Chapter 7 - Barbecue night

1738 Words
HINDI makapaniwala si Angel na makikita si Muriel sa White mansion. Seryoso siya na lumapit sa naka-set up na mesa sa garden. Alas otso pa lang ng gabi at sakto lang para sa hapunan nila. "Haay salamat naman at dumating na kayo. Nagugutom na 'ko," reklamo ni Theodore. "Isaksak niyo na 'yung ihawan. Tatlong kilo ang binili naming karne," saad ni Angel. "We're ready!" ang sagot ni Simon. Iwinagayway pa nito ang hawak na panipit sa kanila. Nagpunta siya sa kusina para hugasan ang mga gulay at karne. Ang iba naman ay inayos ang mesa. Si Khalid ay may inasikaso sa opisina ni Shi Cally sa opisina nito sa ikalawang palapag. Hindi mawala-wala ang pagkailang niya kay Muriel dahil iba ang sinabi nito sa social media na nabasa niya . Ginamit pa nito ang pangalan ni Khalid at pinagsawalang bahala si Alvin na siyang tunay na nagdala talaga sa White mansion. Hinugasan niya ng mabuti ang karne at gulay. Lumapit sa kanya ang babae na ikinabigla niya. "Hi!" Nilingon niya ito at walang ekspresyoin na ibinalik ang ginagawa sa paghugas ng karne. "Masama pa rin ba ang loob mo sa akin noong nakaraan?" tanong nito na lumapit sa tabi niya. "No." "Kung gano’n, bakit pakiramdam ko ay nilalayuan mo ako?" tanong nito. Hindi niya ito sinagot. "Let me help you," saad nito. "No need. Ako na ang bahala sa lahat. Mas maganda sana kung doon ka na lang sa labas," seryoso na sabi niya. "Iisipin ko na galit ka pa sa akin kung hindi mo ako papayagan," nakanguso na saad nito. Nilingon niya ito. "Iba ang galit sa hindi lang palagay. Hindi ako palagay na nandito ka kaya mas mabuti pa kung doon ka na sa labas," seryoso na sabi niya dito. "Gusto ko lang naman makipagkaibigan. Si Alvin, ilang taon na kayong magkakasama?" "Alam mo Muriel, tatapatin kita para sa ikagagaan ng kalooban ko. Si Alvin ang nag-aya sa iyo dito pero bakit mo sinabi na si Khalid ang nag-imbita sa'yo?" sabi niya. "Ha? May sinabi ba ako?" pagmamaang-maangan nito. "Usap-usapan sa publiko na dinala ka ni Khalid dito dahil iyon ang isinulat mo sa account mo sa instagram." Nanlaki ang mata nito saka kinuha ang cellphone sa bulsa. "Hala oo nga! Naku sorry… Magsosorry na lang ako kay Alvin." Hangga't maaari ay ayaw niyang kausapin ang babae. Hindi niya bibilhin ang katwiran nito. Nagtataka nga siya kung bakit feeling close ito sa kanya at parang wala sa tamang katinuan. Inabot niya ang nahugasan at naasinan na mga karne dito. "If you want to help, dalhin mo ito sa kanila." Gusto niya nang paalisin sa harapan ang babae. Hindi niya alam kung bakit ito umaaligid sa kanya. Sumunod naman ito sa kanya na inabot ang tatlong kilo ng karne na nakalagay sa maganda at babasagin na lagyanan. Pagdating sa labas ay natapon nito ang lahat ng karne na pinadala ni Angel. Mabilis na nabasag ang lalagyan at kumalat sa damuhan ang lahat ng karne na binili ni Angel. "Ouch!" bahagya pa itong natapilok. Napaluhod ito sa damuhan. Sabay-sabay na napanganga ang tatlong lalaki. "Hala! Sayang naman!" maingat na pinagdadampot ng tatlong chipmunks ang mga karne sa lapag. Natatakot ang mga ito sa nabasag na lagyanan. "Sayang naman itong pagkain natin. I don't want to eat this anymore." reklamo ni Theodore. Parang maiiyak naman si Muriel. "Hindi mo na talaga pwedeng kainin yan dahil may bubog na sigurado ang mga yan." si Alvin. Walang ideya si Angel na nahulog na pala sa lapag ang mga pagkain na pinadala niya kay Muriel. Nalaman niya lang ang tungkol doon nang lumabas siya mula sa loob ng kusina. "Anong nangyari?" "Natapon 'yung mga karne," sagot ni Simon. Nabigla siya sa nadinig. Parang maiiyak naman si Muriel dahil mukhang naiinis ang mga chipmunks dito. "Hindi ko naman sinasadya," nakayuko na saad nito. "Huwag ka nang umiyak. Bakit ba kasi ikaw ang may bitbit ng mabigat na karne?" ani Alvin. Tumingin muna ang babae sa kanya. "Inutos ni Angel." "Haay, bakit mo inutos sa kanya? Wala na tuloy pagkain," reklamo ni Theodore na halatang nagugutom na. Mabigat na inilapag niya ang mga gulay sa mesa. "So, kasalanan ko na ba? Makabalik na nga lang sa dorm." Malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang palabas ng white mansion. Naiinis na nga siya sa mga ito kung bakit dinala doon ang babae, ngayon naman ay naiinis na siya dahil parang nasisi pa siya sa pagkasira ng gabi nila. Hindi niya alam kung sinadya ng babae na itapon ang lahat ng pagkain. Wala naman siya nang naganap na natapon nito ang mga karne kaya hindi niya ito pwedeng ituro. Baka sumama lang lalo ang loob ng tatlo sa kanya. Sa garden, inayos ni Simon ang salamin nito. "Mabuti pa't iligpit na natin ang lahat. Wala na akong ganang kumain." sabi nito na naiinis. Masama ang tingin nito kay Muriel. Malungkot si Theodore at bahagyang na-guilty dahil sa nasabi nito kay Angel. Si Angel naman ay ayaw paalisin ng gwardiya sa gate. "Miss Angel dis oras na ng gabi at masukal ang daan papunta dito. Hindi ka namin hahayaan na lumabas kahit na magalit ka pa sa amin. Hindi namin kaya ang parusa na ibibigay sa amin." kakamot-kamot na saad ng tatlong guwardiya. Wala siyang nagawa kung hindi ang bumalik sa loob ng mansyon. .... TUMULOY sa pagpasok si Angel sa loob ng white mansion at dumiretso sa isa sa mga guest rooms sa ikatlong palapag. Wala na siyang ganang kumain ng hapunan at mas gugustuhin na lang niya na matulog para makabalik sa dorm ng LIU kinabukasan. Naiinis siya. Gusto niyang manapak. Kumuha siya ng bagong toothbrush sa cabinet na nasa loob ng kwarto at naghilamos lang siya ng mukha. Humiga siya sa kama matapos iyon at saka sinilip ang cellphone niya kung may mensahe siyang natanggap ngunit wala. Pinatay niya ang cellphone niya sa pagkadismaya. Niyakap niya ang sarili habang nakahiga sa kama. Parang nakikidalamhati naman ang malamig na gabi sa nararamdaman ni Angel. Hindi pa siya tumatagal ng isang buwan sa Pilipinas ngunit dismayado na agad siya sa mga kaibigan at kasama. Kinain siya ng antok makalipas lang ng ilang saglit. ..... NASA loob ng opisina si Khalid. May inaasikaso kasi siyang problema sa Casino na nasa Europe. Isang daan na empleyado ang sabay-sabay na nagkasakit at nagkataon na may grupo na nanabotahe sa loob ng casino. Tatlo ang nasaktan sa mga guest na kailangan nilang bigyan ng danyos. Kailangan niya rin magbigay ng report sa Daddy niya ng summary ng nangyayari sa opisina. Sa kasalukuyan ang tito Anthony niya ang namamahala sa kumpanya at maayos naman ang pamamalakad nito. Kaya naman maliliit na reportings lang ang inaayos niya. It was his training para sa hinaharap. Hindi na niya nasubaybayan pa ang oras dahil walang tumatawag sa kanya para kumain ng hapunan. Inabot na siya ng alas diyes ng gabi sa opisina. Nagtaka si Khalid dahil may dalawang oras na pala siya na nagtatarabaho ngunit wala man lang tumawag sa kanya para ayain siya na kumain. 'Nakalimutan yata ako ng tatlong ugok at ni Bonsai.' he thought. Nag-inat siya ng katawan saka lumabas ng kwarto. Nakakunot ang noo niya matapos makarating sa garden. May kasambahay na patuloy na naglilinis doon. "Anong nangyari dito?" tanong niya sa kasambahay. "Master Khalid." Kumamot ito sa ulo. "Hindi ko po kasi alam ang pinakapinagmulan ng pangyayari. Ang alam ko lang po ay hindi sila kumain dahil naitapon ng isang kasama ninyong babae 'yung lalagyanan na may karne at nagkaroon ng bubog ang pagkain. Tapos isa-isa na po silang umalis." Nakaramdam din siya ng pagkainis sa narinig. "'Eh 'asan si Angel?" "Ang alam ko po hindi siya pinayagan na lumabas ng gwardiya." "Kung hindi siya pinayagan na umalis, nasaan siya ngayon?" bahagyang nagtaas ang boses ni Khalid kaya natakot ito sa kanya. "Sorry master, i-iyon lang kasi ang alam ko." Dismadyado na tinalikuran na lang niya ito. Tinawagan niya ang numero ni Angel at mas lalo siyang nainis nang walang signal ang telepono nito. Para makasiguro na hindi umalis nang mag-isa ang dalaga ay tinungo niya ang guard house. "Umalis na ba si Angel?" "Naku master hindi po namin pinayagan," sagot ng isa. "Sigurado kayo?"nang-uusig ang tingin niya sa tatlong bantay sa gate. "Nakita ko po na pumasok po siya sa loob ng bahay," anang isa. Kahit papaano ay napanatag siya. "Sige hahanapin ko na lang siya sa loob. Salamat!" tinalikuran na ni Khalid ang tatlong gwardiya para bumalik sa loob at hanapin ang dalaga. Bigla niyang naitanong kung bakit nga ba siya biglang nag-aalala dito. Tapos ay biglang pumasok ang pagsayaw nito sa imahinasyon niya. Napangiti siya nang bahagya habang papasok sa loob. Nakasalubong niya si Theodore na paalis na sa lugar. "Why are you grinning?" tanong nito sa kanya. Tumikhim si Khalid at mabilis na sumeryoso. "Hey! Where is Angel? Anong nangyari sa barbecue party natin?" "*sigh* Uminit kasi ang ulo niya dahil naihagis ni Muriel ang mga karne sa dumuhan. Lalong uminit ang ulo niya dahil nasisi namin siya kung bakit niya ipinadala kay Muriel ang mga pagkain. Brother Khalid, pasabi naman sa kanya na sorry. Nag-aalala ako lalo na at baka hindi na niya ako ilibre bukas," malungkot na saad nito. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa sinabi nito. Mas mukha pa kasing nag-aalala ang pinsan niya sa palibre kaysa sa dalaga. "Haay.. e nasaan si Alvin at Simon?" tanong niya dito. "Kanina pa umalis kasama ni Muriel." "E, ikaw bakit ngayon ka lang aalis?" "Nakigamit ako ng computer saka nakikain na rin. Gutom na ako e." Napapailing na lang siya sa katwiran nito. "'Nga pala, pasabi kay Alvin na sa susunod huwag nang dadalhin pa dito si Muriel. Kung may plano silang magdate, sa labas na lang. Nahiya lang ako sa kanila na hindi sila papasukin dito kanina. Muntik pa akong magsinungaling kay Angel dahil ang alam ko ay tatlo lang kayo ang nagpunta dito." "Okay, I'll tell him." Nagpaalam na ito sa kanya bago ito sumakay ng motor. Pumasok si Khalid sa loob ng bahay at sinimulan na hanapin ang dalaga. Gutom na rin siya pero mas gusto niyang makita si Angel. Wala ito sa buong unang palapag kaya umakyat siya sa ikalawa. Sinilip niya ang kwarto niya para tingnan kung naroon ito. Bigla niyang naisip na bakit naman pupunta doon ang dalaga? Tumuloy siya sa pag-akyat sa 3rd floor at inisa-isa ang mga kwarto hanggang sa matagpuan ang dalaga na natutulog at yakap nito ang sarili. 'Found you, Bonsai.' Tinabihan niya ang dalaga sa pagtulog at saka niyakap. He likes the feeling of embracing her while sleeping. Dire-diretso ang tulog niya kapag kayakap ito. Napalunok si Khalid habang tinitingnan ang labi nito na bahagyang nakaawang. Sa loob ng ilang taon ay hindi niya naranasan na pagnasaan o pagsamantalahan si Angel. Ito ang unang araw na hindi ito mawala-wala sa isipan niya. Nagdadalawang isip siya sa gagawin. Mas pinili niya ang kagustuhan na ilapat ang labi dito kahit ilang saglit lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD