Kinabukasan ay kapwa kaming hindi nakatayo sa higaan. Dahil sa sobrang pananakit ng aming mga katawan, lalo na ang aming mga balakang.
"Dude, tawagan mo naman 'yung misis ko, sabihin mong hindi ako makakauwi." utos ni Dixter at nanatili pang nakahiga.
Gusto niyo ba'ng gamot?" tanong ko, habang dina-deal ko ang asawa ni Dixter.
"Padala ka ng gamot dude, grabe! Ang tindi magparusa iyang mga bodyguards mo," sabat naman ni Shash.
"Tatawagan ko rin ba ang asawa mo?" tanong ko sa kaniya.
"Huwag na, ako na ang tatawag sa my loves ko, maunawain naman 'yon."
"Shhhh!" senyas ko dahil nag-ring na ang phone ng asawa ni Dixter.
"Hello! Dane, buhay pa 'yang kaibigan mo?!"
Boses ng asawa ni Dixter sa kabilang linya at nailayo ko ang phone sa aking tainga dahil sa tulis ng kaniyang tinig.
"Naku! Patay ako nito," pabulong na asta ni Dixter, at nakapikit pa ang mga mata.
"Maring Charline, buhay pa naman siya. Dito lang naman kami sa bahay nagkatuwaan kasi kami kagabi naparami ang aming nainom. Kaya nalasing kami, huwag kang mag-alala ihahatid ko siya mamaya."
"Siguraduhin lang ninyo na walang babae, ha! Kilala ko 'yang kaibigan mo Dane, huwag lang talaga siyang magpapahuli sa akin! Talagang maputol ko na 'yang anaconda niya!"
"NAKU!" boses ni Dixter na hinawakan pa ang kaniyang anaconda at halos hindi maipinta ang mukha sa takot.
Si Shash naman at ako ay parehong nagpipigil upang hindi mapahalakhak.
"Maring Charline, huwag kang mag-alala mabait na ang kaibigan ko. Mag-date daw kayo mamaya," pampalubag loob ko sa kaniya sabay kindat sa aking kaibigan at tuwang-tuwa naman ito
Nang matapos kong matawagan ang asawa ni Dixter, ay si Shash naman ang tumawag sa kaniyang asawa.
"My loves, is that you?" boses ni Shash, at nasa todo nito ang nagpa-cute at may pakagat labi pa ito.
"Yes, it's me, my loves. Saan ka ba natutulog?" tugon ng kaniyang asawa na may sakit.
"Sorry, my loves. Hindi ako nakauwi nalasing kasi kami. Dito lang naman kami sa bahay nina Dane. Gusto mo ba siyang kausapin?"
"Huwag na, my loves. Naniniwala naman ako sa 'yo. Basta mag-iingat kayo, ha. Love you."
"Okay, my loves. Love you too much ... much ... with kiss!" tugon ni Shash, na todo landi sa asawa at tawa naman kami ng tawa ni Dixter.
"Eeeew!" turan ni Dixter sabay bato niya ng unan.
"Tingnan mo dude, tumatayo ang mga balahibo ko sa'yo," saad ko sabay pakita sa aking kamay.
"Inggit lang kayo sa akin dude," aniya sabay tawa.
"Pa-lips to lips nga, dude!" pagbibiro ni Dixter, sabay yakap niya kay Shash.
"Eeeew! Magmumog ka muna!" turan ni Shash, habang dali-dali niyang tinago ang mukha sa unan.
Hindi na kami bumaba at nagpapahatid na lang ng breakfast at mga gamot. Kahit masakit ang aking balakang ay pinilit kong makalapit sa bintana. Upang silipin kung ano ang ginagawa ng aking mga bodyguards.
Hindi ako nagkakamali. Nag-iinsayo na naman silang dalawa at martial art ang kanilang ginagawa.
"Ano na naman iyan, dude?" tanong ni Dixter."
"Ang tindi talaga nila dude, tingnan ninyo." Sumilip naman silang dalawa.
"Wow ... Hanip! Ang galing talaga nila, dude. Certified ninja talaga!" paghanga ni Shash sa dalawa.
At maya-maya pa ay may biglang dumaan sa aming mukha. Sabay kaming lumingon at napatingin kung ano iyon!
"Woah! JESUS!" bulalas ko.
Sabay kaming napaatras sapagkat tatlong bala ng pana ang aming nakita.
Tulala kaming tatlo at halos hindi makapagsalita sa sobrang takot. Pakiramdam ko ay lalagnatin na ako sa pinaggaggawa nang aking bodyguard. Biglang may kumatok sa labas ng pinto at napaatras kaming tatlo.
"Ayan na dude!" takot na takot turan ni Dixter.
Wala pang isang sigundo ay nasa likod na ito ng kama. Ganoon rin si Shash at bigla itong nawala na parang bula at ewan ko kung saan nagtago.
"S-sino iyan?" kinabahan kong tanong.
"Kuya Dane, it's me Dekker, can I come in?"
"Huh!" Napailing-iling ako habang binubuksan ang aking kapatid.
"Kuya Dane, bakit pawis na pawis ka?"
"Ah! Nag-exercise ako," pagsisinungaling ko at tumatalon-talon na nakataas ang dalawang kamay.
At maya-maya pa ay lumabas si Shash mula sa loob ng kabinet.
"Hi ... Dekker..." aniya at nakangiti ito.
At nagtaka naman ang aking kapatid kung ano ang ginawa niya sa loob ng kabinet.
"Kuya Shash, what are you doing inside the cabinet?"
Humalakhak siya bago sumagot. "Naglalaro kami nang tagu-taguan. Gusto mong sumali?"
"BULAGA!" Biglang sulpot naman ni Dixter at kapwa kaming napatingin sa kaniyang ibaba.
"SHYT ... Dude?!" Lumaki ang mata ni Shash, na halos hindi masabi-sabi ang dapat sabihin.
"Bakit, dude? Type mo ako?" Nagawa pa nitong magbiro.
"Kuya Dixter, umiihi ka pa sa pantalon?" inosenteng tanong ng aking kapatid.
"HUH?!" Sabay tingin niya sa ibaba at biglang humalakhak. "Hindi, ano 'to tubig lang." Palusot niya pero ang totoo ay naihi talaga siya sa takot.
"Magbihis ka nga doon, dude, bilis!" Saway ko sa kaniya.
Papasok na sana siya sa loob ng banyo. Ngunit biglang pumasok ang dalawang bodyguards.
Tulala si Dixter at napaatras ito patungo sa akin likuran.
"Dude, tulong I'm not ready to die," bulong ni Shash na nagtago rin sa aking likod.
"Dude, ayaw ko na. Please, ihatid mo na ako," nanginginig na sabi ni Dixter.
Ako naman ay panay ang lunok sa aking laway dahil sa akin nakatitig si Blom.
"Talagang hindi ka nag-iingat?! Paano kung may snipper! Eh, 'di kagabi ka pa natigok! Kaibigan nga kayong tatlo, pareho ang mga utak!" galit niyang sabi sa amin.
Ang dalawa kong kaibigan ay napapayakap ng husto sa akin at ramdam ko ang kanilang panginginig. Nagtungo siya sa bintana at sinilip ang labas.
"Huang Yong."
Sambit ni Blom, na ang kaniyang tingin ay nasa malayo na tila may tinitingnan. At ang isa niyang kamay ay nagsinyas na tumabi kami.
Dali-dali naman kaming pinapaatras ni Huang Yong at nag-cover siya sa amin.
"Ano iyan Blom?" tanong ni Huang Yong.
"Kalaban, dito ka lang at protektahan mo sila," simpleng tugon ni Blom at tumalon bigla sa bintana.
"WHAT THE FΠCK!" sabay bulalas namin ng aking mga kaibigan dahil kami ang kinabahan sa pagtalon niya.
Dali-dali akong lumapit sa bintana sapakat nag-aalala ako sa aking bodyguard na baka napilayan ito.
"OUCH! AAH!" Daing ko, dahil bigla akong tinalon ni Huang Yong at bumagsak ako sa sahig.
"Ang tigas talaga ng ulo mo!" bulyaw niya sa akin.
Agad namang lumapit ang dalawa kong kaibigan para saklolohan ako at dali-daling inilayo kay Huang Yong.
"Pasensiya na nag-aalala lang ako kay Blom, dahil napakataas ng kaniyang tinalunan baka kasi napilayan.
"Talagang hinding-hindi mo pa kilala si Blom! Kayong dalawa! Magbihis na kayo! Lalo na ikaw! Nangangamoy panghi ka na!" Ang tinutukoy niya ay si Dixter.
Napakamot sa ulo ang aking kaibigang si Dixter. Si Shash naman ay panay titig sa mga mata ni Huang Yong. Napansin kong may dinukot ang ninja sa kaniyang likod at sa isang iglap ay may tinapon siya sa mukha ni Shash.
"Dude! Wala akong makita, bulag na yata ako," turan no Shash at nagsisigaw ito.
Pagsisigaw niya na kinakapa ang paligid. Isang powder na kulay puti ang isinaboy ni Huang Yong sa mata ni Shash. Maghilamos ka at dito lang kayo!" utos niya at lumabas siya na kasama si Dekker.
Dali-dali naming hinila si Shash at dinala sa banyo para mahugasan ang kaniyang mga mata.
"Ano na dude, may nakita ka na?" tanong ko na panay pa rin sa pagbuhos ng tubig sa kaniyang mata.
"Oo, okay na dude, thank you, thank you!"
"Dude, magbihis ka na rin at uuwi na tayo. Mukhang naligaw tayo ng bahay mapadali ang buhay natin dito," sabi ni Dixter at dali-daling nagsuot ng pantalon.
"Ibalik mo iyang pantalon ko, ha!" turan ko.
"Oo!" tugon ni Dixter sabay abot niya sa akin ng pajamang may ihi.
"Walang hiya ka, dude! Ang baho niyan!" Hinagis ko ito sa sahig.
"Pahingi ng pamunas, dude,"
sabi ni Shash, at nakapikit pa ang mga mata nito. Inabot ko naman sa kaniya ang pajama na hinubad ni Dixter at iyon ang ipinunas niya sa mukha.
"Yuck ... Shyyyt!" Boses ni Shash, at sumusuka ito na halos masubsob na ang mukha sa inidoro.
"SH!T! Ang baho dude!" reklamo ni Shash na panay pa rin ang suka.
Panay naman ang halakhak tawa namin ni Dixter na talagang napagtripan si Shash.
At maya-maya pa ay nakarinig kami nang sigaw nang isang lalaki sa baba.
"Ano iyon?!" takot na tanong ni Dixter, na halos iluwa na ang kaniyang mga mata sa sobrang laki.
"Hindi ko alam dude," tugon ko sabay abot ng tabo.
"Anong gagawin ko nito dude?" seryoso niyang tanong.
"Isalod mo diyan, baka mapaihi ka na naman."
Hindi niya binitawan ang tabo at bitbit pa rin niya ito kahit sa aming paglabas ng banyo. Naghawakan kami sa isat-isa habang papalabas ng pinto upang silipin kung ano ang ingay na aming narinig.
"Sinong nag-utos sa 'yo?!" bulyaw na tanong ni Blom.
"H-hindi ko ki-kilala! Napag-uutusan lang ako!"
tugon ng lalaking nakaitim ng suot at nakadapa at naka-angat ang kaniyang ulo. Sapagkat hinawakan ni Blom ang kaniyang buhok at inaapakan ang likod.