"Lumabas si Mommy ng kuwarto kasama ang aking kapatid at si Huang Yong.
Kaming tatlo naman ay maingat na bumaba sa hagdan. Nauna ako at nakahawak naman sa aking pantalon ang dalawa kong kaibigan.
"Isa pang tanong, sino ang nag-utos sa iyo?!" matigas na tanong ni Blom, sabay kasa ng kaniyang baril na may silencer at ipinasok niya sa bibig ng lalaki.
Napalunok ako dahil ganoon din ang ginawa niya sa akin.
"Hmmp! Hmmp!" boses ng lalaki na gusto ng magsalita
"Si boss! Si boss!" anang lalaki.
"Sino si boss?!"
"Hindi ko kilala, boss lang ang tawag namin sa kaniya. Hindi pa namin siya nakikita!" hinihingal nitong tugon.
"Madam, pakidala si Dekker sa kuwarto," utos ni Huang Yong, dahil nagsenyas si Blom.
Dali-dali naman silang pumasok sa loob ng guest room.
"Wala kang silbi!" sabi ni Blom, at isinuksok niya ang baril sa kaniyang tagiliran.
Pagkatapos ay pinagapang niya ang kaniyang daliri sa spinal cord ng lalaki. At may parteng bahagi siyang tinusok ng malakas.
At maya-maya pa ay lumupaypay ang katawan lalaki. Muli akong napalunok dahil sa walang takot na pumatay si Blom.
Biglang tumingin si Blom sa aming tatlo at dali-dali namang nagtago ang aking mga kaibigan sa aking likuran.
"Kayong tatlo, sumunod kayo sa amin!" utos niya.
"Dude, huwag, huwag! Baka tayo na ang isusunod!" nanginginig na sabi ni Dixter.
"Huwag kayong mag-alala, dude, nandito ako."
Tinulungan ni Huang Yong si Blom sa pagbuhat ng bangkay at isinakay nila ito sa likod ng aking kotse.
"Huang Yong, ikaw na ang bahala dito. Ihahatid ko lang mga kaibigan ni, Dane."
"Sige, Blom. Mag-iingat ka."
"Sakay!" utos niya sa amin.
"Bilis! Bilis!" boses ko at nag-uunahan kami sa pagpasok na halos nagkauntugan na kaming tatlo at halos hindi magkasya sa pinto.
"S-saan mo kami dadalhin, Blom?" tanong ko na hindi maintindihan ang ekspresyon ng aking mukha dahil takot pa rin ang pumaibabaw sa aking puso.
Hindi siya sumagot at seryosong nag-drive, hindi na rin ako muling nagtanong.
Hinatid namin ang aking mga kaibigan sa kani-kanilang bahay. At ang bangkay ay nanatili pa rin sa likuran ng aking sasakyan.
Habang nasa biyahe kami ay kinausap ko ang aking bodyguard.
"Blom, may ipapagawa ako sa iyo," panimula ko.
"Ano iyan?"
"May ipapahanap sana ako sa iyo ns isang babae," kinuha ko ang aking phone sa bulsa.
"Look at this," inabot ko sa kaniya ang aking phone at tinanggap naman niya ito na walang maraming tanong.
"JESUS!" bulalas ko at napahawak bigla sa aking noo, sapagkat bigla niyang inapakan ang preno nang makita niya ang larawan sa aking phone.
"Why? What's wrong? You know her?" pagtataka kong tanong.
"No! Sino ang babaeng iyan?" balik tanong niya at muling pinaandar ang sasakyan
"Kaya ko nga siya ipapahanap sa iyo. Dahil gusto ko siyang makilala. I want to marry her."
Napalunok si Blom nang marinig niya ang aking sinabi.
"Gosh! Damn! Dahan-dahan Blom!" reklamo ko, dahil muli niyang inapakan ang preno.
"May dagang tumawid!" simple niyang tugon.
"My God! Daga? Nang dahil sa daga ay ganiyan ka kung makaapak ng preno?" gulat kong reaksyon.
"Siyempre! Kawawa rin iyon! May buhay rin sila at nasasaktan din."
"WOW! Bravo! Bravo! Naawa ka sa buhay ng daga, pero hindi ka naaawa sa mga taong pinapatay mo?"
"Ibang usapan na iyan, sir Dane. Iyang pinapatay ko ay mga masasamang tao, kriminal!" pangangatuwiran niya.
Ang hindi ko alam ay pinaligoy-ligoy lang niya ang aking iniutos sa kaniya. Para mawala sa topic ang Koriana na aking pinapahanap.
"Ano, Blom, hahanapin mo ba siya?"
"Hindi! iutos mo sa iba! Dahil ang trabaho ko ay ang protektahan ka." seryoso niyang sagot.
"Pero Blom, I am your boss, dapat sumunod ka sa utos ko."
"Correction! Ang ama mo ang aking boss at ikaw ay ibinilin ka lang sa akin."
"Same pa rin iyon!"
"Hindi iyan same. Basta! Ipahanap mo iyan sa iba!"
BLOM'S POV
"Paano siya nakapunta sa tindahan ng aking tiya?" tanong ko sa aking isip.
"Alam ko na! Noong time na dumalaw ako sa tindahan ni tiya iyon. At may isang lalaking bumili ng bulaklak si Shash pala iyon. Hmp! Tingnan lang natin kung mahahanap mo siya, sir Dane," aniya sa kaniyang sarili.
"Blom, talaga bang ayaw mo akong tulungan na mahanap siya?" Pag-uulit ko, baka sakaling maawa ito sa akin.
"Talagang hindi! Wala kang mapapala sa 'kin at huwag mo na iyang ipilit sa akin. Dahil wala akong planong sayangin ang oras ko sa mga walang kuwentang bagay."
"Kung sa iyo walang kuwenta pero para sa akin importanteng tao siya. Dahil mahal ko siya at handa ko siyang pakasalan.
"Oh?! Really? Come on, sir Dane, paano mo naman nasisiguro na ang babaeng iyan ay dalaga pa? At paano mo pakakasalan ang isang babae kung hindi ka niya mahal?"
"Gagawin ko ang lahat, susuyuin ko siya hanggang sa matutunan niya akong mahalin. To be honest, unang kita ko pa lang sa kaniya ay na love at first sight na ako Blom."
"Bravo! Bravo! Ang lupit mo namang magmahal, sir Dane. Sa edad mong iyan, firt time ka pang na 'Love at First Sight?'"
"Siyempre naman! Good boy ako and I'm not a playboy. Ikaw, Blom, nagmahal ka na ba?"
"Hindi pa, sir. Wala akong panahon sa mga ganiyan. Sandali dito ka lang."
Pinatay niya ang makina ng sasakyan at bumaba siya at nagtungo ito sa likod ng kotse upang kunin ang bangkay. Dahil sa aming saglit na kuwentuhan ay hindi ko na namalayan na nasa isang liblib na lugar na pala kami. Inilabas ni Blom ang bangkay at hinila niya ito papunta isang damuhang bahagi. At maya-maya pa ay bumalik na siya.
"Anong lugar ito Blom?"
"Lugar ito ng mga kalaban."
Aniya, at muli niyang pinaandar ang sasakyan. Nakaramdam ako ng takot sa kaniyang ginagawa. Ngunit si Blom, ay kalmadung-kalmado lang lang ito.
"Blom, hindi ka ba natatakot sa mga pinaggagawa mo?" seryoso kong tanong.
"Hindi! Ang takot na iyan ang papatay sa atin. Mas mabuti ng sila ang mamatay kaysa tayo ang mapatay. Kung kalaban mo sila dapat ay huwag mong kaawaan o huwag mong iwan na may hininga pa. Dahil kung bibigyan mo sila ng pagkakataong mabuhay. Baka muli kang babalikan at seventy percent na ikaw ang mapatay," mahabang pahayag ni Blom, at agree ako sa kaniyang mga paliwanag.
"Blom,"
"Yes?"
"Puwede mo ba akong turuan kung paano humawak ng baril?"
"Plano ko na iyan, sir Dane, ngunit hindi pa ngayon. Kailangan pa nating aasikasuhin ang pag-alis ng iyong mama at kapatid. Dahil sa ngayon, may lead na ako sa taong pumatay sa, Daddy mo."
"Sino Blom?"
"Isa sa kaibigan ng iyong Daddy. Pero malakas ang hinala ko na may mga kasabuwat siya. Malaki at malakas ang mga grupo nila. Kaya magdoble ingat ka at huwag basta-basta magtiwala. Lalo't lalo na sa mga pulis."
"Okay Blom. "
Nakauwi kami sa bahay at agad niya akong pinapapasok sa aking kuwarto. Hindi ko maiwasang mapahanga sa aming mga bodyguard. Dahil kitang-kita ko ang kanilang katapatan sa aming pamilya.
Pansin ko rin kay Bloom, na may mabuting puso ito, pakiramdam ko rin ay babae ang aming mga bodyguards..
Lumipas ang isang buwan, at nagpasya ako na hanapin ang babaeng aking napupusuan. Kaya agad kong tinawagan ang dalawa kong kaibigan.
"Dude, samahan ninyo ako. Hahanapin natin ang Koreana." Sabi ko kay Shash sa kabilang linya.
"Paano ang bodyguard mo dude?"
"Hindi ako magpapaalam dude, tatawagan ko si Dixter ngayon at hintayin ninyo ako sa labas."
Tinawagan ko rin si Dixter, at kahit kinabahan siya ay napilitan pa rin itong sumama. Dahil hindi niya matiis na tanggihan kami.
Wala pang isang oras ay dumating na sila.
"Dude, dito na kami sa labas ng bahay." boses ni Shash.
Dali-dali kong itinali ang lubid sa paa ng aking kama, tagalang kinuha ko pa ito mula sa aming bodega. Para lang may magamit ako sa paglabas.
Agad ko itong inihagis sa bintana at dali-dali akong bumaba.
BLOM;
"Talagang ang tigas ng mga bungo nitong tatlo! Tingnan mo Huang Yong." Ipinakita ko ang laptop sa kaniya. Napailing-iling rin siya nang makita si Dane sa labas ng bintana at nahihirapan sa pagbaba.
Salabas naman ay nandoon ang dalawang kaibigan niyang naka-disguise. Parehong nakasuot ito ng weg at nag-makeup pa.
"HAHAHA! Puntahan ko ba Blom?" Tanong ni Huang Yong at naaliw siya sa ginagawa ng tatlo.
"Huwag na Huang Yong, susundan ko sila kung saan ang lakad nila. Bantayan mo ng mabuti ang mag-ina."
"Sige Blom, mag-iingat ka."
Nagmadali akong lumabas at sinundan ko sila..
-DANE-
"Dude, kayo ba 'yan?" tanong ko nang makapasok ako sa loob ng kotse.
"Bagay ba dude?" turan ni Dixter.
"Oo! Bagay na bagay. Hindi ko nga kayo namukhaan, ang gaganda kasi ninyo. Parang propesyonal GRO."
"HAHAHA!"
Nagtawanan naman nilang dalawa, na talagang feel na feel ang kanilang pag-disguise
"Dude, sigurado ka bang hindi ka nasundan?" Pag-alalang tanong ni Shash.
"Yes dude, Natakasan ko rin sila." Sagot ko, na siguradong-sigurado na hindi kami nasundan.