Double

2872 Words
"Bakit hindi n'yo s'ya dinala sa hospital?" galit na turan ni Barbie ng makita si Luzi na may balot na benda sa ulo. "Ayaw po ni Sir Luzi." "Ayaw? e paano kung mamatay yan." "Ano naman akala mo sa akin mahinang nilalang." sabay-sabay pa silang napalingon ng mag salita ito saka ngumiwi na sinapo ang ulo na bumangon. "Bukas na ba ang club." tanong pa ni Luzi. "Opo sir." tinapik pa ni Luzi ang kama sa tabi nito. "Tawag ka." kulbit ni Barbie sa babaeng katabi. "Ikaw po ata ma'am." "Bakit naman ako uupo sa tabi n'ya, mukha ba akong kaladkaring babae." nakataas ang kilay na wika ni Barbie. "Lalapit ka ba dito o hihilahin pa kita." anas ni Luzi. "Lumabas ka na Kyla. Salamat." utos naman ni Luzi sa babae saka lumabas. "Lapit ka dito." "Gabi na kailangan ko ng umuwi." ani Barbie na tatalikod na sana. "Mag papakamatay ako kapag umalis ka." tumaas naman ang kilay ng dalaga na nilingon ang binata. "I swear." "Simulan mo na papanoodin kita, mukhang exciting yung." naka halukipkip na wika ni Barbie. "Hindi ka man lang ba naawa sa akin, I got hurt at na hihilo pa ako sa totoo lang." "Bakit ka ba kasi nasaktan?" "Mag sisigawan ba tayo habang nag-uusap. Ang layo mo ang sakit na nga ng ulo ko mag sisigawan pa tayo." napabuga naman ng hangin si Barbie na lumapit na lang pero sa may paanan lang s'ya naupo. "Ano ba naman Lucifer." reklamo ni Barbie ng biglang gumapang ang binata papalapit sa kanya tatayo na sana si Barbie ng pigilan s'ya nito sa braso at hilahin pabalik. Agad naman itong umunan sa hita n'ya at may pag yakap pa sa katawan n'ya habang naka subsob ang mukha nito sa tiyan n'ya. "Ang bango mo masakit na ang ulo ko pati ata ulo ko sa baba sasakit din." "Ang bastos mo naman." reklamo ni Barbie na kinurot ito sa braso na hinimas naman nito saka tumihaya ng higa kasabay ng pagtingin sa kanya ng deretso. "It's Luzifer as in ZI-Z hindi C parang tinawag mo na akong demonyo." "Bakit hindi ba?" "Mabait ako wanna try me?" "May mabait bang basta na lang nanghahalik ng babae at nang babastos." nakataas ang kilay na tanong ni Barbie. "Correction hindi kita hinalikan lang dahil you kissed me back at hindi kita binastos dahil sinasabi ko lang ang nararamdaman ko right at this moment at hindi yun pang babastos." "Sabihin mo nga in love ka ba sa akin?" "Hindi pa ba halata? Kulang pa ba ang effort na ipinakikita ko." hindi agad naka-imik si Barbie, so in love nga ito kay Klary pero paano si Damon. Ano ba naman n'yan ang haba naman masyado ng buhok ni Klary dalawang lalaking mag kapatid ang nag aagawan rito. "Alam mo bang may relasyon kami ni Damon?" tanong n'ya dahil gusto n'yang malaman kung alam ba nito dahil itinatanggi sa kanya ni Klary. "Talaga, everything is fair in love at handa akong ipag laban ang feeling ko for you kahit saan pa tayo makarating." "Babanggain mo ang kapatid mo para sa akin." "Hindi ko s'ya babanggain kung alam ko naman na tatabi s'ya para sa akin." "Wow ha! Napaka generous naman pala ni Damon parang gusto ko na s'yang pakasalan." "Kung yayain kitang pakasalan ako ngayon papayag ka ba?" "Hindi!" mabilis na sagot naman ni Barbie. "Grabe ka! Hindi ka man lang nag-isip." natawa naman si Barbie na itinuon ang dalawang kamay sa likuran saka napatingin sa kisame ni Luzifer na may painting ng iba't-ibang babae na may ka se* sa iba't-ibang posisyon kaya napangiwi ng bongga si Barbie. "Sadist ka ba?" tanong n'ya kay Luzifer. "Bakit mo natanong?" "parang hndi na normal na tao ang mag papalagay ng ganyan painting sa loob ng kuwarto n'ya." "Ang OA mo naman, hindi ba puwedeng mahilig lang ako sa mga art of intimacy kaya ganyan ang paintings ko. And to answer your question, I'm not a sadist but I love doing hardcore pero s'yempre hindi ko gagawin sa'yo yun kung ayaw mo." awang naman ang bibig ni Barbie sa sinabi ni Luzifer na masyado naman itong prangka. Kung wala lang itong injury sa ulo naitulak na n'ya ito. "At bakit naman ako makikipag s** sa'yo." "Because we love doing it together just like old times." awang ang bibig na natuptop ni Barbie ang bibig. "Bakit ganyan ang reaction mo?' ngisi ni Luzifer. "Imposible kelan ako nakipagse* sa'yo." "Ang sakit naman." wika pa ni Luzi na sinapo ang dibdib. "Bakit ako makikipag se* sa'yo hindi ako na niniwala sa'yo." "Gusto mo pustahan pa tayo." "Nang ano?' "Make love with me at papatunayan ko sa'yo na hindi ka na virgin." ngisi pa ni Luzifer pagak naman na natawa si Barbie. "Nice try Luzifer! You almost got me." iling ni Barbie. Ngumiti naman si Luzi na muling tumagilid ng higa. "Ikaw ang bahala kung ayaw mong maniwala. Puwede bang matulog muna ako." "Go ahead! Uuwi na din naman ako." "Stay here!" "Hindi puwede! Uuwi na ako." "30 minutes let me sleep at least 30 minutes then ipapahatid na lang kita sa inyo please." hindi naman na naka imik si Barbie lalo ng yumakap ulit ito sa bewang n'ya at isiniksik nanaman ang mukha sa tiyan n'ya. Napatingin naman si Barbie sa binata parang gustong umangat ng kamay n'ya at hagurin ang ulo nitong may benda pero pinigilan na lang n'ya. Pinuno na lang n'ya ng hangin ang dibdib n'ya at hinayaan na lang itong matulog tutal 30 minutes na lang naman kaya nag cellphone na lang s'ya habang hihintayin matapos ang 30 minutes. - - - - - -- - - - - Napa-inat ng braso si Barbie napatingin sa bintana na may makapal na kurtina pero kita na sa siwang nun ang liwanag na galing sa labas. Umaga na kinusot pa n'ya ang mata na napangiwi pa ng bahagya ng maramdaman na hindi s'ya makakilos ng maayos dahil parang may kung anong nakayakap sa isang hita n'ya at naka dagan sa puson n'ya. Kaya tiningnan n'ya kung ano yun nanlaki ang mata at malakas na napasigaw si Barbie ng makita si Luzifer na nasa pagitan na nag hita n'ya at yakap-yakap ang isang hita n'ya habang naka unan pa ito sa mismomg p*********e n'ya. Naka lilis pa ang suot n'ya dress kaya naka tiwang-wang ang pink n'yang underwear habang sarap ng tulog ni Luzifer. Mabilis na lumipad ang kamay n'ya sa mukha ni Luzifer at pinag sasampal ito na nagulantang na napahawak pa sa pisnging nasaktan ng bumangon habang tuloy pa rin ang sigaw ni Barbie na napabangon na rin sa kama. Natigil lang sa pag sigaw si Barbie ng sungaban na s'ya ng halik ni Luzifer at mahiga muli sa kama habang pigil nito ang mga kamay n'ya sa ulunan. Sinubukan ni Barbie na manlaban pero hindi n'ya magawa dahil naka dagan sa kanya ang buong bigat ni Luzi tapos pigil pa nito sa ulunan ang kamay n'ya. Napapikit pa s'ya ng maramdaman na may pumatak sa may mata n'ya at tumigil sa pag halik si Luzi at umungol na bumagsak sa tabi n'ya na sapo ang ulo. Mabilis naman bumangon si Barbie na pinahid ang kung ano na pumatak sa may mata n'ya at nakita na dugo yun kaya automatic na na tiningnan n'ya ang ulo ni Luzi at nakita n'yang puno na ng dugo ang benda nito kaya nag mamadaling kinuha na n'ya ang cellphone at tumawag na ng ambulansya. ********* "Wala naman problema sa kanya bukod sa bumuka ang tahi sa ulo n'ya kaya dumugo muli ang sugat pero wala naman kaming nakitang fracture ang skull n'ya o internal bleeding kaya no need to worry Ms, Montenegro." paliwanag nag doctor na tumingin kay Luzifer at tumahi muli ng sugat nito na marahil bumuka dahil sa pag kakahampas n'ya rito kanina ng magising. Nawala sa loob n'ya na may injury nga pala ito. "Salamat po Doctor." paalam n'ya sa doctor na umalis na hindi n'ya magawang tumawg sa kanila o sa pamilya ni Luzifer dahil hindi n'ya alam ang i-explain n'ya kung bakit sila mag kasama at kung ano isasagot n'ya kung tanungin kung saan s'ya natulog kagabi. Bakit naman kasi ang lapad-lapad ng kama nito bakit sa pundyo n'ya ito natulog, nanadya ba ito at sinamantalang tulog s'ya. At bakit ba kasi nakatulog din s'ya nag cecellphone lang s'ya ang huling alala n'ya. Hndi n'ya namalayan na nakatulog pala s'ya habang nag iintay ng 30 minutes. Napatingin s'ya kay Luzifer tulog pa rin ito at hindi n'ya ito puwedeng basta na lang iwan pero kailangan na n'yang umuwi bago pa lumaki ang problema n'ya. Ibinilin na lang muna n'ya sa nurse ang binata saka umuwi. "At saan ka taulog kagabi?" napangiwi si Barbie na napakagat labi na paakyat na ng hagdaan ng mapalingon ng marinig ang boses ng ina sa may arc patungo sa Gazebo. Ngumiti naman si Barbie na alanganin na bumaba ng hagdan para batiin ang ina at humalik sa pisngi nito. "Medyo napa paparty lang po Ma, kasama yung mga dati kong friends kaya hindi na ako naka-uwi kagabi." "Saan ka natulog?" "Sa hotel ma." "Sinong kasama mo." "Ako lang po mag-isa." "sigurado ka?" nag hihinalang tanong pa ng ina. "Opo naman mama. Intact pa po sa utak ko ang mga pangaral n'yo, wag ibibigay ang bibingka sa lalaking hindi mo naman asawa." "mabuti naman at alam mo pa ang bagay na yun. Umakyat ka na and refreshen up mag papahanda ako ng breakfast mo." tumango naman si Barbie. Pag dating sa kuwarto pilit n'yang tinatawagan si Klary pero unattend ang cellphone nito kanina pa. Asan ba ang babaeng yun kinakabahan s'ya dahil sa Luzifer na yun. Baka mabuko ang pag papanggap n'ya dahil sa pag hahayag ni Luzifer ng feeling sa kanya. Knowing na balak s'yang ipakasal ng parents n'ya kay Damon. Kailangan n'yang maka-usap si Klary ma lalagay sa alanganin ang pag papanggap n'ya. After maligo at makapag palit ng damit muli na s'yang bumaba. "Hoy! That was my dress kaya naman pala nawala sa closet ko tingay mo." Ani Megan ng makita na suot n'ya ang damit di umanoy nito. "Akin kaya to." "Ako ang bumili n'yan at hindi ko pa nagagamit kaya naman pala nawala tinagay mo." "Hay! Ano ba kayong dalawa damit lang nag-aaway pa kayo." sita ni Luxme. "Sarry nasuot ko na e." "mag palit ka nga ng suot mo. Tingnan mo nga yang dibdib mo para kang may pinasusong baka." sita naman ni Ivo sa anak. "papa naman." "May iba tayong kasama rito kaya mahiya ka." wika pa ni Ivo sabay turo kay Railey na nanahimik na nag papakain ng anak. "Papa, nanahimik ako dito ha, Ma! Oh, nag sisimula nanaman si Papa." sumbong pa ni Railey. "Tumigil ka na Ivo, ikaw din naman ang laging pikon." wika naman ni Luxme. "Totoo naman ang sinabi ko. Hindi magandang tingnan ang dibdib ng anak mo na inidisplay n'ya habang may ibang tao tayong kasama." "Pa, ako lang to oh!" turo pa ni Railey sa sarili. "Ang paborito n'yong manugang. Wag naman kayong others d'yan hindi na ako makikipag kita sa inyo sa dilim sa gabi kapag lagi n'yo akong inaaway." ngisi ni Railey na tinawanan naman ng mga nasa mesa. "Abat sira-ul* ka talaga." "See! Sinabi ko na sa'yo na tigilan mo na at ikaw lang din naman ang unang ma pipikon." ani Luxme. "Nakakapikon______." "Hello, This is Railey Razon... I would like to request for 150 million dollar.. Yes! ASAP .. No! transferred it right now sa send kong bank account. Okay not a problem. Okay thank you." maya-maya lang tumunog naman ang cellphone ni Ivo at saglit itong nakipag-usap. "Megan anak, mag bra ka na lang walang problema sa akin." malakas naman nag tawanan ang lahat sa sinabi ni Ivo. "Ikaw talaga ang paborito kong manugang. Sige lang galitin mo lang ako ng galitin okay lang hijo." "Ayoko na po Papa! baka mamalimos na kami sa kalsada ng mga anak ko." sagot naman ni Railey na muling nag tawanan. ********** "Sigurado ka! okay walang problema sa akin yun lang pala eh! Basta wag ka munang uuwi. Ako mag sasabi kung kelan ka uuwi." ani Luzifer habang kausap ang kapatid na si Damon. Napangiti naman si Luzifer sa salamin habang nag aayos ng suot na tuxedo. Ngayon ang birthday ng ama ni Klary at nasa US pa si Damon, hindi pa nito makita kung nasaan ang tunay na Klary dahil tulad n'ya nakilala rin nito ang babae na hindi si Klary. Mahigpit na bilin nito na wag n'yang pakakawalan si Klary na kasama n'ya as long na hindi nito na kikita ang tunay na Klary. Pinag papanggap rin muna s'ya nito Damon. Na agad rin s'yang pumayag dahil curious din talaga s'ya kung ano ang totoong dahilan ng asawa. "Damon." napatingin si luzifer sa ina sa reflection sa salamin. "Yes, Mom?' "Na contact mo na ba si Luzi?" "Wag n'yo daw po muna s'yang hanapin Mommy kasama na daw n'ya ang asawa n'ya." "Baliw ba talaga ang taong yan? Sabihin mo nga sa kanya kapag hindi s'ya umuwi dito kasama ang asawa n'yang sinasabi kalimutan na n'yang may nanay s'ya. Bilisan mo mala-late na tayo." inis na wika ng ina sabay talikod. Muling napatingin si Luzifer sa harapan ng salamin. "Sorry Mommy for deceiving you. I need to do this ." ani Luzifer sa kanilang mag kakapatid s'ya ang may kakayanan na kagayahin ang mga kapatid n'ya na hindi na bubuko ng ina. Hindi gaya ng dalawa n'yang kambal na ang bilis mahuling nag papanggap lang. Kung may nakakakilala man agad sa kanya ng mabilis walang iba iyon kundi ang bunsong kapatid na si Magdan na parang kabuti na basta na lang sumusulpot kung kelan nito gusto kaya galit na galit rito ang ina. The time he heard about her sister nasa Madagascar ito. Nag sesend naman ito ng picture sa GC ng pamilya nila kaya alam nilang buhay pa ito. Iyon na lang ang importante sa kanila ang malaman na buhay ito at pakalat-kalat lang dahil hindi rin naman nila ito mapigilan kaya hayaan na lang. "Sila Saitan at Blessy ba hindi darating?" takang tanong ni Luzi sa magulang. "Masama daw ang pakiramdam ni Blessy. Na hihirapan sa pag lilihi kaya under monitoring daw dahil kanina pang umaga nag susuka nag aalala na ang kapatid mo." ani Fhyroos habang papasok sila sa event hall ng hotel kung saan gaganapin ang 70th birthday ng ama ni Klary. Agad silang lumapit sa birthday celebrant at bumati maraming bisita na puro kilalang tao sa Pilipinas. S'yempre hindi mawawala ang family friend naman mga itong na Lagdameo. "Hello! hijo.. You are?" tanong pa ni Dana na nakipag beso-beso pa sa kanya. "Damon." "Yes, Matthew. Hay! Ang hirap n'yong kilalanin." ani Dana. "Sinabi mo pa kahit ako na lilito din, simula ng ipaputol nila ang mga buntot nila hindi ko na naintindihan." sang-ayon ni Fhyross. "Nasa suite pa si Klary Damon, paki kaon mo na nga parang ayaw na yatang bumaba. Kanina pa yun parang may tinatawagan pero parng hindi ma contact kaya aburido na." wika ni Luxme. Nag paalam naman si Luzi sa mga matatanda para puntahan ang dalaga after hinigiin ang room number nito. - - - - -- - - - "Damn it! Klary where are you?" inis na bulong ni Barbie. Maya't maya na n'ya itong tinatawagan at ilang araw na n'ya itong hinahagilap pero out of reach. Ano bang nangyari rito, hndi puwedeng mawalan s'ya ng contact kay klary natitiyak n'yang sasabit s'ya kapag natuloy ang kasal nila ni Damon. Tiyak na gulo ang dadalhin sa kanya ni Luzifer kailangan n'yang maka-usap si Kalry para alam n'ya ang gagawin n'ya. "Hndi pa man tayo na kakasal mukhang gusto mo ng magloko?" napalingon si Barbie ng makita ang pumasok na si Damon. Ngunit kumunot ang noo ni Barbie. He look exactly Damon pero si Damon ba talaga ito parang si Luzifer ito in someway. "Bakit ganyan ka makatingin. Don't fall in love with me baka mahirapan ka lang." tumikwas naman ang nguso ni Barbie. Kung si Luzifer ito hindi nito iyon sasabihin dahil tiyak na gugustuhin nito na ma in love s'ya rito. "Paano ka nakapasok rito." "Nag teleport ako may kapangyarihan kasi ako." kumunot naman muli ang noon n'ya. Nalito s'ya bigla si Damon ba talaga ito. "Bukas ang pinto natural, use your coconut." umirap naman si Barbie si Damon nga ito suplado e. "Tara ng bumaba. Mag sisimula na ang party pinapupuntahan ka na sa akin nila Tita Lux, kung sino man yang tinatawagan mo kalimutan mo na dahil ayoko sa lahat manloloko. Let's go." ani Luzi sabay talikod. Napahinga naman ng malalim si Barbie paano na kung nasa baba din si Luzifer at gumawa ito ng eksena. "Si Luzifer?" "Kasama ang asawa n'ya." tumaas naman ang kilay ni Barbie. "Hindi mo ba alam, kasal na si Luzifer at Precious Lantican ang pangalan ng asawa n'ya. Hindi ba n'ya nabanggit sa'yo." hindi naman nag komento si barbie dahil sa mga oras na ito pinapatay na n'ya sa isip si Luzifer na nakipag landian sa kanya at may pang hahalik pang na lalaman yung pala married na. Sarap ipa ambush ang mga lalaking tulad ni Luzifer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD