Chapter 7

2151 Words
Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Maaga akong bumangon para maglinis ng bahay at kumain, pati narin naghanda ng ilan sa mga gamit na maaari kong kailanganin mamaya. Saktong 8 AM ay tumunog ang telepono ko kung saan ko nabasa ang mensahe ni Nanay Mirda na papunta na siya ng terminal. Buti nalang ay tapos na ako sa lahat ng kailangan kong gawin. Mabilis naman na akong lumabas at nilock ang buong bahay pati narin ang sa likuran at ang gate. Matapos kong i double check ay umalis na ako at nagtungong terminal. Nauna pa ako kay Nanay Merida kaya naman ay bumili muna ako ng buko juice kay manong na nagbebenta ng street foods saka naupo sa may waiting shed. Ilang saglit lang ay nagulat ako ng may humintong puting van sa mismong harap ko. Kumunot ang noo ko ng may lalakeng nagbukas sa passengers seat nito. Hindi ko alam kung ako ba ang tinitignan at hinihintay niyang sumakay o hindi? "Thalia, iha" napalingon ako sa front seat ng mag roll down ang bintana ay niluwal nun si Nanay Merida. 'Kinabahan ako dun a' Sa isip ko habang pasekretong huminga ng malalim bago ngumiti kay Nanay. "Nanay" bati ko saka lumapit sakanya at nagmano. "James, iho ako na jan sa likod dito kana sa tabi ni Lucas" sabi ni Nanay Merida saka lumingon sa likod. "Opo, mayordoma" kumunot ang noo ko sa tinawag nito kay Nanay Merida saka wala sa sariling sumakay sa van ng akayin ako nito papasok. "Sila nga pala sina Lucas at James, ang mga driver ng Adams" pakilala niya sa dalawa matapos isarado ni James ang pinto ng van at sumakay sa harap. Sa tansya ko ay matanda lang ng kaunti saakin si James samantalang si Manong Lucas naman kaedad lang ni Nanay Merida. "Mag-tiyohin ang dalawang yan at gaya mo ay baguhan lang si James, kakapasok lang niya noong nakaraang dalawang buwan" paliwanag pa nito. "Lucas, James ito naman si Thalia. Siya iyong sinasabi ko sainyo na tumulong saakin kahapon" nilingon naman ako ni Manong Lucas sa mula sa rear mirror saka ao nginitian. "Salamat sa pagtulong sa mayordoma" nakangiti naman na sabi ni James saka nilahad ang kamay saakin. "Walang anuman" abot ko sa kamay niya saka siya nginitian din na kinatigil niya saka ako mabilis na nabitawan. "Kaninong van po pala ito?" hindi ko na napigilang huwag magtanong. "Sa mga amo ko iha. Nalaman kasi nila ang nangyari kahapon at nang magpaalam akong susunduin ka ay pinasamahan nila ako sa dalawang to dahil baka daw maulit nanaman ang nangyari saakin, mabuti na raw na maging maingat" paliwanag niya. "Ang babait naman po pala talaga ng mga amo niyo" nakangiti kong sabi. "Pero hindi ang anak nila" singit naman ni James na kinalingon ko sakanya. "James" suway ni Nanay dito. "Totoo naman ho mayordoma sainyo lang naman ho iyon mabait" depensa ni James sa sinabi kanina. "Hindi lang sanay sa ibang tao ang batang Adams at hindi siya madaling magtiwala. Wala naman siya lagi sa mansyon kaya hindi naman siya magiging problema at mabait naman iyon iha huwag kang makinig jan kay James" depensa ni Nanay sa nakababatang amo. 'Adams?' Saan ko nga ba narinig ang apilyedong iyon? "Iwas iwasan mo lang na magtagbo ang landas niyo kung ayaw mong masungitan" huling sabi ni James bago nanahimik dahil tinignan siya sa mata ni Nanay Merida, mukhang takot sila kay Nanay, cute. "Nasa pupuntahan po ba namin ang tinutukoy ni James?" Hindi ko alam pero sa hindi malamang kadahilanan ay para akong kinakabahan dahil bumibilis ang t***k ng puso ko habang papalapit sa destinasyon namin. "Nasa labas si Gio ngayon iha mukhang sa makalawa pa ang uwi nun" sagot ni Nanay saakin na kinahinga ko naman ng malalim dahil mukhang base sa kwento ni James ay suplado iyong Gio. Ilang minuto lang ay nakarating na kami at para akong nanigas sa kina-uupuan ko ng makita ang gate na papasukan namin kung saan may nakaulit na malaking A sa itaas nito, sa may gitnang bahagi. Kagayang kagaya iyon ng V na nakaukit sa malaking gate ng masyong tinakasan ko. 'Ibig sabihin' "Nakalimutan ko nga palang sabihin iha. Ang Adams ang sumusunod na pamilya sa Venizelos, sa mga dugong bughaw" mas lalo akong nanlamig sa narinig. Ang buhay na tinakasan ko ay siya ko ring papasukin ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ako ang pinagsisilbihan at tinitingala dahil ako ang magsisilbi sa kanila. Gusto kong sabihin kay Nanay Merida na huwag ma akong tumuloy pero nahihiya ako at kailangang kailangan ko na ng trabaho. Siguro nga ay hinding hindi ko na matatakasan ang buhay na ito mapa-prinsesa man o tagapagsilbi ay hindi parin mawawala ang koneksyon ko sa mga dugong bughaw dahil sa tutuusin ay kahit saan sila nakakalat sa buong lugar pero bakit sa pamilyang sumusunod pa sa pamilya ko ang mapupuntahan ko? Paniguradong malapit sila kela mama. Ngunit sa tanang buhay ko ay hindi ko pa nakikilala ang Adams kaya siguro naman ay hindi rin nila ako kilala o mamumukhaan. "Tara na iha?" nabalik ako sa katinuan ng magsalita si Nanay Merida habang nilalahad ang kamay niya sa harap ko. Nag-aalanganin man ay inabot ko parin iyon. "You must be Thalia" napalingon ako sa matandang babae na nakatayo ngayon sa harapan ng malaking main door ng mansyon nila. She looks like mama, I mean the way she dress, stands and welcome anyone. Typical royal queens. "Good morning Señiora" bati ko saka bahagyang yumukod. "How respectful, just like how Merida introduced you to us. Pasok ka iha" nakangiti nitong sabi nito. Nagtuloy tuloy naman kami ng lakad patungo sa tingin ko ay opisina ng Haring Adams. "We prepared two contracts for you iha" kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito "Merida mentioned that you want to continue your studies. The first contract is a full-time contract wherein you'll stay with us here inside the mansion and will only be allowed to go out if it's sunday or holiday while the other one is a part-time, you only need to work 8 hours, from 7 AM to 3 PM so that you can spend the rest of your time studying" I'd rather choose the latter one to avoid too much connection or attachments with the royalties. Besides I still need to have another part time to save more. "So which one will you choose, iha?" tanong ni Señiora. "If you'll let me. I'd like to choose the latter one, Señiora" napatitig naman siya saakim matapos marinig iyon. "Your accent is great. You're undeniably fluent in english, I bet you're an outstanding student back then. You must really pursue your studies iha, sayang kung hindi ka makakapagtapos" sabi pa nito. Hindi pala dapat ako nag-eenglish ng english. Ang tanga lang Eleftheria. "Salamat po. Ngunit kung inyong mamarapatin ay iyong part-time po sana ang nais kong kunin ngunit hindi po muna ako papasok ngayong pasukan gagamitin ko po yung ibang oras ko sa paghahanap ng iba pa pong part-time para po makapag-ipon ako lalo para sa susunod na pasukan" "Kung iyon ang iyong nais iha" nakangiti niya sabi saka nilahad ang kontrata saakin. Agad ko naman iyong kinuha at pinirmahan. "Sya nga pala iha kung nanaisin mo namang matulog dito ay pwede naman. Ang kwarto sa pinakadulo ng ikalawang palapag ang magiging silid mo" kumunot naman ang noo ko at napalingon kay Nanay Merida. "Pasensya na po sa itatanong ko pero bakit po hindi sa Maid's Quarter?" hindi ko napigilang hindi itanong at kinukutuban ako sa isasagot niya. "Dahil ang anak namin ang pagsisilbihan mo, iha" natigilan ako dahil sa narinig. Hanggang sa makalabas na kami ni Nanay Merida ay wala parin akong imik. "Bakit ganon nay?" wala sa sariling tanong ko. "Ganoon talaga ang ginagawa nila sa tuwing may baguhan dito iha. Si Gio ang pinapagsilbihan ng mag-asawa pero hindi rin halos tumatagal ng isang araw ay nalilipat din sila sa Maid's Quarter dahil nasusungitan sila ng batang Adams at natatakot sila dito pero mas mahal ang sahod sa pagiging personal maid ni Gio kaya marami ring nagtatangkang sumubok" napantig naman ang tainga ko ng banggitin niya ang tungkol sa sweldo. Ang sama ko ba kung gugustuhin kong tanggapin nalang na maging personal maid ng batang royalty dahil lang sa sahod? Nagpaalam ako saglit kay Nanay Merida para tignan ang magiging silid ko at siya naman ay maghahanda na muna daw nang makapagmeryenda ako bago niya ako ililibot sa buong mansyon para bukas ay alam ko na ang pasikot sikot ng lugar na ito. Agad naman akong pumanhik sa ikalawang palapag at bumungad saakin ang mini sala na may island bar sa dulo kung saan nakalagay sa likod nun ang iba't ibang klase ng liqours. Agad naman akong lumiko sa kanang bahagi kung nasaan ang hallway at nadaan ang gym, movie theatre, at library. Mukhang nasa palapag na ito ang libangan ng bahay ng ito. Agad ko naman binuksan ang isa pang sliding door kung saan bumungad saakin ang inland pool na gawa sa glass at napakaganda ng mga ilaw at disenyo nito. May napansin din akong pool sa likod ng mansyon kanina pero mukhang pansariling gamit ang isang 'to. Gusto ko rin ng ganito pagbalik ko ng mansyon. Pati arcade room ay nandito rin. Nang marating ko ang dulo ng hallway ay tatlong pinto ang bumungad saakin. Una kong binuksan ang nasa kaliwang bahagi at tumambad saakin ang banyo na may mini bathtub rin at shower. Ang sosyal naman pala maging personal maid ng batang Adams. Nang buksan ko naman ang nasa kanang bahagi ay punong puno iyon ng alikabok at natatakpan ng tela ang mga gamit kaya naman siguro ay hindi iyon ang silid ko dahil mukhang may may-ari sa silid na iyon. Kaya naman ay wala sa sarili kong binuksan ang nasa gitnang pinto at nanlaki ang mga mata ko ng tumambad saakin ang napakalaking kwarto na may pinaghalong puti at gray ang kulay ng dingding at kurtina samantalang ang mga furnitures naman at ibang mga kagamitan ay itim. So manly naglilibot lang ako ng mapansin ko ang malaking portrait na nakadikit sa ding ding na may nakaukit na 'Giovannie Kylo Adams' Kylo It sounds nicer than Gio, meybe he won't mind if I'll call him Kylo right? Hinubad ko muna ang salamin ko dahil naalikabukan iyon kanina at mas lalo lang lumalabo ang paningin ko dahil hindi naman talaga sira ang mata ko props lang iyon. Wala naman si Kylo ngayon kaya pwede ko naman sigurong libutin muna ang kwarto na ito, right? Hindi naman ako magnanakaw. Nilapag ko muna ang salamin ko saka nagtingin tingin sa buong kwarto at napatalon ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto sa likuran ko. "Oh my God!" sabi ko saka muntik ng madapa kung hindi lang may sumalo saakin at humawak sa baywang ko. Napatitig ako sa mukha ng kanina lang ay sa potrait ko lang nakita. Kylo "A-ahhh sorry" sabi ko saka mabilis na humiwalay sakanya at tumayo ng maayos. "Who are you?" walang expression niyang tanong. "I'm your new personal maid, Sir" nakayuko kong sabi. Nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit saakin saka hinawakan ang baba ko ay pinaharap sakanya dahilan para masyadong maglapit ang mga mukha namin. "Look at me when I'm talking to you" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. "S-sorry" hindi ko alam pero para ako malalagutan ng hininga dahil sa position namin. Nakita kong napalingon siya sa mga labi ko kaya naman ay wala sa sariling nakagat ko iyon. Napalunok naman siya saka biglang tumalikod. "What are you doing inside my room?" tanong niya habang naglalakad palapit sa cabinet niya. "I was looking for my room but accidentally get in here, I'm sorry" paliwanag ko. Mabilis naman akong napatalikod ng makita kong tatanggalin niya ang twalyang nakatapis sakanya. "Oh my God! Talagang maghuhubad ka sa harapan ko!?" wala sa sariling tanong ko. Nanigas naman ako ng bigla ko siyang maramdaman sa likuran ko at mas lalong tumindig ang balahibo ko ng maramdaman ang hininga niya sa tainga ko dahilan para wala sa sarili akong napapikit. "Don't pretend like you're unlike others, you all just want to end up in my bed" mabilis akong napadilat at napaharap sakanya saka siya wala sa sariling sinampal. "Kahit kailan ay hindi ako naging g-ganon kalapit sa kahit sinong lalake s-sa ginawa mo. At hindi ako malandi! Napakasama mo" sabi ko saka mabilis na tumakbo palabas. "Iha nakalimutan kong sabihin na sa tabi ng kwarto ni Gio ang kwarto mo" sabi saakin ni Nanay ng magkasalubong kami sa hallway. Huminga ako ng malalim bago humarap sakanya. I need this job Iyan nalang ang pinasok ko sa isip ko saka hinarap si Nanay Merida at sinabing nahanap ko na. Ngumiti naman siya saka ako inalok na bumaba na para magmeryenda at nilibot sa buong mansyon. Kapag nakatatlong strike na ang lalakeng iyon ay saka na ako aalis. Naka-isa na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD