Tattoo

1194 Words
Na iilang na si Barbie sa tinginan sa kanya ni Luzifer, nakakatakot na yung pangalan nito tapos yung mga titig pa nito parang hindi gagawa ng mabuti. Mabuti na lang guwapo ito kundi mag aantanda na s'ya ng cross, ano bang problema nito bakit ganun ito makatingin sa kanya. May gusto rin ba ito kay Klary? Yung isa kakambal nito nag babanta na wag daw nitong malalaman na may pinadede s'yang iba. Ito namang isa kanina pa naka titig sa kanya panay na ang suntok dito ni Damon ng pasimple pero parang walang paki-alam si Luzi. May problema kaya ito sa pag-iisip daig pa nito ang adik e pero may something in Luzifer's face na para bang kilala n'ya ito bagay na hindi n'ya na ramdaman ng makita si Damon although mukha din familiar sa kanya si Damon. "So, Klary handa ka na bang mag settle dito sa Pilipinas?" tanong naman ni Luxme sa anak. "Of course not, mama! I have lot's of things to do so kaya I really need to go back." maarteng sagot n'ya habang panay ang text n'ya kay Klary. "Tigilan mo na ang pag pipilit mong mag abogado dahil ilang taon ka ng nag sasayang ng panahon sa pag rereview mo pero hindi mo naman maipasa ang bar. Dito ka na lang may posisyon na akong naka handa sa'yo sa company." "Pero Pa, you told me 'Sige lang anak try and try until you succeed e bakit ngayon_____ "I said that 10 years ago ng maka graduate ka ng collage." gustong matawa ni Barbie. Ang tagal na pala talaga ni Klary na nag aaral. Kaya naman pala pinipilit na itong umuwi na iintriga talaga s'ya kung ano kaya ang secreto ni Klary na hindi dapat malaman ng parent's nito at kinailangan pang gumawa ng dummy personality nito para wag mabuko ng pamilya ang secreto. "Basta right after your birthday papa babalik na ako ng Us, uuwi lang ako kapag abogado na ako na ipagmamalaki n'yo." "Tumigil ka na dahil desidido na kami ng papa mo na ipakasal ka kay Damon." wika ni Luxme sabay tingin kay Damon. Kung hindi lang mag kaiba ang paraan ng pag ngiti ng dalawa hindi n'ya malalaman kung sino si Damon at Luzifer, iisa kasi ang mukha ng dalawa. "Ma, wag kayong pala desisyon. Tanungin n'yo muna yung tao kung gusto n'ya akong pakasalan." wika ni Barbie na tumingin kay Damon na kumunot ang noo na nakatingin sa kanya. "Damon agree noon pa man nag sabi na s'ya sa amin na kung mananatili pa rin kayong dalaga at binata pag dating ng edad n'yo ngayon papayag s'yang pakasalan ka." wika ni Ivo. "Parang tinutuhog n'yo naman kami mas'yado, hindi kayo naka lusot kay Ate Ara, Ate Megan at Aira ngayon ako naman kasi ako na lang ang dalaga. Parang ang sakit naman sa pride parang no choice lang kaya pakakasalan ako." "I do love you, ikaw ang unang bumasted sa akin." wika ni Damon, napalingon naman si Luzifer sa kapatid at nagulat sa narinig. Para kasing imposible na si Damon nanligaw tapos na basted parang impossible yun. Bukod sa hindi ito marunong manligaw hirap na hirap itong i-express ang sariling damdamin. Simula noon muntik mamatay ang mommy nila parang takot na takot itong mag express ng nararamdaman kaya usually babae na ang nag fifirst move. "You told me before na kapag hindi ka nakapasa ng 5x sa bar papayag ka ng maging girlfriend ko." napatingin naman si Barbie sa phone ang bilis ng daliri n'ya sa mag chat kay Klary dahil hindi n'ya alam ang sasabihin. Wala s'yang alam sa pinag sasabi ni Damon at wala din naman sinabi si Klary. "Give me that." hinablot ng ama ang phone n'ya buti na lang napatay n'ya ang screen at nag lock bago yun na hablot ng ama. "Nag-uusap tayo ng maayos puro ka cellphone. You're going to be engage sa mismong araw ng birthday ko whether you like or not." anusyo ni Ivo. "Pero Papa." "Ikaw ang na ngako kay Damon kaya tuparin mo." ani Luxme. "Hinintay ka n'ya at nasa right age na kayo parehas kung tutuusin ang tanda n'yo na nga." dugtong pa ni Luxme. "Ma, Pa. Bata pa lang ako noon ng sabihin ko yun kay Damon natural hindi pa nagana ang utak ko ng maayos. Pag -uspa___________." hindi natapos ni Barbie ang sasabihin ng biglang mag excuse si Damon na aalis na ito. Pag-usapan daw muna nila ang plano. Wala daw problema dito tuloy pa din daw ang kasal sa pagitan nila. ****** "Bakit tayo umalis?" "Gusto mong maiwan go ahead." "Hindi naman sa ganun kaso bakit nga?" "Ituloy mo ang kasal ko no matter what happen kuya?" kumunot ang noo ni Luzi. "Di ko ma gets." "Aalis ako may hahanapin lang ako, marry her on my behalf." tinapik naman ni Damon ang balikat ni Luzi saka malalaki ang hakbang na umalis. "Bakit bigla yung nag walk-out?" "Nag karoon lang ng emergency meeting sa work. Gusto mong sumama sa akin?" tanong ni Luzi. "Close ba tayo?" "Hindi naman lahat ng bagong kakilala close agad. Mukhang I need to get to know you better at sure ako magiging close din tayo." 'Alam mo bang kamamatay lang ng huli kong boyfriend kasi meron sumpa sa akin na mamatay daw ang lahat ng lalaking mag mamahal sa akin." ani Barbie. "So patay na pala ang boyfriend mo?baka puwedeng ako na lang ang pumalit? Hindi kasi ako na niniwala sa sumpa." ngisi ni Luzi. "hmmm... ewan ko lang kung papayag ang puneralya, informed ko muna sila kung papayag." kibit balikat na sagot ni Barbie sabay talikod pero nakakatatlong hakbang na s'ya ng marinig n'yang malakas na tumawa si Luzifer na mukhang nag loading muna bago na intindihan ang sinabi n'ya. "My God! Guwapo nga shong* naman." iling ni Barbie na gulat pa si Barbie ng sumunod si Luzi at pa atras itong nag lakad habang nag lalakad naman s'ya. "Alam mo para kang ihi?" wika pa nito na ikinahinto n'ya sa pag lalakad at sinamaan ito ng tingin. "Kinikilig kasi ako sa'yo." 'di naman napigilan ni Barbie ang mamura ito sa Thai language na ikinakunot ng noo nito bagamat nakangiti pa rin. "Hindi ko na intindihan. Anong sinabi mo?" "Ang sabi ko umuwi ka na mukhang bored ka bilangin mo na lang ang asin sa bahay n'yo." ani Barbie na nilampasan na ito pero sumunod naman agad si Luzi kahit na akyat na s'ya sa itaas. "Mahirap bilangin ang asin sa bahay Iodize kasi pero kung sasama ka na pauwi sa akin kahit mag mukha akong tanga bibilangin ko ang iodize kung gusto mo." parang nilalaway si Barbie sa banat ni Luzifer ang guwapo-guwapo mukhang tang* lang. "Sasama ka ba sa akin hanggang kuwarto?" "Bakit puwede ba? Just like an old time." nanlaki ang mata ni Barbie old times ibig sabihin pinapapasok ni Klary si Luzi sa kuwarto nito bakit? tapos si Damon mukhang naka score na din kay klary. Ano bang klaseng babae si Klary bakit 2 lalaki ang bumabakod rito ang masama pa mag kapatid at kambal. Baka mag p*****n pa ang dalawang lalaki dahil sa mukhang hiniram n'ya. Ano bang gagawin n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD