Prologue
One of the hardest things to do as a living human is to let go of what you can't change.
I shouldn't love in the very first place.
My fate is hunting me now.
I can't love... I violated the number one rule of being The Lady Black Fire.
I am loving the Man who is destined to kill me.
We are destined to love and hate each other...
He is right, LIFE IS A GAME. YOU CAN'T NEVER CHOOSE YOUR OWN PLAYMATE.
DESTINY WORKS PLAYFULLY...
Prologue
"Gusto ng Daddy mo at ang buong pamilya mo na bigyan ka ng panibagong buhay noon. Naniniwala silang maibibigay ko 'yon sa 'yo. Nakita ko kung gaano ka kalalala noon. Punong-puno ng galit ang puso mo... Ang gusto lang namin ay bumalik ka sa rati... Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ko piniling manatili sa tabi mo kahit masakit. Pag magkasama tayo lagi akong nasasaktan kasi minamahal mo ako dahil akala mo ako ang batang babaeng iyon. Maniwala ka, minahal kita kahit akala mo, ako siya..." Ang huling sabi niya sa Video.
Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol nang malakas. Ang tagal na pala nila akong niloloko... Pinaniwala nila ako sa mga kasinungalingan nila.
Bakit kasi ngayon ko lang binuksan ang golden box na iniwan niya sa akin noon bago si mamatay?
Napatitig ako sa hook na nakita ko sa loob ng necklace ni Ricky Amarah. Paano napunta sa kanya ito? Galit na galit ako sa kanya. Halos isumpa ko na siya. Lahat sila! Ginago nila akong lahat!
Napaluhod ako nang muling bumalik ang alaala ko noong gabing nabaril ko siya sa balikat niya. Bumangon pa rin siya kahit sugatan na siya at punong-puno ng mga tama. Sinaktan ko siya pero hindi ko alam na siya 'yon...
Tumakbo ako pababa habang panay pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Pinaharurot ko ang sasakyan ko paalis. Wala na akong pakialam kahit mabangga ko pa ang mga makakasalubong ko. Bumaba ako sa madilim na daan. Parang ganito kadilim ang mundo ko ngayon. Kapag may dumarating na liwanag sa buhay ko, unti-unti rin itong naglalaho..Bumabalik din lahat sa rati.
Hindi ko matanggap na lahat ng mga taong minahal ko ay niloko lang ako...
Napadpad ako sa daan kung saan nakita ko siya noon na naglalakad. Unti-unting nagliwanag ang mga ipinatayo kong mga street's light dito. Nakapamulsa ako habang naglalakad. Gusto ko lang mapag-isa ngayon.
Nakapa ko muli sa loob ng bulsa ko ang hook na nakita ko sa necklace fire ni Amarah noong nakaraang g**g war.
Sabi ko kapag nagtagpo ang mga landas namin, papatayin ko siya... pero hindi ko nagawa.
Doon ko napatunayan mahal na mahal ko pa rin siya kahit sobrang kinamumuhian ko siya.
kahit niloko lang niya ako...
Kinutuban ako sa pagkakatitig sa hook sa palad ko. Mabilis akong tumakbo patungo ng dalampasigan. Nagpatuloy ako hanggang sa makapasok na ako sa loob ng Siato Ship. Hinihingal ako nang makarating ako sa upper deck nito. Natigilan ako nang may mapansin akong babaeng nakatalikod sa pinakaharap na parte ng barko. Nakatayo siya habang nakatingin sa malayo.
Tumulo ang mga luha ko nang makita ko ang dalawang bakas ng bala ng b***l sa kaliwang balikat niya. Unti-unti siyang lumingon sa akin. Walang emosyong napatitig siya sa akin. Wala akong mabasa sa mukha niya.
Ibang-iba na siya ngayon.
"Ikaw..." mahinang sambit ko.
"Ikaw ba ang batang lalaking nakasama ko dito sa Siato Ship noon?" Malamig niyang tanong. Nakita ko ang pagtulo ng luha sa kaliwang pisngi niya. "Ten years ago." Paos niyang dagdag.
Tumulo muli ang mga luha ko. Siya yon... Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Bigla akong nanghina.
Pinaglalaruan talaga kami ng tadhana...