Chapter 5

4011 Words
Chapter 5 Kevin POV "Woohhh!!! Merry Christmas!" malakas kong sigaw. "Merry Christmas everyone!" sigaw naman ni Eunice. "Cheers!" itinaas nilang lahat ang mga wine glasses nila. Nasa isang malaking salu-salo kasi kami. Masaya kaming lahat dito sa Mansion dahil nagsiuwian ang pamilya ko galing sa United Kingdom. Kakauwi kanina ng Family ni Eunice kaya naibsan na ang lugkot na nararamdaman niya. Alam na kasi niya ang katotohanan na nagpapanggap lang si Vince at Zykie na magsyota. Nasaktan siya nang malaman niyang totoong sila na. Natigilan ako sa pagmumuni-muni ko nang tumunog ang phone ko. Agad ko itong inabot sa table. Napakunot noo ako nang magtext sa akin si Vince. From: Vince Merry Christmas Men pero may emergency. May nangyaring masama kay Bryle. Papunta na kami sa Condo niya. Sumunod ka kung hindi ka busy. Napatayo ako agad. "Kuya bakit?" nagtatakang tanong sa akin ni Eunice. "May problema ba? Bakit ganyan yang mukha mo?" nagtinginan silang lahat sa akin. "What's wrong iho?" kunot noong tanong sa akin ni Mommy. Napapaisip ako kung anong pwede kong ipalusot. "Sit down Kevin." Madiin naman na utos sa akin ni Daddy. "Don't tell me aalis ka?" "Ah... Pupuntahan ko lang yong nililigawan ko." Sagot ko. Nanlalaki naman ang mga mata nila sa sinabi ko. Iyon lang kasi ang naiisip kong alibi na pasok sa pandinig nila. Pagkatapos kasing mamatay ni Brianna, hindi na rin ako nanligaw pa ng ibang babae. Hindi ko sila masisisi kung ganyan ang mga reaksiyon nila. "May nililigawan ka na?" nakangiting tanong sa akin ni Mommy. "Opo." Tipid kong sagot. Yumuko ako para hindi halatang nagsisinungaling ako. "Look at me directly to my eyes Kuya and then tell me that you are really saying the truth." Hamon sa akin ni Eunice. Buong tapang akong humarap sa kanya. Tinaasan naman niya ko ng kilay habang naghihintay siya ng sagot ko. "Yes I have. I met this girl a few months ago." Tinitigan niya ako ng matagal na para bang hindi pa rin siya naniniwala. "Where?" hindi makapaniwalang tanong niya. "At Bryle's Condominium Building." Seryosong ani ko. Napailing ako nang sumagi sa aking isipan ang mukha ng bruhang yon. Ang babaeng tatanga-tanga sa paglalakad. Sa kanya ko naramdamang mailagay sa loob ng bulkan sa sobrang init ng kape niya noon. "Woah! Congrats then!" masayang bati sa akin ni Ate Anya. She's my eldest sister. Apat kaming magkakapatid. Two boys and two girls. "It take years for you to move on? Fool yourself." Walang kwentang saad naman ni Frank. Tinitigan niya ako ng seryoso saka niya isinubo ang ham sa tinidor niya. He's my brother next to me. Kaugali ko talaga siya. Medyo cold. Alam kong siya yong tipong hinding-hindi ko mapapaniwala sa mga palabas ko ngayon. Nasaksihan kasi niya kung gaano ako kadepress sa pagpanaw ni Brianna noon. "Ipapakilala niya ako sa parents niya ngayon." nakangiting saad ko. Napailing lang sa akin si Eunice. Hindi na ako sumulyap kay Frank dahil baka bumigay pa ako. "I wanna meet her." Nakangiting sabe ni Ate Vicky. "Ofcourse. Soon." Napakamot ako. "Promise?" nakapuppy eyes na sabi niya. "Oo naman. I'll go now. Babalik din ako agad. Depende sa kanya." Grabe! Ano ba tong mga pinagsasabi ko. I don't usually make nonsense excuses like these. "Go for it Son!" masayang saad ni Dad. He's too excited for me to have may own Son. Freaking bad. Ineexpect kasi nila na ako ang mauunang mag-aasawa since I'm five years older than Frank. Ako lang naman ang inaasahan nilang makapagbibigay ng mga apo nilang Berg ang apelyido. That old Man Tsk. Noong nabubuhay pa si Brianna, I thought she is the one. I have been dreaming to build my own family with her. Everything is possible if you put all your plans inside your dreamland. Kung mangangarap ka, lulubus-lubusin mo na. Why? Because dreaming is free. Ngumiti lang ako sa kanila saka ako tumakbo palabas ng Mansion. Napasapak ako sa ere nang maalala ko yong susi sa kotse ko. "f**k!" inis kong ani. Napalitan akong bumalik sa loob. Natigilan ako nang sumulpot bigla si Eunice. "Looking for this?" itinaas niya key chain kung saan nakalagay ang susi ko. "Yeah." Tipid kong sagot. "Saan ka ba talaga pupunta Kuya? Sa mga barkada mo o sa puntod lang naman ni Brianna ang alam kong pupuntahan mo." Napapikit ako ng mariin. "Aakyat nga ako ng ligaw." Ngumisi ako sa kanya. Hinablot ko ang key chain ko sa kamay niya saka ko siya tinalikuran. "Magkikita ba kayo nila Vince?" malakas niyang tanong. "Pakisabi Merry Christmas!" napailing na lang ako. Sinabi ko na nga lang na kalimutan na niya ang taong yon. "Stop it Eunice." Malakas kong balik sa kanya habang naglalakad ako papunta sa kotse ko. "Babalik siya sa akin Kuya. Sinisigurado ko yan sayo." Hindi ko na lang siya pinansin. Ayaw kong konsintihin ang katigasan ng ulo niya. Minsan pangit talaga kapag may mga kamag-anak kang may kaugnayan sa mga barkada mo. Hindi mo alam kung sino ang kakampihan mo kapag nakaroon na ng aberya sa pagitan nila. Pinaharurot ko na ang sasakyan ko patungo sa Condo Building nila Bryle. Natigilan ako nang makasalubong ko si Shara dito sa lobby sa baba. "Shara... Ikaw pala?" katulad ko, nagulat din siya. "Anong ginagawa mo dito Vince." Kunot noong tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Ah- may susunduin akong orders dito. Alam mo na, Christmas. Masarap kasi yong beef steaks nila dito." Mabuti na lang may sariling restaurant ang Condominium Building nila Bryle. "Ah... Sobrang sarap siguro kasi dinayo mo pa talaga dito ng ganitong oras." Natatawang ani niya. Napalunok na lang ako. Siya kaya? Anong ginagawa niya dito? Alam kaya niya yong nangyari kay Bryle? Mukhang wala siyang alam kasi hindi naman siya nag-aalala ngayon. Ang ipinaalam kasi ni Bryle sa kanya ay magtutungo siya sa New York. "Oo. Yon ang request ng mga kapatid ko." Ngumiti lang siya sa akin. "Ikaw, anong ginagawa mo dito? Galing ka ba sa Condo ni Bryle?" "Ah, oo. Napadaan lang ako. Nasa New York siya di ba?" tinitigan niya ako ng seyoso. "Oo kaya nga nagtataka ako kung bakit ka nandito? Wala naman kasi siya ngayon dito." Pagsisinungaling ko. "Pakisabi sa kanya na mag-iingat siya lagi." Napalunok ulit ako. "Sasabihin ko yan. Wag kang mag-alala. May problem ka ba?" para kasing may matinding dahilan talaga siya kaya siya nandito. "Hindi pa ba siya nagtetext sayo?" Umiling siya. "Hindi pa. Naiintindihan ko naman kung bakit? Kasama niya ang pamilya niya kaya siguradong busy yon." Kung alam lang sana niya ang totoong kalagayan ni Bryle. "Sige mauna na ako sayo." "Saglit, ihahatid na kita." Naglakad na ako pero hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya. Lumingon ulit ako sa kanya. "Wag na Kevin. Kaya kong umuwi mag-isa." Mahinahong ani niya. "Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo. Ano na lang sasabihin sa akin Bryle kapag hinayaan kong umuwing mag-isa ang pinakamamahal niyang Girlfriend? Gusto mo bang mag-away kami dahil lang doon?" natawa naman siya ng mahina. "Ikaw ang bahala. Ayaw ko din namang mag-away kayo." Nauna na siyang naglakad. Sumunod din ako agad. Pagkarating namin sa bahay nila, lumabas agad siya sa kotse ko. "Maraming salamat sayo Kevin." Ngumiti siya sa akin. "Merry Christmas." Dagdag niya. "Merry Christmas din. Wala ka bang regalo sa akin?" biro kong tanong. Napakamot naman siya. "Wala. Haha. Kapag nagkita ulit tayo meron na." Napangiti ako. "Hindi naman ako mapili pagdating sa regalo. Bibigyan kita ng hint para hindi ka mahirapan. Ibigay mo lang sa akin yong number ni Daphie." Natigilan naman siya. "Ah- wala siyang number sakin eh. Bakit siya?" Sagot niya. "Ok lang. May utang kasi sa akin ang babaeng yon. Pakisabi na lang sa kanya na hindi pa kami tapos. Yon na ang regalo mo sa akin. Ang simple di ba?" ngumisi ako sa kanya. "Sige aalis na ako." Ngumiti lang siya sa akin saka niya tumungo. "Wag mo nang masyadong isipin si Bryle. Sisiguraduhin kong maayos ang kalagayan niya." Pahabol ko saka ko pinaandar ang kotse ko palayo. Nadatnan ko si Bryle na nakaupo habang ginagamot niya ang tama sa balikat niya. Taimtim lang na nakatunghay sa kanya yong dalawa. "Bakit ngayon ka lang?" kunot noong tanong sa akin ni Jace nang makita niya ako. "Inihatid ko si Shara sa bahay nila. Nakasalubong ko siya sa lobby kanina." Napatingin naman sa akin si Bryle. "Thanks Kevin." Mahinang ani niya saka niya inabot ang syringe sa table. Itinuro niya ito malapit sa may tama niya. "Kamusta siya?" "Kailan mo sasabihin sa kanya?" seryosong ani ko. Natigilan naman siya. "Tama na Kevin." Alo sa akin ni Vince. Hindi ko lang siya pinansin. "Bryle, alam kong alam mo kung anong mangyayari kay Shara dahil kayo na. Kaya mo bang protektahan siya habang ginagawa mo ang misyon mo? Naalala mo naman siguro yong mga pinagdaanan ni Brianna noon di ba? Hindi kita pinagbabawalang magmahal pero handa ka bang magdusa siya dahil sayo? Siya ang alas ng mga kalaban mo kung tutuusin." "Until my last breath, I'll protect her. Itinaga ko na yan sa bato." Matalim niyang ani. "Kaya sana... sana tulungan niyo akong protektahan siya." Bryle Dann Lavista Sy is a famous g**g Leader. We have been calling him "The Great" of Black Dragon g**g. The unknown image behind his black mask that I once wore. He's a Man of hate. We are his main big three members all the way from the start. Alam namin ang lahat ng mga ipinaglalaban niya. He's a strong man so far. "Kailan pa kami umalis sa tabi mo?" saad ni Jace. Ngumiti lang siya sa amin ng tipid. "Ano ba kasing ginagawa niyo sa bodega kanina?" nag-iwas siya ng tingin sa akin. "All about Drugs again?" ani ni Vince. "Malapit ko na siyang mahanap." Seryosong saad niya. "Lady Black Fire?" maang kong tanong. "Nakaharap mo siya kanina?" Umiling siya. "No. Victory will come over soon. This time tatapusin ko na ang lahat para mamuhay na kaming normal ni Shara. Away from my pain and my dark past..." "Nandito lang kami." Ngumiti kaming lahat sa kanya. END OF Kevin's POV Bryle's POV 5 p.m pa lang ng umaga, nakaabang na ako dito sa malapit kila Shara. Gusto ko siyang masilayan bago ako umalis patungong New York mamaya. Napaupo ako nang maayos nang makita ko siyang lumabas ng gate nila. May dala-dala siyang mga panlinis. Ibinaba niya ang walis, dustpan at sako sa malapit saka siya bumalik sa loob. Paglabas niya dala-dala na niya si Daing. Natawa ako ng mahina. Mahal na mahal niya talaga ang iniregalo ko sa kanyang pusa. Napahawak ako sa balikat ko. Gusto ko siyang lapitan pero hindi pwede. Kumunot ang noo niya nang mapatingin siya sa gawi ko. Mabuti na lang tinted glass ang gamit ng kotse ni Jace. Hindi niya ako makikita dito sa loob. Naglakad siya palapit sa kinaroroonan ko. "Lumapit ka pa..." bulong ko sa sarili ko. Para namang narinig niya ang sinabi ko kasi mas lumapit pa siya sa akin. Ngayon kitang-kita ko na ang mukha niya sa malapitan. "Shara..." mahinang anas ko. "Manong tanggalin mo nga tong sasakyan mo dito! Bawal ang magpark dito." Mataray niyang sita sa akin. Natawa lang ako ng mahina. Natutuwa ako kapag napipikon siya. Namumula kasi siya kapag nagagalit. "Manong naririnig mo ba ako?" ulit niya. "Ang gara ng sasakyan mo pero hindi ka marunong magbasa?" nalungkot ako nang maglakad siya paalis. Nagulat ako dahil bumalik siya agad. Dala-dala na niya ngayon ang malaking chart na may nakalagay na "NO PARKING!" "Kakaiba ka talaga." Natatawang ani ko. "Oh- nakikita mo ito? Nababasa mo na ba?" tinaasan pa niya ako ng kilay. Siya na ata yong pinakamatapang na babaeng nakilala ko. "NO PARKING!" itinuro pa niya ang mga nakasulat gamit yong walis tingting niya na para bang balck board yong chart. "Ako na ang nagbasa para sayo. Nakakahiya naman kasi sayo. Umuwi ka na sa bahay mo. Pagbalik ko dapat wala ka na dito kasi pati yang lupa nasasakupan ng kotse mo ay lilinisan ko din." "Hindi nga kita maiwan." Bulong ko sa hangin. "Mag-iingat ka dito habang wala ako ha?" napayuko ako. "Alam kong hindi magiging madali sa atin ang lahat pero sasamahan mo naman akong malagpasan lahat ng mga pagsubok na yon di ba?" nakatitig lang siya sa akin na para bang naririnig niya ang mga sinasabi ko. "Wag kang aalis sa tabi ko." Yumuko siya. Pagkatayo niya yakap-yakap na niya si Daing. "No Daing! It's not My Da!" saway niya kay Daing. Dumadaing kasi ito. "Hindi nga yan yong sasakyan niya! Black lahat ng kulay ng mga sasakyan niya. Mahilig kasi siya sa batman. Yong taong paniki sa loob ng kweba." napatakip ako sa bibig ko. Gusto ko na kasing tumawa ng malakas. "Mabuti pa si Daing alam niyang ako ito pero yong amo niya hindi." Napailing ako "Idol niya si Batman." Biglang lumungkot ang mukha niya. "Pero sa totoo lang mas gwapo si Bryle kaysa kay Batman." Napatitig siya sa mga mata ko pero alam ko namang hindi niya ako nakikita. "That's why I love you..." kapag si Shara na ang sangkot nagiging emosyonal ako. Ramdam na ramdam ko kasi kung gaano ko siya mahal... "Basta Manong pagbalik ko wala ka na dito ah?" pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Tara na Daing sa loob." Nakatanaw lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa loob ng bahay nila. "Gusto pa kitang pagmasdan pero umalis ka na..." napangiti ako ng mapait. Pinaharurot ko na ang sasakyan patungong Airport. NEW YORK Napapikit ako ng mariin nang lumapag na sa lupain ng New York ang eroplanong sinasakyan ko. Huminga ako ng malalim saka ako lumabas ng eroplano. Unang bumungad sa akin si Dad. Kumaway siya sa akin kaya kumaway din ako pabalik. "I'm glad you came Son." Nilapitan niya ako saka niya ako niyakap. "Merry Christmas!" "Belated Merry Christmas Dad." Inakay niya ako palabas ng airport. Sumunod naman na bumungad sa akin sila Mommy. Katabi niya ngayon si Jazz na may hawak-hawak pang chart. May nakasulat dito na "SEA CREATURES HERE" May ganoon talaga? Napailing na lang ako. "SY" dapat yon. Masaya silang kumakaway sa akin. Nagumiti lang ako sa kanila. "Sa wakas kompleto na tayo!" masayang ani ni Mom. "Hello Son." Niyakap niya ako ng mahigpit. "Merry Christmas. Akala ko hindi ka na darating." Naiiyak niyang saad. "Pwede ba naman yon?" ngumisi ako sa kanila. Ngumiti lang ng tipid sa akin si Jazz. "Merry Christmas Kuya." "Merry Christmas." Balik ko din sa kanya. "Ang mabuti pa kumilos na tayo. Umuwi na tayo para maghanda ng mga pagkain. Ngayon ang Christmas natin dahil kompleto na tayo ngayon." masayang bulalas ni Mommy. "Hahaha. Mabuti pa nga sweetie." Sangayon naman ni Dad sa kanya. "Kayong dalawa sumunod na kayo sa amin ng Mommy niyo." Inakay na niya si Mom sa paglalakad. Tumabi naman si Jazz sa akin kaya sabay na kaming naglalakad ngayon. "How's your shoulder." Mahinang tanong niya sa akin. "It's fine." Tipid kong sagot. Tinitigan lang niya ako ng seryoso. Alam kong nagaalala siya sa akin. Gusto niyang lumipad pauwi ng Pilipinas nang malaman niya ang nangyari sa akin ngunit pinigilan ko siya. Sinabi kong ako na lang ang uuwi sa New York para makampante na ang kalooban niya. Hindi kasi alam nila Dad ang nangyari sa akin. "Kamusta ang Pasko mo sa Pilipinas anak?" biglang tanong sa akin ni Mom kaya nagulat ako. Nasa loob na kami ng sasakyan. "It was fun." Ngumiti ako sa kanya. "Yon na yon?" hindi makapaniwalang saad niya. Sumulyap naman sa akin si Jazz. "Hindi naman kasi nagpapasko ang isang businessman na katulad niya Mom." Singit ni Jazz. "Malamang nagpakalunod na naman yan sa office niya. Marami siyang inilalakad na mga papers ng mga estudyante sa Collie University." Ngumiti ako sa kanya. Maaasahan talaga si Jazz kapag kailangan kong magpalusot. "Idagdag niyo na din yong Coffee Shop niya sa Ortigas. Yong mga ipinapatayo pa niya ng mga resort at building out of the country. It takes a lot of time to totally accomplish those." Lumungkot naman ang mukha ni Mom. "Anak magpahinga ka naman paminsan-minsan. Nagaalala kami para sayo. Masyado ka pang bata para atupagin ang mga yan..." nagaalalang ani ni Mom. Tahimik lang si Dad na nakikinig. Alam kong kakausapan na naman niya ako mamaya tungkol sa mga nangyayari sa mga businesses namin at tungkol na din sa akin. "That's exactly I wanted to do. That's the main reason why I came here. To relax away from distress." Ngumiti ako sa kanila. "Really? Yan ang gusto ko talagang marinig mula sayo. Wag kang magalala. Kapag nakapagtapos na si Jazz, siya na din ang magmamanage sa ibang mga businesses para mabawasan ang mga problema mo." napatingin naman ako kay Jazz. Sa totoo lang ayaw niyang mapunta sa mundo ng Business. Ang gusto niya talaga ay maging isang artist. Isa siyang Sy kaya bilang kaanib ng pamilya namin, tungkulin niyang akuin ang ilang mga mana mula kay Dad. Alam naman niya yon kaya pareho kami ng course na ini-enrolled. "Opo." Tipid kong sagot. Wala talaga ako sa mood para magsasalita. Masakit ang mga tama ko pati ang buong katawan ko. Nang makarating na kami sa Hacienda Sy agad akong nagtungo sa kwarto ko. Nais kong mapag-isa. Inilabas ko ang ilang mga dalang gamit ko. Natigilan ako nang makita ko ang pares ng hikaw na nakaipit sa mga damit ko. Isa itong simpleng heart shaped na mga hikaw. Binili ko ang mga ito sa katabi kong babae kanina sa eroplano. Balak ko itong iregalo kay Shara. Hinubad ko ang damit ko kaya lumantad ang tama ko sa balikat. "Bryle..." Lumingon ako agad. Natigilan ako nang makita ko si Dad. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla. "What are you doing to your life?" mahinang anas niya. Natahimik lang ako. "Dad, please lang gusto kong magpahinga." Mahinang ani ko. Agad kong isinuot ulit ang damit ko. "Hindi ka pa rin ba tumitigil?" napilitan akong salubungin ang tingin niya. "Bilang anak na nawalan ng isang ina, hindi talaga." Matalim kong sagot. "I will never stop." Napayuko si Dad. "Matagal na siyang patay. Alam kong masakit pero sa tingin mo natutuwa siya ngayon sayo? Sinisira mo ang buhay mo dahil sa kanya..." Five years ago nalaman ni Dad ang mga pinaggagawa ko sa buhay ko. Simula sa pagiging tao ni Susie Man hanggang sa ako na ang Leader sa Dragon Site na dating pinapamumunuan ng tunay kong Ina. Iyon ang dahilan kaya nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Susie Man na dati niyang matalik na kaibigan. Ang alam niya tumigil na ako sa pagiimbistiga tungkol sa pagkamatay ni Mommy pero mukhang alam naman niyang hindi. "I just saw my Mom dying infront of me. They killed her infront of my face. Would it be enough Dad?" nang-uuyam kong ani. Mas pinili niyang manahimik kaysa lumaban sa kaso ni Mom sa hindi ko maintindihang dahilan. "I am more concern about your condition!" sigaw niya sa akin. "Paano kung bumalik ulit ang sakit mo?! As a father, i can't endure that! Nawala na sa akin ang Mommy mo. Hindi ko na kakayanin kung pati ikaw mawala sa akin! I'm not selfish Bryle. I'm just a father who is trying to protect his son." nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya. 16 years ago, may nakitang namumuong tumor sa utak ko. Iyon ang dahilan kaya muntik na akong mabulag. Nanlalabo ang paningin ko. Isinusuka ko ang mga nakain ko. Madalas din akong manghina. Kapag napapagod ako, nawawalan ako ng malay. Lumaki nang lumaki ang tumor na iyon kaya bumalik ang panlalabo ng mga mata ko ten years ago. Akala ko mamamatay na ako noon pero kakaiba daw ang composition ng mga antibodies ko kaya nakasurvived ang katawan ko. May taning na ang buhay ko noon pero nabuhay ako hanggang ngayon. "You just said what my point is. I'm not scared to death. I'm scared because any moment I'll die without giving my Mom the justice that she deserved." Madiin kong anas. "Nakausap ko ang Doctor mo. Don't fool me Bryle. I'm your father. I know everything!" natigilan ako sa tinuran niya. "Your Doctor said, mas nadagdagan pa ang tumor sa utak mo." nanghihinang anas niya. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Matagal ko nang alam ang tunay na estado ng kalagayan ko. Ayaw ko lang ipaalam sa kanila kasi ayaw kong seryosohin ang  lahat ng mga sinabi ng dockor ko. Ipinangako ko na tuloy ang laban hanggang sa huli. "Now you know." seryosong saad ko. "Stop your mission Bryle. Please, take the surgery. Iyon na lang ang paraan anak..." pakiusap niya sa akin. "Hindi alam ng Mommy at kapatid mo ang tungkol sa mga nalaman ko... Isipin mo naman sila anak..." "Alam mo ba ang sinabi nong Doctor ko?!" hindi ko na namalayan ang pagtaas ng boses ko. "15 pecent lang ang chance na maging matagumpay ang operasyon! Kung mabubuhay man ako, para din akong namatay dahil baka hindi na ako makaalala. Baka ma-paralize ako." Simula noong makilala ko si Shara doon lang ako nakaramdam ng matinding takot. Takot na hindi ko na maalala kung ano siya sa buhay ko. Yong gusto kong ipakita sa lahat na normal ako para walang maapektuhan. I rather choose to live in a very short period of time with those people I love than living like a puppet! I never wished to become a burden." Nag-init ang sulok ng mga mata ko. "Anak... Nakikiusap ako." mahinang anas niya. "Tumors lang to Dad. I can handle everything. Habang nabubuhay ako. Hindi ako titigil." Tumitig ako sa kanya ng seryoso. "I'll give my Mom justice. I won't die because I have lots of reasons to live." Ani ko. Kasabay nito ang pagpatak ng mga luha ko. "Son..." mahinang ani niya. "Natatakot ako Dad..." patuloy ang pagpatak ng mga luha ko. "I'm scared knowing that i might lose all my memories. I might forget all the pain that brought me here now. Yong sakit dito sa loob ko na matagal na panahon kong kinimkim. Hindi ko pwedeng kalimutan yon. Ayaw kong magising na parang normal lang ang lahat kahit hindi naman. Magpapasurgery lang ako kapag nahanap ko na ang mga taong nasa likod ng pagkamatay ni Mom dahil doon lang ako matatahimik." (Now Playing: ONLY YOU CAN SAVE ME By: Darin) I feel you in the air Floating through the atmosphere You're dancing on the stars You're presence's everywhere But when I shut my eyes I see you like you're really there It's heavy on my heart When you're not even here "My Da, mahal na mahal kita..." ang lagi niyang ibinubulong sa akin kapag akala niya tulog ako. Without you I would fall apart I'm safe when I am in your arms And only you can set me free And only you can save me Without you I would fall apart I'm safe when I am in your arms And only you can set me free And only you can save me I can hear your laughter Echoes in my eardrums The treble and the base Kills every inch of pain The comfort in your voice Is all I ever need to hear You take away my fears I have no other choice "Nandito lang ako lagi kahit hindi mo ako kailangan... Hindi ako aalis sa tabi mo." ang paulit-ulit niyang ipinapaalala sa akin. Without you I would fall apart I'm safe when I am in your arms And only you can set me free And only you can save me Without you I would fall apart I'm safe when I am in your arms And only you can set me free And only you can save me Naglakad na ako palabas ng kwarto ko. Naglakad ako patungo sa likod ng bahay. May beach kasi dito. Umupo ako sa isang cottage na ipinatayo nila Mom. Nakatanaw lang ako sa malawak na karagatan. "Maraming dahilan para mabuhay... at isa ka sa mga dahilan Shara..." bumalik ang alaala ko noong sabihin niyang mahal din niya ako. "I chose to live because I know you'll be there holding my hands..." END OF Bryle's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD