Chapter 1

3521 Words
Chapter 1 Shara's POV Nagising ako dahil kanina pa nagwawala ang phone ko sa ilalim ng unan ko. Simula nang maging kami ni Bryle hindi na ito nawawala sa tabi ko. Hindi ko akalaing nag-away kami konti dahil lang sa phone ko na naiwan ko sa first floor ng bahay ni Zykie. FLASHBACK Yesterday December 23, 2015 Katatapos naming maglinis ng buong bahay. Inuna kasi naming linisan ang first floor. Nagmadali akong bumaba ng hagdan dahil ipaghahanda ko pa ang mga kasama ko ng meryenda nila. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang phone ko na hindi magkamayaw sa kakadakdak. "OH! DAING KONG MAHAL... DAING!!! DAING!!! HEY STOP THAT MY BEE!" daing ng aking papansin na cellphone. Ginawa kong ring tone ang voice record namin ni Bryle noong isang araw. Kinakantahan ko kasi siya tapos pilit niya akong pinapatigil. My Bee ang tawag niya sa akin samantalang ako ay My Da naman ang endearmment ko sa kanya. My Bee at My Dah dahil- SIYA: You're my loving BEHALF. Short for. "My Bee" AKO: You're my forever DAING. Short for. "My Da" Napangiti ako dahil naka-unan si Daing sa phone ko. Daing ang ipinangalan ko sa pusang iniregalo niya sa akin. Bakit? kasi Bryle Dann pala talaga ang buong pangalan ng aking Boyfriend. Sa loob ng apat na araw bilang mag-on, may mga nalaman na din ako tungkol sa kanya. Ayaw niya sa Daing kasi daw nakakasugat daw ito ng esophagus kapag nilunok mo. Haha- kaya Daing ang ipinangalan ko sa pusa ko kasi mahilig siya sa daing kabaliktaran naman nong nagbigay. Sakto lang sa second name naman ni Boyfriend na Dann. Dati ayaw niyang pumayag dahil siya daw ang nagbigay sakin kay Daing kaya wala daw akong karapatang kutayain siya. Sinubukan ko siyang tawagan pero cannot be reach siya. Nasa loob ng puso ko na naman kaya ang Daing na yan kaya hindi na naman siya macontact? Binuksan ko ang mga messages niya sa akin. 7:00 a.m From: My Da Good Morning My Bee :)  7:20 a.m Seen Sucks. 7:30 a.m I'm not still having a breakfast. 7:35 a.m I am starving. 7:36 a.m Are you busy again with Daing??? 7:40 a.m You want me to die? i said i'm hungry!  7:50 a.m I'll get Daing tommorow. 8:00 a.m Thanks for ignoring me. That cat- Tsk. 8:10 a.m I just want you to text be back before i'll eat!  10:00 a.m ok i miss you. Tell Daing i miss her too. Napangiti ako sa huling text niya. Lahat yan ay galing sa kanya. Kanina pa pala siya text nang text sa akin. Ano kaya ang nararamdaman niya kanina at ngayon? Lumabas ako sa bahay saka ako naupo sa wooden chair sa garden sa harap. To: My Da I miss you too... Gusto ko ng fries. :) Huminga ako ng malalim saka ko isinend ang message ko sa kanya. Nalungkot ako dahil hindi siya nagreply agad sa text ko. Siguro nainis na siya sa akin. Sino namang hindi? Ang goal kasi namin ngayong araw ay ang mag-general cleaning. Pagkagising ko pa lang, inumpisahan ko na ang trabaho ko. Halos ako ang naglinis ng buong bahay kasi late nagising sila Zykie. Tingin ako nang tingin sa phone ko pero wala talagang reply. Kahit magtext lang naman siya para naman mawala ang lahat ng pagod ko. Pagod reliever and tawag doon. Nakasimangot akong nagtungo sa loob ng bahay. Wala pang limang minuto ang nakakalipas nang tumingin ulit ako sa phone ko. Napakagat labi ako dahil wala pa ring reply. Iniwan ko ulit ito sa tabi ng lababo saka ako nagtungo sa banyo. "Watahhhh!!!" sambit ko saka ako humarap ulit. Napakamot ako kasi nakita kong hindi umilaw ang phone ko. Kapag umilaw kasi ito, si Bryle na agad yon kasi siya lang naman ang makulit sa contacts ko. Tumalikod ulit ako. "Kaginbushin technique, times two! times two! times two!" malakas kong bigkas saka ulit ako humarap. "Wahhhh!" nagkarate position pa ako pero wala talagang reply o tawag man lang mula kay Bryle. ibinagsak ko ang ulo ko. s**t naman. Namimiss ko na din siya... Muntik na akong mapatalon nang bigla itong tumunog. Kumaripas ako ng takbo patungo sa lababo. Muntik na din akong mapatid dahil sa kamamadali ko. Nakangiting aso ako nang mapasakamay ko na ang aking phone. "Hello Daing?" masayang bungad ko. "My Da? Oh- napatawag ka?" "I told you not to call me Daing." masungit niyang sabe. Natawa ako ng mahina. "Don't laugh at me my Bee. It feels like i wanna run to you now just to keep your little mouth shut." Namula naman ako. "I know you are blushing right now." dagdag pa niya. "Hindi ah!" mariing tanggi kahit oo naman talaga. "You look so stupid right now." malamig niyang sabe. Kunot noo akong napatitig sa phone ko. "Ang Boyfriend ko ba talaga ang kausap ko?" bulong na tanong ko sa sarili ko. "Ofcourse i am!" madiin niyang sabe sa kabilang linya. Tanong ko naman talaga yon para sa sarili ko pero narinig pala niya. Siya na tuloy ang sumagot. "Luh! sumagot siya pero hindi naman siya ang tinatanong ko." mahinang sabe ko sa sarili ko. medyo inilayo ko din ang phone sa bibig ko. "I heard you. Tsk." napakamot na lang. Ang talas talaga ng pandinig niya. "Sorry kanina ha? Naglilinis kasi kami kaya hindi ko na napansin ang phone ko." hindi naman siya sumagot agad. "Are you tired?" medyo bumaba na yong tono ng boses niya. Napasinghot ako. "Oo." pabebe kong sagot. "Daing is roaming outside." Napabusangot ako sa naging tugon niya. Akala ko pa naman lalambingin niya ako kasi pagod ako pero hindi pala. Yong tipong- SIYA: "Are you alright? You want foods? You want me to massage your back, ankle and your head? Tell me what you want, i'll give them all to you." Si Daing talaga ang mas inuna niya kaysa sa akin na Girlfriend niya? Nanlalaki ang mga mata ko bigla. Tumingin ako sa sofa kung saan nakahiga kanina si Daing. Napatutop ako sa bibig ko nang makita kong wala na siya doon. Mahilig talagang maglakad-lakad si Daing sa labas kapag na bored na siya dito sa loob. Tumakbo ako ng mabilis palabas ng bahay. Nakita ko si Bryle na nakaluhod habang hinahaplos-hapos niya si Daing sa ulo nito. Nasa bungad na siya ng gate. Ang isang balikat niya ang nakahawak sa phone niya ngayon. Nag-angat naman siya ng ulo nang mapansin niya ako. Nagmadali akong tumakbo ulit pero napatid ako dahil sa floor mat. Mabuti na lang napakapit agad ako sa pader sa malapit. "Careful Shara..." inis niyang sabe. Tumayo siya habang dala-dala niya si Daing. Nag-thumbs-up lang ako sa kanya. "Hehe ok lang ako." Sa totoo lang kinabahan ako kanina. Lagi na lang akong natataranta kapag nakikita ko si Bryle. Nagiiba kasi ang t***k ng puso ko kapag siya na ang sangkot. Only Bryle can do that. Naglakad siya palapit sa akin. Nang makalapit na siya sa tapat ko, ibinaba niya si Daing saka niya inabot ang kamay ko. Napangiti ako dahil pinagsilop niya ang mga kamay namin. Kinabig niya ako palapit saka niya ako niyakap. "I miss you." mahinang bulong niya sa akin. Kumalas ako sa pagkakayap sa kanya. Mabilis ko siyang hinalikan sa kaliwang pisngi niya. Napangiti naman siya sa ginawa ko. "I miss you too My Da." may inilabas siya mula sa likuran niya. "Fries for you." iniabot niya sa akin ang isang supot . Tuwang-tuwa ko itong tinanggap. "Wow... Salamat My Dah. Bumili ka talaga?" Hindi ko alam kung bakit bigla siyang natahimik? "You texted me about that fries." napangiti ako ng malapad. Nagtataray siya pero kinikilig ko. Iba talaga kapag si Mr. Sy na ang kaharap ko. Ako naman ang sumugod sa kanya ng yakap. Napakapit ako ng mahigpit sa parteng likod niya. "Ah-" ani niya kaya napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Nakita kong parang may mali sa kanya. "May masakit ba sa likod mo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Parang may masakit kasi sa kanya. "Patingin nga?" "Nothing ." tipid niyang sagot saka siya ngumiti sa akin. Napilitan na din akong ngumiti sa kanya. " Halika pasok tayo sa loob." aya ko sa kanya. "I just came here to see you. I have some meetings to attend to." nalungkot naman ako sa sinabi niya. "Babawi ako next time." hinalikan niya ako sa noo. "I'll go now." "Sige." tipid kong sabe. "Ingat." dagdag ko na din para hindi halatang nabadtrip ako. Nanatili naman siyang nakatingin sa akin. "That's it?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Oo." tipid kong sagot. Ngumiti siya sa akin saka siya naglakad paalis. Nang nasa gate na siya. "Daing!" tawag ko sa kanya. lumingon naman siya agad sa akin. "I really hate it when you are calling me by that name but i love you for insisting it." Nakangiting saad niya. "Wag ka ngang ngumiti diyan. Parang gustung-gusto mo namang matawag na Daing eh-" napa-ismid ako sa kanya. "You're my hard-headed Bee." Natawa ako ng mahina sa tinuran niya. Naglakad ako ng mabilis papunta sa kanya. TSUP!!! Hinalikan ko siya sa mga labi niya. Naramdaman kong napangiti siya sa ginawa ko. Bumitaw din ako agad. "Sorry kung nagnakaw na ako ng halik sayo ah?" naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Nakangisi lang siya sa akin. "Alangan hayaan kitang walang baon? baka mahimatay ka pa sa daan." seryosong sabe ko pero natawa siya. "I't's your responsible to steal anything from me. Kiss me anytime you want. It's free just for you." nakangiting ani niya. Tinampal ko lang siya sa pisngi niya. Pinapakilig niya ako eh- ayan tuloy nasaktan ko pa siya. "I can't be with you this day but you have me forever." seryosong saad niya. Natulala ako sa pagmumukha niya. "Talaga?" huminga ako ng malalim saka ako bumitaw sa mga kamay niya. "Nasaktan ako kaninang hindi ka nagtext agad sa akin." malungkot kong sabe. "Now you know what is the feeling of being ignored by someone you miss." tumitig siya sa akin ng seryoso. "That is the exact feeling that i felt a while back. You are forgiven. I love you." Hinalikan ulit niya ako sa noo saka siya naglakad papunta sa kotse niya. END OF FLASHBACK Agad kong sinagot ang tawag niya. "Hello My Da?" Inabot ko si Daing pusa sa tabi na kasalukuyang natutulog sa isang unan ko. Ipinahiga ko siya sa tabi ko saka ulit ako pumikit. "I love you. Say you love me too. Make it fast!" napamulagat ako agad. "I love you too." Wala sa sariling sambit ko. Narinig kong humalakhak siya sa kabila. "That's enough to start my day. Knowing that the girl i love, love me too." napangiti ako sa sinabi niya. Nagising tuloy ako. Narinig kong pinatay na niya ang tawag. Mabilis akong bumangon. Lumapad ang ngiti kong nang bumungad sa akin ang picture ni Bryle na nakatulog. Ginawa ko kasing display ang stolen picture na kuha ko sa kanya noong nagtungo ako sa Condo niya noong isang araw. Bumaba na ako. Naabutan ko si Zykie na nakakunot noo habang nakatitig sa phone niya. "Oh- Zykie. May problema ka ba?" nag-angat naman siya ng tingin sa akin. Ngumiti siya sa akin ng tipid. "Nagtext sa akin si Eunice." seryosong sabi niya. "Anong sabe?" lumapit ako sa kanya saka ako sumulyap sa screen ng phone niya. From: Unknown Number Si Eunice to. Wag kang masyadong makampante babaeng haliparot. Sayo muna si Vince ngayon pero darating ang araw na babawiin ko siya sayo! Hindi ko siya pipiliting bumalik sa akin. Siya ang kusang makikipagbalikan sa akin. Tandaan mo yan ;) Tinapik ko siya sa balikat. "Akong bahala sayo." "Talaga?" inakbayan niya ako. "Oo nga." Ano bang problema ng Eunice na yon? "Ate ex siya ni Vince. Sa tingin mo ok lang yong ginawa ko ate? Yong sinagot ko siya?" kunot noong tanong niya. "Mahal mo?" seryosong tanong ko. Ngumiti naman siya sa akin. Ngiti pa lang niya alam ko na. "Oo naman." "Edi ipaglaban mo. Ikaw naman ang mahal. As long as ikaw ang mahal, ikaw ang panalo." mas lumapad naman ang ngiti niya. "Alam mo tama ka ate! Ang galing-galing mo talaga! kaya idol kita eh! Ako na ang may pinsang Lady Black-" tinitigan ko siya ng masama kaya natahimik siya. "Hehehe-" napakamot siya sa batok niya. Lumapit pa siya sa akin saka niya itinapat ang bibig niya sa tenga ko. "Ate, alam na ba ng boyfriend mo na ikaw si Lady Balck Fire?" natigilan naman ako sa tanong niya. Nagseryoso ang aura ko. "Wala namang dahilan para sabihin ko di ba? labas na ang pagkatao ko bilang siya sa relasyon namin." Natahimik naman siya. KNOCK!!! KNOCK!!! KNOCK!!! Nagkatinginan kami ni Zykie nang biglang may kumatok. Lumapit kami dalawa palapit dito. "Sino yan?"ani niya pagkabukas ng pinto. Lumaki ang mga mata ko nang makita ko si Daphnie kasama si Kevin. Hawak-hawak niya ang babae sa mahabang buhok nito. Nakayuko siya kaya hindi niya ako nakikita. Sumulpot naman bigla si Jace na sumisipol pa. Napatingin kaming dalawa ni Zykie sa kanya mula ulo hanggang paa. Ang porma-porma niya ngayon tapos umaalingasaw pa yong mamahaling pabango niya. "Tangina bitawan mo ako sabe! Langya! Hindi naman ako magnanakaw eh! Letsugas kang lalaki ka!" inis na sumbat ni Daphnie kay Kevin. "Napakawalang modo mo talagang babae ka!" sumbat naman sa kanya ni Kevin. Tumingin siya sa akin. "Kayo dito, hindi niyo ba napapansin ang babaeng ito diyan sa labas ng bahay niyo? Kanina pa nagmamanman ang magnanakaw na to diyan sa labas!" umiling lang kami ni Zykie. Tumingin naman sa kanya ng masama si Daphnie. "Hindi ako magnanakaw no! May tinitignan lang ako." sigaw niya kay Kevin habang pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ni Kevin sa mahabang buhok niya. Natigilan siya nang makita niya ako. "Shara???" hindi makapaniwalang ani niya. Tinadyakan niya sa paa si Kevin kaya nakawala siya mula dito. "Arayyy!!! Pucha naman oh! Bwisit ka talaga!" inis na sita sa kanya ni Kevin. Tumakbo si Daph sa likod ko. Hinawakan niya ako sa balikat. Ginawa niya akong panangga mula kay Kevin. Napahalukipkip si Zykie. "Anong bang nangyari kasi Jace? Bakit kayo nandito?" kunot noong usisa niya sa kanila. "Awww. Ang sakit mo magsalita ah- Hindi ba kami welcome dito? Bibisitahin ko lang naman si Lindsy eh." napasimangot siya. Napangiti naman ako sa kanya. "Syempre welcome kayo pero bakit hindi niyo kasama si Vince?" nakapout na ani sa kanya Zykie. "Oo nga." sangayon ko. "Bakit pati si Bryle wala?" nagtatakang tanong ko. Napakamot naman si Jace. "Hehe- May date silang dalawa eh-" tinitigan namin siya ng masama. "Oh- bakit ganyan kayo makatingin? Hehe- Ito ipinapabigay ni Vince sayo Zy." inabot nito ang isang naka-fold na papel. Ano yon love letter? "Ito naman sayo Shara. Ipinapabigay ni Master Bryle." Napangiti naman ako. "Ano to?" masayang tanong ko sa kanya. Natawa naman siya ng mahina. "Hindi pala para sayo yan." napakamot siya sa batok niya. "Para kay Daing pala yan. Cat food ang laman niyan Hehe-" Napailing na lang ako. Mas mahal na ata niya si Daing na pusa kesa sa akin? "Total nasagot ko naman na lahat ng mga katanungan niyo, pwede ko na bang makita si Lindsy?" "Hindi pa. Diyan ka lang!" madiin na sagot ni Zykie. "Bakit niyo inaaway ang magandang binibini na ito?" galit niyang tanong. "Ako ba? Si Kevin kaya ang tanungin niyo. Pagkababa namin sa sasakyan kanina lumapit na siya agad sa babaeng yan." sagot ni Jace. Ngumisi naman si Kevin. "May atraso sa akin ang babaeng yan. Naalala mo noong galing tayo sa Arena noon?" tanong niya kay Jace. "Arena." bulong ko sa sarili ko. Napalunok ako sabay tingin ulit kay Kevin. "Siya yong babaeng tatanga-tanga habang naglalakad. Naitapon tuloy niya sa damit ko yong coffee na hawak niya. Dahil sa sobrang init nabitawan ko lahat ng mga baryang hawak ko. Ang masaklap yong mga barya ko sa sahig ang inuna niyang isalba kaysa sa akin! Itinakbo niya yong mga barya ko tapos hindi na siya nagpakita sa akin kahit kailan! kaya magnanakaw ang babaeng yan." galit niyang paliwanag "HAHAHA!" natawa ng malakas si Jace. "Ah siya pala yon." Tumingin sa akin si Jace. "Naalala mo yong jacket na ipinalaba sayo ni Kevin noong nagtungo kami sa Condo ni Bryle? Yong ipinalaba niya sayo?" nakangiting tanong niya sa akin. "Yong may black mask sa loob?" wala sa sariling tanong ko. Napalunok naman si Jace. Napansin kong parang nagkaroon ng tensiyon sa pagitan nila. "Oo yon nga." nakangiting kumpirma niya. "Mahilig kasing magcosplay yang si Kevin. Gusto niyang gumawa ng sariling character ni Batman eh- imbis na yong ibang parte ng mga mata ang natatakpan ginawa niyang mula ilong hanggang baba. Hahaha-" natatawang sagot niya. Ngumiti na lang ako sa kanila. "Shara dito ka pala nakatira?" bulong ni Daphnie sa likod ko. Akmang susugudin siya ni Kevin nang harangin siya ni Zykie. "Hep! hep! hep! Ang manggugulo sa bahay namin ay palalayasin namin!" napabuntong hininga naman si Kevin. Hinawakan ni Zykie si Daphnie sa kamay. "Sabihin mo sa akin kung aawayin ka niya." Ngumiti naman ng nakakaloko si Daphnie kay Kevin. Kevin just clenched his jaws. "Hayss! padaanin niyo naman ako oh- pupuntahan ko lang si Lindsy." pagmamaktol ni Jace. "kung bakit kasi sinagot niyo agad yong mga barkada ko?! Nag-iisa na lang tuloy akong nahihirapan ngayon!" dagdag pa niya. Natawa lang kami Zykie. Yong itsura kasi niya sobrang nakakatawa. "Oh sige pero wag mong pupuntahan sa kwarto ok?" napasimangot naman lalo si Jace. "Sa sala muna kayo!" madiin na bilin ni Zykie sa kanya. "Oo na." naglakad na siya papunta sa sala. Sumunod naman si Kevin sa kanya. Bago niya lagpasan si Daphnie, tinitigan muna niya ito ng masama. "Ikaw naman kasi. Bakit mo kasi ninakaw yong mga barya ni Kevin? Tinapunan mo na nga ng kape, ninakawan mo pa. Ang masaklap, tinakbuhan mo pa." natawa naman siya ng mahina "Ang yaman- yaman naman na kasi niya." natatawang sagot niya. Kung sabagay, kilala ko siya pagdating sa pera. Ultimo centavo mahalaga sa kanya. Nagulat ako nang may biglang tumatawag sa akin. Akala ko si Bryle pero iba kasi Unknown number ang nakalagay. "Sumama ka muna kay Zykie." nagnod lang siya sa akin. "Oo ate ako na ang bahala sa kanya." nakangiting sabe ni Zykie. Umakyat na ulit ako sa hagdan. Nang makarating na ako sa tapat ng room ko saka ko lang sinagot. "Hello." mahinang sambit ko. "Kailan ka babalik? The Lady Black Fire..." nanlalaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang nasa kabilang linya. Hindi ako maaaring magkamali. Kilalang-kilala ko ang boses ng taong ito. Napalunok ako. "Zusaki..." narinig kong napabuntong hininga siya. "Kamusta ka Shara?" Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Alam kong nakangiti siya ngayon. "Umma..." paos kong ani. Narinig kong natawa siya ng mahina. "Kamusta na ang alaga namin?" Tumulo na ang mga luha ko. "Nakalimutan mo na ba ang turo sayo ng Umma ShauMinLing mo? Umiyak ka so loob mo. Wag sa mga mata mo." Natawa naman ako sa sinabi niya. Agad kong pinunasan ang mga luha ko. "Ngayon lang naman ulit eh- Pagbigyan mo na ko. Saglit lang Umma." Nakita ko si Lindsy na nakatayo habang nakatitig sa akin. Kinakausap niya ako pero walang boses na lumalabas sa bibig niya. "Nasa baba si Jace." sabe ko sa kanya. Napangiti naman siya sa nalaman niya. "Talaga?!" hindi makapaniwalang tanong niya. Nag-nod na lang ako sa kanya saka ako nagmadaling pumasok sa veranda dito. Narinig ko ang sunud-sunod na kalabog sa hagdag. Si Lindsy yong nalaglag, sigurado. Napa-iling na lang ako. "Lindsy!!!" malakas na tili ni Zykie. "Bakit ka nagswimming sa sahig?!" natawa na lang ako ng mahina. "Hindi masakit! hehehe-" narinig kong sagot ni Lindsy. Hehehe- Nakakahiya kung nakita yon ni Jace. Natataranta kasi daw siya kapag nakikita ni si Jace. Itinuon ko ulit ang pansin ko sa phone ko. "Napatawag ho kayo. Kamusta na po kayo?" "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa Shara. Kailan ka namin dito sa Kuta." Natigilan ako bigla. Naiisip ko lahat ng mga maaaring mawala sa akin kapag sumangayon ako sa nais niya. "Umma..." napayuko ako. Nagaalangan din ako. "May nangyari po ba?" "Nabalitaan mo naman siguro ang pagkamatay ni ShauMinLing?" seryosong tanong niya. Nagpabuntong hininga ako. "Opo. Sa katunayan, binisita ko siya noong nakaraang buwan." "Ang nangyari sa kuta. Nabalitaan mo din ba?" bigla akong kinabahan sa tanong niya. "Wala na akong naging balita doon simula noong lisanin ko ang isla." sagot ko. "Kailangan ka namin Shara. Alam kong nasa Pilipinas ka ngayon. Nandito na rin sa bansa ang kuta namin. Ipinapatay ang ilang mga tauhan namin sa kuta sa Thailand kaya kami nabuwag. Iyon din ang dahilan kaya mas lalong lumala ang sakit ni Shau noon na naging sanhi ng pagkamatay niya. Shara nakikiusap ako. kailangan namin ang isang mandirigmang katulad mo... Tulungan mo kaming bumangon muli." Mahinahong pakiusap niya. Napakuyom ang mga palad ko. "Opo makakaasa kayo." Alam kong nagbabagong buhay na ako pansamantala pero hindi ko din magagawang bitawan ang mga taong sumalo sa akin noong hinang-hina ang loob ko. BABALIK AKO BILANG SI LADY BLACK FIRE PARA SA MGA TAONG NANGANGAILANGAN SA AKIN. END OF Shara's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD