Chapter 6

2042 Words
Ilang araw na akong naghahanap at naghihintay pero wala parin talagang tumatawag pa saakin at wala pa akong nahahanapan na pwede kong pasukan. Hindi ko kasi pwedeng ilagay ang totoong educational background ko dahil malalaman nilang galing akong palasyo at ang tunay kong pagkatao. Lahat ng nasa documents ko ay pawang kasinungalingan. Hanggang highschool nga lang ang last educational attainment na nakalagay sa resume na dala-dala ko at ang ilan sa mga sinubukan kong pasukin ay college graduate ang hanap, samantalang ang iba naman na nagsabing tatawagan lang ako ay hindi na natawag. Nakasuot nga pala ako ngayon ng isang longsleeve at mahabang palda, naisip ko rin na magsuot ng salamin. May dala dala akong isang tote bag kung saan nakalagay ang documents ko. Kung titignan ay malayong malayo ang suot kong ito sa araw araw kong gamit sa palayo dahil napasimple lang nito at balot na balot ang buong katawan ko. I even heard someone noong nakaraan na sinabihan akong 'mukhang manang' and I don't understand why, is it because of my outfit? But this isn't what our manang is wearing even the manang of my friends. But then I realized that maybe they were referring to a different meaning of manang which I don't know. I am really ain't familiar with some terms they were using outside the mansion or palace yet. I need to learn more. Pag-uwi ko ay magsesearch ako at mag-aaral ng kung ano anong maaari kong magamit sa mundong ito sa labas ng mundong ginagalawan ko noon. Habang naglalakad ay napatagilid ako ng may biglang dumaan ng mabilis sa harap ko. Sobrang bilis niyang tumakbo na tila ba hinahabol siya ng kung ano. "BUMALIK KA DITO!!" Napalingon ako sa sumigaw kung saan ko nakita ang babaeng medyo may katandaan na na tumatakbo rin. "IBALIK MO ANG GAMIT KO! WALANGHIYA KANG MAGNANAKAW KA!!" Magnanakaw? Where did I heard that word again? Magnanakaw Magnanakaw Magnana— "Iha iha!" napalingon ako sa ale. "Tulungan mo naman akong habulin ang lalakeng iyon dahil kinuha niya ang mga gamit ko at nandoon ang mga mahahalagang gamit ko pati narin ang telepono ko" That hits me, magnanakaw is a theif!! "Nandoon din ang telepono ko, ang taning nagkokonekta saamin ng pamilya ko" Hindi ko na kayang marinig pa ang pagmamakaawa ni nanay kaya naman ay mabilis kong binigay sakanya ang bag ko saka ko hinabol ang lalakeng medyo nakakalayo na saamin. As a princess I've been introduced to a lot of sports and that includes track and field. So I am confident that I can catch up with him. When I almost got him he turn to a narrow street. Tinignan ko ng maigi ang daan and it seems like the street on my left side can lead me to where that narrow one is heading. Wala na akong sinayang pa na oras at tama nga ako ng makasalubong ko ang lalake. Lalayo pa sana siya ng pumulot ako ng medyo may kalakihang bato at tinapon iyon sakanya na sakto namang tumama sa ulo niya dahilan para hindi niya mapansin ang kahoy na nakaharang sa tinatakbuhan niya na siyang dahilan ng pagkadapa niya. "Pakiramdam ko ay naexercise ako dun a" sabi ko sa sarili ko habang nagpupunas ng pawis sa noo. Agad ko naman na nilapitan ang lalake bago pa siya makatayo pero kumuha muna ako ng kahot at ginaya iyong tila isang espada at tinutok sakanya. "Ibigay mo saakin ang gamit na kinuha mo kung ayaw mong ipukpok ko sayo ang hawak ko" I am actually not used to threat someone but I heard it was effective to get into anyone's scared ass. Ayaw pa sana niyang ibigay iyon at tatayo na ng may mga dumating narin na tulong kasama iyong ale na pinagiwanan ko ng mga gamit ko. Sumuko naman na ang binata at nilahad ang mga kinuha niya saakin na mabilis ko namang inabot "Thank you and please don't do this again. Kung ako man ang rason mo sa paggawa nito ay nasisiguro kong kaya mo naman iyong solutionan sa mas maganda at mabuting paraan hindi sa ganitong nakakasakit ka ng iba. You're strong, if you only need money for doing this why don't you just look for a work? Huwag tayong maging sakim para sa pansariling kagustuhan, hope you don't mind me saying those to you" nakangiti kong sabi habang siya ay nakatulala lang na nakatingin saakin. I removed my glasses dahil natutuluhan na ng pawis ang mga mata ko dahil sa pagod. Napalingon naman ako ulit sa lalake ng makitang napalunok siya at halos hindi na makakurap na nakatingin saakin. 'Oh my God! namumukhaan ba niya ako? or is there something in my face?' Mabilis kong binalik ang glasses ko saka lumapit kay manang at binigay ang mga gamit niya saka ko kinuha naman ang akin, magsasalita pa sana siya ng lingunin ko ulit iyong lalake kanina. Nakakaramdam din ako ng awa sakanya. "Sandali lang ho" paalam ko kay ale na siya naman tumango lang. Kinuha ko ang wallet ko sa bag at kumuha ng 2,000 saka iyon bumalik. Lumapit ako ulit sa lalake na hawak na ngayon ng mga tanod ng baranggay na ito. "Wait up" natigilan naman sila saka lumingon saakin. "Here" abot ko sa lalake ng pera. "Kunin mo na. Sana ay makatulong ito sa rason kung bakit mo ginawa ang bagay na iyon and I hope this will deserve as a token for you to do good the next time. Huwag ka na ulit magnanakaw ha" nakangiti kong sabi. Nagulat naman ako ng yumukod siya at tila naiiyak. "S-salamat, hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa p-pero salamat. Alam kong hindi mo tinatanong pero gusto ko lang na linisin kahit papaano ang sarili ko dahil sa kahihiyan. Ito ang unang beses na nagawa ko ang bagay na iyon at dahil iyon sa wala na akong ibang maisip na paraan. May sakit ang aking ina at kailangang kailangan niya ng pambili ng gamot, siya nalang ang natitira saakin at hindi ko kakayanin kapag nawala siya" I felt sad for what he said. "Oh ito iho" napalingon ako sa ale kanina na nagdagdag ng 1000 sa perang inabot ko sa lalake. "Sana ay makatulong sa iyong ina, sana rim ay hindi mo na uulitin ang bagay na ito kahit iyon nalang ang sukli mo sa tulong na binigay namin sa iyo. Nawa'y gumaling na iyong ina at isipin mo ring kahit papaano ay natulungan mo siyang gumaling sa malinis na paraan" pangangaral ng ale dito. "That's true. Isipin mo rin na hindi matutuwa ang nanay mo oras na malaman niyang sa maling paraan ka naghanap ng mapagkukuhanan ng panggamot niya at bibigyan mo pa siya ng problema kung sakali" pagkatapos kong sabihin iyon ay nilingon ko ang ale. "Nay? Pwede po bang huwag na natin siyang ipadakip at ipadala sa awtoridad? Pauwiin nalang po natin siya ng makabili na siya ng panggamot at pagkain ng nanay niya" tanong ko sa ale na nakatitig lang saakin. "Pero ma'am—" magsasalita pa sana ang isa sa tanod ng lingunin ko sila. "Mawalang galang lang po pero narinig naman po natin ang rason niya. Oo mali ang ginawa niya ngunit mabigat din ang rason niya. Let me ask you this sir tanod, have you seen this guy before? Have you heard about him doing unlawful act before?" Nilingon naman ng mga tanod ang lalake atsaka umiling. "That means he is telling the truth at alam kong hindi naman siya tatanggi oras na sinamahan natin siyang bumili ng gamot at pumunta sa bahay nila to prove that he isn't lying, right?" tanong ko na ngayon ay nakatingin na sa lalake. Tumango naman siya. Wala naman ng ibang nagawa ang tanod ng sumang ayon saakin ang ale na samahan ang binata na bumili ng gamot at umuwi sa kanila. I looked at my right side when the tricycle stopped. There I saw a small nipa hut. "Tuloy po kayo," anyaya saamin ng binata. "Ma andito na po ako!" imporma nito sa nanay habang inihahanda ang pinamili niya. "Pwede ba akong sumama sayo sa loob ng silid ng iyong ina?" paalam ko. Tinignan naman niya ako saka ito tumango. Pagkapasok namin sa silid ay parang may humawak sa puso ko ng makita na nahihirapan nga ang ina nito at ng hipuin ko ang noo niya ay mataas ang lagnat nito. Sa ganitong kalagayan sa tutuusin ay kailangan na nitong madala sa hospital. "Sino itong kasama mo iho?" napalingon naman sakin ang binata at hindi agad nasagot ang ina. "Kaibigan po ako ng anak niyo, kamusta po ang pakiramdam niyo?" kaswal na tanong ko rito saka nginitian ang binata. "Nako Baste anak hindi natutuwa akong marinig na sawakas ay nakikipagkaibigan ka na" nakangiting sabi ng kanyang ina saka kami nag-usap pa saglit bago lumabas ng silid. "He isn't lying" imporma ko sa mga tanod at sa ale. "You can go and check up his mother, actually at her state she already need medical support" malungkot kong sabi. "Salamat ate" napalingon ako sa binata ng magsalita ito. 'Ate' No one ever called me that. Napag-alam ko na 18 years old palang siya and his real name is Sebastian, Baste lang ang palayaw niya. "No worries, ito ang calling card ko if you need help or kapag hindi parin gumaling ang mama mo please don't hesitate to call me" tumango naman ito saka nagpasalamat ulit pati narin sa ale na nagawan niya ng kasalanan ay humingi siya ng tawad bago kami lumabas na sa munting bahay nila. Hinarap ko naman ang mga tanod atsaka inabot sa kanila ang calling card ko. "Oras na may ginawa ulit na mali si Baste ay ako ang tawag niyo dahil responsibilidad ko ang hindi pagdala sakanya sa awtoridad. Kapag nahuli niyo pa siyang muli ay saakin na siya mananagot. Maraming salamat po" sabi ko na sinang ayunan naman ng mga ito bago nagpaalam na aalis na. "Salamat iha" Napalingon ako sa kamay ko na hinawakan ng ale. "Napakabusilak ng iyong puso at kitang kita ko kung gaano ka kabait. Hindi lang ako amg natulungan mo kung hindi pati narin ang mag-inang iyon" nakangiting sabi niya habang naglalakad kami pabalik sa sakayan. "Wala pong ano man nay, ginawa ko lang po ang sa tingin ko ay tama" bahagya pa akong yumukod bilang respeto sakanya. "Ano nga pala ang pangalan mo iha at bakit ka palakad lakad sa daan kanina?" kunot noong tanong nito. "Ako po si Thalia, kayo po? Naghahanap po kasi ako ng mapapasukan na trabaho dahil malapit narin pong maubos ang savings ko at kailangan ko po ng mapagkukunan ng pangtustos araw araw, gusto ko rin po kasing mag-aral" That's partly true tho, gusto kong dito sa labas ng palasyo mag kolehiyo. "Tawagin mo nalang akong Nanay Mirda. Marunong ka ba sa mga gawaing bahay iha?" hindi ko alam pero para akong nabubunutan ng tinik sa tanong niyang iyon. "Oo naman po, kaya ko rin pong magluto" masayang sabi ko. "Kung ganon ay magkita tayo ulit sa terminal bukas at doon kita susunduin. Ipapasok kita sa pinagtatrabahuan ko. Ayos lang ba sayo maging isang kasambahay? huwag kang mag-alala dahil maganda naman at maayos makitungo sa mga gaya natin ang mga amo ko" paniniguro nito. "Oo naman po, wala naman pong masama sa pagiging kasambahay. It's an honor po to serve anyone lalo na po't sabi niyo ay mababait sila. Ayos lang po iyon saakin ang mahalaga lang po ay may mapagkukunan ako ng pagkabuhayan ko" 'Habang nasa labas ako ng masyon' gustohin ko mang idugtong iyon ay hindi ko ginawa dahil baka paghinalaan niya ako o magtaka siya. "Oh siya sige Thalia iha at mauuna na ako" paalam niya ng marating namin ang sakayan. "Opo nay, mag-iingat po kayo" paalam ko dito. "Kuya ihatid niyo po ng maayos si nanay ha!" sabo sa driver na tricycle na sinakyan nito. "Areglado ma'am" pabiro naman na sagot nito na kinatawa namin saka ako pumara narin at sumakay pauwi. Sawakas ay makakapagtrabaho narin ako. Kung hindi man enough ang sasahurin ko roon ay baka pwede akong magpaalam sa magiging amo ko na kung pwede ay magkaroon ako ng part time sa gabi, sana ay pumayag ito. Thank you po Lord sa araw na ito, the best ka talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD