Chapter 4

1462 Words
"Dane, Dekker. Mahal na mahal ko kayo, huwag ninyong pabayaan ang mga negosyo natin. "Yes, Dad ..." tugon ko sabay punas ng aking luha. At maya-maya pa'y biglang pumikit ang kaniyang mga mata. "Dad! Dad! Tumawag kayo ng doktor!" Tumakbo si Blom at tumawag ng mga doktors. Agad naman silang dumating at pinalabas kaming lahat. Ngunit wala ng nagawa ang mga doktors, hindi na nila naisalba ang buhay ng aking ama. Sobra akong nasaktan sa maaga niyang pagkawala at ipinangako kong hahanapin ko ang pumatay sa aking ama at nanggugulo sa aming pamilya. Pina-incremate namin ang katawan ng aking ama. Upang maiwasan ang posibleng gawin ng mga kalaban. Sa isang pribadong Funeral Home ginanap ang dasal. Marami rin sa mga kaibigan ng aming pamilya ang dumalo. Ngunit nasisisguro na isa sa mga iyon ang pumatay sa aking ama. Pagkatapos ng libing ng aking ama ay nakikipag-usap sa aking si Blom sa loob ng library ng aking ama. "Ano ang pag-uusapan natin dito Blom?" tanong ko agad. "Sir Dane, mas makakabuti kung ilayo mo muna ang iyong Mommy at kapatid. Dahil delikado ang buhay nila dito. Alam kong hindi titigil ang mga kalaban hangga't hindi kayo nauubos. Pero huwag kang mag-alala. Ipapasama ko si Huang Yong, para may magbabantay sa kanila." "Tama ka Blom, dapat muna silang lumayo dito. Hangga't hindi pa na solve ang kaso. Ang ipinagtataka kobkung bakit gusto nila kaming patayin?" "Gusto mo nang kasagutan?" tanong niya sa akin at lumapit siya sa gilid ng lalagyan ng mga libro. May pinindot siya sa baba at naghiwalay ang magkadikit na divider. "Ano ito? Paano mo nalaman ang bagay na'to?" pagtataka kong tanong sa kaniya dahil mula pagkabata ay hindi ko ito alam. "Binilin ito sa akin ng iyong ama, pinasabi niya na dapat walang ibang makakaalam maliban sa ating dalawa." "Ang password ay ang title ng paborito ninyong kanta ng Daddy mo." "Pinindot ko ang mga litra at bahagya kong tiningnan ang bodyguard. Ngunit hindi siya nakatingin sa akin at nakatalikod ito. Ang ibig lang sabihin ay mapagkatiwalaan talaga siya. Biglang bumukas ang pinto ng malaking vault. "Samahan mo ako," sabi ko dahil ayaw sana niyang pumasok. "Oh my — GOD!" bulalas ko at hindi makapaniwala sa aking nakita. Maraming mga gold bar ang nakapatong-patong at sa tantiya ko ay nasa isang libong bareta ito. "Ito ang dahilan, sir Dane. Kung bakit kayo gustong patayin." "Saan galing ang mga ito?" Nagtataka ako at hindi pa rin makapaniwala. "Ayon sa Mommy mo nahukay ito ng Daddy mo sa nabili niyang lupain sa isang probinsya. At lima ka tao silang nag-aagawan para mabili iyon, ngunit ang mga iyon ay kaibigan ng iyong ama.. Naglakad-lakad ako at binuksan ang mga kabinet. "Dito pala itinago ni Dad ang kaniyang mga pera," sabi ko dahil limpak-limpak na pera ang laman ng mga maliliit na vault. May nakita akong isang Portable DVD at agad ko itong ini-on. "Dane, ingatan mo ang mga nakatago nating yaman. Galing iyan sa sikap ko anak. At sana pahalagahan mo ang mga negosyo natin. Walang ibang nakakaalam dito kung 'di ikaw lang at si Blom. Malaki ang tiwala ko sa kaniya son. At siya ang magproteksyon sa iyo. Alagaan mo ang iyong Mommy at kapatid. Huwag mo silang pabayaan, mahal na mahal ko kayo anak." Napaiyak ako sa laman ng video at sobra akong nanghihinayang sa pagkawala ng aking ama. Sapagkat napakabuti niyang tao at sobrang bait nito. "Gamitin mo." Alok ni Blom sa kaniyang panyo. "Salamat! Pasensya ka na." "Okay lang. By the way bukas ay may lalakarin akong importante. Mga tatlong araw akong mawawala. Si Huang Yong muna ang bahala sa inyo." "Okay, sige." Kinabukasan ay umalis nga si Blom. At pagkasunod na araw ay nakaramdam ako ng pangungulila sa aking ama. Kaya tinawagan ko ang aking dalawang kaibigan para dumalaw sa libingan ang aking ama. "Sir Dane, bawal po kayong lumabas, wala po si Blom," turan ni Huang Yong. "Dadalawin ko lang ang aking ama at may mga bodyguard naman sa labas hiramin ko nalang ang dalawa. Hindi ako nagpapigil sa isang bodyguard, dahil gusto kong mabisita ang aking ama. Kaya pinasama niya sa akin ang dalawang bodyguard na nagbabantay sa labas.. "Dude, buti nakalabas ka," sabi ni Shash. "Wala ang aking bodyguard dude, kaya nakatakas." "Grabe naman 'yang bodyguard mo dude, parang may tinatago sa mukha," sabat ni Dixter. "Oo nga dude, hindi ko nga alam kong mga babae ba 'yan o lalaki." "Ibig mong sabihin dude, hindi mo pa nakikita ang kanilang mga tunay na mukha?" pagtatakang tanong ni Shash. "Hindi pa dude, kahit nga ang mga mata nila hindi mo masilip. Ang hirap mong matingnan, kapag nakikipag-usap sila sa akin ay laging nasa gilid. O 'di kaya'y naka talikod." "Simple lang 'yan dude, busuan mo kapag tulog sila," pahayag ni Dixter sa sa'kin. "Ganito nalang dude, yayain mo kaming mag-inuman sa bahay ninyo. Tapos tayong tatlo ang mambuso sa kanila," suhestyon ni Shash. "Maganda 'yang naisip mo dude, siguradong wala silang kawala." Nakangiti kong pagsang-ayon. "Dude, tulungan niyo nga akong tumingin sa paligid kung may nagtitinda ba ng mga bulaklak," sabi ko at tingin-tingin kami ng tindahan ng mga bulaklak. ________ -HYO-JI KANG'S POV- "Hyoji! Kailan ka pa dumating? tanong ng aking tiya. "Mano po tiya, kakarating ko lang." "Kumusta naman ang Cebu?" "Maayos lang naman doon." Sagot ko at tinulungan ko siyang mag-ayos ng mga paninda niyang bulaklak. Si tiya Juliet, ay kapatid ng aking pumanaw na ina, nag-iisa akong anak. Nang mamatay si mama sa sakit na cancer. Kay lola na ako lumaki, mahirap ang aking pinagmulan na pamilya. Ngunit mayaman ang aking amang Koreano, at siya ang gumastos sa aking pag-aaral. Gusto niya akong papuntahin sa Korea, ngunit ayaw ko. Sapagkat ayaw kong iwan ang aking lola, dahil matanda na ito. Nang magkolehiyo ako ay dito na ako sa aking tiya Juliet tumuloy, hanggang sa nakapagtapos ako sa kursong Philippines Military Academy. Subalit hindi ako nakontento, kaya muli akong nag-aral as Tourist Guide. Sapagkat hilig ko ang adventure life, kaya kahit saan-saan na ako nakapunta. Nang nakapag-ipon ako, bumukod na ako at kumuha ng condo. "Hyoji, Wala ka ba talagang planong pupunta ng Korea?" "Tiya, kung meron man ay sana noon pa, ayaw kong iwanan si lola." "Paano naman kasi, tumawag ang daddy mo, kinakamusta ka. Tinanong kailan ka ba daw pupunta doon." "Hayaan mo siya tiya. Basta ako masaya ako sa trabaho ko dito. =DANE'S POV= "Dude, ayan! May nagtitinda ng bulaklak," sabi ko. "Sige, itabi ko muna ang sasakyan," turan ni Dixter, dahil siya ang nagmamaneho. "Dude, ikaw nalang ang tumawid," utos ko kay Shash. "Okay no probs!" Aniya at tumawid siya sa kalsada. Napatingin ako sa dindira ng mga bulaklak. Dahil kahit malayo ay pansin ko pa rin ang kaniyang s*x appeal. Nakasuot siya ng t-shirt na puti at simi-fit na six pocket na short. Nakatali ang kaniyang straight hair na lampas balikat. Naingganyo ako na kunan siya ng picture, sapagkat gusto kong maklaro ang kaniyang mukha. Kaya ginamitan ko ng zoom ang pag-picture sa kaniya. Tama naman na sa pag-click ko ay tumingin siya kay Shash. Kaya sobrang linaw ang kuha ko sa kaniyang mukha. Lihim akong napangiti at nasiyahan sa kaniyang imahe. "Sobrang ganda niya," bulong ko. "Sino?" tanong ni Dixter, dahil narinig pala niya ako. "Tingnan mo dude," sabi ko at ipinakita ko ang picture ng babae. "Shiiiit! Nakakatigas! Sino 'yan dude? Ang ganda naman. Parang Koreana," pahayag ni Dixter na halos hindi na binalik sa akin ang phone. "Akin na 'yan! Huwag mong pagnanasaan papakasalan ko 'yan," sabi ko dahil pakiramdam ko'y na love at first sight ako sa kaniya. "Wow! Papakasalan mo dude? Hindi mo pa nga nakilala, hindi mo pa nga alam kong single pa 'yan." "Makilala ko rin 'yan at tutulungan ninyo ako." Nakangiti kong tugon. Pabalik na si Shash at nakangiti ito. Alam ko sa kaniyang ngiti ay nakakita ito ng maganda. Sapagka't ganito siya kapag nakakarap ng vitamin sa mata "Shiiit... Dude! Ang bulaklak girl ang ganda," sabi ni Shash, na tila aatakihin na sa puso." "Oo' nga dude, na love at first sight yata ako," tugon ko naman na panay pa rin ang tingin ko sa kaniyang larawan. "Nakita mo rin?!" gulat niyang tanong. "Panis ka na dude, dahil papakasalan daw niya," turan ni Dixter, at humalakhak ito. "Ano daw ang pangalan dude?" excited kong tanong. "Hindi ko naitanong dude, nabigla ako e. Biruin mong pang-artista ang beauty niya dude, tapos nagtitinda lang ng bulaklak.. "Mamaya pagbalik natin, dadaan tayo, tapos hingiin ko ang number niya," sabi ko. Binalikan nga namin ang tindahan ng bulaklak ngunit nakasarado na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD