Chapter 6

1883 Words
Chapter 6 Jas Suarez Simula nang mangyari sa 'kin iyon sa loob ng palasyo ay parang nagbago ang lahat. Bukod sa pakikitungo ni Ron-Ron ay nakararamdam ako ng kakaiba sa sarili at sa paligid ko. Nagiging paranoid ako na parang laging may nakasunod sa 'kin pero kapag titingin ako ay wala naman. Isang beses ay nagtatakbo ako palayo habang pinagpapawisan nang malapot dahil sa sobrang takot. Ang kinalabasan tuloy ay na-sprain ang paa ko. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Ron-Ron at tumingin sa malawak na soccer field. Nakasilong ulit kami sa isang puno at nagpapalipas ng oras bago umuwi. Masyado pa kasing maaga. Hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko dahil hindi naman ako sigurado kung guniguni ko lang ba talaga sila. Ang sabi ko na lang sa kaniya ay nahulog ako nang umakyat ako sa upuan kagabi. "Tyrone?" Napatingin kami pareho ni Ron-Ron sa nagsalita at literal na nanlaki ang mga mata ko. Ano ang ginagawa niya rito? Agad na tumayo si Ron-Ron sa pagkakaupo upang harapin ang bagong dating. "Chesca?" Hindi ko maintindihan kung nganganga ba si Ron-Ron o ngingiti nang makita si Chesca.  Bigla lang silang nagyakapan sa harap ko. Dahan-dahan lang akong tumayo at pinagmasdan silang dalawa. Doon ko lang napansin na kasama pala ni Chesca si Eiji. Nang kumawala sila sa pagkakayakap sa isa't isa ay napatingin siya sa gawi ko. "Nandito ka rin pala, Jas. Kumusta?" Pilit akong ngumiti sa harap niya. "Okay lang naman ako," sagot ko. Binaling ko naman ang tingin ko kay Ron-Ron. "Gusto ko nang umuwi." Bigla akong nawala sa mood at kahit anong ngiti ang gawin ko ay sumisimangot pa rin talaga 'to. "Hatid na kita sa inyo," sabi ni Ron-Ron. Agad akong umiling. "'Wag na, may kausap ka iiwan mo lang." Pilit pa akong tumawa pero parang naging singhal lang ang dating niyon. Sige lang, Jas, ipeke mo pa. Nadismaya ako dahil bigla siyang nagdalawang isip pagkasabi ko n'on. Si Eiji ang nag-offer na ipasan ako kaya sumakay na ako agad. Wala akong ibang choice kundi sumama sa kaniya. Alam kong hindi papayag si Ron-Ron nang walang maghahatid sa 'kin dahil na rin sa lagay ng paa ko. Bahala siya ro'n sa Chesca niya! Sumama siya sa first love niya. Wala akong pakialam! Mabuti na lang at pauwi na rin itong si Eiji. Nang makalayo kami sa field ay agad akong nagsalita, "Ibaba mo na 'ko, wala na tayo sa field. Hindi na nila tayo kita." Pero ayaw niya akong ibaba. "Hoy, sabi ko ibaba mo na 'ko!" "Narinig kita kaya 'wag kang sumigaw," mahinahong sabi niya pero ramdam ko ang diin. "Hindi kita ibababa hangga't wala ka sa bahay ninyo." "Pero okay na ako rito, hayaan mo na 'ko," mahinang sabi ko pero ayaw niya makinig talaga. "Hindi kita hahayaan gaya ng ginawa ng best friend mo." Napatikom ang bibig ko. Wala akong maisip na pang-rebut! "Nagseselos ka 'no?" tanong niya bigla. "Hindi ako nagseselos! Gusto ko lang magkaroon sila ng time ni Chesca," sabi ko pero sa loob ay sobrang kumukulo ang dugo ko. Mukha naman siyang convince kaya 'di na ako ulit nagsalita. "Saan ba ang bahay ninyo?" Dahil wala naman akong magagawa ay tinuro ko na lang kung saan at doon na lang niya ako binaba. Tiningnan ko siya kahit na nahihiya ako. Dahil sa kaniya ay nakauwi ako nang buhay. "Salamat sa paghatid," sabi ko. Napataas naman ang kilay niya dahil sa sinabi ko. "Hindi ako nakukuha ng isang pasasalamat. May kapalit 'yan," sabi niya kaya napatigil ako saglit. "Susunduin kita bukas, dito rin. Magsuot ka ng damit pang-alis, 'yong disente." At umalis na nga siya. Disente? Para na niyang sinabing hindi ako disente kung manamit! At saan naman kami pupunta? Inaaya niya ba akong makipag-date? SUNDAY NGAYON kaya naman naghanda na ako. Magsisimba kasi akong mag-isa. Gustuhin ko mang isama sina Mama at Papa ay may mga trabaho naman sila. Hindi ko nga alam kung bakit wala man lang silang pahinga. Halos buong linggo silang umaalis. Naglalagay ako ng light make up nang marinig ko ang isang hindi pamilyar na tunog ng sasakyan. Sumilip ako sa bintana ng kuwarto ko at nakita ang kumikinang na black porsche 911 na parang bagong car wash sa sobrang kinang. Nakasandal si Eiji roon na nakasuot ng isang polo na light blue, dark blue na pants at Oxford dark brown shoes. May sunglasses pa siyang suot habang nakakunot ang noo na parang silaw na silaw. "Anak, may naghahanap sa 'yo sa labas. Bumaba ka na riyan at huwag mo na siyang paghintayin," sabi ni mama matapos kumatok. "Opo, 'Ma!" sigaw ko. "Ang aga naman niya," bulong ko sa sarili ko. Kung may ipagagawa siya sa 'kin ay pasensya na lang siya, mas mahalagang magsimba kaysa ano pa man. Inayos ko ang kulay pula kong sweater at inipit ang harap na parte sa itim kong pants. Naka-white lace up ankle boots din ako at may dalang itim na leather backpack. Lumabas na ako sa kuwarto ko dahil male-late na ako sa misa. Naabutan ko naman si Mama na nakapameywang sa harap ko. Nakipagtitigan siya sa 'kin. Halos magkasinglaki lang kami ni Mama kaya naman ang hirap umiwas ng tingin. "Sabihin mo nga anak, sino naman ang lalaking 'yan? Noong field trip ninyo hindi naman siya ang sumundo sa 'yo ah?" tanong sa 'kin ni mama. Akala ko iyon lang ang sasabihin niya pero may kasunod pa pala. "Tell me, playgirl ka ba?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama. "Of course not, Mama! Sige po, baka naiinip na siya sa baba, at isa pa magsisimba lang kami," paninigurado ko sa kaniya sabay kiss sa cheeks. "Mag-ingat ka, siguraduhin mo lang na mapagkakatiwalaan 'yan ah? Huwag sasama sa kung sino-sino lang," sabi ni mama na sinundan pa talaga ako sa labas. "Magandang umaga po," bati ni Eiji sa mama ko. Bigla namang napasimangot si Mama nang makita siya. Mukhang nagulat din si Eiji sa paglabas ni mama. Ano ang gagawin ko? Lalo akong kinabahan sa paghaharap nilang dalawa. Kahit alam kong wala naman akong ginawang masama ay bakit parang guilty ako? "Magandang umaga rin," sabi ni mama. "Pwede ba kitang tanungin?" Pinagpawisan yata ang palad ko sa sinabi ni mama. Baka kung ano ang itanong niya. Para akong girlfriend na kinakabahang ipakilala ang boyfriend ko! "Ano po 'yon?" tanong ni Eiji. "Ano ang relasyon mo sa anak ko?" tanong ni mama. Sinabi ko naman na kasi eh! Si Mama talaga oh. Napansin kong medyo nagitla pa si Eiji dahil sa tanong ni Mama pero kumpara sa 'kin ay mas kalmado siya. Buti pa siya ay nakakakalma ngayon! "Ah, kaibigan po ako ng anak ninyo," sabi niya sa mama ko. Tumango-tango si Mama at tumingin sa 'kin matapos makuntento sa sagot ni Eiji. "Mag-ingat kayo kung saan man kayo pupunta. Alagaan mo ang anak ko, ah?" Nakahinga naman ako nang maluwang dahil do'n. Sa wakas ay makakaalis na kami! "Bye, 'Ma. Alis na kami!" Sumakay na ako sa likuran nang pagbuksan ako ni Eiji. Bumangad naman sa 'kin ang isang driver na nakasuot ng tuxedo na naka-shades pa. Napatingin ako kay Eiji na pumasok din sa loob at umupo sa tabi ko. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya. "Basta!" Don't tell me ay hindi kami magsisimba? Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan niya. May aircon naman pero pinagpapawisan ako nang malagkit dito. Ano ang gagawin ko? Baka may masama na siyang balak sa 'kin! "Hoy! Ayos ka lang? Ang lakas ng aircon pero pinagpapawisan ka," sabi niya tapos ay lumapit sa 'kin. Lumayo naman ako. Kumunot ang noo niya. "Bakit ka ba lumalayo? Nandidiri ka ba sa 'kin?" "H-Hindi..." "Anong hindi eh layo ka nang layo," medyo naiinis na sabi niya sa 'kin. Pinitik niya ang noo ko tapos ay bahagyang natawa. Gusto ko sanang sabihin na ang cute niyang tumawa kung hindi lang kami nasa ganitong sitwasyon. "Huwag mong sabihing tama ang iniisip ko na iniisip mo?" Ano raw? Iniisip niya na iniisip ko? "'Wag, bata pa ko," sabi ko. Tinakpan ko ang katawan ko at bahagya pang lumayo sa kaniya hanggang sa napasandal na ako sa pinto ng sasakyan. Natawa na siya nang tuluyan. Hinahampas na niya 'yong upuan at maluha-luha na. Tumulo na lang bigla ang luha ko. Napatigil siya sa pagtawa. "Hey! 'Wag kang umiyak. Hindi ko gagawin 'yang sinasabi mo 'no! Natawa lang ako dahil sa inisip mo. Akala ko tuloy kung ano na," sabi niya. Parang bumalik 'yong luha ko dahil sa sinabi niya. "Mali ang iniisip mo. Magsisimba lang tayo. Ang lawak ng imagination mo!" Nagsimula na naman siyang tumawa. "'Wag mo na isipin 'yon. Kunwari ay hindi 'yon nangyari. Magsisimba lang tayo, okay? 'Wag ka na ngang umiyak. Isa pa ay kasama natin si Kuya Hans," aniya sabay tingin sa driver namin ngayon. "So, friends na tayo?" tanong ko sa kaniya. Naalala ko kasi 'yong sinabi niya kanina sa mama ko. Ibig sabihin niyon ay tinatanggap na niya talaga ako bilang kaibigan niya. Kung hindi, kakalbuhin ko talaga siya hanggang sa mawalan siya ng buhok. "Sino naman ang nagsabi?" sarkastikong sabi niya. Tinaasan pa niya ako ng kilay habang nakakrus sa dibdib ang mga braso. "Ikaw, sabi mo kanina sa mama ko," sabi ko na parang nanghahamon. Sabi ko na nga ba at ide-deny niya pa e! Hirap talagang intindihin ng mga lalaki. "Ano naman ang gusto mong sabihin ko? Na manliligaw mo ako? ASA!" bulalas niya. Wala naman akong sinasabi. Defensive masyado! "Kahit na! Puwede namang schoolmate, 'di ba?" Natahimik naman siya. Siya naman itong lumalayo ang linya ng utak at kung ano-ano ang iniisip. "Oo nga pero nasabi ko na, wala na 'kong magagawa," sabi niya at tumingin na lang sa harap. Tiningnan ko lang siya. Ang guwapo niya kapag naka-side view. Mas pansin ang tangos ng ilong niya at ang ganda rin ng pagkakahubog sa panga niya. Ganiyan ka na lang Eiji, ah? "Basta friends na tayo ah?" sabi ko sa kaniya at nag-cross arms. Humarap na ako at inayos ang upo ko. Feel na feel ko ang pagsakay sa porche niyang itim. Pakiramdam ko tuloy ay ako ang may-ari nitong sasakyan at nakikisakay lang siya. "Ayoko nga!" This time ay ako naman ang lumapit sa kaniya. "Sige na!" Niyugyog ko pa siya sa balikat niya, wrong move, ang sama ng tingin niya sa 'kin. Unti-unti siyang lumapit sa 'kin hanggang sa pinto na lang ang nasa likod ko. Napakagat na lang ako sa labi ko at aksidenteng napindot ang lock ng pinto. Naitukod ko ang siko ko sa pihitan kaya bumukas ang pinto. "Ah!" sigaw ko. Naging maagap naman siya at nahawakan ang kamay ko. Hinatak niya ako nang marahas hanggang sa tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Halos dinig na naming dalawa ang t***k ng mga puso namin. Sabay pa kaming nahulog sa lapag ng kotse nang biglang inapakan ng driver niya ang brake. "Aw!" sabay naming daing. Tumayo agad siya dahil nadaganan niya ako. Hinarap naman kami nitong si Kuya Hans at tinanong kung ayos lang kaming dalawa. "A-Ayos lang po ako," sagot ko. Marahas akong tiningnan ni Eiji. "You're out of your mind! Bakit mo pinindot 'yong lock?" sigaw niya sa 'kin. Nanlilisik ang mga mata niya na para bang handa akong sugurin anumang oras. Agad tumulo ang luha ko. "S-Sorry." Napabuntong-hininga siya. "It's okay. Sorry nasigawan kita..." Lumapit siya sa 'kin. Nagulat ako nang maramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa 'kin. Sinimulan niyang tapikin ang likod ko. Siguro nga ay pareho kaming nabigla sa nangyari. Sobrang bilis pa rin ng t***k ng puso ko kaya mas lalo akong naiyak. Jas, don't forget to wear seatbelt next time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD