UMAKYAT si Angel sa stage para sa audition. Nagpasalamat siya at binigyan siya ng pagkakataon ni Gavin na sumubok kahit na pakiramdam niya ay espesyal na hinintay siya nito.
Bahagya niya lang na natatanaw si Gavin sa gitnang bahagi ng mga upuan dahil sa sobrang liwanag ng mga ilaw sa gilid ng entablado.
Tatlo ang judges at magsasabi kung pasok siya sa drama club. Lihim naman na pumasok si Khalid dahil hindi siya mapalagay kay Angel. He wants to know kung ano ang itinatago nitong si Gavin at baka utuin lang ang kaibigan niya. Umupo siya sa pinaka mataas na bahagi ng upuan ng mga audience at doon inabangan ang dalaga.
"Hello, I'm Angel Jang."
"Hello, Miss Jang. Why should we hire you in the Drama club?" tanong ng isang babae sa hilera ni Gavin.
"Because I'm pretty."
Parang malalaglag sa kinauupuan niya si Khalid nang madinig ang sagot nito. Hinilot na lang niya ang noo.
'Yeah we understand that you are pretty.' napapailing na lang siya dito.
"Aside from that. I don't have any talent other than being pretty."
Umawang lalo ang labi ni Khalid. Sinasabi na nga ba niya at baka magkalat ng lagim itong si Angel sa school na iyon.
"ahmm.. A-aside from that. I love acting. My mom is an actress and sometimes I read lines together with her. Ahh… I-I don't know but I hope you give me a try. I really can't tell if I am good at acting but I can dance ballet."
"Ne-"
Lumamig ang mata ni Khalid. Biglang naputol ang sasabihin ng babae pero alam niya na "next" dapat ang sasabihin nito. Pinigil lang ito ni Gavin.
Nakita niya sa ibabang bahagi na nagbulungan ang tatlo para pag-usapan ang kaibigan niya. Parang pati siya ay naghihintay ng ihahatol sa kaibigan.
"Okay, we will let you dance the Swan Lake," sabi muli ng babae.
"Number 53!" sigaw nito sa iba pa na naka-assign sa music.
Kahit ayaw niyang aminin ay lihim siyang nagpasalamat kay Gavin dahil alam niya na ito ang nagpumilit na ituloy ni Angel ang audition.
Nakita ni Khalid na huminga ng malalim si Angel. Sinuklay nito ang mahabang buhok gamit ang mga daliri at ipinusod ng maayos na parang bilog na tinapay sa ulo nito.
Mas kita ang kabuuan ng mukha nito dahil sa maayos nitong pagkakapusod. Kasalukuyan na nakapulang dress ang kaibigan niya kaya kita ang pagkaputi ng balat nito.
Her dress is flowy na umaabot hanggang tuhod. Bahagya lang siya na nag-alala dahil baka masira ang damit nito kung magb-ballet ito sa stage ng wala sa tamang kasuotan. Hinubad nito ang sapatos sa pinakagilid.
Pumorma si Angel ilang hakbang mula sa sapatos nito. Sumeryoso ang mukha nito. Ilang saglit pa ay nagsimula ang mabagal na musika. Nagsimula na inangat ng dalaga ang mga braso. Para itong isang swan na inihahampas ang mga kamay.
Sinabayan ng galaw nito ang musika. Napatitig si Khalid sa dalaga. Pinagmasdan ng mabuti ang galaw nito.
Parang isang anghel si Angel katulad ng pangalan nito na umikot-ikot sa gitna ng entablado. Alam ni Khalid na nailabas ng kaibigan ang ekspresyon sa mukha nito habang sumasayaw sa ilalim ng malungkot na musika.
He is looking at her short but white legs na panaka-naka na inaangat ng dalaga. She's wearing an inner skinned tone underwear. Her arms dance like a pro. Wala na siyang masabi at parang pakiramdam niya ay dadalawa lang sila sa loob ng bulwagan na iyon.
Parang may pumipitik sa kalooban niya habang tinitingnan ang mga kilos, galaw at ekspresyon ni Angel. Inabot yata ng tatlong minuto ang sayaw nang huminto ito.
Umawang ang labi ni Khalid. Parang nag-g-glow ang anyo nito at napaligiran ng mga pink na cherry blossoms ang paligid nito sa paningin niya.
"Hey Khalid!" isang hampas sa balikat ang nagpabalik sa kanya na hindi naman talaga silang dalawa lang ni Angel ang nasa loob ng bulwagan.
"Huh?" napalingon siya at nakita si Simon.
"You're here."
"Yes. Hinihintay ko si Angel," sagot niya. Lumingon ito sa stage at nakita na napatayo ang tatlong judge para palakpakan ang dalaga.
"Hmmm... Looks like she's good. Sayang at hindi ko napanood ng buo." puna nito. "Kanina ka pa?"
Tumango si Khalid. "Sakto lang no'ng iniinterview siya."
Umupo ito sa tabi niya.
"My classmates were asking me about her dahil madalas nga nila tayong makita na magkakasama. Looks like she became popular. Nagtatanong na nga sa akin ang mga classmate ko'ng lalaki kung may boyfriend na si Angel."
Sumimangot si Khalid. "Hindi siya pwedeng magkaboyfriend." matigas niyang sabi.
"Why are you angry?" saka ito ngumiti ng nakakaloko. "'eh. Don't tell me you like Angel. Hindi na 'ko magtataka. I understand."
"What were you thinking? We are casually friends!"
Ngumisi si Simon. "Kung gano’n be ready dahil malapit nang mawala ang friend mo sa iyo. She will likely be snatched by that man." tinuro nito si Gavin kaya sumeryoso si Khalid.
There is no way na mapunta si Angel sa kamay ni Gavin. Ito ang nasa isip niya pero hindi na niya sinabi pa sa pinsan na si Simon.
MASAYA si Angel na natanggap sa drama club. Required kasi sila na kumuha ng club sa school bago makarating sa graduating level. Ang iba pa nga'ng estudyante ay dalawa o tatlo ang club ang sinasalihan. Ang mahalaga lang ay kailangan lang na mas uunahin nila ang academic sa school.
Lumapit sa kanya si Gavin matapos ang performance niya sa gilid. Ngumiti ito sa kanya. "That was nice! You did a great performance kaya ka namin tinanggap."
Nginitian niya ito. "Salamat!"
Napakamot siya sa ulo saka nanghingi ng paumanhin dito sa nangyari nang maalala ang alitan nito kay Khalid sa canteen. "Pasensya ka na nga pala kay Khalid. Mabait naman iyon. Mainitin lang talaga ang ulo n'on."
"No problem. I understand him."
"Salamat!" Sakto naman na nag-ring ang cellphone niya kaya kinuha niya ang bagay na iyon mula sa bulsa at nakita na larawan ni Khalid ang nasa screen. Napangiwi siya.
"Yes?"
"Ano na. Ang tagal naman. Nag-aabang ako dito sa itaas ng upuan ng mga audience," sabi nito.
"Oo na. Papunta na d'yan," sabi niya na bahagyang ngumiwi.
"Ang bagal," sabi nito.
Sumimangot na lang siya saka nagpaalam kay Gavin. Tumango lang ito at sinundan siya ng tingin habang humahakbang sa malalapad na hagdan.
Umakyat si Angel sa pinakamataas na upuan kung saan mas malapit ang main door ng bulwagan. Nakasimangot si Khalid habang nakaupo at nakahalukipkip.
"I told you na ayoko na nakikita ka na kausap 'yan." inginuso nito si Gavin. Hindi niya ito pinansin.
"Saan ba tayo pupunta?" seryosong tanong niya dito.
"Wala tayong pasok bukas kaya naisip namin na kumain ng samgyupsal sa white house."
Nakuha nito ang atensyon niya nang marinig na kakain sila ng korean barbecue. "Wow! 'Asan ang chipmunks?"
"Nauna na sa white house. Bumili sila ng soju at dinala na nila sa bahay." Tumayo na ito at inakbayan siya para lumabas.
Na-excite si Angel. Bawal ang inuman at lasing sa school pero pwede sa balwarte ni Khalid. "Pero little gnome, kailangan mo'ng bumili ng iba pang sangkap. Kailangan nating bumili ng iba pang pagkain."
Sumimangot agad siya. Bakit nga ba nakalimutan niya na siya ang sasagot sa mga walang laman na tiyan ng apat na lalaki?
"Nakakarami na kayo sa mga palibre sa akin ha." reklamo niya dito.
"Magkano ba ang ginagastos mo sa amin? Mura lang naman iyon."
"Sadly nakaka kwarenta mil na ko sa pagkain pa lang nating lima. Bakit? Sa mamahalin na restaurant kasi tayo kumakain." inirapan niya ito. Mabuti pa si Gavin na wala pang isang daan ang naibili niya pero natulungan siya ng malaki.
"Kung namamahalan ka at least ngayon sa bahay na tayo kakain. Kaunti na lang ang gagastusin mo."
Umasim lalo ang mukha niya sa sinabi nito. Sumakay sila ng kotse nito at nagtungo sa super market. Bumili sila ng mga sangkap ng samgyupsal na request ng chipmunks. Nakasuot ng mask si Khalid para hindi makilala saka sumbrero.
Nakapila na siya nang maalala na kulang sila ng letsugas. Pinatakbo niya sa lalaki ang gulay habang nakapila siya sa kahera. Kaunti lang naman sila sa pila kaya ayos lang kahit napapagod na ang paa niya sa pagtayo.
"Uyy, friend, look! Tingnan mo ito. Tingnan mo ito." kinikilig na saad ng nasa unahan niya ng pila sa kasama nito.
"Si Muriel Santos, nagpost sa social media account niya. Naroon siya sa bahay ni Khalid. Look!"
Hindi niya sana papansinin ang mga ito pero na-curious siya nang marinig ang bahay ni Khalid. Pinipilit niya na tingnan ang cellphone ng babae pero hindi niya makita dahil maliit lang siya at kahit anong tingkayad niya ay wala siyang masilip. Napasimangot siya.
Kinuha na lang niya ang cellphone sa bulsa saka hinanap ang pangalan ng babae sa internet.
May mga lumitaw na larawan nito pero sa isang larawan napokus ang mga mata niya. Nakangiti ang babae sa larawan ngunit kuha iyon sa White house. Kita niya ang garden sa white house kaya sigurado siya na nagpunta doon ang babae.
Mas pumukaw pa sa atensyon niya ang caption nito.
[Master Khalid, thanks for bringing me here.] nagsalubong ang kilay niya sa nabasa lalo na ang petsa at oras sa larawan nito. Malamig ang mata niya habang nakatingin sa larawan nito.
Lumapit si Khalid sa kanya at inilagay ang letsugas sa basket.
"O, tayo na pala ang sunod." puna nito at inilapag ang basket sa tabi ng kahera. Hindi siya nakatiis na tinanong ito.
"Khalid, nasa whitehouse si Muriel?" tanong niya.
"Wala."
Sumeryoso siya at natahimik. Napayuko pa siya ng bahagya para mag-isip. Hindi kasi basta-basta nagpapapasok ang mga Hans sa bahay ng mga ito lalo na sa kung kanino lang. Mahigpit ang seguridad sa bahay nito at hindi papayagan ng walang pahintulot.
"May problema ba?" usisa nito.
"Bakit nandoon siya sa bahay n'yo?"
"Baka inaya ni Alvin. Sa tingin ko ay may gusto siya kay Alvin. Mukhang may gusto rin naman sa kanya si Alvin," sabi nito.
"Sir, 1,563 po," sabi ng kahera.
"O! Bayad mo na daw!" sabi nito sa kanya.
"Hindi ba pwedeng ikaw naman ang manlibre?" inis na sabi niya dito pero inabot ang credit card sa babae. Naiinis siya dito dahil parang ayaw nitong gumastos kapag kasama siya.
Habang nakasimangot ay napatanong siya kung talaga nga bang nagkakagustuhan si Alvin at si Muriel.