Chapter 6

3248 Words
Chapter 6 Shara's POV Napangiti ako dahil sa mga pictures na ipinadala sa akin Bryle. Nakangiti siya kasama si Jazz. Para silang mga engot sa mga pictures. Sila lang kasi ang laman. Nabanggit kasi niya ang hindi nila pagkakaunawan nila ng Dad niya tungkol sa mga negosyo nila. Ayaw naman niyang linawin ang lahat kaya hindi ko na siya pinilit. Nandito ako ngayon sa Mall. Pauwi na din ako kaya nakatambay ako sa harapan. Nagaabang ako ng taxi. Habang naghihintay ako, itong mga pictures nila Bryle ang pinagiinteresan ko. Napatunayan ko na nasa New York talaga siya. Totoong namamalikmata lang ako noong isang araw. Natigilan ako nang makita ko si Zykie sa malayo. Nakatayo siya habang may dala-dala siyang paper bag. "Anong ginawa niya dito sa Mall?" bulong ko sa sarili ko. Gusto ko siyang lapitan pero medyo malayo siya sa akin. Tinawagan ko siya. Nakita kong natigilan siya nang mapatingin siya sa phone niya. "Ate Shara? Napatawag ka?" nakatingin lang ako sa kanya. "Nasaan ka?" tanong ko. "Ah... Nasa bahay ate. Bakit?" napalunok ako. Bakit niya sinabing nasa bahay siya samantalang nandito naman talaga siya sa Mall. "Sinong kasama mo?" Nakita kong sumakay na siya sa kotse niya. Baka pauwi na siya. "Sila Mama." Bakit siya nagsisinungaling sa akin? Una, wala siya sa bahay nila tapos sasabihin niyang kasama niya ang pamilya niya. Mag-isa lang kasi niya ngayon. "Nga pala ate, ipinapasabi ni Mama na pumunta ka daw dito bukas. Gusto ka niyang makita. Pati si Baby Zion." Tumikhim ako. "Talaga? Pwede ko ba siyang kausapin?" hindi naman siya nakasagot agad. "Ate kasi marami siyang ginagawa ngayon. Mamaya na lang. Gusto ka din talaga nilang makita at makausap. Pumunta ka bukas sa bahay ha?" Kanina pa ako nababahala sa mga kasinungalingan niya. May itinatago ba siya? Ang simpleng mga katanungan pero nagawa niya akong lokohin. "Oo sige." Tipid kong sagot. "Ate mamaya na lang ako tatawag ulit sayo. May gagawin lang ako. Ipinapasabi din pala ni Daphie yong tungkol sa laro niyo." Paliwanag niya. "Laro?" maang kong tanong. "Yong legal race daw ate." Napailing na lang ako. Alam ko namang illegal talaga yon. "Sabihin mo sa kanya na makakapunta ako kaya wag na siyang mabahala. Ipaalam lang niya agad kung kailan para mapag handaan ko." Baka matutuloy ngayong disyembere ang illegal race sa Swan Gate. Hindi daw kasi ito natuloy sa hindi ko alam na dahilan. "Bakit kayo lang?" pagmamaktol niya. "Friends naman na kami kaya dapat pati kami ni Lindsy kasama sa lakad na yan." "Hindi ka qualified kaya wag kang makulit." Madiin kong ani. "Pero ate-" pinatay ko na agad ang tawag. Alam kong madradrama na naman kasi siya. Napailing ako kasi tumatawag siya. "Ano?" humagigik siya sa kabilang linya. "Ate... Magiging maayos din ang lahat." Seryosong saad niya sa akin. Huminga ako ng malalim. "Ano bang mga pinagsasabi mo." kunot noong tanong ko. "Basta. Gusto kong pagaanin ang mga dala-dala mo kaya hayaan mo sana akong kargahin yong iba..." natahimik ako sa sinabi niya. Natawa naman siya ng mahina sa kanilang linya. "Sana dumating yong araw na maiwan mo na ang dati mong buhay... Pinsan kita. Ako lang yong pinakamakakatulong sayo ngayon. Sige ate mauna na ako." Palaisipan sa akin ang mga sinabi niya. Parang hindi ako matatahimik hangga't hindi ko yon nauunawaan. "Sige ingat." Nakita kong binuhay na niya ang makina ng sasakyan niya. Sumakay ako agad sa taxi na tumigil sa tapat ko. "Manong sundan mo lang ang sasakyan na yon." Itinuro ko ang sasakyan ni Zykie. Itinigil niya ang sasakyan niya sa likod ng Mall. Bumaba siya agad saka niya tinakpan ng tolda ang sasakyan. "Manong dito na po." natawa ako ng mahina. Kung alam ko lang na dito ang punta niya sana naglakad na lang ako. Naabala ko pa si Manong. Tres pesos lang kasi yong Bill ko sa sobrang lapit. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Pumusok kami sa isang madilim na silid. Nanatili lang akong nakatayo habang hinihintay ko siya. Madilim naman ng buong silid pati ang silid na sumunod niyang pinasukan. Napaangat ang mukha ko nang may mga yapak akong narinig Sumunod ako sa kanya. Paglabas namin, natigilan ako nang makita ko ang mukha ni Lady Black Fire. Naglakad siya sa gitna. May ganito palang nakatagong espasyo sa ilalim ng Mall. "Zykie..." hindi makapaniwalang anas ko. Tumayo ako sa gilid kaya walang nakakakita sa akin. "Kailan mo pa itininatago ito?" napasapo ako sa noo ko. Lumiwanag ang buong paligid kaya kitang-kita ko si Zykie na nakatayo ngayon sa gitna. Si Zykie bilang si Lady Black Fire. "Alam naman siguro ninyo kung bakit ko kayo ipinatawag sa pagpupulong na ito." Seryosong ani niya sa mga taong nakapaligid sa kanya. "Isa akong mabuting tao." Napayuko ako. Ngayon alam ko na kung bakit siya ganoon magsalita kanina. Naiintindihan ko na kung bakit siya nagsinungaling sa akin. "Gusto ko ng normal na buhay. Sana tulungan niy akong baguhin ang masamang impresyon sa akin ng iba." Pagpapatuloy niya. Naglakad na ako palabas ng Mall. Hindi ko akalaing may sekretong kaganapan pala ang nangyayari sa sulok ng Mall na ito. Ayaw kong marinig ang iba pa niyang sasabihin. Malinaw na sa akin ang lahat. Nakatayo lang ako sa tagong sulok habang nagaabang ako sa kanya. Nakita ko siyang naglalakad kaya mabilis kog hinablot ang braso niya papasok sa tinataguan ko. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya nang makita niya ako. "Ate..." kinakabahang ani niya. "Kailan pa?" matalim kong tanong sa kanya. Napalunok naman siya. Nararamdaman ko ang panginginig ng katawan niya. "Ang sabi ko, kailan mo pa ako ginagaya?!" malakas kong tanong sa kanya. Marahas ko siyang isinandag sa pader. "Magsalita ka!" "Matagal na." napayuko siya. "Naalala mo noong magpanggap akong ikaw sa Private Museum? Iyon ang pangatlong beses kong paglitaw bilang ikaw sa katauhan ni Lady Balck Fire." Mahinang sagot niya. "Sinong nagbigay sayo ng permisong gawin lahat yon!" may halong hinanakit kong tanong. Narinig ko ang pag-iyak niya. "Gusto lang kitang tulungan." Marahas ko siyang binitawan. "Sinabi ko bang tulungan mo ako!" umiling siya. "Ang nais ko lang ay ang malinis ang pangalan mo para mabuhay ka na ng normal. Gusto kong maging masaya ka..." pinunasan niya ang mga luha niya. "Tigilan mo na ang kabaliwan mo dahil kahit kailan hindi yan mangyayari. Problema ko ito Zykie kaya wag kang makialam!" tumalikod na ako. "Ate. Ngayon alam mo na. Sana wag kang magtaka sa iba ko pang gagawin." Napikon ako sa sinabi niya. Humarap ulit ako sa kanya. "Kung alam ko lang na ganyan din lang ang gagawin mo sa akin, sana hindi na ako pumayag na tumira sa bahay mo." natahimik naman siya. "Wag mong sabihin na aalis ka." Tinitigan ko siya ng seryoso. "Oo. Hindi naman mahirap gawin yon." Nang-uuyam kong sagot. "Kung nakita mo lang sa kung anong itsura ni Tito noong pakiusapan niya akong maging ikaw, hinding-hindi mo sasabihin lahat yan. Kadugo mo ako ate kaya hindi kita pwedeng pabayaan na lang." mahinang ani niya. "Ibang klase ka din talaga." Natawa ako ng mapakla. "Akala ko isa ka lang isip bata. Yong kahit kailan hinding-hindi tayo magkakatugma pero ginulat mo ako. Sa kabila ng pagkatao mo, may ibang imahe din pala ang namamayani sayo. Ang lakas ng loob mong maging impostor ni Lady Black Fire." "Dahil iyon lang ang nag-iisang paraan para matulungan kita. Ang magpanggap bilang ikaw upang makakuha ako ng mga impormasyon sa iba. Lilinisin ko ang pangalan mo." Napahilamos ang mga palad ko sa mukha ko. "Bitawan mo ang mga yan dahil hindi ka na nakakatuwa. Bibigyan kita ng panahon para isaayos ang lahat. Wag na wag ka na ulit magpapakita bilang si Lady Black Fire." Napapikit ako ng mariin nang makita ko ang mga galos sa braso niya. Alam ko na kung saan niya nakuha lahat ang mga ito. "Bakit ba ayaw mong tulungan kita?" naiiyak niyang tanong. Nanlilisik ang mga matang tumitig ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya saka ko siya kwenelyuhan. Mas idiin ko pa siya sa pader. Nagulat naman siya ginawa ko. "Ito ako Zykie." Matalim kong ani. "Ito ang totoong ako!" sigaw ko sa kanya. "Isang taong kinakatakutan ng lahat! Iyon din ang dahilan kaya maraming nagnanais na mawala ako sa mundo!" itinulak ko siya saka ako lumayo konti sa kanya. "Ayaw kong maranasan mo lahat ng mga sakit na naramdaman ko noon at nararamdaman ko hanggang ngayon. Wag mong hayaang maranasan din ng mga magulang mo ang lahat ng mga sakit na ipinadanas ko sa Daddy ko. Iyon ang dahilan Zy kaya ako nagkakaganito! Umalis ka sa mundo ni Lady Black Fire dahil ako siya. Hindi ikaw!" nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya. Huminga ako ng malalim saka ko siya tinalikuran. Nagtungo ako agad sa Shiva Site. Nagulat si Shawn nang makita niya ako. "Anong ginagawa mo dito Shara?" nagtatakang tanong niya. "Wala tayong pupuntahan ngayon kaya dapat nagpahinga ka na lang." "Gusto kong makausap ang dalawang ang mga bihag natin." Seryosong ani ko. "Nasaan sila?" Natahimik naman siya. "Sigurado ka ba Shara? Noong isang araw, pinilit namin silang magsalita pero nabigo lang kami. Hanggang sa kamatayan daw ang pananahimik nila. Wala silang ilalaglag sa grupo nila." Napakuyom ang mga palad ko. "Dalhin mo ako sa kanila mamaya. Sigurado ako sa gusto kong gawin kaya wag ka nang magtanong ulit. Kaya nga sila nandito para kumanta sila. Mangyayari yon dahil iyon ang gagawin ko." "Ikaw ang masusunod Lady Black Fire." Tumayo na siya. "Tara." Inilahad niya ang kaliwang palad niya sa akin. Hindi ko ito tinanggap bagkus tumitig lang ako sa kanya ng taimtim. "Haharapin ko sila mamaya sa katauhan ni Lady Balck Fire." Diretso sa mga matang saad ko. Nanlalaki naman ang mga mata niya. Hindi niya inaasahan ang naging desisyon ko. "Pero Shara..." nagaalangan niyang ani. "Pinagisipan ko ang lahat Shawn. Kahit ilang beses pa akong magtago lalabas at lalabas din ang katotohanan na ako siya." natawa ako ng mapakla. "Walang dahilan para magtago. Nais ko na ding tapusin ang lahat. Alam kong isa ako sa mga target nila kaya ibibigay ko na ang matagal na nilang hangad. May kinabukasan na naghihintay sa akin. Iyon ang gusto kong pagtuunan ng pansin pagkatapos ng lahat." Napangiti ako dahil si Bryle ang naiisip ko sa pagkakataong ito. Desidito na akong tapusin ang lahat para maging karapat dapat sa buhay niya. Ngumiti lang siya sa akin. "Sige. Magayos ka na. Babalik ako mamaya. Tatawagin ko lang sila Zusaki." Nagnod lang ako sa kanya. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, muli kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. Ako ulit siya. Marahan kong hinaplos ang tattoo mask ko sa mukha. Huminga ako ng malalim saka ako lumabas. Pumasok ako agad sa silid kung saan nakakulong ang mga dalawang tao nila The Great. Nakita ko ang takot sa mga mata nila nang makita nila ako. "Lady Black Fire..." nauutal na saad ng isa. Napatingin ako kay Shawn pagkatapos kay Umma Zusaki. Seryoso lang silang nakatitig sa akin. Lumapit ako sa kanila para masindak pa sila lalo. "Lumayo ka!" natatakot na ani ng isa. "Sino si The Great?!" matalim kong tanong sa kanila. "Wala kaming alam sa kanya." tanggi nila. "Sa tingin niyo gago ako para paniwalaan kayo? Nakalimutan niyo na ba kung sino ako? Gusto niyong ipaalala ko sa inyo ngayon din?!" ngumisi ako sa kanila. "Tinatanong ko kayo ng maayos kaya sumagot kayo ng maayos!" "Lady Black Fire, luluhod kami sa harapan mo ngayon pero hindi kami maaaring magsalita. Kahit patayin mo pa kami." Umupo ako sa upuan saka inabot ang basong nakapatong dito. "May alam ba kayo sa krimeng nangyari sa Thailand? Kayo ba ang pumaslang sa libo-libong sakay na mga bihag sa barkong Shantelle?! Ano?! Sumagot kayo!" galit kong saad. Yumuko lang silang dalawa. "Kumalma ka lang Lady Black Fire." Si Umma Zusaki. "Bakit ayaw niyong magsalita?!" natawa ko ng nakakaloko. "Dahil ba hawak nila ang mga pamilya niyo kaya ayaw niyong kumanta." Nag-uuyam kong ani. c***k!!! Ibinagsak ko ang babasaging baso sa lamesa kaya nabasag ito sa mga kamay ko. Lumabas ang dugo pagkatapos. Nagulat ang lahat sa ginawa ko. "Kayo lang ba ang may pamilya? Bakit yong mga pinatay niyo noong mga bihag? Sila ba walang mga pamilya?!" Dinampot ko ang diyaryo sa lamesa saka ito ipinunas sa duguang mga kamay ko. "Ipapahanap ko ang mga pamilya niyo kung iyon lang ang paraan para kumanta kayo. Magsasalita rin kayo ipinapangako ko yan. Ayaw niyong magsalita? Tignan lang natin!" hindi ko na silang hinayaang umapela pa. Ibinalik ko muli ang mga tapes sa mga bibig nila. "Bantayan niyo sila ng maayos. Kapag nag-CR ang mga yan, samahan niyo hanggang sa loob. Doblehin niyo din ang mga padlocks dito. Wag kayong matutulog. Dapat mahanap na ang mga pamilya nila bago magbagong taon." Bilin ko sa kanila saka ako lumabas. END OF Shara's POV Bryle's POV "Are you taking your medicines regularly?" Nagulat ako nang sumulpot sa likuran ko si Dad. "Yes." Tipid kong sagot. Umupo siya sa kama ko. "Noong mawala ang Mommy mo, doon ko naramdaman kung gaano kahirap magpalaki ng mga anak mag-isa. Pinilit ko kayong itaguyod kahit mahirap." Ngumiti siya sa akin. "Magpagaling ka anak ha?" napabuntong hininga lang ako ng malalim. "Lailanie is here. You should atleast meet her." Siya ang babaeng kapitbahay namin dito. Ten years ago, nameet ko siya dahil nagpunta noon ako dito para magpagaling mula sa surgery. Ang sabi niya matagal na daw niya akong kilala. Ayon pa sa kanya, nagaral daw siya dati sa Pilipinas. Lumipat lang siya dito dahil sa kagustuhan ng Daddy niya. Minsan na din siyang nagtapat ng nararamdaman niya sa akin. Matagal na siyang may gusto sa akin. Simula noong nasa grade school pa lang siya. Naging, mabuti siyang kaibigan sa akin lalo pa at hindi ako nakakakita noon. Sila ni Jazz ang laging nasa tabi ko sa mga panahon na iyon. "Tell her I have something to do first. I can't meet her now." Inabot ko ang phone ko saka ako naglakad papunta sa veranda. "Ok I'll tell her. Uuwi din siya sa Pilipinas para sa New Year. I hope you can get along with her." Lumingon ako sa kanya saka ako nagnod. "Aalis na ako." Sinagot ko ang tawag ni Jimmy nang makalabas na siya. "Master hanggang ngayon hindi pa namin sila nakikita." Report niya sa akin. "Hindi namin alam kung saan nakatago ang lungga nila. Naikuyom ko ang palad ko. "That is bullshit! Ang simpleng bagay pero hindi niyo magawan ng paraan!" singhal ko sa kanya. "Calm down Master. Naniniwala kong hindi magsasalita si Perez at Gringo dahil hawak namin ang mga pamilya nila. Alam naman nila ang mangyayari kapag nagkataong magsalita sila." Napapikit ako ng mariin. "Ayusin mo lahat ng mga kalat diyan Jimmy kung hindi ako ang papatay sa mga yan." Galit kong ani. "Opo Master. Makakaasa kayo. Magpagaling po kayo at magpalakas para sa mga susunod niyo pang mga laban." Pinatay ko na agad ang tawag. Napahawak ako sa balikat ko. Pagpasok ko sa loob nagulat ako dahil nakatayo si Lalaine sa mapalit sa kama ko. Ngumiti siya sa akin. "Bryle... kamusta ka na?" naglakad siya palapit sa akin saka niya ako niyakap. "Miss na miss na kita... Mabuti naman umuwi ka na." niyakap ko na din siya pabalik. "I'm doing good." Tipid kong sagot. Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. "How are you?" "Maayos naman lalo pa ngayon dahil nagkita na ulit tayo." Ang laki na ng ipinagbago mo." hinawakan niya ako sa mga kamay. Medyo tumingin ako sa kanya ng alanganin. "Wag ka nang mailang. Dati ko naman nang ginagawa ito di ba?" natawa siya ng mahina. "Magkwento ka. Bilis! Ang tagal kong hinintay ang araw na bumalik ka." hinila niya ako paupo sa kama. "Wala ka pang Girlfriend no?" tukso niya sa akin. Sakto naman na pumasok si Jazz kaya narinig niya. "Si Kuya? Meron." Sabat ni Jazz. Tumingin naman si Lalaine sa akin. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Jazz. "Totoo ba Bryle?" paniniguro niya. Ngumiti ako sa kanya. Kahit kailan naman hindi nawala si Shara sa puso at isipan ko. "Yes. I have." Napayuko siya. "Ang sabi ko sayo noon, maghihintay ako dito kahit gaano pa katagal." Nagtatampong ani niya. "Lalaine, Hindi kayo talo ni Kuya." Natatawang ani ni Jazz. "Ang sama mo talaga Jazz! Girlfriend lang naman niya eh- hindi pa naman asawa. Wag lang niyang sasaktan si Bryle kasi aagawin ko talaga siya sa kanya." napailing lang ako. "Hindi yan mangyayari kasi mahal na mahal ni Kuya si Shara. Ganoon din naman yong Girl sa kanya kaya kung ako sayo, maghahanap na lang ako ng Hot na Kano dito." Pangaasar sa kanya ni Jazz. "Kadiri ka talaga! Ayaw ko sa mga Amerikano! Si Bryle lang ang gusto ko pero naunahan na pala ako." Inirapan niya ako pero ngumiti lang ako sa kanya. Sanay na ako sa ugali niya. Ganyan naman na kasi siya kahit noon pa. "Nauna ka kaya! Ayaw lang talaga ni Kuya sayo!" pangpipikon ni Jazz sa kanya. "Ang sama mo ah!" napikon na siya. Napatayo ko nang makita ko pangalan ni Shara sa screen ng phone ko. Tumatawag siya. "Hello My Bee." Agad kong sagot. Napangiti ako kasi naisipan niya akong tawagan. "My Girlfriend is calling. Maiwan ko na kayo." Paalam ko sa kanila. "Sabi sayo eh! Mahal na mahal niya yong GF niya!" narinig kong ani ni Jazz. "Sus! Magbrebreak din ang mga yan sa 23! Walang Forever!" ang lakas ng pagkakasabi niya kaya narinig din siguro ni Shara. "Baliw ka talaga haha!" tawang-tawa si Jazz kay Lailanie. "Tapos na ang 23!" "Edi 23 sa susunod na buwan!" balik naman nito. "Kamusta My Da? Sino yong nagsalita kanina?" natawa ko ng mahina. "Si Lalaine. Our childhood friend here." Paliwanag ko. "Bakit niya sinabi yon?" maang niyang tanong. Natigilan ako kasi parang nagiba yong pananalita niya. "Nagseselos siya sayo." Ngumisi ako. "Sinabi ko kasing ikaw ang magiging asawa ko balang araw." Napangiti ako. "Nambababae ka ba My Da?" may halong hinanakit niyang tanong. "Oo." Natawa ako ng mahina. "Ano?" galit niyang ani. "Marami akong babae. Si Shara, si Shara, si Shara, si Shara at si Shara..." natahimik naman siya. "Are you flattered?" tukso ko sa kanya. Natawa naman siya sa kabilang linya. "Marami din kasi akong lalaki dito. Si Bryle, si Bryle, si Bryle at si Bryle. Kilala mo ba silang lahat?" "Ofcourse. Your future behalf." Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag pinapakilig ka ng taong mahal mo. "I love you..." buong puso kong ani. "I miss you so much. I am hoping to see you soon." "I love you too." Umuwi ka na ha? Miss na miss na din kita." Napahawak ako sa may tama sa balikat ko. Kapag medyo humikom na ang sugat ko saka lang ako babalik ulit doon. "Uuwi ako agad." Huminga ako ng malalim. "Promise." "Hihintayin kita dito. Sino yong Lalaine? Anong buo niyang pangalan." Maang niyang tanong. "Lalaine Rey Fortal Quinto. Why? Do you know her?" hindi naman siya nakasagot agad. "Shara, are you still there?" nagaalalang tanong ko. "Ah- Oo nandito ako. Sige ibababa ko na. Magiingat ka diyan ha?" nauutal niyang sabi. "Ano bang nangyayari sayo? Nabanggit ko lang si Lalaine nagkakaganyan ka na? I told you she's just a friend." natigilan ako nang patayin na niya ang tawag. Tinawagan ko siya ulit pero cannot be reach na siya. "Ano bang problema mo?" Nagseselos ba siya? Ganoon siya magselos? Kung pwede ko lang siyang puntahan, ginawa ko na. Parang gusto ko na tuloy umuwi. END OF Bryle's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD