Chapter 3

3664 Words
Chapter 3 Jimmy's POV "Let me go Bastards!" malakas na bulyaw ni Bryle sa mga nakahawak sa kanya. "Susie Man! I wanna talk to you!" pagpapatuloy niya. Itinulak niya isa-isa ang mga tauhan ni Susie saka niya ito pinagsusuntok sa mga mukha. Hinihingal siya habang nakatitig sa akin. Bumulagta ang mga kalaban niya sa lupa. "Master..." Nababahala ako sa aura niya ngayon. Agad akong lumapit sa kanya. "What are you doing here Master? I already talked to him." Hinawakan ko siya sa braso para pakalmahin pero ipiniksi lang niya ang kamay ko. "Where is he?!" madiin niyang tanong. "Bryle huminahon ka." Tinitigan lang niya ako ng masama. "I said where is he?!" nanlilisik ang mga matang tanong niya. Napailing na lang ako. "Nasa loob siya." Hindi na niya ako tinignan. Nagtuloy-tuloy na siya sa pagpasok sa office ni Susie Man. Sumunod naman ako agad sa kanya. "Oh- Bryle. Ikaw pala." Gulat na gulat si Susie Man pero ngumiti din siya kanalaunan. Tumataas at baba ang mga balikat ni Bryle. "I told you not to touch her!" galit niyang ani. Kumunot noo naman si Susie Man. "Touch who?" maang niyang saad. "Don't talk to me as if you don't know what did you just done a while ago!" galit na balik ni Bryle sa kanya. Tumayo lang ako malapit sa pintuan habang pinapanood ko sila. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya ngayon? Tumingin ako sa labas. Nagulat ako nang makita ko si Cheska sa malayo. Tumakbo siya palayo nang makita niya ako. Lumabas ako agad para sundan siya. "Cheska!" malakas na tawag ko sa kanya pero nagpatuloy pa rin siya sa pagtakbo. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso niya nang maabutan ko siya. "Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" saway niya sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" matalim kong tanong. Ngumisi naman siya sa akin. "Bawal bang bisitahin ang Tito ko?" nang-uuyam niyang tanong. Mas niluwangan ko naman ang pagkakahawak ko sa kanya. "Bakit ka tumakbo? Bakit hindi ka pumasok?" natigilan naman siya sa mga tanong ko. "Ano namang pake mo?!" mataray niyang sagot. "Dahil ba nandiyan si Bryle?" nang-uuyam kong tanong. Naningkit naman ang mga mata niya. "Para sabihin ko sayo, galit na galit siya ngayon. Alam mo ba ang dahilan kaya siya nagkakaganoon?" tinitigan lang niya ako ng masama. "Baka dahil sa babae niya." Napalunok naman ako sa sinabi niya. Natawa lang siya ng mahina sa naging reaksiyon ko. "Babae?" maang kong tanong. "Oo." Diretso sa mga matang sangayon niya. "Kabahan ka na Jim dahil mukhang hindi na naman uusad ang mga plano niyo. Oo may babae ang Master niyo. Hindi lang basta babae, Girlfriend pa niya." Tumawa siya ng mapakla. "Minsan talaga hindi siya nagiisip." "Nagseselos ka ba?" Seryosong tanong ko sa kanya. Hindi naman siya nakasagot agad. Tumingin siya sa akin ng diretso sa mga mata. "Oo." Ngumiti siya ng mapait. "Sobra." Napayuko lang ako dahil sa naging sagot niya. Naghiwalay kami noon dahil kay Bryle. Kahit ganoon pa man ang kinahinatnan ng relasyon namin, hindi ko sinisi si Bryle. Alam ko namang si Bryle talaga ang mahal niya noon at hanggang ngayon. Labas na ang personal na problema namin sa misyon na dapat naming gawin. "Anong ginawa mo sa babae niya." Inirapan lang niya ako. "May tinutukoy siya kanina na tao. Si Susie Man ang pinagbibintangan niya. Tito mo ang idinidiin mo dahil lang sa selos na nararamdaman mo." nakita kong naiiyak na siya. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya para hindi ako maawa sa kanya. "Para din naman sa misyon niya ang ginawa ko. Dapat mawala siya sa landas ni Bryle. Ginawa ko lang kung ano ang tama. Kakausapin ko si Tito bukas." Naglakad na siya palayo sa akin. "Kung may problema ka, sabihin mo sa akin. Hindi mo kailangang kimkimin lahat ang mga yan." Malakas kong sabe pero nagtuloy-tuloy pa rin siya sa paglalakad. Naglakad na ako pabalik sa office. Naabutan ko si Bryle na nakakuyom ang mga kamay. "I'm doing my mission. I will accomplish those one by one. Wag na wag niyo lang akong hahawakan sa leeg kung ayaw niyong magkagulo tayong lahat." Seryosong sabe niya kay Susie. Tumalikod na siya pero biglang tumayo si Susie Man. "Wala akong alam sa mga ibinibintang mo. Magalit ka sa akin pero wala akong aaminin dahil wala akong ginawang ikakagalit mo." lumingon sa kanya si Bryle sa huling pagkakataon saka siya naglakad paalis. Tumakbo ako agad para sundan siya. "Master!" tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin saka niya ako nginitian. "May dala akong sasakyan. Umuwi ka na." Naglakad na ulit siya. "Normal lang sa tao ang magmahal pero sa ngayon hindi yon pwede sayo." Malakas kong sabe. Iniisip ko lang ang misyon niya. Hindi niya maaaring kalimutan yon. Nanatili lang siyang naglalakad patungo sa sasakyan niya. Wala na akong nagawa nang paharurutin niya ito palayo. END OF Jimmy's POV Shara's POV Napangiti ako nang buksan ni Umma Zusaki ang bag na dala niya. Nandito kami ngayon sa coffee Shop malapit dito sa Subdivision. Gusto ko siyang kausapin ng masinsinan. Ayaw kong marinig ng mga tao sa bahay ang mga pag-uusapan namin. "Dinala ko ang mga ibang damit mo noon." Malumanay niyang sabe. Hinawakan ko ang mga damit sa ibabaw ng table namin. "Mabuti naman meron pa ang mga ito Umma." Natawa naman siya ng mahina. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang laki na din ng itinanda niya. "Kamusta na po kayo." Hinawakan ko siya sa mga kamay. Ngumiti naman siya sa akin. "Hindi ko magawang itapon ang mga yan dahil alam kong sayo ang mga yan. Ang batang inalagaan namin ilang taon na ang nakakalipas. Maayos naman ako anak. Unti-unti na kaming inuubos Shara pero lumalaban pa din naman." Napayuko ako sa naging sagot niya. "Ibang-iba na ang buhay mo noon sa buhay mo ngayon. Masayang-masaya ako para sayo." Lumungkot ako. Kitang-kita ko kasi sa mga mata niya ang matinding pag-aasam. "Nasa harapan ko ngayon ang batang lumaki sa kalupitan pero nabubuhay na ng maayos." "Para kay Dad lahat ng mga ginagawa ko. Ayaw kong maging makasarili Umma. Ama ko pa rin siya... Katulad niyo, mahalaga din siya sa akin." Nag-angat ako ng mukha saka ako ngumiti sa kanya. "Pumapayag na ako sa lahat. Sabihin niyo sa akin kung anong maipaglilingkod ko sa inyo." "Pasensiya na... Kung kailangan kong pumasok muli sa mundo mo." nahihiyang ani niya. "Dati na po kayong parte ng buhay ko. Hindi ko kayo kayang tanggihan." Ngumiti ako sa kanya. "Kailangan niyo ba ako sa katauhan ni Lady Black Fire?" napapikit ako ng mariin. Talagang hindi ko na maiaalis ang pagiging siya. "Oo Shara..." humigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. "Humingi na ako ng tawad kay Shawn... Pinatawad niya ako Shara." "Talaga? Natutuwa akong malaman yan. May nabanggit pa ba siya sayo?" kunot noong tanong ko. Tumitig siya ng taimtim sa akin. "Pareho ang layunin namin Shara. Ang mahanap ang mga pumatay sa mga bihag na kasama niya noon. Kapag nakipagtulungan ka sa amin, mas mapapadali ang proseso. Isang mataas na Mafia ang may kagagawan ng trahedyang iyon. Sa ngayon, kumikilos na si Shawn. May mga leads na din siya pero pinag-aaralan muna niya sa ngayon. Nakianib kami sa grupong pinamunuan niya. Siya ang nagaaruga sa mga ibang tao ko." "Natutuwa ako sa mga ginagawa ni Shawn." Napailing ako. "Siya na si Summer ngayon." "Tama ka. Ang laki ng kasalanan namin sa kanya pero tinulungan pa rin niya kami sa huli." Napabuntong hininga ng malalim si Umma. "Desidido siyang mahuli ang taong kumitil sa mga taong itinuring niyang pamilya. Kung kaya ko lang sagutin ang mga katanungan niya, sana ibinigay ko na pero wala din akong alam." Naiiyak na turan niya. "Wala na si Ate para tulungan tayo..." "Bibigyan natin ng hustisya ang pagkamatay nila gaya ng ipinangako ko kay Shawn." Ngumiti siya sa akin saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Hindi ako mahihiyang ipakita ang kahinaan ko Shara... parang anak na ang turing ko sayo noon pa man." Bulong niya sa akin. Niyakap ko na din siya pabalik. "Advance Merry Christmas Shara..." "Merry Christmas Umma." Nakangiting bulong ko din sa kanya. END OF Shara's POV Lindsy's POV Muntik na akong masamid nang makita ko si Bryle na nakatayo sa labas ng gate. Akala ko may muta lang ako sa mga mata ko pero hindi. Puti kasi ang kulay ng muta. Itim kasi ang nakikita ko. Naka-pure black na naman kasi siya. Nakatingin lang siya sa itaas. Nagtungo ako sa garden saka ulit ako tumingin sa kanya. Nakapamulsa siya habang nakatitig sa may kwarto ni Shara. Hindi ako makasigaw kasi nagtotoothbrush ako. Nagmumog ako agad saka ako naglakad patungo sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "May nakikita ka ba sa itaas na hindi namin nakikita?" napakurap naman siya nang makita niya ako. Pinagbuksan ko siya ng gate. "Ano, lilipat na ba kami ng bahay?" inosenteng tanong ko. Tulala kasi siya. Ngumisi lang siya sa akin. "I'm not Jace so stop fooling me." Saad niya. Namula naman ako. Naririnig ko pa lang ang pangalan ni Jace naiinlove na ako. Kung anu-ano kasi ang pinagsasabi ng ex-crush ko na to! "Bakit hindi mo siya kasama?" pabebeng tanong ko sa kanya. "Para mamiss mo siya." seryosong sagot naman niya. Nag-improved na talaga si Bryle. Dahil siguro yon kay Shara. Dati kasi kapag kinakausap ko siya, nilalagpasan lang niya ako. Nakakapanis laway siya kahit noong sila pa ni Best Brianna. "Yiee wag ka nga diyan! Wag mo nga akong pinapakilig diyan baka masuntok pa kita." natawa ako ng mahina. "Pasok ka sa loob." Binuksan ko pa lalo ang gate para malaman niyang welcome siya. "Si Shara?" ngumiti ako sa kanya. "Tulog na. Haha. Baka may dala kang pagkain diyan? Akin na." humagikgik ako. Inilahad ko ang mga palad ko. Ipinasok naman niya ang kamay niya sa loob ng bulsa niya. "Candy. From Jace." Inilagay niya sa palad ko ang isang mentol candy. "Talaga? Galing to kay Jace?" kinikilig kong ani. "Yeah." Tipid niyang sagot. "Hindi ko to kakainin. Gagawin ko tong key chain. Ibababad ko to sa isang timbang formalin para hindi malanta." Niyakap ko ang cady na bigay niya. Napailing siya saka siya naglakad papasok. Umupo siya sa veranda kaya umupo na din ako sa tabi niya. Masaya ako kasi nagawa na niyang magmahal ulit. Mas masaya na naman ako kasi si Shara iyon. Kung nasaan man si Brianna ngayon, alam kong masayang-masaya din siya para kay Bryle... "Sa tingin mo galit sa akin si Brianna?" muntik ko nang maisubo ang candy na hawak ko. Sakto kasi sa naiisip ko ang naitanong niya. Ngumiti ako sa kanya. "Kilala ko si Brianna. Bestfriend ko nga siya di ba? Maniwala ka sa akin. Masayang-masaya na siya para sayo..." napabuntong hininga naman siya. "Walang masama kung magmahal ka ulit. Ang mahalaga ay mahal mo ang taong iyon. Masaya ako kasi si Shara ang taong iyon. Isa siyang mabuting tao at mabait na kaibigan sa amin." Ngumiti lang siya sa akin ng tipid. "Wag mo na siyang sasaktan ok?" "Oo naman." Tipid niyang sagot. Napatingin ako sa phone ko. Kuminang ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan ni Jace sa screen nito. Tumatawag siya! "Bryle umakyat ka na kung gusto mong makita si Shara!" pinilit ko siyang tumayo saka ko siya itinulak-tulak papasok ng bahay. Naglakad naman siya paakyat ng hagdan kaya handa na akong sagutin ang tawag ng Prince charming ko. Napanis ang ngiti ko nang makita kong mamatay ang phone ko. Low battery ako! Huhu- END OF Lindsy's POV Zykie's POV Lumabas ako sa kwato namin ni Lindsy. Nagtungo ako sa kwarto ni Ate Shara pero natigilan ako nang makita ko si Bryle sa loob. Yayayain ko sanang magpaparlor si Ate bukas. Kailangan maganda kami bago sumapit ang pasko. Napangiti ako nang makita ko siyang kinumutan niya si Ate. Hinaplos din niya ng marahan ang pisngi ni ate. Napasandal ako sa pader habang ini-imagine ko si Vince na ginagawa ang mga yon sa akin. Nakakakilig naman. Feeling ko itinadhana talaga silang dalawa. Dati binubully lang niya ang pinsan ko pero mahal pala niya. Lagi na ding nakangiti si Ate simula nang maging sila. Salamat naman kay Bryle kasi sa wakas nagkaboyfriend na din ang pinsan kong NBSB katulad ko. "Kapag sinaktan mo ang pinsan ko, babarilin kita sa ulo." Napalingon naman sa akin si Bryle. "It will never happen." Seryosong sabe niya. "Ayiee! Syempre pellet g*n lang yon. Haha- pero pwede ding totoong shot g*n kung talagang may balak ka." lumapit ako sa kanya saka ko siya itinulak-tulak. Napailing naman siya sa akin. "Ang sweet-sweet mo!" tinitigan niya ako ng masama nang gumalaw si ate Shara. "Tumigil ka nga baka magising pa siya." natawa ako ng mahina. "Alam mo, tama yong sabi ni Ate Shara." Kumunot noo naman siya. "Ang gwapo-gwapo mo pa din daw kahit nagsusungit ka!" namula naman siya. "Asus, Flattered!" "She said that?" mahinang tanong niya saka siya tumingin kay Ate. "Truly!" nakangiting sabe ko. Napangiti naman siya. "Kung ako sayo ikikiss ko na siya bago pa siya magising." Hinawakan lang niya sa kamay si Ate Shara. "Mabuti ka pa. Nagawa mong pumunta dito kahit gabi na. Si Vince, sus! Baka nangbabae na naman yon!" natawa naman siya ng mahina. "Sinong nangbababae?!" natameme ako bigla nang may magsalita. Hindi naman kasi si Bryle yon. "Bryle sabihin mo, multo na ba si Vince ngayon? Para kasing narinig ko siya." nauutal kong tanong. Ngumisi lang siya sa akin. Lumingon ako agad. Muntik na akong matunaw nang makita ko ang Boyfriend ko. "Babe!" ang lapad ng ngiti ko. Lumapit ako agad sa kanya saka ko siya niyakap. "Aww, nagpunta ka talaga dito?" inilayo naman niya ako. Napasimangot tuloy ako. "Hi Men!" bati niya kay Bryle. Nagnod lang siya kay Vince. Tumingin ulit siya sa akin. "Sinong nangbababae? ako?" nagtatampong ani niya. Naglakad na siya palayo. "Ahehe- hindi Babe joke ko lang yon!" nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad. "Sorry na ah!" Lumingon ulit ako kay Bryle. "Bryle ikaw na ang bahala kay ate Shara ha? Pakisabe sa kanya kapag nagising siya na kakausapin siya ni Daphie bukas." Aalis na sana ako nang may maalala ako. "10 p.m ang curfew namin dito. Ok? Pagkatapos mong busugin yang mga mata mo, umalis ka na ok?" Nag-nod lang siya sa akin. Tumakbo na ako para suyuin si Vince "Babe!" mukhang galit siya sa akin. END OF Zykie's POV Shara's POV "I'll do everything to protect you..." masuyong ani niya. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang mga labi niya sa mga labi ko. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. "Huli ka!" ngumiti ako sa kanya. Muli niya akong siniil sa halik.Napahawak lang ako sa mga pisngi niya. Humiwalay siya sa akin saka niya ako hinawakan sa mga kamay. "Let's go somewhere." Tumayo ako agad. "Saan?" excited kong tanong. Lumungkot ang mukha niya. "Baka hindi ko magagawang samahan ka sa Christmas." Ngumiti lang ako ng tipid sa akin. "Bakit naman? May pupuntahan ka ba?" kunot noong tanong ko. "I'll fly to New York. Babalik din ako agad." Ngumiti lang ako sa kanya. "Ganoon ba? Ok lang sa akin. Mag-iingat ka doon." Tinitigan niya ako ng taimtim. "I want to be with you tonight but Zykie said-" tinakpan ko agad ang mga labi niya. (Now Playing: CHECK YES JULIET By: We The Kings) Natawa ako ng mahina. "I am willing to run away with you to night." Bumitaw ako sa mga kamay niya. Tumakbo ako patungo sa isang bintana ko dito saka ko ito binuksan. Nagulat si Bryle nang pumasok ako dito. Nakatayo na ako ngayon sa bubog. Inilahad ko ang kaliwang palad ko sa kanya. "Tara!" "Shara go back here!" madiin niyang utos. Tumawa lang ako ng mahina. "Sabi mo hindi kita makakasama sa Christmas. Pati ba naman ngayon?" umatras ako habang nakalahad pa rin ang mga palad ko sa kanya. "Ano? Sasama ka ba o ako na lang mag-isa?" "Shara may curfew kayo..." mahinahon niyang ani. "Pumasok ka na dito." Ngumiti lang ako sa kanya saka ako lumundag. "Hindi uso sa akin ang curfew!" natatawang ani ko. "Shara!" agad akong tumayo. Natawa ako nang makita ko siya sa may bintana. Halatang kinabahan siya sa ginawa ko. Medyo mataas din kasi yong nilundag ko. Sanay naman na ako. Napailing siya saka siya ngumisi sa akin. "Hard-headed My Bee." Pinagpag ko ang damit ko. "Tara?" nandoon pa rin siya habang nakatitig sa akin. "Mauna na ako?" umatras ako konte. Ayaw pa rin niyang gumalaw "Zykie narinig mo yon?" narinig kong tanong ni Lindsy. "Yong pusa ata sa kapitbahay yon." Sagot naman ni Zykie sa kanya. "Anong pusa?! Ganoon kalakas na kalabog pusa na yon?" ani ulit ni Lindsy. "Baka kapre na pusa?" inosenteng saad namin nito. "Walang ganoon Babe!" narinig kong singit ni Vince. "Aakyat lang ako saglit!" Si Lindsy. "Bumaba ka na! Pupunta diyan si Lindsy!" pinanlakihan ko siya ng mga mata. Napakagat labi ako kasi naiinis na ako sa kanya. Natawa naman siya. Agad siyang lumabas sa bintana saka siya lumundag. Hinawakan niya ako sa kamay saka niya ako itinakbo. "Shara! Saan kayo pupunta???" Sigaw ni Lindsy. Nakatanaw siya sa amin habang palayo kami ni Bryle. "Hoy Bryle saan mo dadalhin si Shara???" bulyaw ulit niya. "Juliet at Romeo bumalik kayo dito sa kastilyo! Now na!" matinis niyang bulyaw ulit. "Ibabalik ko din siya agad!" balik naman ni Bryle sa kanya. Tumatawa kami ni Bryle ng malakas habang magkahawak kamay kaming tumatakbo. "My Da bilisan natin may aso sa likod mo!" natatawang sabe ko sa kanya. Mas binilisan naman niya ang pagtakbo tangay-tangay ako. Tumingin ako kay Bryle. Kagaya ko pawisan na din siya. "Stupid." Nakangiting ani niya. Ngumiti siya sa akin saka siya napailing. Inilahad niya ang kamay niya na agad ko namang inabot. "May gusto akong ipakita sayo pero baka hindi na." Napasimangot naman ako. "Bakit? Tara puntahan natin?" naglakad ulit kami. "Hindi pwede. Medyo malayo din yon. Wala tayong sasakyan. Madilim na din kaya wag na." Seryosong paliwanag niya. Napangisi ako habang nakatunghay ako sa malayo. Alam ko na ang solusyon sa problema namin. Tumakbo ako agad sa may malapit. Inakay ko ito patayo saka ako tumingin kay Bryle. Nakakunot noo naman siya habang nakatitig sa akin. "Bike ang tawag dito Bryle. Para alam mo." nang-uuyam kong sabe. "I know." masungit niyang sabe. "Why are you holding that?" nagtatakang tanong niya. "It's not even yours." Tinaasan niya ako ng kilay. "Sakay na!" masayang sabi ko. "Ibabalik din natin!" Umangkas na ako sa bike saka ko ito pinaandar.Lumingon ako sa kanya. "Oo nga pala. Rich kid ka kaya hindi mo alam magbike no?" tukso ko sa kanya. Naningkit naman ang mga mata niya. "Bumaba ka diyan. Ako ang mag-aangkas sayo." Maowtoridad niyang utos. Bumaba naman ako agad. Umupo na siya saka ako umupo sa upuan sa likod nong bike. Nakasandag lang ako sa likod niya habang tahimik naming binabaybay ang daan palabas ng subdivision. "Bryle naririnig mo ba yong t***k ng puso mo?" rinig na rinig ko kasi ang bawat pintig nito. "It says your name. Repeatedly" Napangiti ako sa tinuran niya. (Now Playing: ENDLESSLY By: The Cab)   Maya-maya pa. Itinigil na niya ang bike sa tabi. "Dito na?" malungkot kong tanong. Wala naman kasing bago dito sa lugar na to. Nasa gilid lang kami ng kalsada. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko saka niya ako iginaya sa paglalakad. "Close your eyes." Napatitig lang ako sa mukha niya. "I said close your eyes!" natatawang ulit niya. Napaismid ako sa kanya saka ako sumunod. Naglakad ako habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Hinawakan niya ako sa bewang saka niya ako niyakap sa likod. "Buksan mo ang mga mata mo." bulong niya sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Napatutop ako nang masilayan ko ang napakagandang imahe sa harapan namin. Nasisilayan namin ngayon ang mga City lights sa ibaba. Ang ganda.  Humarap ako kay Brye. Ngumiti lang siya sa akin. "Ang ganda-ganda naman dito." Nakangiting saad ko. "Kapag malungkot ako, ito ang isa sa mga lugar na pinupuntahan ko." Huminga siya ng malalim. "Ngayon masaya ako kasi kasama kita. Gusto kong ibahagi sayo ang lugar na ito. Hindi natin maipagdiriwang ang pasko na magkasama pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita..." nag-init ang sulok ng mga mata ko. "Kapag namimiss mo ako, pumunta ka lang dito." "Mahal na mahal din kita Bryle..." Niyakap niya ako ng mahigpit saka niya ako masuyong hinalikan sa mga labi. "Magagawa mo ba akong tanggapin sa buhay mo Shara?" natigilan ako sa tanong niya. Ako kaya? Magagawa niya kaya akong tanggapin balang araw? "I want to know you more..." ngumiti lang ako sa kanya ng mapait. "Sana kahit anong mangyari wag kang aalis sa tabi ko. Kahit ano pa ang malaman mo tungkol sa pagkatao ko." Tumulo ang mga luha ko. "Tatanggapin kita ng buong-buo... Ganoon ka din ba sa akin?" Napayuko ako. Iniangat niya ang mukha ko. Ngayon kitang-kita ko na siya sa mga mata niya. "Makikilala pa natin ang isa't isa. Naniniwala akong matatanggap natin ang isa't isa." Hinalikan niya ako sa noo. Napatingin ako sa kanya nang may ilagay siya sa palad ko. "Ano ito?" maang kong tanong. "A seashells." Natawa siya ng mahina. "I want you to open that on your birthday..." napatitig ako sa maliit na shell sa palad ko.  "Alam mo kung kailan ang Birthday ko?" nagtatakang tanong ko. "Ofcourse." Nakangising sagot niya. "Bakit hindi pa ngayon? Matagal pa ang Birthday ko eh-" napakamot ako. Ano kayang laman ng shell na ito? "Hindi pwede." Madiin niyang ani. "Sa Birthday mo lang period!" "Sige. Ikaw bahala." Ngumiti ulit ako sa kanya. Hinila niya ako palapit saka niya inilagay ang mga kamay ko sa leeg niya. Hinawakan naman niya ako sa bewang ko. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. "Merry Christmas Shara." Bulong niya sa tapat ng bibig ko. "Merry Christmas My Da." Nakangiting tugon ko. Masuyo niya akong hinalikan sa mga labi na malugod ko namang tinugon. END OF Shara's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD