Buti naman dude, dahil kung nagkataon patay na naman tayo," sabat ni Dixter.
Pumunta kami kung saan namin nakita ang Koreana. Sarado ang tindahan ngunit bukas ang kabilang puwesto. Bumaba ako at pinahintay ko sa loob ng kotse ang aking mga kaibigan at ako ang lumapit at nagtanong.
"Magandang umaga, manang," bati ko.
"Magandang umaga rin, sir. Bibili po kayo?" tanong ng Ale.
"Opo! Pabili ng tatlong rosas. Ah! Manang, bakit sarado itong katabi ninyong puwesto?"
"May sakit si Juliet, kaya hindi siya nakapagbukas ngayon. Kilala mo ba siya?"
"Hindi po suki ko kasi siya. Alam niyo po ba kung saan ang bahay nila, manang?"
"Oo," aniya at binigyan ako ng kompletong adres.
"Salamat nito manang."
"Walang anuman."
"Ah! Manang, ito pala siya kilala mo?" Sabay pakita ko sa larawan na nasa aking phone.
"Pamangkin iyan ni Juliet, half-Korean si Hyo-Ji. Ulila na siya sa ina. Pero sa pagkakaalam ko sobrang yaman ang kaniyang amang Koreano. Pinapasunod nga siya sa Korea, pero ayaw niya. Sa pagkakaalam ko rin ang trabaho ni Hyo-Ji ay tourism, kaya lagi siyang umaalis. Sa ngayon parang nandoon yata si Hyo-Ji sa kaniyan tiya. Kasi nakapasyal siya dito noong nakaraang linggo," mahabang kuwento ng Ale.
"May asawa na ba siya manang?"
"Dalaga pa si Hyo-Ji, ewan ko lang kung may nobyo na ba iyon."
"Sana wala pa, manang. Balak ko kasi siyang pakasalan," seryoso kong sabi.
"Ah ... Juwa ka ba niya?"
"Hindi pa, liligawan pa lang," nakangiti kong tugon.
"Naku! Good luck sa iyo sana pumasa ka masyadong pihikan ang batang iyon."
Ang hindi namin alam ay nasa likod pala si Blom at nakikinig sa aming pinag-uusapan.
"A, sige po, manang. Pupuntahan ko muna si aling Juliet, bibisitahin ko lang siya saglit. Paki-dagdagan na lang itong bulaklak."
"Salamat!"
Masaya akong bumalik sa kotse sapagkat ay alam ko na kung saan hahanapin ang babae na aking pinapangarap.
"Anong sabi dude?" sabay tanong ng dalawa kong kaibigan.
"Good news! Single pa siya at ang kaniyang pangalan ay Hyo-Ji. Tayo na dude, at puntahan natin siya sa bahay ng kaniyang Tita. Ito ang adres."
"Hyo-Ji ... Hyo-Ji, gandang pangalan Koreana ba siya dude?" tanong ni Shash.
"Yeah, half-Korean daw."
Pinuntahan namin ang lugar at masyanong sikit-sikit ang kabahayan. Kaya medyo nalito kami ngunit tinandaan ko ang sinabi ng Ale, iyong kulay ng bahay... .
HYO-JI'S POV
"Talagang pursigido si Dane, na hanapin ako at sa bahay ni tiya Juliet ang kanilang punta. Kailangang maunahan ko sila at baka marami pang masabi si tiya tungkol sa akin. Dito ako sa kabilang kanto dadaan."
Binilisan ko ang pagpapatakbo nang aking sasakyan. Nang makarating ako sa likod ng bahay ay agad akong umakyat sa bintana ng aking kuwarto at dali-daling nagbihis. Isang maikling short at sandong itim ang aking suot.
"Tao po! Tao po!"
"Sino 'yan?" tinig ng isang babae at lumapit ito sa pinto.
"Ano ang atin?" tanong ni aling Juliet, nang mabuksan niya ang pinto
"Magandang umaga ma'am. Ako pala si Dane Timmer. Sila naman ang aking mga kaibigan," pagpakilala ko.
"Ano po ang atin? Tuloy kayo."
Tumuloy naman kami at umupo. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nakita ko si Koreana sa ibang mga photo frame at talagang napakaganda niya.
"Ma'am, nandito ba si Hyo-Ji?" tanong ko agad.
"Ay! Wala si — "
"Tiya sino po sila?" tanong ng isang babae mula sa itaas ng palapag
Lumaki ang aking mga mata nang makita ko si Hyo-Ji at hindi ko magawang kumurap.
"Ang ganda niya talaga." I whispered.
"Hyo-Ji!" sambit ng kaniyang tiya na lumaki pa ang mga mata na tila nagulat nang makita ang pamangkin.
"Anong kailangan ninyo sa akin?" tanong agad ni Hyo-Ji sa amin.
Bigla akong na umid nang titigan niya ako. Para bang nagbarado ang aking lalamunan at ayaw lumabas ng aking boses.
Napatingin ako sa aking dalawang kaibigan at pareho itong nakanganga ang mga bibig. Habang titig na titig sa hita ni Hyo-Ji.
"Ano?! Nganga na lang ba kayo? Sino ba ang may kailangan sa akin? Bilis! Dahil marami pa akong gagawin!" pasuplada niyang tanong.
Napalunog ako bigla dahil pakiramdam ko ang tapang niya.
"Ha-hi ..." bati ni Shash at inilahad niya ang kaniyang kamay at hindi pa rin ito kumukurap at tinanggap naman ito ng dalaga.
"I'm Shash ..." pakilala nito.
"Tama na iyan!" saway ko.
Dahil ayaw ng bitawan ang kamay ni Hyo-Ji. Ang loko-loko kong kaibigan ay biglang tumalikod at hinahalikan ang palad at inaamoy-amoy.
"Dude! Masipa kita dyan!" banta ko, sapagkat ay pinagnanasaan niya si Hyo-ji.
"My Godness! Ang ganda mo pala talaga. Para akong nakakita ng anghel na bumaba sa lupa. My name is Dixter."
Sabat ng isa kong kaibigan na siya pa ang kusang kumuha sa kamay ni Hyo-Ji para makipagkamayan at hindi pa nakuntento ay hinalikan pa niya.
"Tama na nga 'yan!" reklamo ko na naman, at pilit kong tinanggal ang kaniyang kamay. Sapagkat wala siyang balak na bitawan ang kamay ni Hyo-Ji.
"F-for you H-Hyo-ji." nakangiti kong inabot sa kaniya ang mga bulaklak.
"Are you sure, na para ito sa akin? O, baka naman sa tiya ko." diretsahan niyang sabi.
"Bakit kaya niya alam na para iyon sa tiya niya? Bahala na, magsisinungaling ako." I whisper.
"Y-yes! I'm sure! Para talaga 'yan sa'yo. Pero pahingi ng tatlo. Ibigay ko kay tiya." Nahihiya kong sabi.
"Sige, kunin muna ang lahat. Ibigay mo sa tiya ko." Aniya at inabot ang lahat sa akin.
"Hindi tatlo lang para meaningfull." turan ko. Nakakahiya man, pero bahala na.
"Okay," aniya.
"Ahhm... Tiya Juliet, para po sa inyo." Parang tuta kong sabi, sabay abot sa tatlong rosas.
"Salamat!" tugon niya na may pagtataka sa kaniyang mga mata.
"Umupo kayo! At ikukuha ko lang kayo ng juice." Umupo naman kami at iniwan niya kami saglit.
"Dude, Super yummy niya... Hita palang ulam na..HEEEMP gigil ako!" saad ni Dixter na may kasamang
"Tumigil ka dude! Kilala kita pagdating sa babae. Kaya huwag kang magkakamaling agawin ang Koreana ko dahil isusumpa talaga kita ng sampung beses.
"HEEEY! Kakatakot ka naman dude!" nakasimangot niyang tugon at lumapit sa tabi ni Shash.
"Dude, tanungin mo nga siya baka may kapatid pa siya. Ang sarap kasing pasanayin," sabat ni Shash.
"Sabi noong ale, nag-iisang anak lang siya.'Yung tiya niya dude, baka single pa," pagbibiro ko.
"Huwag na dude, doon na lang ako sa katulong namin," turan ni Shash at nakataas ang kilay.
HYO-JI'S POV
"Tingnan natin itong mga katigasan ng ulo ninyo! Akala ninyo, maiisahan ninyo ako!" bulong ko.
Ipinagtimpla ko sila ng juice, ngunit tig-dalawang kutsarang asin ang nilagay ko sa bawat baso.
"Hyo-Ji, kailan ka pa dumating?" pagtatakang tanong ni tiya Juliet.
"Kani-kanina lang Tiya."
"Sino ba ang mga iyan?"
"Hindi ko kilala Tiya."
"Hindi mo kilala? Pero kilala ka nila?"
"Oo ewan ko nga, kung bakit nila ako kilala. Tiya, kung sakaling babalik ang mga iyan at wala ako. Huwag kang magkuwento tungkol sa akin, ha."
"Bakit naman?" pagtataka pa ring tanong ng aking Tiya.
"Basta, basta! Sundin mo na lang ako."
"Sandali! Bakit asin ang nilagay mo?" gulat niyang tanong.
"SSHHH! 'Wag kang maingay Tiya. Para magtanda at hindi na babalik. Huwag kang maingay panoorin mo lang.
"Diyos ko! Ewan ko sa 'yo Hyo-Ji! Magkasakit sa bato iyang mga bisita mo niyan."
"Hindi pa siguro tiya." At lihim akong humalakhak na walang boses. Bumalik ako sa sala na bitbit ang kanilang juice.
"Uminom muna kayo masyadong mainit ang panahon ngayon. Para malamigan iyang mga laman ninyo"
Alok ni Hyo-Ji, na halatang nagpaparinig sa aming tatlo. Unahan naman ang dalawa kong kaibigan sa pagkuha ng baso.
"Tooosss..." nakangiting turan ni Shash.
"Cheeerss! Dahil natagpuan na ni MR. DANE TIMMER ang kaniyang dreamgirl." sigaw naman ni Dixter.
"One go!" tugon ko naman na sobrang saya.
Sabay naming itinaas ang mga hawak na baso at unahan sa pag-inom.
Natahimik kaming bigla na lumaki ang mga mata at tumigas ang aming mga katawan na tila biglang nagiging bato. Pilit naming nilunok ang sobrang alat na juice, sapagkat nakatingin si Hyo-Ji sa aming tatlo. Mas daig pa ang tubig dagat sa sobrang alat ng juice
"What happened? Hindi ba masarap ang juice?"
Tanong ni Hyo-Ji, na parang walang alam at palit-palitan ang tingin niya sa aming tatlo.
Nagkatinginan kaming tatlo at walang gustong magsalita. Dahil may natitirang juice sa aming mga bibig. Sapagkat hindi talaga kayang lunukin ang lahat.
"MAHARAP! MAHARAP!" tumatango-tango kong tugon na nakasarado pa rin ang aking bibig.