Chapter 5 - Audition

1788 Words
ISANG linggo na sa klase si Angel nang mapagdesisyunan niya na sumali sa drama at music club. Wala kasi doon si Muriel. Hindi niya alam kung bakit iba ang pakiramdam niya sa babae. May mga naging kaibigan na rin naman siya sa klase katulad ni Santa, classmate niya sa Accounting. Ang babae na bago niyang kaibigan ang nag-aya sa kanya na sumali sa club nito dahil miyembro na ito ng nasabing club. Sa parehas na gusali ngunit sa magkaibang floor sila ng ladies dorm tumutuloy. Nasa 3rd floor lang siya samantalang nasa 4th floor ito. Alas kwatro ng hapon daw ang audition kaya naman mas inagahan niya ng limang minuto ang pagpunta sa theater. Ngunit hindi niya akalain na mahaba na ang pila para sa audition. Nakasimangot si Angel pero nagtiyaga siya na maghintay at pumila. Nakahalukipkip pa siya habang naghihintay ng tawag sa kanya. Dapat pala ay mas inagahan niya ang pagpunta doon. Lumagpas na ang kinse minutos ngunit halos hindi pa umaandar ang pila. Gusto na niyang manakal. Hindi niya kasi akalain na patok sa estudyante ang drama club. Nabigla na lang siya nang may kumalabit sa kanya sa likuran. Lumingon siya at nakita si Gavin na isang linggo niya rin na hindi nakita. "Sabi na nga ba at ikaw iyan eh!" nakangiting saad nito. Umaliwalas ang mukha niya nang makita ang binata. "Oh! Ikaw pala iyan Gavin." "Mag-au-audition ka?" tanong nito sa kanya. Tinanguan niya lang ito. Tumango-tango naman si Gavin sa kanya. "Tara!" Katanungan ang mababasa sa mukha ni Angel. Hindi niya kasi alam kung saan siya inaaya ng lalaki. "Hi Gavin!" "Hi Gavin!" "Hi Gavin!" Kung sinu-sinong mga babae ang bumati dito. Doon niya lang din napansin na nakatingin ang iba pang mga estudyante sa kanilang dalawa. Napangiwi siya. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng mga ito. May isang linggo pa lang kasi nang nabalitaan sa school na nobya siya ni Khalid. "Saan pala tayo pupunta?" tanong niya dito nang pabulong. "Magpapalibre ako sa iyo ng merienda," nakangiti nitong sabi. "Bayad man lang noong nakaraang weekend sa pagsama ko sa'yo." Nasa isip niya kung hindi ba nito nakikita na nakapila siya para sa audition? "Don't worry, makakapag-audition ka," anito. Sa totoo lang ay masakit na ang mga paa ni Angel at nangangati na ang mga paa niya na sumama dito. "Trust me." Mabilis siyang sumama dito. Sa malapit na canteen nila napili na kumain na merienda. Tig-isa sila ng stick ng banana cue saka bottled water. "Pasensya ka na kung 'yan lang ang mai-ooffer ko sa'yo nagtitipid kasi ako." "Gan'on ba? Sana pala ako na lang ang nanlibre sa'yo," sagot ni Gavin bago kumagat ng banana cue. "Ayos lang, hindi naman ito gano'n kamahal." Kapag naiisip niya kasi kung saan siya nagdi-dinner kasama ang tatlong chipmunks at si Khalid, wala pang 10% ang presyo ng banana cue sa gastos niya sa apat. Palibhasa ay anak ng mayayaman kaya hindi sanay kumain sa turo-turo. Lalo na si Khalid na hindi niya alam kung magkano na ang net worth ngayong taon. Nahihiya naman siya na manghingi sa Mommy niya. Inangat niya ang paningin kay Gavin at saka ito inusisa. "Ano nga pala ang rason ng hindi n'yo pagkakaintindihan ni Khalid? Bakit galit kayo sa isa't-isa?" Bago pa ito sumagot ay may tumawag sa pangalan niya. "Angel!" Hindi niya alam pero kinabahan siya sa matalim na tingin ni Khalid habang papalapit sa kanila. Ganito ba talaga kabilis ang tsismis at mabilis nitong nabalitaan kung nasaan siya? Malamig na tumingin ito kay Gavin at parang nangungutya ang mga mata. Lalong naguluhan si Angel sa reaksyon ng dalawang lalaki. Tumayo si Gavin at hinarap si Khalid. Parehas na nakaismid sa isa't-isa. Wala siyang makitang dahilan para magalit si Khalid sa lalaki pwera na lang kung may nangyaring hindi maganda kaya nagkagalit ang mga ito. Inilipat ni Khalid ang tingin sa kanya mula dito. "Let's go!" sabi nito. "May audition pa ako," sagot niya dito sa malumanay na paraan. Ayaw niyang salubungin ng inis ang malamig nitong mukha. Kumunot ang noo nito. "Audition saan?" "Sa drama club." Lalong sumimangot ang lalaki sa sinabi niya. "Change your club, sa iba ka mag-apply." "Why?" takang tanong niya. Naniningkit ang mga mata ni Gavin habang nakatingin kay Khalid. "Dahil ako ang presidente ng club," ito na ang sumagot sa dahilan. Umawang ang labi niya. "Angel has her own choice. Ha'yan ka na naman sa pagiging possessive mo. Are you her boyfriend?" Nang-uusig ang tingin ni Gavin dito. Sumasakit ang ulo ni Angel lalo na at pinagtitinginan na sila ng ibang mga estudyante. Huminga na lang siya ng malalim at saka inaya si Khalid na umalis na sa canteen. "Gavin, I'm sorry. Sana open pa ang drama club kahit hindi ako makapag-audition ngayon. I have to go." Hindi naman sumagot si Gavin at binitbit ang stick ng banana cue para ilabas. Hinarap niya si Khalid nang makalabas ng canteen at makarating sa garden. Palibhasa ay wala na si Gavin sa paligid kaya hindi na malamig ang presensya na ibinibigay nito sa kanya. "What is your problem? I want to join the club!" Naiinis na tanong niya dito. "You can choose anything but not the Drama club," matigas ang ulo na pilit nito. Nakipagmatigasan ito sa harapan niya. "Why?" Lumapit si Khalid sa kanya saka hinawakan ang mga kamay niya kaya bahagya siyang napapitlag. "Angel, this is for your own sake. Siya, siya ang boyfriend ni May Santos na nagpakamatay nang nakaraang taon." Umawang ang labi niya sa nalaman. MAALIWALAS sa paligid ng hardin ng LIU. Ilang bench na gawa sa bato ang nasa paligid. May mga bilog na halaman na halatang ginupit ng maayos ng hardinero. Nagkukulay orange na ang kalangitan dahil papalubog na ang araw. May mangilan-ngilan na mga estudyante ang naglalakad. Nabigla si Angel sa sinabi ni Khalid. "You mean nobyo siya ng namatay na si May Santos?" "Yes, kaya nga ayoko na sumasama ka sa kanya. Hmm?" Dinutdot nito ang noo niya. Para itong nakakatandang kapatid na binubully ang nakababatang kapatid na babae. Hinilot naman niya ang noo na bahagyang nasaktan. Napayuko si Angel at nag-iisip kung ano ang isasagot dito. Nakilala niya kasi si Gavin nang hindi naman nito alam na magkaibigan sila ni Khalid. Ramdam niya na totoo ang pakikipagkaibigan ng una sa kanya. Inangat niya ang paningin kay Khalid. "Pero gusto ko pa rin mag-audition. Wala naman akong ibang talent kung hindi iyon lang," nakasimangot na sabi niya dito. "What about travel?" "Masyado akong busy sa pag-aaral para sumali sa travel group." Humalukipkip siya. Napailing na lang ito habang nakatingin sa kanya. Sa tingin niya ay harap-harapan siya na kinukutya nito dahil wala siyang talento. "sige.. sige.. palibhasa ay magaling ka kaya hindi mo naramdaman kung ano ang problema ko. hmp!" "What about Photography?" tanong nito. Inikutan niya ito ng mata sa tanong nito. Naiinis siya dahil hindi naman siya kasing talento nito. Isa pa, ayaw niyang makita si Muriel sa club. Lalo siyang na bwisit nang maisip ang babae. "I want to join the Drama club, that's what I want," saka niya ito tinalikuran. Nagsimula na siyang maglakad dahil pinagtitinginan na sila ng iba pang mga estudyante na dumadaan. "But you have to understand na baka ginagamit ka lang ni Gavin," saad ni Khalid na sumunod sa kanya. Hinarap niya muli ang binata. "He will not. Khalid, lumipat ako dito sa school at nagbabakasakali na magkaroon ng maraming kaibigan, hindi basta para mag-aral lang. Ayaw ko rin naman na umasa sa iyo dahil alam ko na marami kang ginagawa." Nahihirapan na siya kung paano magpapaliwanag dito. Nag-iisip si Khalid kung ano ang isasagot nito sa kanya. Gusto niyang magdamdam dito dahil gusto niyang mag-audition sa drama club pero tinututulan nito. Wala nang nagawa si Khalid kung hindi ang pumayag ngunit may terms na ibinigay sa kanya. "Fine! Pero ayoko na nakikita ka na kasama ni Gavin. Kapag nalaman ko na magkasama kayo you will quit." Tinitigan niya ito ng masama. Daig pa nito ang Daddy niya sa pagiging possessive. "What?" "Come on, it's not as if he'll court me."  Lalong umasim ang mukha nito sa nadinig. "He wouldn't dare to court you." Ngumiwi siya. Hindi naiisip na Angel na manliligaw sa kanya si Gavin dahil plain ang pakikitungo nito sa kanya. Nakasama niya ito sa mall at kung paano niya tratuhin si Khalid ay gano’n din naman ito. Ang palitan nila ng usapan ng lalaki ay walang halong pangmamanyak at normal na bagong magkakilala, bukod pa sa pakikipagkaibigan lang talaga ang nakita niya na motibo nito. Isa pa, gusto ni Angel na ipaliwanag kay Gavin na walang kasalanan si Khalid kung sakali man na nagkagusto ang nobya nito sa huli. "Tara na! Mabuti pa ay umalis na tayo dito," naiinis na sabi niya kay Khalid. Salubong ang kilay ni Angel. Oras niya para mabwisit sa lalaki dahil nawala na ang talim sa mata nito. Oras na niya para magmaganda! Nauuna siyang humakbang dito. Nakita niya si Santa sa di-kalayuan. "Angel!" Kumaway ang babae sa kanya. Nilingon naman muli niya si Khalid. "I will audition and that's final," sabi niya dito. "Hihintayin ko ang text mo. Sabay na tayo na umuwi sa white mansion." Napailing na lang siya at tumuloy sa paglakad. Nakakunot naman ang noo ni Santa habang nakatingin sa kanya.  "LQ?" "Walang LQ dahil hindi naman kami, nagmamarunong lang 'yon." Hindi mawala wala ang pagkainis niya kay Khalid. "Anyway, pinahanap ka sa akin ni Gavin at tinatanong niya kung itutuloy mo pa ba ang pag audition." Naisip niya tuloy na tanungin si Santa tungkol sa lalaki. "May tanong ako, dito ba nag-aral si May Santos?" Tumango naman ang babae. "Why?" "Kung ganoon alam mong nobya siya ni Gavin?" Tumango muli ito. "Ang totoo ay hindi namin alam na may gusto si May kay Master Khalid at magagawa niyang magpakamatay nang dahil lang sa gusto niya si master." Malalim na nag-isip si Angel. "E, kamusta naman ang samahan ni Gavin at Khalid noon. Noon pa ba sila hindi magkasundo?" "Walang nakakaalam sa amin kung ano ang totoong dahilan ng alitan nila pero nabubuhay pa si May ay hindi na talaga sila magkasundo." Nakarating sila sa loob ng bulwagan kaya naputol ang usapan nila. Nakita nila si Gavin na nakaupo sa isa sa mga nakahilerang silya. Nilingon niya si Santa. "Nasaan 'yung mga tao na nag-audition?" Malaki ang pagtataka niya na hindi na makita ang napakahaba na pila. Biglang itong natawa na pinagtakhan niya. "Sa totoo lang ay mag-au-audition lang naman ang mga 'yon dahil kay Gavin. Nang makita na umalis kayo palayo dito sa theater, nawala rin ang pila," iiling-iling nito na sabi. Ibig lang nitong sabihin ay naroon ang mga babae dahil sa binata. "You mean to say, he is a popular guy here in school?" Kinuha nito sa bulsa ang cellphone at ipinakita nito sa kanya. "Look how popular he is." Ipinakita nito ang account ng lalaki sa social media nito at nakita niya na mayroong 2 million followers ang lalaki. "Woah! Celebrity ba si Gavin?" Mababasa ang katanungan sa mukha niya bago niya nilingon ang lalaki. "Modelo lang naman siya ng mga mamahalin na sasakyan pati cellphone. Pero walang nakakaalam sa 'min kung ano ang identity niya," bulong nito dahil nakalapit na sila sa pwesto ng binata. "Santa, faster!" galit na sabi nito sa kaibigan niya. Ibang-iba ang awra nito sa iba kumpara kapag kasama siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD