Chapter 5

1731 Words
"Sayang naman," tanging nasabi ko at agad nakaramdam ng kalungkutan. "Badtrip naman, oh! Kung kailan nagkainteres ako sa isang babae ay agad namang nawala," pagmamaktol ko. "Seryoso ka ba talaga sa kaniya dude?" tanong ni Shash. "Mag-i-emote ba ako dito kung hindi ako seryoso?" pilosopo kong tugon, dahil badtrip talaga ako. "Oh! Come on dude, relax! May ibang araw pa naman," sabat ni Dixter. Hanggang sa aking pag-uwi ay dala ko pa rin ang mukha ng babae. Na tila nahihirapan akong makapag-move on sa kaniyan. "Sir, sinabi ni Blom, huwag mo raw ulitin na lumabas na hindi siya kasama. Makinig ka raw," wika ni Huang Yong. "Sabihin mo sa kaniya, I am the boss, at ako ang masusunod kung gusto kong lumabas." "Hindi mo pa kilalang lubos si Blom. Hindi uubra 'yang katigasan ng iyong ulo boss. Si Blom, umalis upang mangalap ng mga ebidensya para sa ama mo! Kaya huwag mo sanang pairalin iyang katigasan ng ulo mo!" galit na sabi ni Huang Yong at iniwan ako. HYO-JI'S POV "Tiya, alis na po ako at mag-iingat kayo dito," paalam ko. "Kailan ka naman babalik dito Hyoji?" "Hindi ko pa alam tiya. Basta kusa nalang akong darating dito. Alam mo naman na kahit saan-saan ako na padpad." "Saan ba ang next mong puntahan? Para alam ko naman." "Hmmm... sa Palawan Tiya." pagsisinungaling ko. "Okay, mag-iingat ka doon." "Opo! Salamat, Tiya." Umalis na ako at nagpalipas ng gabi sa aking Condo. Kinabukasan ay maaga akong bumisita sa opisina ni Genera Mons Omo. "Good morning, General!" "Good morning Blom, have a seat! Napadaan ka?" "May itatanong lang ako, General." "Ano 'yan, Blom?" "Noong tumawag ako dito, para hihingi ng back-up. May iba pa bang nakakaalam noon?" "That day? Marami kami, Blom. Bakit mo naitanong?" "Malakas ang kutob ko General, na may ahas dito sa departmento mo." "May suspek ka ba, Blom?" "Sa ngayon ay wala pa, pero mahuhuli ko rin siya." "Huwag kang mag-alala, Blom. Aalamin ko iyan at agad kong ipaalam sa iyo. Basta mag-iingat kayo ni Huang Yong. Dahil masyadong matinik ang mga kalaban natin," paalala ni General Mons Omo. "Kumusta pala iyong pinapaimbestigahan natin na Warehouse, may balita na ba?" "Ah, mabuti at naalala mo iyan. Yes. Mayroon na at ito iyong." Inabot niya sa aking ang isang envelope. "Salamat, General. Hindi na po ako magtatagal." "Mag-iingat kayo ni Huang Yong." "Yes, General." Gabi na nang makabalik ako sa bahay ng mga Timmer. At hindi ko alam na may mga bisita pala si sir Dane. At oras na iyon ng aming pagpapahinga ni Huang Yong. Maingat akong pumasok sa loob ng bahay at nagtungo sa aming kuwarto. Ngunit may napansin akong dalawang lalaking umaaligid sa aming kuwarto ni Huang Yong na tila naghahanap ng butas. Dane's POV "Bilisan ninyo dyan!" pabulong kong sabi kay Dixter." Nang lingunin ko siya ay wala na ito. "Emmp! Emmp!" Boses ni Dixter, hanggang sa nawalan ito ng malay. Dahil pinalanghap ni Blom ng pampatulog. "Ano, dude. May nasilip ka ba?" tanong ko kay Shash. "Wala pa nga, eh! Grabe naman itong kuwarto nila, dude," reklamo ni Shash. Nalinga lang ako saglit ay bigla namang nawala si Shash. Ang akala ko ay naghahanap pa ito ng butas. At maya-maya pa ay mayroong kumalabit sa aking balikat. "Saan ka ba galing, dude?" tanong ko. "Diyan lang sa tabi-tabi," tugon nito. Hindi ko agad alam na si Blom na pala ang aking kausap. "May nahanap ka bang butas?" tanong ko ko ulit "Oo, mayroon, butas ng tainga mo!" "HOLY—SH*T!" napasigaw ako at gulat na gulat ang aking reaksiyon at natumba ako sa pagkabigla. "B-Blom! I-ikaw p-pala?!" Kinabahan ako at nakaramdam ng sobrang takot na baka ano ang gawin niya sa akin. Hindi siya nagsalita. Ngunit nag senyas siya na tayo raw ako. Limang katok ang ginawa ni Blom at hindi ko alam na may meaning pala iyon. Iyon pala ang palatandaan na si Blom ang tao sa labas. Hindi ko rin alam na may intercom pala sa may pinto. "Huang Yong, sumunod ka sa may pool," utos ni Blom. At agad akong kinabahan, dahil naalala ko ang sinabi ni Huang Yong. Na hindi ko pa lubos na kilala si Blom. At hindi uubra ang aking pagiging boss. "Copy Blom." "Lakad!" galit na utos ni Blom sa akin. Ngunit pinairal ko ang pagiging boss niya, upang matakpan ang aming kasalanan. "I am you—" Putol kong sasabihin, dahil bigla niyang itinutok ang baril sa aking bunganga. Kaya mas lalo akong kinabahan. "Sh*t! Hindi nga umubra ang aking pagiging boss," bulong ko sa aking isip. Naglakad ako patungo sa pool na may malaking kaba. "Saan na kaya ang dalawa?" tanong ko sa aking isip. Lumaki ang aking mga mata nang makita ko ang aking dalawang kaibigan na parehong walang malay. Sa isip ko, baka patay na ang mga ito. "Sino sila?!" matigas na tanong ni Blom sa akin. "M-mga kaibigan ko sila." nanginginig kong tugon. Dahil nakatutok pa rin sa akin ang baril, na halos hindi ko man lang nakitang gumalaw ang kaniyang kamay. "Anong ginawa ninyo?" seryoso pa rin niyang tanong. "N-nothing, gusto lang naming makita ang inyong mga mukha." "Nothing? Kapangahasan ang ginagawa ninyo, wala kayong respeto sa privacy ng ibang tao." "Okay okay! It was my fault. I'm sorry." Ang paghingi ko ng dispensa ay baliwala lang ito kay Blom. Feeling ko napakabato ng puso nito. "Anong nangyari Blom?" tanong ni Huang Yong, nang makalapit ito. "Nahuli ko, naghahanap ng butas sa ating kuwarto." "Ganoon ba? Anong balak mo? Iligpit na natin?" Pananakot ni Huang Yong, sobra akong natakot para sa aking mga kaibigan . "H-huwag naman! May pamilya ang mga 'yan." "May mga pamilya na pala. Pero gumagawa kayo ng mga kabalbalan!" saad ni Blom. "Huang Yong, buhusan mo ng tubig para magising. Hindi pa ako tapos sa kanilang tatlo." "Sabi ko na sa'yo Boss, na hindi uubra 'yang ginagawa mo." kantiyaw ni Huang Yong sa akin. Pakiramdam ko ay tinawanan niya ako. Nilapitan ni Huang Yong ang dalawa at binuhusan nga niya ng tubi. napasigaw ang dalawa kong kaibigan na halatang takot na takot. "Oh! Thanks God! Buhay pa ako!" bulalas ni Shash at tinapik-tapik ang kaniyang dibdib "Dude, uuwi na kami, ha..." saad naman ni Dixter na nanginginig pa ang boses nang makita niya ang baril. "Sandali, sandali! Sinong nagsasabing puwede na kayong aalis? Balik!" Bulaw niya sa dalawa, dahil akmang aalis na ang aking mga kaibigan. Paatras naman silang bumalik na magkahawak kamay. At ako naman ay sobrang nainis at natakot sa aking bodyguard. "Kayong tatlo hubad!" utos ni Blom. "Bakit?! A-anong gagawin mo sa amin?" garalgal kong tanong. "Maghubad kayo o hindi?!" Pag-uulit ni Blom. "Hubad daw!" Sabi ko, at dali-dali kong hinubad ang aking damit at pantalon. Dahil natatakot ako na baka tutuhanin niya ang banta. Sapagkat nilagyan niya ng silencer ang kaniyang baril. "Ito na! Ito na!" boses ng aking mga kaibigan at dali-dali nilang hinubad ang kanilang mga saplot. Tanging naiwan lamang sa aming katawan ay ang aming mga brief. "Anong gagawin niyo sa amin? Maawa naman kayo, may anak ako. Ayaw ko pang maulila sila ng maaga." Pagda-drama ni Dixter. "Talagang mamatay kayo kapag hindi ninyo makayanan ang singkuwentang balikan." Lumaki ang aking mga mata, nang marinig ko iyon. 'Oo' magaling akong swimmer, pero ang fifty na balikan hindi ko alam kong makayanan ko. "Baka pwedeng utang 'yung sampu," saad ni Shash. "Walang utang-utang sa amin, dahil hindi kami mga bombay!" tugon naman ni Huang Yong. "Talon! At simulan niyo na," utos ni Blom. Napilitan kaming tumalon, dahil sa sobrang takot na tutuhanin ni Blom ang kaniyang banta. Pakiramdam ko'y nawala ang aming kalasingan sa ginagawa ng aking bodyguard. "Sigurado ako Blom na magtanda na ang mga 'yan," wika ni Huan Yong, at nakangisi ito. "I'm sure, hindi na babalik ang mga 'yan," tugon naman ni Blom. "Dude! K-kaya niyo pa?" tanong ko sa kanila. "Dude, hindi yata ako aabuntan ng umaga nito," sabi ni Dixter na kapos sa paghinga. "Ang tindi ng mga bodyguard mo dude." Pahayag ni Shash, na hinihingal ng todo-todo at nagpatuloy pa rin sa paglangoy. Umabot kami ng dalawang oras sa kakabalik-balik ng paglangoy. Sa isip ko ay hindi ko na siya susuwayin pa. Hinihingal kaming tatlo, nang matapos namin ang singkuwenta ka balikan. "Ano! Uulit pa kayo?" boses ni Huang Yong. Hindi kami sumagot at nagkatinginan nalang. "Pwede na kayong magpahinga at bukas na kayo umuwi," utos ni Blom at umalis na ang mga ito Kapwa kaming nakahinga ng maluwang at magkatabing nakatihaya sa gilid ng pool. Nang iwan nila kami ay ilang minuto rin kaming walang imik, na tila hindi pa nakapag-move-on sa ginawa ni Blom. "Tayo na sa loob." Yaya ko, ngunit halos hindi kami makalakad sa sobrang lambot ng aming mga katawan. Dala ito sa tagal naming lumalangoy. "s**t! First time in my life, dude." Bulalas ni Dixter, na napailing-iling pa habang kumakapit sa gilid ng hagndan para lang makaakyat sa ikalawang palapag. "Tangina dude! Akala ko talaga kanina patay na ako, biruin mo bigla niyang hinawakan ang aking leeg tapos may pinaamoy siya sa akin. After that, wala na akong naalala," kuwento ni Shash. "Wala 'yan sa akin kanina dude, akala ko nga sasabog na itong bunganga ko. Biruin mo magsasalita pa sana ako, pero bigla niyang itinutok sa aking bunganga ang dulo ng kaniyang baril. Para akong mapaihi kanina sa sobrang takot," pagmalaki ko naman sa aking naranasan. Hanggang sa makapasok kaming tatlo sa aking kuwarto. At agad ko silang inabutan ng damit pantulog para makapagpahinga na. Lumapit ako sa may bintana upang buksan ito at makasagap ng sariwang hanggin. "Dude, bilis tingnan niyo!" Tawag ko sa aking mga kaibigan, sapagkat nakita ko ang dalawang bodyguard sa baba at nag-iinsayo sila gamit ang kanilang mga samurai. "Ano na naman 'yan, dude? Nambubuso ka na naman? Baka paglingon natin sa likuran ay nandito na naman ang mga," reklamo ni Dixter, na halatang may pobya ito. "Wow! Astig! Ang galing nila dude. Kung mga babae 'yan sila, siguradong nai-in love na ako," turan ni Shash. "Sa iyo na lang sila dude, mayroon na akong Koreana at hahanapin ko 'yon," tugon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD