag decide s’yang pakasalan ang babaeng hindi n’ya kilala at hindi rin kilala ng babae ang sarili. Tama nga siguro ang ina out of pity kaya n’ya pinakasalan ang babae. Napulot n’ya ito sa isang isla na pinuntahan n’ya para tingnan dahil gusto n’yang bilihin kaso isang babae ang nakita n’yang walang malay sa pang-pang at may na tutuyong malaking sugat sa noo at may sunog na malaki sa likod. Inuwi n’ya ang babae sa vacation house nila at inalagaan hanggang sa nag kamalay ito na parang takot na takot. Wala itong maalala kahit pangalan nito hindi nito alam. Madalas pa itong na nanaginip at kapag nagigising bigla na lang itong tatakbo at mag tatago sa ilalim ng kama or loob ng kabinet. Labis s’yang na awa rito at ginusto n’ya itong protektahan. Ni ayaw nitong mag salita madalas lang itong na iyak at palingon-lingon na para bang masyado itong nag aalala sa paligid nito kaya he decided na pakasalan na ito para bigyan na ito ng bagong identity. He name her Precious Lantican at pinalabas nilang anak ng caretaker ng vacation house nila. Inuwi n’ya ito sa kanila at ipinakilala sa magulang pero ganun na lang ang galit ng parents n’ya but at the same time hindi na umimik ang mga ito dahil na awa rin ang mga ito kay Precious. Ang hinala pa ng ina n’ya mukhang bata pa daw si Precious 17-19 pa lang daw ito. Kaya ang bilin ng ina hanggat maari wag n'yang subukan na buntisin si Precious hanggat hindi na balik ang aalala nito dahil baka daw magkaproblema sila. Then one day ng after almost a year isinama n’ya ito sa labas para sana ipa-therapy dahil nga hindi ito nag sasalita. Saglit lang n’ya itong iniwan sa ladies room dahil sumenyas ito na mag babanyo. Sa ganun paraan lang sila nag kakaintindihan nakatanggap s’ya ng phone calls kaya na lingat lang s’ya sandali hndi na n’ya nakita ang asawa para itong nag laho na parang bula. At ilang years na rin s’yang nag hahanap mahigit 10 years na rin pero hindi na n’ya ito makita. May nakuha silang information ng isang babae na nag ngangalang Barbara Villa Fuentes isang world champion in archery women division na taga Thailand. Half filipina and half thailander kamukhang kamukang ito ni Precious pero 3 months na itong patay bago pa n’ya na pulot si Precious noon sa pang-pang kaya iniisip n’ya na baka mag kahawig lang ang dalawa. Unang kita pa lang n'ya kay Klary may kakaiba na s'yang napansin rito. Maaring mukha ni Klary ang gamit nito pero yung manerism nito na kagat labi at pag lalaro ng hikaw, gawain yun ng asawang si Precious at hindi lang yun ng yakapin n'ya ito nakita n'ya ang maliit na crescent moon na meron 3 bituin sa likod ng tenga nito. Hindi n'ya alam kung anong nangyari kay Klary bakit kamukha nito ang asawa. Sure talaga s'yang ito si Precious at papatunayan n'ya iyon at aalamin n'ya ang totoong dahilan. Tiyak s'yang may dahilan kung bakit nito kamukha si Klary kung may amnesia noon ang asawa possibleng bumalik na ang alala nito at nabura naman ang alala nito nonng mag kasama sila ng halos 1years din. Nasa kapahamakan ba itong muli kaya kinailangan nitong mag palitan ng mukha. ********* Natigil sa pag pasok ng Luzi ng club n'ya ng makita ang mga tauhan na naka luhod lahat sa flooring ng dance floor sa gitna ng club n'ya. Kaya naman pala closed pa ang naka lagay sa pinto dahil meron na pa lang nagaganap na gulo sa loob. Ang mga waiter n'yang lalaki at mga bouncer pawang mga duguan ang mukha na halatang na bugbog na. Habang ang mga babae naman n'yang waiter ay mga nag-iinyakan lang na may busal ang bibig. Usually, ganitong mga oras bukas na dapat ang club n'ya pero dahil sa mukhang may dumating s'yang bisita mukhang hindi s'ya makakapag bukas. Mula sa second-floor kung nasaan ang office n'ya lumabas ang mga lalaking hindi baba sa 10 ang pababa ngayon ng hagdaan na may dalang mga tubo na hinihahampas sa kamay. Pagak naman s'yang natawa ng makita si Joccer na naka ngisi na tuloy ang palobo ng bubble na nginunguya nito. Si Joccer ay isang richkid na hindi matanggap na ikinama n'ya ang kapatid nito at hindi pinakasalan. Ilang beses na s'yang tinakot at pinag bantaan nito papatayin pero hanggang ngayon buhay pa rin s'ya. Sa madaling salita siga lang ito na anak mayaman kaya ginagamit nito ang pera para takutin s'ya pero malas nito hindi pa ipinanganak ang sisindak sa kanya. Hindi rin naman n'ya gusto na makipagse* sa kapatid nito pero Janice put something on his drink and the least thing happened mainit na s'yang nakikipag tali* rito sa mismong office n'ya. Wala naman na s'yang magagawa pero hindi naman n'ya akalain na balak pala s'yang pikutin ng kapatid nito. Kaso malas ng mga ito kasal s'ya legally kaya nagalit si Joccer at wala na itong ginawa kundi guluhin s'ya. Ayaw lang n'ya itong patulan at palakihin ang issue dahil ayaw n'yang maki gulo pa ang Mommy n'ya na may personal na galit din sa ina ng mga ito na muntik na pa lang gapangin daw noon ang Daddy nila buti na lang daw magaling itong babakod sa Daddy nila noon. Lalaki lang ang gulo at hindi matatapos kapag nalaman ng Mommy n'ya ang ginagawa sa kanya ni Janice at Joccer. At ayaw din n'yang malaman ng ina na may ginagawa s'yang anumalya sa loob ng luzifer's Den. Luzifer's Den is just a front ng tunay n'yang negosyo. Kapag nasa loob s'yang Luzifer's Den hindi s'ya yun lalaking kilala ng magulang n'ya at mga kapatid. Isa s'yang lalaking kinatatakutan ng lahat at niyuyukuan ng marami. S'ya si Darklord ang may-ari ng pinaka malaking lending company all over the world. Hindi s'ya nag papautang ng walang collateral pero hindi lang basta collateral na bagay ang hinihingi n'ya kundi mismong buhay ng mga cliente n'ya. Hindi rin kasi s'ya nag papautang ng maliliit na halaga million ang usapan. Walang nakaka-alam ng bagay na iyon kahit mismong mga kapatid n'ya o magulang n'ya at wala din s'yang balak ipaalam. Ang sino mang maka kilala kay Darklord kailangan n'yang patayin para protektahan ang identity at negosyo n'ya. So far wala pa naman s'yang napapatay sa mga kamay n'ya pero marami na s'yang ipinapatay na tao. Gaya ng mga drug lord na malalakas ang loob na mangutang sa kanya kapag na lulugi ang mga negosyo ng mga ito. Ang mga ganid na negosyanteng na nanapak sa mahihirap at mga corrupt na politko na nag papahirap sa mga mahihirap. You see hindi naman s'ya ganun kasama ang pinauutang lang n'ya yung mga taong ganid sa pera. Pero mukhang kailangan muna n'yang mag lay low dahil sa muli nilang pag kikitang mag-asawa. Aayusin muna n'ya ang love life n'ya, kailangan din naman n'ya ng Reyna sa kaharian n'ya. Ayaw n'yang kung sino-sinong babae na lang ang ikakama n'ya kapag na ngangailangan s'ya ng init ng katawan ng isang babaee. Hindi naman kasi s'ya babae, maayos silang pinalaki ng parents nila lalo na ang Mommy nila na itatakwil daw sila kapag nalaman nitong babaero sila. Kaya naman silang mag kakapatid lumaking takot sa ina, okay lang daw mang-agaw ng babae basta alam daw nilang mahal din sila ng babae pero wag daw silang maninira ng isang relasyon kung one sided love lang dahil matakot daw sila sa karma. Kaya may malaki s'yang problema sa ngayon dahil mukha ni Klary ang nasa mukha ng asawa n'ya. Hindi n'ya puwedeng ipaalam sa magulang n'ya na si Precious si Klary. Tiyak na malaking gulo yun sa pamilya n'ya at sa pamilya Montenegro. Iintayin na muna n'ya si Damon. Sa ngayon mag papanggap muna s'yang si Damon, hitting 2 birds in one stone ika nga. "Pinag laruan mo nanaman ang mga tauhan ko, Joccer na bobored ka ba? Try mo mag bilang ng asin sa bahay n'yo wag dito sa club ko." ani Luzi na nilapitan ang mga tauhan na kinalagan ng tali ang isa bago inutusan na kalagan ang iba pa. "Hindi ako nakikipag biruan sa'yo Luzifer, I told you. Hindi kita titigilan hanggat hindi mo pinakakasalan ang kapatid ko." pagak naman tumawa si Luzi na prenteng na upo lang sa mahabng couch saka tiningnan ang mga ito saka senenyasan ang mga tauhan na umalis muna. "Tingin mo ba matatakot mo ako sa pag lalaro mo." "Sa susunod may mamatay na sa mga tauhan mo kaya ayusin mo ang sagot mo sa akin ngayon." Tumikwas naman ang sulok ng labi ni Luzi. "Talaga ba! Hoy bata bago mo ako sindakin ng tapang mo mag trabaho ka muna at mag banat ng buto. Hindi yun nag tatago ka sa likod ng mga tambay." ani Luzi na tiningnan ang mga goons na kasama nito na matatapang lang dahil may mga dalang tubo. "Boss! Basagin ko na kaya ang mukha ng mayaman na lalaking yan." wika naman ng katabi nitong pat-patin lalaki. "Relax ka lang d'yan darating tayo d'yan. Kailangan ko munang marinig ang sagot ng lalaking yan. Ano pakakasalan mo ba ang kapatid ko o mang hihiram ka ng mukha sa aso." napatingin naman si Luzi sa isang lalaki na lumapit kay Joccer at may ibinulong bago may ipinakita itong kung ano sa cellphoneng hawak. "Ayos ka rin pipili ng babaeng ikakama. Puwede ko bang tikman ito." iniharap nito ang screen ng cellphone na hawak. Bigla tumalim ang tingin n'ya sa mga ito saka tumayo habang inuhubad ang suot na coat at inalis ang pag kaka butones ng longsleeve ganun din ang suot na necktie na basta na alng inihagis sa couch. "Pag laruan n'yo na ang lahat ng taong gusto n'yo. I don't give a damn pero subukan n'yong galawin ang babaeng yan. Ako mismo ang huhukay ng lupa at mag hahatid sa inyo sa impiyerno." "Hmmmm! Mukha naka dale ako ng jackpot. The high and mighty Luzifer meron din pa lang kahinaan at ang babaeng ito pala. I guess magaling gigiling ang babae_______.' hindi pa man natatapos mag salita si Joccer tulog agad itong bumagsak sa sahig pagkatapos ng malakas na suntok ni Luzifer. Agad naman sumugod ang mga lalaking kasama ni Joccer pero nag kamali ang mga ito ng taong ginalit. Bumagsak na napaluhod si Luzifer ng tamaan s'ya ng tubong inihampas sa ulo n'ya. Nakita pa n'ya ang sunod-sunod ang pag patak ng dugo sa carpet na sahig. Agad s'ya naka tayo at na agaw ang isang tubo. Isa-isang pinabagsak ni Luzifer ang mga lalaki, nun naman may dumating na mga pulis kasama ng mga tauhan n'ya. Pabagsak s'yang na upo sa couch ng makaramdam ng hilo. "Sir, dadalhin ka po naman sa hospital." narinig pa ni Luzi na sabi ng isang babaeng bartender n'ya pero ngumiting kinindatan lang n'ya ito saka dinukot ang cellphone na nasa bulsa ng coat n'ya. - - - - - - - -- - Nakatingin si Barbie sa harapan ng vanity mirror n'ya habang nag totooth brush, naka ilang toothbrush na s'ya at ilang beses na s'yang nag mumug ng mouth wash pero pakiramdam n'ya. Hindi mabura sa alala n'ya ang lasa ng dila ni Luzifer na gumalugad sa loob ng bibig n'ya kanina. At ang pinaka worst pa na wet s'ya dahil lang sa halik na pinag saluhan nila ni Luzifer. Meron ba itong kapangyarihang itim bakit parang under magic spell s'ya kanina at hinayaan lang n'ya itong halikan s'ya ng ganun at buti na lang din may lumapit na security guard dahil kung hindi malalaman rin ni Luzifer na na wet s'ya dahil nasa loob na ng dress n'ya ang kamay nitong pumipisil sa loob ng hita n'ya. Inis na nag mumog si Barbie saka lumabas ng banyo ng marinig na nag riring ang phone n'ya. Si Luzi ang nag re-request ng Vcall, ayaw sana n'ya iyon sagutin ng una pero na iinis talaga s'ya sa nararamdaman n'ya. Na wiwirduhan na s'ya kaya sinagot na din n'ya." Pero aangil pa lang sana s'ya ng makita ito sa Vcall ay napigil n'ya ng makitang may umaagis na dugo sa may noo, sintido at gilid ng pisngi nito. "Anong nangyari sa'yo." "Mamatay na yata ako, may angel na akong kausap." ngisi pa ni Luzi na papikit-pikit na ang mata. "Hindi ako nakikipag biruan sa'yo anong nangyari sa'yo and where are you?" nag mamadaling tumakbo sa closet si Barbie at nag hanap ng masusuot. "May nang trip sa akin. I got hurt because of you." "Ha? bakit ako... " tanong pa ni Barbie habang nag bibihis. "I'm at Luzifer's Den, kung pupuntahan mo mabuti pang ngayon na kasi baka hindi na ulit tayo mag kita." "Hindi namamatay ang Demonyo." "Sana nga dahil gusto ko pang makasama ang aking reyn_____>' "Hoy! Luzifer." sigaw ni Barbie ng mawala na ito sa linya at nakita na lang n'ya nabitawan na nito sa sahig ang phone at marinig na lang n'ya ang nag kakagulong boses ng mga babae at lalaki sa background. Na nag tatanungan pa kung dadalhin ng mga ito sa hospital si Luzifer..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD