Chapter 8

2035 Words
Kakatapos ko lang magligpit ng mga gamit ko at saka ko tinakpan ng puting tela muna ang lahat ng gamit ko dito sa bahay dahil sa mansyon na muna ako ng Adams titira habang wala pang tumatawag saakin sa lahat ng ina-applyan ko. Sumang ayon naman ang mag-asawang Adams na mag-overtime muna ako ng kahit ilang linggo lang hanggang sa makahanap ako ng part-time. Mababait nga talaga sila tanging ang anak lang nila ang may sungay sa pamilya. Baka ampon ang isang iyon? Nang maayos ko na ang lahat ay lumabas na ako para i-lock ang buong bahay saka ako pumara ng taxi at doon sinakay lahat ng mga gamit ko papunta sa mansyon. Sana lang ay wala doon ang Kylo na iyon, ayaw kong makita pa muna ang pagmumukha niya matapos ng lahat ng sinabi niya saakin kahapon. Ano ang tingin niya saakin? Malandi? Kaladkarin? Ni kahit isang beses ay hindi ako naging malapit sa kahit na sinong lalake maliban nalang sa isa kong kababata pero para ko na iyong kapatid kung ituring kaya wala namang malisya doon at hanggang halik sa noo lang ang nagawa nun saakin sa tuwing nagkikita kami o nagpapaalam sa isa't isa. Naiinis parin talaga ako sa tuwing naalala ko ang pamimintang saakin ng baliwng lalake na iyon. Akala ba niya ganon na talaga siya kagwapo para mahumaling ako sakanya? Never. Marami pang mas gwapo na royalty din kesa sa kanya at hindi pa masama ang ugali. Sana lang ay hindi gaya niya ang ipapakasal saakin nila Mama sa takdang panahon dahil baka magiging masamang asawa ako kapag nagkataon dahil hinding hindi ko hahayaang maaapi ako ng magiging asawa ko. Ilang saglit lang ay nakarating na ako sa mansyon at agad naman akong nakita ni James kaya mabilis niya akong tinulungan sa mga gamit ko. Napalingon ako sa ikalawang palapag ng mapansin na tila may nakatingin saakin at hindi nga ako nagkamali ng makita doon ang batang Adams. Kung minamalas ka nga naman, bakit nandito ang isang yan? Psh Sinamahan ako ni James hanggang sa kwarto saka doon nilapag ang mga gamit ko. Lalabas na sana siya ng bigla ko siyamg tawagin dahilan para mapalingon siya saakin. "May gagawin ka ba?" tanong ko rito. "Wala naman, kakatapos lang din naman linisan ni tiyo ang mga sasakyan. Bakit?" kunot noong tanong niya pabalik. "Pwede mo ba akong tulungan na alisin iyong mga tela na nasa taas ng mga cabinet? Hindi ko kasi abot" nahihiyang panghihingi ko ng tulong dito. "Oo naman, ano ka ba" natatawa niyang sabi saka bahagyang ginulo ang buhok ko bago nilapitan ang mga tela at hinila iyon pababa. Hindi naman ako gaanon kaliit para sa isang babae pero talagang matangkad si James kumpara saakin pero sa tansya ko ay mas matangkad ng kaunti ang baliw na Kylo. Bakit ko ba sila pinagkukumpara? Matapos akong tulungan ni James ay nagpaalam na siya dahil baka daw hinahanap na siya ni Mang Lucas. Medyo maaga pa naman dahil 6:05 pa lang at 7 pa magsisimula ang oras ng trabaho ko kaya may oras pa ako para tapusin ang paglilinis. Hindi ko na muna sinuot ang uniporme ko dahil marurumihan lang iyon. May uniporme kasi ang lahat ng nagtatrabaho dito sa loob ng mansyon at akin lang ang naiiba sa lahat ng mga house maids dito dahil may halong asul ang palda ng akin samantalang sa iba ay puti lang ang kabuoan nun. Ilang sandali lang ay tapos na akong magwalis, mop, at iba pa. Agad ko naman kinuha ang mga gamit ko saka inayos iyon ng lagay sa cabinet. Papasok na sana ako ng banyo dahil may 20 minutes pa naman ako ng biglang tumunog ang intercom na nakadikit sa pader ng kwarto ko na nakakonekta sa kwarto ng Kylo na iyon. "Pumunta ka dito, ngayon din" Kung makapag-utos naman ang isang to, napakawalang respeto sa mga mas nakakababa sakanya. Pasalamat nga siya pinagsisilbihan siya eh. Pwede naman magpapunta sa mas magalang na paraan like Maaari ka bang pumunta dito? Napakabossy, psh "Opo, Sir" sabi ko pabalik muna sa intercom. "Nakakainis hindi ko pa oras ng trabaho eh!" maktol ko. "Are you saying something?" napalingon ako sa intercom ng dahil sa tanong niya na iyon at hindi na sumagot saka nagmadaling pumunta sa kwarto niya. "Ano ho ang maipaglilingkod ko sainyo, Sir?" nakayukong tanong ko habang nagpapaikot ikot ang mata sa inis, psh. "Haven't I told you now to look down when you're talking to me?" Umirap muna ako bago kunwaring ngumiti at lumingon sakanya. "Why are yoh not wearing your uniform?" tanong niya ng mapansin ang suot ko. "Hindi ko pa naman oras ng trabaho" bulong ko sa sarili. "What?" medyo iritado niyang tanong. Napaka-ikli ng pasensya ng isang to. "Sabi ko ho magbibihis na po sana ako kung hindi niyo lang ako tinawag" Lord, pangiti-ngiti lang po ako pero gusto ko ng sakmalin ang lalakeng to. Sorry po. "You could have wear it the moment you enter your room" taas kilay niyang sabi. "Naglinis pa nga eh, atat yan?" "What are you keep on whispering, huh?" naiinis na talaga niyang tanong. "Ang kasupladuhan mo Kylo" Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko dahilan para mapalapit ako sakanya. "Iniinis mo ba ako?" salubong ang kilay na tanong niya. "Ah, hindi po. Ang sabi ko ho magbibihis na ako, excuse me" Kumawala ako sa hawak niya at aalis na sana ng hawakan niya ulit ang palapulsuhan ko. "Get your uniform and wear it here" tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. It's not that hindi ko kayang gawin dahil nasanay narin naman akong nag to-two piece sa mansyon dati sa tuwing naliligo ako ng pool. But in front of this guy? I don't think so I will. "Ikaw pala ang bastos saating dalawa eh. Kung makapamintang ka saakin kahapon" sabi ko sabay irap. "You really have enough guts to talk to me like that, huh?" hindi mapaniwalang ani niya. "Just stating a fact" kibit balikat kong sabi. "Huwag mong sinasagad ang pasensya ko babae" "It's Thalia. I am Thalia, Sir Kylo not babae" pagpapakilala ko sa sarili. "What did you just call me?" Aba't bingi rin pala ang isang to. "Kylo, I mean Sir Kylo" Nakatitig lang siya saakin habang sinasabi ko iyon. "Get your uniform" Utos niya ulit "Ayaw ko nga, doon na ako magbibihis" pagmamatigas ko. "You'll do what I said or I'll fire you right now not just as my personal maid but this mansion's housemaid" pagbabanta niya. Actually hindi naman big deal saakin iyon dahil hindi ko naman kinakahiya ang katawan ko at oras na may gawin saakin ang baliw na ito alam ko naman na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Psh, pasalamat tong lalakeng to kailangan ko ng pera para sa balak kong pagco-college, kung hindi asa pa siyang susundin ko siya. Napakabastos. Inirapan ko lang siya saka kinuha ang uniporme ko sa kwarto ko at bumalik sa kwarto niya. Maghuhubad na sana ako ng taasan niya ako ng kilay atsaka siya napangisi kaya naman ay sinamaan ko siya ng tingin. Ano ba talaga ang problema ng lalakeng to? "What?" kunot noong tanong ko saka natigil sa pagtanggal sana ng t-shirt na suot ko. "What do you think you are doing?" taas kilay niyang tanong. Nasisiraan na talaga ng ulo ang lalakeng to! Kanina sabi niya dito ako magbihis ngayon naman ay magtatanong siya ng ganyan? Pigilan niyo ako, baka makalimutan ko ang manners ko at masapak ang lalakeng to. How dare him to disrespect the empire's princess, huh? Uhm, he doesn't know that you the princess. Napairap ako sa sariling naisip. Oo nga pala, ugh life. "Sabi mo dito ako magbihis. Ang gulo mo rin pala talaga!" maktol ko saka hinala ang uniform ko at niyakap, parang gusto ko nalang punitin at huwag ng tumuloy sa trabahong to dahil baka masiraan ako ng bait sa taong to. Nilingon ko naman siya at nakitang nakatingin siya sa kanang bahagi niya kaya nilingon ko rin ang tinitignan niya at nakita ang pinto ng banyo niya. Para akong tinakasan ng dugo nang mapagtanto ko ang gusto niyang ipahiwatig. Nakakahiya ka Eleftheria! "But I don't mind if you'll continue what you were about to do" nakangisi niyang sabi, ang manyak din talaga. Prinsipe ba talaga ang isang to? Napakawalang manners na prinsipe naman nito kinulang ata sa aruga. Kidding aside Senyora. Inismiran ko lang siya saka kinuha ang uniporme ko at naglakad papunta sa banyo niya pero bago pa ako makapasok ay nagsalita siya. "One more step and you're fired," Bwisit na lalake talaga! Napakagulo at talagang hinahamon talaga ng isang to ang pasensya ko eh no? Oh edi sige! Padabog akong bumalik sa harapan niya mismo saka walang pasabing hinubad ang t-shirt ko sa harapan niya. Walang kahit na anong nakaharang sa pagitan namin dahil nakaupo siya sa kama niya habang ako ay nakatayo sa harap niya mismo at nasa pagitan ng legs ko ang isang paa niya kung saan nasasagi ang tuhod niya sa legs ko. Sinadya kong bahagyang yumukod ng hinubad ko ang pantalon ko dahilan para tumambad sakanya ng dibdib ko. Ayan magsawa ka sa kamanyakan mo. I am wearing a red undergarments kaya mas tumitingkayad ang kulay nyebe kong balat. Tanging panloob ko nalang ngayon ang suot ko habang nakatayo sa harap niya ng magtama ang paningin namin. Hindi ko alam pero tila may nakikita akong kakaiba sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag kung ano pero para akong hinihypnotismo ng bagay na iyon dahilan para bahagya akong mahina. Agad akong umiwas ng tingin dahil iba na ang pakiramdam ko sa paligid. Tumalikod naman ako para kunin ang uniporme ko ng bigla niya akong hilain dahilan para mapaupo ako sa gitna ng mga hita niya na nakabuka ngayon habang nakaupo siya sa kama niya. Ramdam na ramdam ko ang init ng mga palad niya ganon narin ng katawan niya lalo na't taging underwear lang ang suot ko ngayon. "What did you do with that new boy inside your room earlier?" kumunot naman ang noo ko ng dahil sa tinanong niya. Sinong new boy ang tinutukoy nito? May multo ba tong nakita kanina na hindi ko nakita? Si James ba ang tinutukoy niya? Kung James nga ay wala naman kaming ginawa ah! Napakamalisyoso naman ng isang to. "Tinulungan lang niya akong maglinis, bakit ba?" naiinis parin ako sakanya. Tatayo na sana ako ng ipulupot niya ang isang kamay niya sa tiyan ko papuntang bewang ko dahilan para mas lalo kong maramdaman ang init ng katawan niya sa katawan ko. "I have one rule for you lady," sabi niya saka pinaglandas sa balikat papuntang leeg ko ang isa niyang kamay. Napatingala ako dahil sa ginagawa niya, para niya akong sinasakal pero hindi iyon masakit at hindi rin mahigpit at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila nagugustuhan ko ang ginagawa niyang iyon. Ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya, at ang laki nito ay parang sinukat sa leeg ko dahil sa perpektong pagkakadampi nito doon. "My personal maid only belongs to me and you can't be near to anyone else. You can't let anyone see what you've just shown me but me. Understood?" Nakikiliti ako dahil sa init ng hininga niya na dumadampi sa tainga ko papunta sa gilid ng leeg ko. Napapikit rin ako ng kusa at wala sa sariling napatango sa sinabi niya. Hindi ko alam pero para niyang nakokontrol ang katawan at bawat pagtugon ko dahil sa ginagawa niya, nakakahypnotismo at nakakadala ang sensasyong dulot ng bawat galaw niya. "Y-yes, Sir" Bakit ba ako nauutal? "Good girl" sabi niya saka dinapuhan ng mabilis na halik ang balikat ko. Mabilis akong tumayo atsaka pinulot ang uniporme ko saka iyon sinuot saka napahawak sa balikat ko. "B-bakit mo ginawa iyon!?" Para akong natauhan dahil sa nangyari. Ano ba iyong nangyari saakin? Bakit para akong nadadala ng sensation na pinaramdam niya saakin? Anong klaseng pakiramdam iyon? Para akong nalulunod at wala sa sariling napapasunod sakanya. Imbis na sagutin ay ngumisi lang siya saka nagkibit balikat. Nakakadalawa na siya a! "I want coffee" Umismid lang ako saka lumabas at nilagay sa kwarto ko ang pinagbihisan ko saka bumaba at tumimpla ng kape para sa bwisit na lalakeng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD