Subsub

1339 Words
"Sure, ka bang hindi naka halata sa'yo ang Damon na yun?" tanong ni Klary habang kausap n'ya ito over the phone. "Hindi ko sigurado. Bakit kasi wala kang sinabi tungkol sa kanila sa akin kaya yan tuloy kinakabahan ako." ani Barbie habang nag mamaneho ng sasakyan patungo sa isang mall kung saan n'ya tatagpuin ang bestfriend ni Klary na s'ya daw tutulong para maka lusot s'ya kay Damon. "Wala nga kaming relasyon ng thunders na yun at ewan ko ba sa mga pinag sasabi n'ya sa'yo. Ni hindi ko nga nakaka-usap ang nilalang na yan. Sometimes nagkikita kami sa mga gathering pero hanggang dun lang yun." "E yung Luzifer ano naman papel nun sa buhay?" "Kaibigan yun ni Ate Ara best buddy pero never ko yun naka-usap hindi rin mahilig sa gathering si Kuya Luzi pero sa mga motor show at yung mga dangerous event dun mo s'ya palaging makikita pero hindi na s'ya nag momotor ngayon pinagalitan na s'ya ni Tita Pips. Meron din s'yang business na bar, Luzifer's Den na sikat sa mga mayayaman na tao. Hindi kasi afford ng average na empleyado ang makapasok dun." "Mas kilala mo pa si Luzi kesa kay Damon." "Oo kasi nga lagi s'yang kasama ni Ate Ara at wag mo s'yang tawagin na basta Luzi lang ha, Kuya Luzi." "Okay Copy." "At saka mag ready ka lakas ng trip n'ya. Sya yung tipong gustong maging sweet pero bibigyan ka ng disaster." "Anong ibig mong sabihin?" "Inuulan ng malas si Ate noon kapag kasama yan noon high school sila kaya wag kang nag sasama sa taong yan okay kung ayaw mong dapuan ng malas." "Okay copy." ******** "Hi! Klary OMG! You're so pretty girl. Mukhang na hiyang ka sa US." "Duh! nasa genes gurl." biro ni Klary ng magyakapan sila. Kailangan daw dumikit s'ya kay Mia para mas lalong mag mukhang makatotohanan ang pag papanggap n'ya. Na kuwento na ni Klary sa kanya ang lahat ng tungkol kay Mia na matalik nitong kaibigan kaya naman madali na sa kanya ang makipag kaibigan rito. "Let's go sa restaurant ko. Hindi na ako poorita ngayon tulad ng dati." "Talaga ba? buti ka pa samantalang ako 10 take na ng bar hindi ko maipasa-pasa mukhang kailangan ko ng mag retired hindi pa man ako nag aabogado." sabay pa silang tumawang mag kaibigan. Tuloy ang tsimis nila Mia ng ituro nito kung saan ang restaurant nitong nasa loob ng isang mall. Saktong itutulak na sana n'ya ang pinto ng biglang bumukas iyon kaya ang ending nakipag halikan s'ya sa flooring at parang hindi na n'ya magawang tumayo dahil sa kahihiyan na inabot dahil hindi n'ya nabalanse ng maayos ang katawan sa biglang pag bukas ng pinto. Malakas na sigawan pa ang narinig ni Barbie. Hindi malaman ni Luzifer kung sino ang una n'yang tutulungan si Klary na naka subsub sa sahig o ang japanese daughter ng business partner n'ya sa isang negosyong na nahubuan ng palda at naiwan ang pula nitong underwear na nag sisigaw kung paano tatakpan ang lower part nito. Mabilis na hinubad ni Luzi ang suot na coat at tinakpan din ang expose na legs ni Klary dahil tanaw din ang panty nitong suot dahil sa dress na suot nitong suot. Habang itinaas naman ni Luzi ang palda ng babae na nag mamadaling isinuot at nag mamadaling lumabas ng restaurant. Hindi na magawang habulin ni Luzi ang babaeng naka labas dahil agad itong enescortan ng mga bodyguard nitong kasama na nasa labas lang ng restaurant. "Klary. Mas lalong nakakahiya kung hindi ka tatayo rito.' bulong ni Luzi. "Oo nga girl, sa'yo na naka tingin ang lahat tayo ka na." "Patayi* n'yo na lang ako please lang." pigil naman ni Luzi ang matawa. "Ganito na lang kunwari nawalan ka ng malay bubuhatin kita palabas rito." tumango naman si Barbie. "Miss, puwedeng paki-alalayan yung coat para hindi makita ang underwear n'ya." utos pa ni Luzi sa babaeng nakatitig lang sa kanya kanina pa. Tumalima naman ito inayos naman ni Luzi ang katawan ng dalaga para mabuhat ito ng maayos. Medyo nagulat pa si Luzy ng yumakap sa kanya ang dalaga at itago ang mukha sa leeg n'ya. "Salamat Miss." wika pa ni Luzi sa babae na inayos ang coat sa lower part ni Barbie. "Your Damon right?" tanong ng babae na sumunod pala sa kanila palabas muli ng restaruant. Napalingon naman si Luzi sa babae, kilala nito si Damon. "No! But he's my twin." napa ahh naman ang babae. "Ahhh! saan mo dadalhin si Klary?' nag-angat naman ng ulo si Barbie. "Some other time na tayo mag kita beshy, ililigtas ko muna ang pride kong lumagapak," ani Barbie. "Okay, chat-chat na lang okay." ******** "May dala akong kotse." ani Barbie ng ipasok s'ya nito sa kotse nito. "Ipapakuha ko na lang sa company driver." anito na binuhay na ang makina ng kotse. "Seatbelt." wika pa ni Luzi na nag kakabit na ng sariling seatblet. Hinila naman ni Barbie ang sa kanya pero hindi n'ya mahila. "Let me." wika naman ni Luzi na muling inalis ang seatbelt nito. "Para-paraan ka din naman e." wika pa nito habang hinihila ang seatbelt na ikinakunot ng noo ni Barbie. "Ganitong-ganito kasi ang mga nangyayari sa mga KDrama na pinapnood ni Mommy. Kung gusto mong i-kiss kita mag sabi ka lang ibibigay ko pati katawan ko." wika ni Luzi ng ma-ilock ang naturang belt sabay tunghay at muntik ng magtama ang nguso nila kung hindi s'ya umurong. "Alam mo siguro na mahilig ako sa garlic chips." wika pa nito habang nakatingin sa mga labi n'ya na tatakpan pa sana ni Barbie ang bibig dahil na aalala n'ya. Nag papak s'ya ng garlic chip habang nag dadrvie na favourite n'ya marahil amoy ni Luzi ang bibig n'ya kaya nag comment ito ng ganun. "pahingi naman ako." wika pa ni Luzi habang pigil-pigil ang kamay n'ya na takpan ang bibig n'ya. Napalunok pa s'ya ng bahagya dahil yung pintig ng puso n'ya nakaka gusto ng lumabas sa bibig n'ya "Nasa kotse." "Tinatamad ako lumabas, gagawan ko na lang ng paraan." nanlaki pa sa simula ang mata ni Barbie dahil sa gulat ng halikan s'ya ni Luzi . Saglit lang yun ng una at agad din lumayo pero ng hindi s'ya mag react muli s'ya nitong hinalikan sa labi at this time napapapikit na s'ya at hinayaan ang dila nitong gumagalugad sa loob ng bibig n'ya. It is wrong alam n'ya but yet it feels so right na para bang nagawa na n'yang makipag halikan rito. Yung weird na nararamdaman n'ya pakiramdam n'ya higit pa sa halik ang kaya n'yang ialay kay Luzi. Normal bang maramdaman iyon sa taong bagong kakilala. Mabilis naman na naitulak ni Barbie si Luzi ng makarinig ng katok sa bintana. Ang security ng parking napangiti pa si Luzy na umayos ng puwesto at binuksana ng bintana ng kotse. "Sir, pasensya na po bawal po kasi dito. Hindi rin po kasi tinted ang sasakyan n'yo baka may maka kita ang po sa inyo. Pasensya na po." wika ng guard pakiramdam ni Barbie na inggit s'ya sa pagong sana naging pagong na lang s'ya dahil sa sobrang kahihiyan. Una nakipag halikan s'ya sa flooring ngayon naman nakipag halikan s'ya sa lalaking ito na ang lakas ng hatak dahil na papayag s'ya nito. Naka ilang boyfriend na ba s'ya 5 pero never s'yang nakipag halikan dahil para sa kaya makikipag lips to lips lang s'ya sa lalaking pakakasalan n'ya. Nag boboyfriend lang s'ya para lang may ipang display sa harapan ng lola n'ya dahil ito ang mag hahanap ng boyfriend para sa kanya kapag wala s'yang nobyo. "Pasensya na boss, na carried away lang OFW kasi ang asawa ko ngayon lang ulit kami nag kita." "ganun po ba, naku sir dun po sa kabilang liko meron po dun mamahalin motel." suggestion pa ito tatawa-tawa naman nag pasalamat pa si Luzi saka nag paalam sa security guard. "Ano check in ba tayo?" ngising tanong ni Luzi. "Gusto mong sumuka ng dugo?" tanong naman ni Barbie na malakas na tinawanan ni Luzi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD