Chapter 2
Shara's POV
Nanatili akong nakatayo dito sa fire exit malapit sa Condo ni Bryle. Hindi ko ipinaalam sa kanya na pupunta ako dito. Wala kasi talaga akong planong magpakita sa kanya. Huminga ako ng malalim saka ulit ako sumilip sa harap ng Condo niya. Napasulyap ako sa relo ko. 5 na ng hapon. Napangiti ako nang makita ko siyang lumabas mula sa Condo niya.
Habang naglalakad siya tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Agad akong tumalikod nang lumingon siya. Pumasok na siya sa elevator. Naghintay ako sa kabilang elevator. Nang makarating na ako sa first floor. Natigilan ko nang makita ko si Bryle na nakatingin sa itaas. Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Napangiti ako nang makita ko siya sa malaking monitor screen sa itaas. Ito ang naganap na conference meeting nila kanina. Siya na kasi ang CEO President sa kompanya nila. At his age, he is already carrying a heavy tons of responsibilities. Iyan ang ayaw kong gawin. Hindi ko ninais na pamunuan ni minsan ang kompanya ni Dad pero iyon din naman ang bagsak ko balang araw.
Seryoso lang na nakatingin sa Bryle sa itaas. Natigilan ako nang makita ko si Dad sa screen. Nakangiti siya habang kumakay sa mga tao sa paligid niya. Napakagat-labi ako upang mapigilan ko ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko.
"Dad..." paos kong sambit. "You looks older now...." Huminga ako ng malalim. Mas nadagdagan pa ang mga puting buhok niya ngayon. Pati ang mga wrinkles sa mukha niya. "Sabe ko kasi sayo noon gumamit ka ng ponds." Umiling na lang ako. Pinapalakpan siya ng mga tao dahil sa mga tagumpay niya. "I'm so proud of you." Ngumiti ako sa malaking screen sa taas. Kung pwede lang akong magtatalon sa tuwa, ginawa ko na.
"So, you are smiling at the screen huh?" saad ng pamilyar na tinig sa likod ko.
Ngumiti ako sabay takip sa bibig ko. "Oo naman. Nakita kita kanina doon eh-" nanlalaki ang mga mata ko. Lumingon ako agad. Napalunok ako nang makita ko si Bryle na nakapamulsa habang seryosong nakatunghay sa akin. "Kanina nandoon ka lang ah-" itinuro ko kung saan siya nakatayo kanina.
"People can walk." Malamig niyang sagot.
"Ahehe-" napakamot na lang ako.
"You didn't informed me about your sudden visit here." Napailing siya. Naglakad siya ng mabilis papunta sa likod ko. "Don't move!" madiin niyang utos nang magtangka akong humarap sa kanya. "I know you are missing me so bad but I want you to ease it first." Namula naman ako.
"Gusto ko lang namang makita ang mukha mo eh-" nakapout kong rason. Ewan ko ba, nahawa na din ako kila Zykie pagdating sa mga pag-uugali nila. Na-acquired ko na ang mga ibang pag-uugali nila pati ang mga pabebe actions nila.
"Bryle! Girlfriend mo ako! Hindi ako magnanakaw no! Anong don't move, don't move na pinagsasabi mo diyan?!" naiiritang reklamo. Para kasi kaming tanga sa posisyon namin ngayon. Nakatalikod ako tapos siya nasa likod ko. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga staffs dito.
"Is that Mr. Sy?"
"What the hell he is doing behind that girl?"
"Why her?"
"This is insane!"
"Oh- The CEO President of Sy Campany is just doing a great show."
Ang mga sari-saring bulungan ng mga tao sa paligid.
"Bryle kasi! Umalis ka na nga diyan!" nagtitimpi na ako sa galit. Naglakad ako paharap pero nararamdaman kong nakadikit pa rin siya sa likod ko. Para tuloy akong naaresto sa salang pagi-stalk sa kanya. Kulang na lang posas eh- "What the hell My Da! Stay away!" humarap ako sa kanya pero hinawakan niya ko agad sa mga braso ko saka niya ako pinaikot ulit kaya nakatalikod na ulit ako sa kanya. Naiiyak na ako. "I love you but what a shameful act you are doing to me?" naiiyak kong ani.
"I love you too." Natigilan ako sabay lunok. Narinig kong natawa siya ng mahina. Ginagago ba niya ako? Girlfriend kaya niya ako! "Walk slowly." Mahinahon niyang utos sa akin. Ako naman si uto-uto. Sumunod naman ako. Panay pa rin ang bulungan ng mga tao sa paligidi hanggang sa tuluyan na kaming makalabas sa building. Medyo madilim na rin dito sa labas.
"Bad ka." Napasinghot ako. Pakiramdam ko tuloy ipinahiya niya ako kanina. Naiiyak akong humarap sa kanya.
Ngumisi lang siya sa akin. "You have the Japanese Flag." Nakangiting turan niya.
"Japanese flag?" maang kong tanong. Naningkit ang mga mata ko. Pinagloloko ba niya ako?
"Nakatagos ka My Bee." Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Humalakhak naman siya ng malakas dahil sa naging reaction ko. "You have a red spot behind your butt." Namula na ata ako na parang kamatis. Napahawak ako sa bandang butt ko. "Then don't touch it!" natatawang saway niya sa akin.
"Kaya pala ayaw mong umalis sa likod ko kanina." napayuko ako sa sobrang kahihiyan. "Bakit hindi mo agad sinabi?" mukha na akong natatae sa lagay ko. Sa dami pa naman ng pwedeng makakita, bakit ang Boyfriend ko pa? Dinatnan ako pero hindi ko alam. Wala man lang akong naramdaman kanina.
Naramdaman kong naglakad siya patungo sa akin. Nakita ko ang kumikinang niyang black shoes. Kagagaling lang siguro niya sa meeting niya. Nakita kong inilahad niya ang palad niya sa akin. Natawa na naman siya ng mahina kaya napilitan akong mag-angat ng mukha. "Tinatawanan mo pa ako." Napasimangot ako.
Itinikom naman niya agad ang mga labi niya. "Let's go. I'll buy napkin for you." Seryosong sabi niya. Ngumiti ako sa kanya saka ko inabot ang palad niya. Ginulo niya ang mga buhok ko saka niya ako niyakap. "Ayaw ko lang ipahiya ang Girlfriend ko in public. Mahal kita kahit mukha kang tanga kanina." Natatawang bulong niya sa tainga ko. Sinapak ko lang siya ng mahina sa balikat niya.
"Salamat sa pagmamahal kahit mukha akong tanga kanina gaya ng sabi mo." nakapout kong ani. Mas lalo namang lumakas ang tawa niya.
Nakatayo lang ako dito sa isang tabi habang nakatanaw ako kay Bryle. Nakalagay ang mga kamay ko sa may butt ko upang matakpan ang tagos ko. Ang sabe niya kanina, wag na wag daw akong aalis dito para hindi makita ng buong mundo ang tagos ng Girlfriend niya Hehe-
Nagulat ako nang biglang humarap sa akin si Bryle. Medyo malayo kasi siya sa akin. Nasa hilera kasi siya ng mga napkin. Naningkit ang mga mata ko nang iangat niya ang isang bundle ng pumpers. Natatawang iwinawagayway niya ito. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao dito. Addict talaga ang Boyfriend ko. Ang sabe niya bibili siya ng napkin ko pero pumpers naman yong hawak niya. Tsk.
"Ang gwapo niya noh!"
"Gosh! Oo nga!"
"Grabe! Lagi ba siya dito? Hayy! Tatambay ako lagi dito masilayan lang siya."
"Ano bang bibilhin niya? Ayiiee."
Ang bulungan ng mga kababaihan dito sa loob ng store. Nagtutulakan na sila ngayon habang kinikilig sila kay Bryle. Gusto ba nilang kurutin ko sila isa-isa sa mga singit nila? Mukhang mga High School students pa lang kasi sila. Napailing na lang ako. Kung ako kay Bryle, bibilis-bilisan ko na ang paggalaw baka kainin pa siya ng buhay ng mga ito.
Habang nasa counter si Bryle, pinagtitinginan pa rin siya ng mga tao dito. Ang gwapo-gwapo kasi niya tapos napkins yong mga binili niya. Iilan na lang ang Boyfriends na kayang bilhan ang mga Girlfriends nila ng napkin.
Iniabot ni Bryle sa akin ang isang ice cream magnum nang makalapit na siya sa akin. Nabuksan na ito kaya ready to eat na. Hinawakan niya ako sa kamay saka kami naglakad paalis.
"Aww! Girlfriend niya yong baduy na yon!" napapikit ako ng mariin sa tinuran niya. Parang gusto ko tuloy siyang balikan. Gusto niya atang gawin kong dalawa ang mundo niya. Tsk.
"Hindi sila bagay!"
"Ang sweet naman niya."
"Binilhan niya talaga ang Girl na yon ng mga napkins?"
Bahala kayo sa mga buhay niyo diyan. Mamatay kayo sa inggit. Sumulyap sa akin si Bryle. "Don't mind them." Seryong sabe niya. Ngumiti lang ako sa kanya. "Let's go to Kokey." Napatitig naman ako sa mukha niya.
"Kokey?" maang kong ulit. Natawa naman siya ng mahina.
"That's Mr. McDo." Ngumisi siya sa akin.
"Si McDo si Kokey?" kunot noong tanong ko.
"Oo. Haha. Can't you see? They have similar looks." Inosenteng sabe niya.
Natawa na lang ako. "Kaso mas maputi si McDo kesa kay Kokey."
"You are right. Nasobrahan sa foundation si Mcdo. Si Kokey naman na sun- burned." Nakangiting paliwanag niya. Tinampal ko lang siya ng mahina sa pisngi niya. May pagka-kengkoy talaga si Bryle.
Nagtungo kami sa Mcdo. Nasa loob ako ng C.R habang nasa labas lang si Bryle. Nagpumulit siyang pumasok kahit pang Women's Room ito. Ang tigas talaga ng ulo niya. Sinabi ko na nga lang kanina na kaya ko na.
"Bryle mali tong inabot mo! Yong with wings dapat." Narinig ko naman ang pagkaluskos muli ng supot sa labas. Siguradong kinakalkal na naman niya ang supot ng mga napkins. Hehe-
"I should bought all of those napkins there." Masungit niyang ani sa labas. "Is there also with horns and with fur napkins?" natawa ako ng mahina sa tanong niya.
"With wings lang ang meron Haha-" sayang kasi nasa loob ako. Ang cute kasi ni Bryle kapag nagsusungit siya.
"Hey don't laugh at me My Bee." Inis niyang sita sa akin sa labas. Napatakip na lang ako sa bibig ko. Natatawa kasi talaga ako. "Here!" iniabot niya sa taas ang napkin. Isinama na din niya ang isang slacks na binili niya kanina sa labas.
"Ito ang with wings." Masayang sambit ko nang mapasakamay ko na ang napkin.
"Why did they called it napkin with wings? It's not even a chicken." Masungit niyang ani sa labas. Napailing na lang ako sabay tawa ng malakas. Kinalabog niya ang pintuan kaya tumigil din ako agad. Haha-
Naglalakad na kami ngayon papunta ng University. "Salamat Bryle ha?" lumingon naman siya sa akin.
"You're welcome." Ngumiti siya sa akin. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Tumingin ulit ako sa kanya. "Bakit hindi ka pumunta kanina sa bahay?" Natigilan naman siya sa tanong ko. "Ang sabe ni Jace at Kevin may lakad daw kayo ni Vince."
"Oo. May inasikaso lang kami pero wala na yon." Nag-iwas siya ng tingin sa akin.
"Anong ginawa niyo?" usisa ko.
"Sinamahan niya akong gumawa ng mga reports sa ginawang meeting kahapon." Paliwanag niya.
"Ah... Congratulations My Da." Ngumiti ako sa kanya. "Ang galing-galing mo. Ilang projects na ang naipatayo mo sa loob lang ng isang taon. Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko.
"Thank you. Nakakapagod." Tumitig siya sa akin. "Pero nawawala lahat yon kapag nakikita kita. I was about to go to see you but you came along the way. It was all worth it. Thank you for coming Shara even if you brought with you the Japanese Flag." Tukso niya sa akin. Namula naman ako pero ayos lang.
Balak kong umilag pero naunahan ako ni Bryle. Itinulak niya ako ng malakas kaya naihagis ako sa kabilang daan. My bigla kasing dumaan na itim na motor. Sa akin ito patungo kaya muntik na akong masagasahan kanina. Pinaharurot din agad nong sakay ng motor ang sasakyan palayo.
"Shara!" mabilis siyang tumakbo patungo sa akin. "Are you hurt? Sabihin mo. saan ang masakit???" nag-aalalang tanong niya.
"Wala. Ok lang ako." Ngumiti ako sa kanya. Nakita ko ang takot sa mga mata niya. Niyakap niya ako agad. "Dadalhin kita sa hospital." Inakay niya ako patayo. Pinagpag din niya ang mga kumapit na alikabok sa mga damit ko.
Hinawakan ko siya sa mga kamay niya para kumalma siya. "Ok lang talaga ko." Ngumiti ako sa kanya.
Huminga siya ng malalim saka siya yumuko. "Handa ka bang masaktan Shara paminsan-minsan makasama mo lang ako." Tumingin ulit siya sa akin. "Proprotektahan naman kita kaya wag kang matakot." Napalunok ako. Ano bang ibig niyang sabihin?
"Ano ka ba? Kaya ko naman ang sarili ko eh-" Alam ko namang may parating kanina na sasagasa sa akin. Nagkataon lang na naunahan ako ni Bryle. "Wag kang mag-alala sa akin. Wag mo lang akong iiwan. Mas masakit kasi yon." Ngumiti siya sa akin saka ulit niya ako niyakap.
"Ofcourse I won't." paos niyang sabe.
Magkahawak kamay kami nang makarating kami sa hallway papunta sa room namin. May klase kasi kami ngayon. Naabutan namin si Jazz na nakatambay sa labas ng room namin. Ngumiti siya agad nang makita niya kami.
"Akala ko magpapa-late kayo." Napakamot siya habang tumatawa.
"Muntik na. Si Shara kasi-" ngumisi sa akin si Bryle. Yong Japanese Flag na naman kasi ang ipinaglalaban niya. Tsk.
"Tara na sa Loob. Parating na si Mam." Naglakad na si Jazz papasok.
Nagtinginan lahat ng mga classmates namin sa amin nang makita nila kaming magkahawak kamay ni Bryle. Hindi lang sila pinansin ng Boyfriend ko. "Mag-aral ka ng mabuti." Mahinang sabe niya saka siya bumitaw sa kamay ko. Naglakad na siya papunta sa upuan niya sa likod ko
"Kumusta Shara?" tumingin ako kay Jazz na nasa tabi ko lang. Ngumiti ako sa kanya ng tipid. Hindi ko kasi alam kung papaano ko siya papakisamahan ngayon na kami na ni Bryle.
"Maayos naman. Ikaw Jazz kamusta ka na?" Wala namang masyadong bago kay Jazz. Nagpagupit lang siya ng buhok kaya mas naging gwapo pa siya ngayon.
"Maayos naman. Balak ko sanang lumiban sa klase ngayon kaso nagbago yong isip ko." Sagot niya.
"Bakit ka naman liliban sana sa klase?" kunot noong tanong ko.
"Hindi mo ba napapansin?" seryosong tanong niya.
"Ang alin? Yang new haircut mo?" maang kong tanong.
Natawa naman siya ng mahina. "Hindi to. Dapat nagbabakasyon na tayo kasi Holiday Season na pero wala. Nandito tayo ngayon sa school para magrush ng mga lessons." Napailing siya. "Ewan ko ba kay Kuya kung bakit niya hinayaang mangyari to? Obligasyon daw nating pumasok hanggang bukas daw eh-"
"Saglit. Hanggang kelan ba talaga tayo dito sa school?" Tumitig naman siya ng seryoso sa akin.
"Ikaw talaga!" pinitik niya ako sa braso ko.
"Aww." Sambit ko.
"Hindi mo ba natanong kay Kuya?" bulong na tanong niya sa akin. Umiling naman ako agad. "Itanong mo yan sa kanya mamaya. Tapos ipaalam mo agad sa akin." Ngumisi siya sa akin. Napa-ismid lang ako sa kanya.
"Ikaw na kasi- kapatid mo kaya siya." napasimangot naman siya.
"Gusto mo bang pagalitan niya ako? Alam ko na ang magiging reaction niya kapag nagtangka akong itanong yan sa kanya." Natawa ako ng mahina. "You better quit schooling Jazz." Nagboses Bryle siya kaya mas lalo akong natawa. "Yon ang sasabihin niya."
"Sige itatanong ko sa kanya mamaya." Ngumiti ako sa kanya.
"Class dismiss." Saad ni Mam. kaya nagsitayuan lahat ng mga classmates namin.
Nagulat ako kasi nasa tabi ko na agad si Bryle. Inakay niya ako palayo saka siya lumapit kay Jazz. Nakatanaw lang ako sa kanila. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila. Tahimik lang akong nakamasid sa kanila. Alam ko namang hindi sila nag-aaway pero parang ang lalim ng pinag-uusapan nila.
Natigilan ako nang magring ang phone ko sa bulsa ko. Agad ko itong inilabas. Napangiti ako kasi may text mula kay Tita Trity. Sumulyap ako kila Bryle saka binuksan ang message niya. Natuwa ako nang makita ko ang picture ng isang batang babae. Nagsend sa akin si Tita ng picture. Nakangiti ang bata habang nakapose siya sa picture ko bilang si Lady Black Fire. May nakatatak na wanted sa imahe ko kaya napa-iling na lang ako.
From: Tita Trity
Idolo ka ng batang iyan Shara. Balang araw daw gusto niyang maging ikaw. :) Nakita ko siya sa Mall kahapon. Nakatitig siya sa poster mo kaya kinuhanan ko siya ng picture.
Napangiti ako sa text sa akin ni Tita. Muli kong pinagmasdan ang picture ng batang babae. Bakit kaya gusto niyang maging ako? Ang bata-bata pa niya para hangadin ang maging isang Lady Black Fire
Itinago ko agad ang phone ko nang makita ko siya Jazz papunta sa akin. Nakasundo naman sa kanya si Bryle. "Wala bang masakit sayo?" Nag-aalalang tanong niya.
"Wala." Sagot ko agad saka ako ngumiti. Wala naman talagang masakit sa akin. Nagulat lang ako kanina. Pakiramdam ko kasi isinadya nila akong sagasahan kanina. Umikot ako saka ko sila kinindatan. "Wala di ba?" Tungkol sa nangyari kanina kaya ang pinagusapan nila? Nagkatinginan sila ni Bryle.
"Can you please drive Shara home?" napatitig ako kay Bryle.
"Kuya..." nang-aalangang ani ni Jazz.
"Hindi ko dala ang sasakyan ko. Naglakad lang kami kanina ni Shara papunta dito. Sige na." tumingin sa akin si Bryle. "May pupuntahan lang ako. Si Jazz muna ang bahala sayo." Ngumiti siya sa akin saka siya naglakad palabas ng room. Nagmadaling lumabas si Jazz.
"Kuya mag-iingat ka. Wag mong idaan sa init ng ulo." Ang narinig kong sabe niya.
"Just drive her safe." Sagot ni Bryle. Lumabas na ako. Naabutan ko Jazz na nakatayo habang nakatanaw pa rin siya sa Kuya niya.
Tahimik lang kaming nakalulan sa sasakyan niya. "Yong lalaki kanina na nagtangkang sumagasa sayo, maaari mo bang ilarawan kung anong itsura niya?" tanong niya sa akin.
"Ah- Hindi ko alam eh- Hindi kasi nakikita yong mukha niya. Natatakpan kasi." Sagot ko.
"Ganoon ba." Ngumiti lang ako sa kanya.
"Iyon ba ang dahilan kaya nagmamadaling umalis ang Kuya mo?" Nakita kong humigpit ang hawak niya sa manubela.
"Ah- Hindi." Tanggi niya. "Hindi ka ba natatakot Shara? Hindi ka ba nagtataka kung bakit pinagtangkaan kang saktan kanina." Seryosong tanong niya.
"Hindi ako natakot. Nagtaka lang ako." Natawa ako ng mahina. Ang delikado kasi ng trip nila. Umiling naman siya.
"Girlfriend ka na ni Kuya kaya wag kang matakot. Proprotektahan ka naman niya." Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. "Anong balak mo ngayong magpapasko?" pag-iiba niya ng usapan.
Mukhang magiging masaya ang pasko namin sa bahay dahil na rin sa mga kasama ko. Sobrang pinaganda nila ang bahay last week. Punong-puno ng mga Christmas lights sa loob at labas ng bahay. Exited na rin sila Zykie na mangaroling sa mga kapitbahay.
"Simple lang naman eh. Ang magsaya." Napasimangot ako kasi naalala ko ang Daddy ko. Siguradong mga trabaho na naman nito ng aatupagin niya sa araw ng pasko. Masaya ang pasko ko kahit kami lang ni Tita Trity ang magkasama noon. "Eh ikaw?" nagtatakang tanong ko.
"Parang sayo din." Natawa kami ng mahina. "Pasensiya ka na Shara kung hindi ka muna maipapakilala ni Kuya kay Dad at kay Mom. Baka kasi ipakasal na nila kayo agad." Napakamot siya sa batok niya.
"Ano?" natatawang tanong ko.
"Ngayon lang kasi ulit nagkagirlfriend si Kuya kaya siguradong magpapa-fiesta si Mom kapag nalaman niya."
Napangiti ako sa tinuran niya. Pinagbukasan ako ni Jazz. Bumaba naman na ako agad sa sasakyan niya. "Salamat Jazz ah-" ngumiti lang siya sa akin.
"Walang anuman. Mauna na ako." Kumaway siya sa akin. "Shara." Lumingon ulit ako sa kanya. "Always keep yourself safe." Seryosong bilin niya saka niya pinaandar ang sasakyan niya.
KNOCK!!!
KNOCK!!!
KNOCK!!!
Sunud-sunod na katok ko sa pintuan. Nagulat ako nang makita ko si Daphnie. Siya ng nagbukas ng pintuan. Anong ginagawa niya dito? Ngumiti lang siya sa akin.
"Hi." Nakangiting asong bati niya.
"Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ko.
"Binibisita ka." Humagikgik siya. "Nga pala, may taong kanina pa naghihintay sayo. Halika ipapakita ko siya sayo." Hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako iginaya papunta ng sala.
"Sino yon?" naiinip kong tanong.
"Basta! Hindi nga din namin kilala. Eh-" napakamot siya.
"Oh, ate nandito ka na pala." Napatayo si Zykie.
"Hi Legendary Shara!" bati naman ni Lindsy habang ngumunguya siya ng bayabas. Nagnakaw na naman ba siya ng bayabas sa kapitbahay? Noong isang araw kasi kinagat siya ng bubuyog dahil umakyat siya sa puno ng bayabas sa kabila. Tsk. Napansin ko ang babaeng nakaupo pero likod lang niya ang nakikita ko.
Unti-unti siyang lumingon sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko nang masilayan ko ang mukha niya. Ngumiti siya sa akin saka siya tumayo.
"Umma Zusaki..." mahinang anas ko sa sarili.
END OF Shara's POV