Chapter 4
Shara's POV
"Ate Shara! Tara na!" sigaw sa akin ni Zykie. Ipinusod ko ang mahahabang mga buhok ko saka ako tumayo. Simpleng T-shirt at pantalon lang naman ang suot ko. Pinaresan ko na din ito ng rubber shoes.
"Ang tagal Te!" sigaw naman ni Lindsy sa labas.
"Saglit lang!" ani ko.
BLAGGG!!!
Natigilan ako nang makita ko si Lindsy. "Woah! Ang lakas mo Lindsy!" manghang ani ni Zykie sa kanya. Napatitig ako kay Lindsy. Nagawa niyang buksan ang pintuan ko. Kung anu-ano kasi ang mga inilagay ko sa likod ng pinto ko para hindi sila makapasok.
"Ahehe!" napakamot naman si Lindsy. "Adrenaline rush ang tawag doon." Nagkatinginan na lang kami ni Lindsy. "Ang tagal mo kasi!" ngumisi siya sa akin.
"Pero seryoso, ang lakas mo Beh! Ipinaglihi ka ata kay Iron Man eh!" manghang-manghang saad ni Zy.
"Naku wala yon!" napahagikgi siya. "Ipinaglihi din ako kay calcium man, protein man at ferrous sulphate man! Hehe. Hindi lang kay Iron Man no!" pagmamayabang niya. Napailing na lang ako.
"Sana pati lahat ng mga nasa Element's Table isinali mo na din." Ngumisi ako sa kanya.
"Muntik na nga eh! Pero sabi ni Mommy, hate na hate daw niya ang chemistry noong araw kaya iilan lang yong elements na alam niya." Inosenteng saad naman niya. Tumitig siya sa akin ng taimtim kaya natulala ako sa kanya. Inakbayan naman siya ni Zykie. "Ang baduy mo talaga Shara!" natatawang ani niya. Napatingin naman ako sa suot ko.
"Kaya nga!" sangayon naman ng pinsan ko. Napakunot noo ako nang magbulungan sila sa harapan ko mismo. "Ting! Alam ko na!" natawa naman si Lindsy.
Hindi na ako magugulat kung lalait-laitin nila ako. Mga fashionista kasi sila. Lumaki ako sa isla kaya hindi uso sa akin ang mga trip nila. Naka-colorful dresses sila samantalang ako, naka simple get-up lang. Para silang makikisabak sa cosplaying kiddie edition tapos ako yong alalay nila.
"Paano ka nagustuhan ni Bryle sa ganyang ayos mo?" nagtatakang tanong ni Zykie sa akin. Natigilan naman ako sa tanong niya.
"Tama ka diyan Beh!" dagdag naman ni Lindsy. Nagtawanan silang dalawa. Nainis tuloy ako. Ano bang masama sa suot ko? Minahal naman ako ni Bryle kahit ganito lang ako.
"Alam naming nakakapagtaka talaga kung bakit ka niya nagustuhan?" humalukipkip siya. "Hmmm... May mga lalaki talagang hindi tumitingin sa panlabas na anyo. Yong iba naman, importante sa kanila ang beauty ng isang babae." Napapaisip tuloy ako sa mga pinagsasabi nila.
Lumapit sa akin si Lindsy saka niya ako tinitigan sa mukha. "Bakit mo pinipiling maging baduy kung may ibubuga naman yang ganda mo?!" nanakot niyang ani. Napaismid tuloy ako. Pinapalaki kasi niya ang mga mata at mga butas ng ilong niya kaya nakakatuwa siya.
"Iniinis niyo ba ako?" hamon ko sa kanila.
"Oo!" matapang naman na sagot ni Lindsy.
Siniko naman siya ni Zykie. "Pst. Tama na. Hindi mo kilala si ate kapag nagalit." Bulong niya dito.
Napasimangot naman si Lindsy. "Kung noong single ka pwede mong ibasura ang kagandahan mo, ngayon na may Boyfriend ka na hindi na yan pwede."
"Kaya nga Ate! May Boyfriend ka na kaya kailangan mong magtransformed!" matapang niyang saad. Tinaasan ko na lang sila ng kilay. "Alam mo ba kung bakit?" naglakad siya palapit. "Para mainlove pa lalo sayo si Bryle!" masayang bulong niya sa akin. Nagningning naman ang mga mata ni Lindsy.
"Very well said Beh!" Lumapit din siya agad sa akin. Nagulat ako nang tanggalin niya ang pagkakapusod ng mga buhok ko. Inirapan ko siya pero nginitian lang niya ako. "Hehe. Ang ganda mo talaga ate. Ang haba ng hair mo!" kung kalaban ko lang talaga sila baka kanina ko pa sila nilagyan ng Black eye.
"Ibalik mo yan!" madiin kong utos sa kanya pero itinago niya sa likod niya ang pampusod ko.
"Ayaw ko nga. Mas maganda ka kapag nakalugay." Tukso niya sa akin.
Napailing na lang ako. Sinuklay ko gamit ang mga daliri ko ang mga buhok ko. Pinaikot ko ito saka ko iniipit sa mga buhok ko din mismo.
"Banggg!!!" saad naman ni Zykie. Pinitik niya ito kaya bumagsak ulit ang mga buhok ko. "Mag-ayos ka ate para maganda ka naman kapag nakita ka ni Bryle!"
"Tama! Pumayag ka na kasi! Kami ang bahala sayo! Malay mo pumunta siya mamaya dito!" kinindatan niya ako.
Napasimangot naman ako. "Nasa New York siya ngayon." Natahimik naman sila.
"Hindi kayo magkakasama ngayong pasko?" gulat na tanong ni Zykie. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Hindi." Tipid kong sagot.
"Tamang-tama lang!" napahawak sa baba si Lindsy. "Para kapag bumalik na siya, BOOM! ibang Shara na ang madadatnan niya!" masayang anunsiyo niya.
Nagliwanag naman ang mukha ng pinsan ko. "Gusto ko yan Beh!" Sabay silang tumingin sa akin. "Sisiguraduhin kong maglalaway ang Boyfriend mo pagbalik niya." Seryosong saad niya sa akin.
Binatukan naman siya ni Lindsy. "Wag naman maglaway Beh! Hindi naman siya ulol na aso eh- Magagalit sayo si Shara sige ka! Hindi na yan papayag."
Ngumisi naman si Zykie. "Papayag siya kasi inlove siya!" napangiti na lang ako sa kanila. Hinawakan nila ako sa magkabilang mga kamay ko saka nila ako inakay palabas ng bahay.
Gusto ko ding maging maganda sa paningin ni Bryle kaya pumapayag na ako sa ritwal na gagawin nila sa akin.
Nandito na kami ngayon sa Mall. Katatapos lang naming magshopping ng mga kung anu-ano. Nakanganga habang kumakain ang mga kasama ko. Hindi ko alam kung bakit kanina pa sila ganyan? Para silang nahipnotized.
"Ate Shara, ikaw ba talaga yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Zykie.
"Ang ganda-ganda mo Shara. Sinasabi ko na nga ba may igaganda ka pa." natawa lang ako ng mahina.
Anong ginawa nila sa akin? Iniwan lang naman nila ako sa isang Beauty Parlor pagkatapos umalis na sila. Naglakad-lakad sila dito sa Mall samantalang ako nanatili sa bwisit na Beauty Parlor na yon. Kung anu-ano ang mga ginawa nila sa akin. Maraming mga sakit akong tiniis doon. Lalong-lalo na yong pagtanggal nila ng mga buhok sa kilay ko.
8:00 p.m
Nakatitig lang ako sa malaking salamin sa harapan ko. Napahawak ako sa tattoo na nakaukit sa mukha ko. Huminga ako ng malalim saka ko ngumiti ng mapait. Mabuti na lang wala si Bryle ngayon sa bansa. Malaya akong makakapunta sa misyon ko mamaya.
Nagtext sa akin si Tita Trity. Binabati niya ako ng Maligayang Pasko kaya binati ko din siya agad. Siguradong busy siya ngayon. Hindi ko makakasama si Lindsy at Zykie ngayong gabi. Umuwi kasi ang pamilya ni Zykie kasama si Baby Zion. Ang nag-iisang kapatid niya. Pinauwi din si Lindsy ng Mommy niya sa Batangas. Pareho nila akong gustong isama pero tumanggi ako sa mga alok nila dahil sa misyon ko.
Natigilan ako nang pumasok si Shawn. Kahit si Summer na siya ngayon, Shawn pa rin ang tawag ko sa kanya. Numiti siya sa akin saka siya naglakad palapit sa akin. "Merry Christmas Shara..." masayang bati niya sa akin. Ilang oras na lang kasi pasko na.
"Merry Christmas Shawn." Ngumiti ako sa kanya. "Oh-" iniabot ko sa kanya ang regalo ko para sa kanya.
"Wow. May regalo din ako sayo kaso hindi ko dinala dito." Napakamot siya. "Salamat dito. Pagkatapos ng gabing ito, ibibigay ko din sayo yong regalo ko." Ginulo ko lang ang mga buhok niya.
"Ok lang yon. Welcome." Nagseryoso ang mukha niya. Natahimik ako nang ilapag niya ang b***l sa table dito.
Nakita ko ang pag-aalangan sa mga mata niya. "Pasensiya ka na kung hindi tayo maaaring magdiwang ng pasko sa mga oras na ito. Wag kang magalala pagkatapos ng gabing ito, babalik din ang lahat sa dati." Napayuko lang ako saka ko inabot ang b***l. "Lady Black Fire..." Napatitig ako sa mukha niya. "Bayani ka para sa akin. Wag mong intindihin ang sinasabi ng ibang tao sayo... Hindi ka kasi nila kilala." Si Shawn ang isa sa mga taong mas nakakakilala sa akin kaya magaan ang loob ko sa kanya. "Ito muna ang regalo ko sayo." Iniabot niya sa akin ang supot ng bulak at isang lalagyan.
"Ano ang mga yan." Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Pangtanggal ng tattoo mask mo." nakangiting sagot niya. "Saka ka na mag-anyong siya. Ayaw kong mabigla ka. Matagal ka ding nawala kaya alam kong maninibago ka konti." Paliwanag niya. Nakatitig lang ako sa mga hawak niya. Huminga siya ng malalim. "Ayaw kong pagpiestahan ka nila mamaya..." masuyong sabe niya. "Go ahead. Take these."
Kahit labag sa loob ko inabot ko na agad ang mga ito. Tama siya, hindi pa ako handang harapin ang ibang tao sa katauhan ni Lady Black Fire. "Salamat." Ngumiti lang siya sa akin.
"Kapag nakita mo si The Great, puruhan mo siya. Kailangan natin siyang huliin. Iyon ay kung dadalo siya mamaya." Nag-nod lang ako sa kanya. "Ako ang maglalagay ng panakip sa magandang mukha mo mamaya." Natulala naman ako sa kanya. Ako? Maganda? "Gumanda ka Shara. Maganda ka talaga kahit noon pa. Naitago lang ang ganda mo dahil sa mga putik sa isla." Ngumisi siya sa akin saka niya ako tinalikuran. Napangiti na lang ako sabay iling.
Sasabihin din kaya ni Bryle ang mga sinabi niya kapag nakita na niya ako? Isang araw pa lang kaming magkahiwalay pero namimiss ko na siya agad...
"Mabuti na din yong wala ka para magawa ko ng tama ang lahat..." bulong ko sa hangin.
Nakangiting sinalubong ako ni Umma Zusaki. Nagtungo kami ngayon dito sa Shiva Site. Ang kutang pinamumunuan ni Shawn. Kinamayan niya ako. "Anak... Maligayang Pasko." Ani niya sa akin.
"Maligayang pasko Umma." Naglabasan ang mga alagad niya. Nagbow silang lahat sa akin kaya nagnod lang ako sa kanila.
Naglakad si Shawn sa harapan naming lahat. "Maligayang pasko sa ating lahat!" bati niya sa amin.
"Maligayang pasko Boss!" tugon naman nila. "Pumunta ka dito sa harapan Castro!" maowtoridad niyang utos. Nakita ko ang pamilyar na lalaking naglakad papunta sa harap. Tumingin sa akin si Shawn. "Nakikilala mo ba siya?" tanong niya sa akin. Pinag-aaralan ko ang mukha ng lalaki. Pamilyar talaga siya sa akin.
"Pamilyar siya sa akin." Tugon ko.
"Ikaw Castro. Nakikilala mo ba siya?" tanong naman niya dito.
"Opo Boss." Tugon naman nito.
"Maaari mo bang ipaalala sa kanya kung bakit mo siya kilala?" Napakunot noo ako kay Shawn.
"Siya ang babaeng nagligtas sa akin mula sa mga kamay ng mga tauhan ni Susie Man. Pinipilit nila akong umamin tungkol sa mga transaksiyon sa droga pero hindi ako umamin dahil wala naman akong alam sa mga ibinibintang nila." Mahabang paliwanag nito.
Naalala ko na siya. Siya ang lalakeng pinagtulungan ng mga barakong lalaki sa isang eskinita noon. Nangyari iyon bago ako masisante sa trabaho. Ang lalaking duguan ang mukha. "Naalala ko na."
"Anong sasabihin mo Castro." Si Shawn.
"Maraming salamat po Mam." Nagbow siya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya.
Pagkatapos naming pagusapan ang mga plano namin, nagtungo na kami agad sa lugar na pakay namin. Ang pakay namin ay ang makakuha ng kahit isang tauhan ni Susie Man. Gagamitin namin siya bilang witness para makasigurado kami sa mga naging leads nila Shawn.
Natunugan ata nila ang pagdating namin. Nakarinig kami ng putukan sa loob ng bodega. Tatakbo na sana ako nang pigilin ako ni Shawn. Lumapit siya sa akin saka niya ako pinahiran muli ng uling sa mukha ko. "Wag mong hahayang makilala ka nila. Mag-iingat ka."
"Kaya ko ang sarili ko." Ngumiti ako sa kanya saka ako tumakbo palayo.
Pumasok ako sa bodega saka ako nagtago sa likod ng mga sako. Humigpit ang hawak ko sa b***l ko. Nagmamanman ako nang may makita akong tao sa itaas. Binaril ko ito agad sa paa kaya nahulog ito. Lumabas ako sa tinataguan ko. Nakasalubong ko ang ilang mga kasamahan namin. "Yong dalawa sa inyo ay magtungo sa side. Yong natira sa likod na kayo. Move! Move! Move!"
"Ang sabe ni Boss samahan ka namin dito." Apela namin ni Castro.
"Ako na dito. Walang papatay. Tamaan niyo sila sa mga paa o balikat." Matalim kong bilin sa kanila. Tumungo lang sila sa akin. "Wag niyo ding hahayaang mamatay kayo." Natawa naman sila ng mahina saka sila tumakbo palayo.
Napasubsob ako sa lupa nang may magtulak sa likod. Tumilapon ang b***l ko sa malayo. Akmang tatayo ako nang apakan niya ang likod ko. Ngumisi ako saka ako mabilis na bumangon. Pinatid ko siya pero nailagan niya ito. Pagkaharap ko sa kanya, sinipa niya ng malakas ang kaliwang pisngi ko gamit ang paa niya. Napahiga ulit ako sa lupa. Agad siyang pumaibabaw asa akin.
Natigilan ako nang makita ko muli ang mukha niya. "The Great..." Paos kong ani.
Ang lalaking kaharap ko ngayon ay ang lalaking may mask sa mukha. Ang taong gusto akong patayin. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi ako pinayagan ni Shawn na magukit ng tattoo mask sa mukha ko. Alam kasi niyang makakaharap ko si The Great. Kitang-kita ko siya sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang gumalaw? Para akong natutunaw sa klase ng titig niya. Hawak-hawak niya ako sa leeg habang nanlilisik ang mga mata niya sa galit.
Itinayo niya ako habang nakahawak pa rin siya ng mahigpit sa leeg ko. Hinawakan ko siya sa braso saka ko siya binuhat pabalibag. Kaya napahiga siya sa lupa. Hinihingal ako habang nakatunghay ako sa kanya. Tumayo siya agad. Akmang huhugutin niya ang b***l sa likod niya nang malakas ko siyang sinuntok sa mukha.
PAKKK!!!
Hindi ko alam kung bakit ako unti-unting nanghihina?
(Now Playing: DON'T KILL THIS LOVE By: Shayne Ward)
A thousand times I've said I'm sorry
But you seem numb to my apologies
It was never intended to hurt you like this
But I felt in the clutches of her kiss
And I wish you haven't been there
To witness my mistakes
Tell me that was strong enough to break baby
Nakita ko si Shawn sa itaas. Inihagis niya ang b***l sa akin. Nasalo ko naman ito agad. Tumakbo ng mabilis si Shawn pababa. Nakatutok ang b***l na hawak ko kay The Great. Nakatayo na siya ngayon habang nakatitig sa akin ng taimtim. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin ako sa mga mata niya.
Don't kill this love
Don't shoot me down
When I need you the most
Don't kill this love
Your words hit like bullets
Don't kill this love
Don't leave me for dead
Like a living ghost
When I need you the most
When I need you the most
Don't let anger cloud your judgement
Fight it in your heart to see beyond my faults
What you told me
Only true love can forgive
Just stay with me tonight and let it clear baby
"Tamaan mo na siya!" sigaw sa akin ni Shawn. Humigpit ang hawak ko sa b***l. Napayuko ako saka ko binitawan ang b***l. Nagulat ako nang maipasubsob muli ako sa lupa. Lumingon ako sa likuran ko. Nakita ko ang matandang lalaki. Pagtingin ko kay The Great, nakatutok na sa akin ang b***l niya. Napapikit na lang ako.
Don't kill this love
Don't shoot me down
When I need you the most
Don't kill this love
Your words hit like bullets
Don't kill this love
Don't leave me for dead
Like a living ghost
When I need you the most
When I need you the most
Dumating ang mga kasamahan namin kaya nagtakbuhan ang mga ilang tauhan nila kasama ang matandang lalaki na tumulak sa akin. Sakto naman na pababa na si Shawn. Tumakbo na din paalis si The Great pero mabilis na pinulot ni Shawn ang aking b***l na tumilapon kanina.
BANGGG!!!
BANGGG!!!
I need you like I never needed anyone before
So much more I could ever explain
Don't kill this love
Don't shoot me down
When I need you the most
Don't kill this love
Your words hit like bullets
Don't kill this love
Don't leave me for dead
Like a living ghost
When I need you the most
When I need you the most
Natumba si The Great nang matamaan siya sa balikat at kaliwang paa niya. Napatayo ako agad nang makita ko ang dugo mula sa balikat niya. Nadaplisan lang siya sa paa kaya nakatakbo pa siya palayo. Sinundan namin sila agad pero may mga sasakyan na nagrescue sa kanila. Nakasakay agad sila kaya hindi na namin sila nahabol. Pinaghahandaan talaga nila ang bawat transaksiyon nila. Kapag sakaling may nagrade sa kanila, alam nila kung saan sila tatakbo.
Tulala lang ako habang nakatanaw ako sa sasakyan na sinakyan ni The Great. Sino ba talaga siya? Napaupo na lang ako habang hinihingal ako.
Tumuloy kami agad ni Shawn sa condo niya. Tahimik lang kami sa loob. Inayos ko ang mga gamit ko saka ko inayos ang sarili ko. Nakiligo na din ako dito. Napatitig ako sa wall clock dito. 11:00 na ng gabi. Isang oras na lang pasko na.
"Ok ka lang?" agad na tanong sa akin ni Shawn. "May dala-dala siyang mga pagkain." Nagnod lang ako sa kanya.
"Pasensiya na." nahihiyang paumanhin ko sa kanya. "Kung hindi ko siya nahuli..." napayuko ako. Naalala ko ang mga mata niya kaninang kaharap ko si The Great
"Wag mong intindihin yon. May nahuli naman kami sa mga tao nila. Actually dalawa sila."ngumiti ako sa kanya.
"Sana mapakanta natin sila." Seryosong ani ko sa kanya.
"Pipilitin ko." Ngumisi siya sa akin. "Oh kumain ka muna." Inilapag niya sa table ang mga pagkain.
"Umalis ka na ba sa apartment?" kunot noong tanong ko sa kanya.
"Oo." Tipid niyang sagot.
"Bakit? Kailan pa?" ngumiti lang siya sa akin.
"Simula noong umalis ka doon." Natahimik naman ako. Natawa siya ng mahina. "Balak kong umalis na talaga doon kaso nakilala kita kaya nanatili muna ako doon." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Anyway, anong plano mo ngayong pasko? Isang oras na lang oh-" napatitig naman ako sa mukha niya.
"Uuwi ako sa bahay." Natahimik naman siya.
"Bakit ka babalik doon?" kunot noong tanong niya. "May mga kasama ka ba doon?"
"Meron. Yong mga kaibigan ko." Pagsisinungaling ko.
"Ah-" napakamot siya. "Yayayain sana kita sa bahay eh- Naghanda kasi sila Mama." Hindi ko alam kung bakit gusto kong mapag-isa ngayon?
"Naghihintay sila sa akin sa bahay. Sorry. Next time na lang." Ginugulo pa rin ako ng mga alaala ko kanina. Ang muling pagtatagpo namin ni The Great.
"Ganoon ba? Ok lang yon. Ihahatid na kita sa inyo." Ngumiti lang ako sa kanya.
Pinagbuksan ako ni Shawn nang makarating na kami sa bahay. Mabuti na lang bukas lahat ng mga ilaw sa loob. Hindi tuloy halata na walang tao. "Maraming salamat Shawn. Merry Christmas." Nakangiting bati ko sa kanya.
"Merry Christmas Shara. Sana makapunta ka din sa bahay. Gusto ko ding makilala ni Mama." Saad niya sa akin.
"Oo naman. Ingat ka sa pagdra-drive" Kumaway ako sa kanya bago ako pumasok sa gate.
Nagtungo agad ako sa kwarto ko. Inihagis ko ang katawan ko sa kama ko. Napapikit ako ng mariin. Lumitaw bigla ang mukha ni The Great kaya napamulat din ako agad. Tumayo ako saka ko itinago sa ilalim ng kama ko ang mga damit na ginamit ko kanina sa pagpunta sa bodega.
Dumiretso ako agad sa veranda. Tumingala lang ako sa mga bituin sa langit. Natigilan ako nang biglang magring ang phone ko. Unknown number ito kaya hinayaan ko lang na magring. Naka-ilang miss calls na siya kaya sinagot ko na.
"Hello?" kunot noong sagot ko.
"Merry Christmas Princess... Daddy loves you so much. Ricky Amarah... miss na miss na kita anak." Tumulo ang mga luha ko nang marinig ko muli ang tinig niya.
"Dad..." napangiti ako nang marinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
"Yes. It's me." Masayang sabi niya.
"Merry Christmas Dad! I love you so much. I really do. Kamusta ka na? Miss na miss na din po kita..." panay ang pagbagsak ng mga luha ko.
"I'm fine Princess... Kamusta ang pag-aaral mo? Your Tita Trity said, you are doing great? Is that true?" natawa ako ng mahina.
"Kapag nagkita ulit tayo Dad. May diploma na akong iaabot sayo... I promise that to you..." pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi.
"Ngayon pa lang, proud na proud na ako sayo anak... Alam kong hinding-hindi mo ako bibiguin." Malumanay niyang sabe.
Ngayon ko lang napagtanto na tumatanda na si Dad. Naiintindihan ko na siya ngayon. Pipilitin kong maging mabuting anak sa kanya.
"Thank you Dad... I am so proud of you too." Ngumiti ako sa bituin sa langit.
"Mahal na mahal kita anak... I'll see you soon. I have some meetings to attend to. I just dropped here for a while just to greet you. I'll go now." Naririnig ko ang paggaralgal ng boses niya. Alam kong naiiyak na din siya.
"Opo Dad. I love you more. Take care of your health ok?" natawa naman siya.
"Ofcourse. Sige anak..."
TOTOTOOOT!!!
TOTOTOOOT!!!
Pinatay na niya ang tawag.
Napatingin ako sa ibaba. Nararamdaman ko kasing parang may kanina pa nakatingin sa akin. Kinabahan ako nang may makita akong lalaking naka pure black na naglalakad. Lumabas siya mula sa tagong mga halaman sa dilim.
"Bryle..." mahinang anas ko.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero pareho sila ng tindig at pangangatawan. Tumakbo ako agad pababa. Lumabas ako sa gate. "Bryle!" tawag ko sa kanya pero wala na siya. "Hay... namamalikmata ka lang siguro Shara. Sobrang namimiss mo lang siguro siya kaya akala mo siya yon." Napailing na lang ako. "Nasa New York siya. Paano naman pupunta yon dito?"
Bumalik ulit ako sa loob ng bahay. Inakay ko palabas ang Meo ni Zykie. Pinaandar ko ito palabas ng subdivision. Bumaba ako nang makarating ako sa building ng Condo ni Bryle.
Nandito ako sa harapan ng Condo ni Bryle. Nakatitig lang ako na para bang may tao sa loob. Itinipa ko ang passcode niya. Ang birthday ni Brianna ang alam kong passcode niya pero nagulat ako nang mag-error ito. Ibig sabihin, binago na niya.
DINGDONG!!!
DINGDONG!!!
DINGDONG!!!
Natatawa ako habang pinaglalaruan ko ang doorbell niya dito sa labas. Namimiss ko kasi siya kaya wala akong magawa. Kunyari nasa loob siya. Pinagtitipa ko din ang mga buttons dito.

"Ano kayang passcode mo?" napakamot ako sa ulo ko.
Huminga ako ng malalim. "Bryle, nasa New York ka ba talaga? Parang nakita kasi kita kanina..." ngumiti ako sa kawalan. Nanatili pa rin akong nakatayo sa harapan ng Condo niya. Narinig ko ang putukan sa labas ng building. Napayuko ako para tignan ang wrist watch ko. "12:00 midnight na. Merry Christmas Bryle... My Da, Miss na miss na kita. Umuwi ka agad ha? Mas enjoy dito sa Pilipinas kesa diyan sa New York. Bakit? Kasi walang Shara diyan. Dito meron." ngumiti ako. Para akong tanga dito sa labas ng Condo niya. Hindi ko naman kasi alam ang passcode niya.
END OF Shara's POV
Bryle's POV
DINGDONG!!!
DINGDONG!!!
DINGDONG!!!
Napamulagat ako nang paulit-ulit na tumunog ang doorbell ko. Napahawak ako sa balikat ko saka ako naglakad palabas ng kwarto ko. Madilim ang buong Condo ko. Kung wala lang akong mga tama lalabas talaga ako.
Natigilan ako nang makita ko si Shara sa monitor. Dahan-dahan akong lumapit dito. Napangiti ako nang masilayan ko ang mukha niya. Napangiti ako kasi mas gumanda siya ngayon. Ano bang mga ginawa niya habang wala ako? May kakaiba kasi sa kanya. Ang ganda-ganda niya ngayon pero mas gusto ko pa rin yong dating siya... Yong siya na minahal ko...
"Ano kayang passcode mo?" natawa ako nang kamutin niya ang ulo niya.
"Yong araw na sinagot mo ako. Yon ang passcode ng Condo ko My Bee... 122015" bulong ko sa hangin.
Napayuko ako. Tuwang-tuwa siya habang pinaglalaruan niya ang doorbell sa labas. Ang alam niya nasa New York ako. Hindi natuloy ang flight ko dahil sa ingkwentro kanina sa bodega. Nasa New York ang buong pamilya ko para sa pasko. Pipilitin kong magtungo doon bukas para hindi maghinala si Shara sa akin.
"Bryle, nasa New York ka ba talaga? Parang nakita kasi kita kanina..." nag-angat ako agad ng mukha dahil sa sinabi niya.
Kusang tumulo ang mga luha ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin ng mahigpit na mahipit... Nakikita ko pa lang ang mukha niya, masayang-masaya na ako. "Oo Shara nandito ako sa loob. Pinuntahan din kita kanina sa bahay niyo... Nakita mo pala ako... Kung wala lang sana akong mga tama, pagbubuksan kita pero ayaw kong makita mo ako sa ganitong sitwasyon." Bulong ko sa sarili ko.

Narinig ko ang ilang putukan ng mga fireworks sa labas "12:00 midnight na. Merry Christmas Bryle... Miss na miss na kita. Umuwi ka agad ha? Mas enjoy dito sa Pilipinas kesa diyan sa New York. Bakit? Kasi walang Shara diyan. Dito meron." Natawa ko ng mahina sa tinuran niya.
"Merry Christmas Shara. Oo uuwi ako agad... Mahal na mahal kita." Mas lalo pa akong naiyak nang makita ko ang pagsilay ng ngiti niya sa mga labi niya. Wala akong magawa kundi ang haplusin ang mukha niya sa monitor. "Magpapagaling lang ako tapos magkikita ulit tayo..."
END OF Bryle's POV