NAGDADALAWANG-ISIP si Angel kung uusisain niya si Khalid tungkol sa babae na Muriel ang pangalan. Seryoso ito habang kasabay niya na naglalakad papunta sa elevator. Nakaakbay pa rin naman ito sa kanya hanggang sa makababa sila sa parking lot.
Hindi rin naman siya nakatiis nang makasakay siya sa loob ng sasakyan kaya tinanong niya si Khalid tungkol sa babae.
"Who's that girl?" Tanong niya.
"Who?"
Sumimangot siya sa tanong nito. Hindi ba halata na iisang tao lang ang tinutukoy niya? Wala namang ibang babae silang nakausap kung hindi ang Muriel na iyon.
"Ah.. Muriel? She's an artist here in MGM."
Tumingin siya sa labas sa likod ng bintana ng sasakyan nito para makaiwas na rin dito. Hindi niya kasi nagugustuhan na kakaiba ang relasyon nito kay Khalid. Hindi niya rin nagustuhan ang paraan ng pagsusuri ng babae sa kanya sa conference room.
Nais niya sanang itanong dito kung bakit nakakaakyat ang babae sa palapag ng opisina ni Shi Cally. Alam ni Angel na hindi lahat ng artist ng MGM ay malayang nakaka-ikot sa kung saan-saang parte ng gusali lalo na sa opisina ni Khalid.
Bilang babae, ramdam niya agad na hindi ito mapagkakatiwalaan. Ngunit hindi niya masabi dahil instinct lang naman ang mayroon siya at ayaw naman niyang sabihin ang mga negatibo kay Khalid dahil lang sa instinct.
Sa loob ng ilang taon na nabuhay siya, madalas na ituro sa kanya ng Daddy niya na si Kai Jang na bukod sa instinct ay proof ang kailangan.
"I can see that you are close with her."
"Not really but I am trying to be nice to her." Narinig niya ang mahabang paghugot ng hangin ni Khalid.
"It's because I owe her something." Malungkot na saad nito. Kumunot ang noo ni Angel kaya nilingon niya ang binata sa tabi.
"Remember the girl who reported suicide year ago? She's her sister."
Umawang ang labi ni Angel sa pagtatapat nito.
Mahigit isang taon na kasi ang nakaraan ng isang balita ang umingay sa publiko. Isang May Santos ang nagpakamatay dahil sa pagkahumaling nito kay Khalid.
The investigators found pictures, videos and other things that related to Khalid inside the lady's bedroom.
Inimbitahan sa pulisya si Khalid para magsalita ng side nito. Naging mamamatay-tao ito sa mata ng iba pa dahil hindi daw ito marunong magpahalaga ng tagahanga. Sa totoo, wala itong pakialam kung ano ang iisipin dito ng mga tao.
Sa isip-isip ni Khalid, wala itong kasalanan kung nagpakatanga dito ang babae na hindi man lang nito nakita sa buong buhay nito. Normal lang na hindi nito iintindihin ang lagay ng lahat ng babae na nagkakagusto dito.
Sa huli nagbigay pa rin naman ng danyos si Khalid sa pamilya nito. Ngunit hindi akalain ni Angel na kasama si Muriel sa pagbayad nito sa danyos.
"You mean to say, you are still guilty?"
"Of course not! I'm not guilty! It's just that whenever I talk to her, madalas akong maawa sa kanya. She always told me how sad she is sa tuwing maaalala niya ang kapatid niya."
Lumukot ang mukha ni Angel. "At kailan ka pa nalungkot ng dahil sa kwento ng iba?"
Ngumisi ito sa kanya bilang sagot. "You know me well."
'I know right?' Kaya nga hindi niya maiwasan na maisip na baka importante ang babae dito.
Nilingon niya si Khalid nang mapansin na papasok ang sasakyan nito sa loob ng LIU. Huminto ang sasakyan nito sa tapat ng ladies dorm kaya naputol sila sa usapan.
"Bakit dito tayo? Akala ko ba ay kakain muna tayo sa inyo?" Sabi niya.
Ngumiti lang ito at lumabas ng sasakyan. "Sa canteen kita aayain dahil naroon 'yung tatlong chipmunks. Magpapalibre kami sa iyo."
Nagtaas ang kilay niya. "At bakit naman ako ang manlilibre sa inyo?"
"You'll see soon." Inakbayan siya nito paakyat sa kwarto niya. Napansin niya na nabibigla ang mga kababaihan sa pagpasok si Khalid sa dorm.
"Hindi ba bawal ang lalaki dito?" Tanong niya.
"Hayaan mo sila. I don't give a damn of what they are thinking." Sagot nito.
'As expected.'
Nakahalukipkip ito sa tabi niya habang sinususian ang door knob ng kwarto.
Isang magandang kwarto ang bumungad kay Angel pagbukas ng pintuan.
Nababalutan ang kama niya ng kulay lavander na beddings. Nagkaroon din ng wallpaper ang pader ng kwarto na ang disenyo ay mga bulaklak ng puting daisies. May desktop computer na kulay purple ang cover ang nakapatong sa malapad na computer table sa kabilang side.
May cabinet na rin sa loob. "Wow! Nagkamali ba ako ng pintuan na pinasukan?"
Tanong niya na bumalik pa sa pinto para silipin ang numero. Abot-tenga ang ngiti ni Khalid.
"Do you like it?"
"I love it!" Saka niya hinagis ang katawan pasampa sa higaan at niyakap ang unan.
Bigla nitong inilahad ang kamay sa harapan niya. Nakakunot ang noo na tumingin siya dito."what?"
"Your payment."
"Bakit ako magbabayad?"
"I used my money, intellectual ability and connections para mabilis na maayos ang kwarto mo. Natural lang na magbayad ka sa akin." Nakataas ang kilay nito.
Sumimangot siya bilang sagot at tinalikuran ito. "I'll pay kapag satisfied ako sa kwarto ko." Sabi niya dito.
"Ah I don't want to go anymore. I want to sleep." Naeexcite na sabi niya.
"Fine! Makikitulog na rin ako." Humiga ito sa tabi niya kaya nasiksik siya sa dulo. Mabilis siyang nagreklamo dito.
"Bumalik ka na kaya kung saan ka dapat! Kwarto ko 'to."
"Well, little gnome, nakapangalan lang sa iyo ang kwarto pero ako ang gumastos at nag-ayos dito kaya may karapatan ako na makitulog."
Pinag-ekis nito ang mga braso at saka pumikit. "Huuuy, baka kung ano ang isipin nila kapag nagtagal ka dito." Niyugyog niya ang katawan ni Khalid.
"Haaayshht!! 'Wag kang makulit!" Pinigil nito ang buong braso niya sa loob ng mga braso nito.
Nanlaki ang mata ni Angel ngunit tila balewala lang kay Khalid na niyakap siya para matulog.
...
BAGO pa mangulit si Khalid ay binigyan muli ni Angel ng headbutt ang binata saka niya ito sinipa palabas ng kama.
"Aw! Nakakarami ka na ha!" Masama ang tingin nito sa kanya.
"Mabuti pa ay lumabas na tayo! Ikaw nga ang nagsabi na naghihintay ang tatlong chipmunks sa atin!" Bumangon na siya bago pa ito bumalik sa higaan.
Ilang mga kababaihan ang nakita niya na masama ang tingin sa kanya nang ihatid siya doon ni Khalid. Ayaw niyang isipin ng mga babae na tumutuloy sa dorm na iyon na may ginagawa sila ni Khalid sa kwarto niya. Kahit pa nga wala naman talaga silang gagawin na malaswa nito dahil normal na sa kanila ang magtabi sa iisang higaan.
Mahirap na at kailangan niyang mag-ingat.
"Tara na't nagugutom na 'ko!" Saad ni Angel.
Naniningkit ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Hinihilot nito ang matangos na ilong dahil ikalawang beses na niyang ginawa na saktan ito sa araw na iyon. Saka ito tumayo.
"Heto na prinsesa!" Sumunod ito sa kanya palabas ng kwarto.
"Alam mo, hindi na ako magtataka kung dumating ang isang araw at may ginulpi kang kawawang nilalang dito sa school. But please behave. Ayoko na mapaaway ka dito." Komento nito sa kanya.
"Muntik na nga akong may gulpihin kahapon. May tatlong lalaki na humarang sa akin na amoy-putok! Para silang live version ng three stooges."
"Amoy-putok? May ganong estudyante dito?" hindi ito makapaniwala. Hindi na niya ito sinagot dahil bigla siyang nailang. Lihim kasi na nakamasid ang mga babae sa paligid sa kanilang dalawa.
Inakbayan siya nito habang pababa sila ng hagdan. Hindi na siya nagreklamo dahil baka mag-isip pa sa kanya ng iba si Khalid.
"Hi Khalid!"
"Hi Khalid!"
"Hi Khalid!"
Paulit-ulit niyang narinig ang pagbati rito ng kung sinu-sinong mga babae habang pababa at palabas ng dorm, ngunit dedma si Kuya!
Ganito ang alam niya na ugali ni Khalid. Aloof ito sa mga tao, hindi ito mahilig makipag-mingle sa kung kanino. Kaya nga hindi na siya nabigla kung bakit hindi nito gusto si Gavin.
...
SA PAGLIPAS ng mga araw ay naging maayos naman ang pagtira ni Angel sa school na 'yon kahit pa nga madalas siyang mapagkamalan na nobya ni Khalid.
Sa tanghali ay kasama niya ito at ang tatlong unggoy dahil usapan nila na ililibre niya sa loob ng dalawang linggo ang mga ito kapalit ng pag-ayos sa kwarto niya.
Sa kabilang mesa, napansin siya ng iba pang estudyante. Malalim ang tingin sa kanya ng isa sa tatlong babae. Nakapangalumbaba pa ito. Sophie ang pangalan habang titig na titig kay Angel na kasama ang apat na lalaki sa mesa.
"Where are you looking?" Tanong ng isa pang babae na Molly ang pangalan.
Itinuro ni Sophie ang mesa ng lima na masayang nagk-kuwentuhan habang kumakain. Lumingon ang dalawang babae na kasama niya sa mesa
"Oh! Khalid?" Tanong ni Molly saka ngumuya ng saging.
"No the girl. Curious ako sa kanya."
"She's my classmate." anang isa pang kasama na Vicky ang pangalan.
"Sa loob kasi ng ilang taon ko dito ay wala pa akong nakitang babae na close sa apat na yan." Curious kasi siya lalo na't bali-balita sa ladies dorm na madalas pumunta si Khalid sa kwarto nito.
"Theodore said, they have been friends since… ahmm.. birth." Bahagya pang nag-isip si Vicky habang sinusuri ang pinintahang mga kuko nito sa kamay.
Nakita nila na papalapit si Muriel sa lugar ng lima. "Hayan na ang isa pa na super shameless." Napapailing na saad ni Sophie.
Parehas kasi silang artist sa ilalim ng MGM ngunit mas nabibigyan ng halaga si Muriel kahit pa hindi naman ito magaling sa pag-arte.
"Yeah, I heard na malapit sila ni Khalid." Ani Vicky.
Alam ni Sophie ang tungkol dito dahil nga sa iisang opisina sila nagtatrabaho. Narinig niya na rin sa Manager niya na nobya ni Khalid ang babae kaya naman nagulat siya sa presensya ng bagong dating na si Angel. Looking at them, mas naniniwala siya sa balita sa school na mas mahalaga si Angel kay Khalid.
"I know but there is something wrong with that girl." Komento niya. Pinilit niyang iwinaksi ang atensyon sa mga ito.
"H'wag na natin silang pag-usapan. Napanood niyo na ba 'yung bagong video ng DTS? ahhh!!!" Bigla na lang itong tumili nang maalala ang paboritong Kpop singer.
"Yes, sis. Naalala ko rin." Tuluyan nang nalipat ang atensyon ng mga ito sa ibang bagay.
Samantala, sa mesa naman nila Angel. Wala siyang emosyon kahit pa nakita niya si Muriel na papalapit. Ngunit mas ikinabigla niya na si Alvin ang una nitong binati.
Tumabi pa ito kay Alvin at saka masayang nakipagkwentuhan dito.
Kahit naguguluhan siya sa kilos nito ay hindi siya nagsalita. Hindi niya kasi masyadong feel ang babae.
"Angel, may club ka na ba na nasalihan?" Bigla nitong tanong sa kanya.
"Hay, wala siyang talent kaya wala siyang club na sasalihan." Si Khalid ang sumagot para sa kanya.
Sinipa niya sa ilalim ng mesa ang binata. Ilang araw na siya nitong iniinis.
"Mag-j-join ako sa photography, Khalid." Bigla nitong sabi na hinarap ang binata.
"Sa photography ka sasali? That's nice!" Masayang saad ni Alvin.
"Of course, di ba nand'on ka?" Saad nito sa huli na matamis ang pagkakangiti.
Natahimik naman si Angel. Artista kasi ang babae at hawak ito ng opisina ng MGM. Nagtataka siya kung bakit photography ang naisip nito na kunin imbes na sa drama club.
Hindi niya alam kung may gusto ang babae kay Alvin pero mas madalas niyang mahuli na nakatingin ito kay Khalid. Isa pa, alam niya na miyembro din ng photography club si Khalid.
Ipinilig na lang niya ang ulo dahil ayaw niyang pag-isipan ng masama ang babae at baka magalit pa sa kanya si Alvin.