Engagement party

1389 Words
"Relax ang lamig ng kamay mo." bulong ni Luzi na ikinakiling ng ulo n'ya dahil kinilabutan s'ya ng tumama ang hininga nito sa balat n'ya. Sinamaan n'ya ito ng tingin ng mahuli nya itong ngumisi. Why do she have this feeling na parang si Luzifer ito at hindi si Damon. Kung hindi lang sa kanila naka tutok ang spotlight habang papasok sila sa event hall tatanungin 'ya ito. Birthay ito ng ama ni Klary pero parang engagement party na rin n'ya dahil ang ganda ng gown na ipinasuot sa kanya para s'yang aattend ng famas awarding night. Napatingin pa si Barbie sa ulo ng lalaking katabi malakas talaga ang kutob n'yang hindi ito si Damon at para patunayan yun meron parte ng ulo ni Luzifer ang inahit noon para tahiin ang pumutok na sugat. Ngunit espaltong-esplato ang buhok ni Damon, plastadong-plastado sa wax dahil nga naka tuxedo ang binata. "Sabihin mo lang kung na iin love ka na sa akin para naman masuklian ko ang mga titig mo sa akin." wika pa ni Damon. "Your not Damon." bulong ni Barbie habang tuloy ang ngiti sa mga camerang kumikislap sa kanila. "Sino ako kung ganun?" "Hindi ako nagkikipag laro sa'yo Luzifer." lumingon naman sa kanya si Luzifer kaya lumingon din s'ya rito. "Paano kung mali ka?" "The Damon I know he's not going to flirt with me. Straight to the point s'yang mag salita at walang pasakalye." 'Ayoko sa lahat yung kino-compare ako sa kakambal ko." ani nito sabay hila sa bewang n'ya na ikinasinghap n'ya lalo na ng pisilin nito ang kalamnan n'ya sa bewang. Hindi naman naka imik si Barbie lalo na ng bumilis ang pintig ng puso n'ya. ******** "After marriage saan n'yo balak mag stay?" tanong ni Anastacia. "S'yempre sa bahay ko." sagot ni Luzifer. "Hindi ka naman siguro sadistang asawa, kakakilabot kasi ang pangalan mo." ani Aira. "Ikaw nga eh ang ganda ng pangalan mo hindi ko alam na sadista ka." ngisi ni Luzifer, tumawa naman ang mga kasama nila sa mesa. "Oo nga naman Ai, wala sa pangalan ang basehan kung anong tao ka." ani Ella. "Sabagay pero warning lang 8 kaming mag kakapatid kaya ingatan mo ang kapatid namin." napatingin si Luzifer kay Klary na nakatabi na kanina pa nakatitig sa hawak nitong cellphone mula pa kanina. Nag a-announce ng wedding date nila ang parents nila ito parang nasa outside world na naka tingin lang sa cellphone na parang may hinihintay na tawag. Kanina ng abutan ito sa hotel room may tinatawagan ito na parang hindi sinasagot and he heard na nabanggit nito ang pangalan ni Klary. Possible bang si Klary mismo ang nag papunta rito para mag panggap na ito pero bakit? "Itago mo na yan phone mo kung ayaw mong halikan kita sa harapan nilang lahat." "Puwede ba! Hayaan mo muna ako may iniintay lang a________." naputol ang sasabihin sana ni Barbie ng mag angat s'ya ng mukha para lingunin sana ito pero sinalubong ng labi nito ang labi n'ya. Smack lang naman yun pero iba ang epekto nanaman nun sa kanya. Inulan naman sila ng tukso ng mga kapatid na kasama nila sa mesa. "Next time na makita pa kitang tumingin sa cellphone mo hindi na lang halik ang ibibigay ko sa'yo. I a-advance ko na ang honeymoon." bulong pa ni Luzifer na ngumiti. "Hindi ko ini-expect na meron ka pa lang side na ganyan Damon, dati-dati lang tatahi-tahimik ka. Marunong ka rin pa lang tutuka." biro ni Gabriel. Bestfriend/business partner ahead ng 5 years sa kanila si Gabriel pero kahit ganun. Ito ang alam ni Luzi na takbuhan ng kapatid n'ya noon dahil alam n'yang malaki ang gusto ni Damon kay Klary noon kaya ito nag didikit kay Gab access ba para may way ang kapatid na makita si Klary noon na bata pa. Hindi nga n'ya alam kung ano nagustuhan ni Damon kay Klary oo given na magaganda naman talaga ang mga Montenegro sister pero si Klary kasi noon typical na maarte, pabebe, sophisticated at sosyalera. In short sakit lang ng ulo ang nakikita n'ya kaya hindi n'ya alam kung paano ito nagustuhan noon ni Damon. Napangiti si Luzi ng makitang tahimik na itinago ni Klary ang phone sa bag nito. Kaya lalo n'yang napatunayan na hindi talaga si Klary ang babaeng katabi. Saka napatingin s'ya sa tattoo sa likod ng tenga nitong cresent moon sana tama ang hinala n'ya na ito talaga ang asawa na matagal na n'yang hinahanap. Hindi naman siguro lahat ng babae nag papa tattoo ng ganong design. "Mahiyain lang ako noon pero ngayon na isip ko na baka tumanda akong binata kung hindi ako mag babago. "Pero kidding aside diba may gusto ka dati kay Megs bakit hindi ka nakipag kompetensya kay Railey." tanong ni Ara na natawa naman ang lahat ng biglang parang asong umunggol si Railey na animoy asong manunugod. Kahit si Luzi ay natawa ng mapatingin kay Railey. "Dahil ang turo sa amin ni Mommy, wag namin subukang mang agaw ng babaeng pag-aari na ng iba dahil hindi naman ma uubos ang babae sa mundo dahil meron sadyang naka takda para sa amin." napapalakpak naman ang mga girls sabay tingin sa mga asawa na natawa lang. "Parang gusto kong i kiss si Tita Pips, kasi biruin n'yo ano yung bibig ni Tita Pipay parang kanal pero pang genius book of record yung pangaral n'ya napaka wholesome. Sasabihin ko rin yan sa mga anak ko pag laki nila." ani Elle. "Sabihin mo alam mo lang na wala kang laban sa akin." ani Railey na napangiti na rin. "Sure, naman ako dun kaya nga hindi ko na sinubukan at saka we're good friends diba Megs." ani Luzi na nilingon si Megan na ngumiting nag thumbs lang dahil busy din ito sa pakikipag landian sa asawa. 'Why do I have this feeling na ikaw si Luzifer." bigla parang spring na napalingon si Barbie kay Damon na katabi akala n'ya s'ya ang naka puna na para talagang ito si Luzifer at hindi si Damon. Napansin rin siguro iyon ni Ara dahil base sa alala n'ya ang dalawa talaga ang madalas na mag kasama noon sa mga motor racing. "Kaya mo bang patunayan yang statement mo dahil sa totoo lang ayokong na iko-compare ako kahit isa sa kambal ko dahil mag kakaiba kami ng personality." ani Luzifer na pinaseryoso ang mukha the dominant look na madalas na makikita kay Damon. "Sabagay gag* kasi si Luzi, mayabang ka at mabait si Saitan diba wagi." ani Ara na nag kibit balikat na lang. ********** Sapo na ni Barbie ang noo, hindi pa rin n'ya ma contact si Klary. Ano kaya ang nangyari rito hindi man nito masagot agad ang call n'ya agad naman itong nag rereturn call. Nagyon lang ito hindi nag respond sa mga message at tawag n'ya. 'Come on Klary pick up." bulong pa n'ya habang naka dikit sa tenga ang phone ng mapalingon ng bumukas ang pinto at pumasok si Damon na masama ang tingin sa kanya. Nakita pa n'ya na ini-lock nito ang pinto. "Lumabas ka nga ladies room ito." aniya na pilit itong itinulak pero itinulak din s'ya ng binata hanggang sa mapasandal s'ya sa pader at siniil ng halik sa labi. Nanlaban s'ya at pinilit itong itulak pero mas lalo lang nitong sinakop ang labi n'ya. Bigla napangiwi s'ya ng biglang kumirot ang ulo n'ya at isang eksena ang na alala n'ya. She was being kissed wildly sa magulong kama, all naked habang may isang lalaki ang umaangkin sa kanya. And Damon kiss is too familiar kaya ba sinabi nito sa kanya noon ang sinabi sa airport dahil talagang isinuko na n'ya rito ang sarili. "Luzifer." napahinto si Luzi sa ginagawang pang hahalik kay Klary muntik na s'yang mawala sa wisyo kung hindi lang namutawi sa biibig ng dalaga ang pangalan n'ya. Hindi dapat s'ya mag response sa pag tawag nito sa pangalan n'yang luzifer dahil sa gabing ito s'ya si Damon. Pero Klary's voice reminds him more sa asawa n'yang si Precious. Tinitigan n'ya sa mata si Klary at malinaw n'ya na nakikita n'ya sa mga mata nito na ito talaga si Precious. "Kiss me." utos n'ya kay Klary pero bago pa lang lalapat ang labi n'ya muli kay Klary umigkas ang tuhod ni Klary at sapol s'ya sa gitna na ikina bagsak n'ya sa sahig habang sapo ang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD