Chapter 7
"Lalaine..." mahinang anas ko. Pinatay ko agad ang phone ko pagkatapos sabihin ni Bryle na siya yong nagsalita kanina.
Siya ang kaisa-isang kaibigan ko noong nagaaral pa ako sa Calacstine Academy. Iniwan din niya ako kaya mas pinili kong mag-home schooling na lang kesa pumasok sa School. Matagal na kaming walang komunikasyon. Isa lang ang natatandaan ko sa kanya. Ang matinding pakagusto niya sa isang bata sa Jouvard Academy Elementary Department. Ngayon ko lang napagtanto na si Bryle pala ang tinutukoy niya. Magkasama sila ngayon sa New York. Sobrang liit ng mundo. Ang dati kong matalik na kaibigan ay naging malapit din pala sa taong mahal ko. Sa New York din kasi sila nag-migrate sampong taon na ang nakakalipas. Alam ko ng siya yon dahil sa buong pangalan niya. Lalaine Rey Fortal Quinto.
Hindi ko masyadong maunawaan kung bakit kailangan na mangyari ang bagay na ito sa amin? Mahal ko si Bryle pero mahalaga din sa akin si Lalaine. Saksi ako kung gaano niya kamahal si Bryle noon. Ano nga kayang mangyayari kapag nagkaharp-harap na kaming tatlo? Boyfriend ko ang taong gustong-gusto niya. Puwera na lang kung naka move on na siya o di kaya nakahanap na siya ng iba. Magkasama sila ngayon kaya imposible ang mga naiisip ko. Maaaring nandoon pa rin yong nararamdaman niya kay Bryle noon. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Shara!" narinig kong may tumawag sa akin. Nagulat ako nag biglang may sumakay sa likod ko. "I miss you!" hinalikan niya ako sa pisngi. Amoy pa lang niya, alam ko na.
"Lindsy! Bumaba ka nga!" sita ko sa kanya. Bumaba naman agad siya.
"Hehe. Mabuti naman natatandaan mo pa ako." PAKKK!!! Sinapak niya ako sa balikat ko.
"Ang sakit non ah!" singhal ko sa kanya. Natawa naman siya ng mahina. Tinaasan ko siya ng kilay kasi may kasama siyang ibang lalaki. Hindi naman kasi siya si Jace.
Tumabi siya sa lalaki. "Ate si Luke nga pala. Ang dakilang katulong ko. Chos! Syempre joke ko lang yon." Pinagsasapak niya yong lalaking kasama niya habang tumatawa siya. Paano kay niya napagtitiisan si Lindsy? Masakit kasi siya manapak.
"Sino siya?" kunot noong tanong ko. Hindi niya ako pinansin.
"Si Luke nga. Paulit-ulit ka naman eh." Napailing lang ako.
"Luke salamat sa paghatid ha?" ngumiti siya ng matamis dito.
Napakamot ang lalaki. "Wala yon. Sige mauna na ako." Naglakad na siya paalis pero nakatingin pa rin sa kanya si Lindsy.
"Alam ba ni Jace yang mga pinaggagawa mo?" nang-uuyam kong ani.
Napasimangot naman siya. "Hindi ko naman siya Boyfriend eh-" natigilan ako sa sinabi niya.
"Pero nanliligaw siya sayo." Madiin kong ani.
"Talaga? Hindi ko nga ramdam eh. Magsama sila nong kabit niyang Teacher." Madamdamin niyang anas.
Lumungkot ang mukha niya. "May nangyari ba?"
Napayuko siya. "Hindi ko pa siya Boyfriend pero nagtataksil na siya sa akin. Paano pa kaya kung Boyfriend ko na siya? Kawawa lang ako sa kanya." napapahikbing ani niya.
"Teacher?" maang kong tanong.
"Oo. T-I-T-S-E-R Huhuhu." Naiiyak niyang ani.
"Sige nga i-spell mo nga sa English." Hamon ko sa kanya.
Naiyak naman siya lalo. "Tagalog nga gusto ko. Bakit English pa? Titser nga eh- o di kaya Poo."
"Ano Poe o Poo?" kunot noong tanong ko.
"Wag na nating idamay si Grace Poe pwede? Busy siya sa pagka-campaign. Siguro may pag-asa siyang manalo kasi malakas yong Guardian Angel niya." Napailing na lang ako.
"Sino bang Guardian Angel niya? May pakpak?" Ngumisi siya sa akin.
"Si Papa niya. Si FPJ!" masayang saad niya. "Oh di ba? Isang celebrity Legend ang Angel niya. Nasa malayo man o malapit ang isang ama, babantayan pa rin niya ang anak niya." Naalala ko tuloy si Daddy sa mga pinagsasabi niya.
"Baka naman Prof. ang ibig mong sabihin." Pag-iiba ko ng usapan. Natawa naman siya. Sinapak niya ako sa balikat. "Yon nga! Ang galing mo talaga." Puri niya sa akin.
"Basic lang yon pero di mo alam?" nagpout naman siya.
"Malungkot nga ako kaya nagkakandaletche-leche ang pag-iisip ko. Hindi mo pa siguro naranasang masaktan kaya ganyan ka magsalita." Hindi naman ako nakaimik.
"Naranasan ko na pero hindi dahil sa lalaki kaya tama ka. Hindi talaga." Tumitig lang siya sa akin.
"Paano kung dumating ang panahon na saktan ka ni Bryle." Seryosong tanong niya. "I mean, di ba sa relationship dumadaan naman talaga sa ganoon. Yong magkakasakitan kayo." Inosenteng ani niya. "Alam ko yon Shara kasi naranasan ko na."
"Mananatili ako sa tabi niya hanggang mahal niya ako." Iniisip ko pa lang na iiwan niya ako, nanghihina na ako. Paano kaya kapag totoo na? "Hindi ko pa alam yong pakiramdam kaya hindi kita masagot ng maayos."
"Ikaw naman! Masyado ka namang seryoso!" natawa siya ng malakas. "Wala namang masasaktan kung parehas kayong nakakapit di ba? Isipin niyo na lang mga linta kayo na nakakapit sa mapuputing legs ng isang taong higad. Kapit lang hanggang maubos yong dugo ng hayop na yon! Haysss! Nakakainis ang mga malalanding yan!"
Inakbayan ko siya. Napatingin naman siya sa akin. Nakita ko ang mga luha sa pisngi niya. Ibang Lindsy ang kaharap ko ngayon. Nasanay kasi ako sa pagiging maingay at masayahin niya. May pagkatopak din siya madalas pero ngayon hindi ko yon maramdamn sa kanya. Siguro ibang nilalang talaga siya kapag nasaktan.
"Mabuti na lang nakita kita dito. Hindi ko na kailangang abalain si Luke kasi may Girlfriend din siya baka magsuntukan pa kami nong syota niya kapag nagkataon. Sasamahan mo ba ako ngayon? Kailngan kong unwind eh-" nakapout niyang ani. "Wag na nating isama si Zykie baka bitayin pa niya si Jace." Natawa naman ako ng mahina. Ayaw ko din namang makasama ang pinsan kong yon ngayon. May kasalanan pa siya sa akin.
"Oo na. Sasamahan kita kahit saan mo gustong pumunta. Saan ba ang punta mo." ngumisi siya sa akin.
"Mamaya nandito na si Daphnie. Susunduin niya tayo dito. Tatlo tayong pupunta doon." Paliwanag niya.
Natigilan naman ako. "Si Daphie? Bakit mo isasama ang babaeng yon?"
"Friends na kami. Anong bang masama doon?" pagmamaktol niya,
"Wala. Busy na tao yon." Natawa naman siya ng mahina.
"Madalas daw kayong magkasama sa mga illegal races sa Taiwan sabi niya." Inosenteng ani niya. Napailing na lang ako. Isa din ang babaeng yon. Masyadong madada. "Opps!" napatakip siya sa bibig niya. "Sabi niya secret lang namin pero nasabi ko na sayo. Sorry naman sa kanya." humagikgik siya.
Dinaanan kami ni Daphnie saka kami nagtungo sa isang mamahaling Bar dito sa Cubao. Pumasok kaming tatlo sa loob. Madilim dito sa loob tapos punong-puno ng mga usok. Maingay din ang buong paligid dahil sa rock na music nila. Pumuwesto kami sa isang sulok para medyo malayo sa mga lasing.
"Three buckets of ice and... Hmm... yong pinakahard niyong drink dito." Si Lindsy. Napakunot noo lang ako sa kanya. May plano talaga siyang maglasing. "Girls dito lang kayo ha? May titignan lang ako doon." Nagnod lang ako sa kanya.
"Sige ingat. Balik ka agad ha?" si Daphnie.
Napatingin naman ako kay Daphie na nakangisi pa ngayon. "May pangisi-ngisi ka pa diyan. Masaya ka kasi may manlilibre sayo ng mga mamahaling alak?" nang-uuyam kong ani. Natawa naman siya.
"Oo. Ang saya kaya. Hindi ko na kailangang gumastos. Minsan lang ito kaya hindi na ako magiinarte pa." Katwiran niya.
"Yong utang mo kay Kevin, napagipunan mo na ba?" namula naman siya bigla. "You're blushing." Seryosong tukso ko sa kanya. Napatakip naman siya sa mga pisngi niya.
"Sino yon? May utang ba ako doon? Wala akong matandaan. Napaka-arogante kaya niya. Sinong tangang maging sunud-sunuran sa nilalang na yon? Pwede ba? Wag ako!" inirapan niya ako.
"Alam kong may pagkamaduga ka pero wag mong subakan si Kevin." Natawa naman siya ng malakas.
"Hahaha. Eh kung yayain ko na lang siya sa race?" mayabang niyang ani. "Patataobin ko yon." Ngumisi siya sa akin. "Sa March pala magaganap ang race. Di ba hindi natuloy ngayong buwan. Mabuti na lang matutuloy pa rin." Bulong niya sa akin. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. "Oh bakit ganyan ka makatingin? Nakahanap ka na ba ng trabaho mo?"
"Hindi pa." sagot ko.
"Tamang-tama lang yan may alam akong trabaho para sayo." Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "Matikas naman ang mangangatawan mo at matapang kang babae. Naghahanap ng mga guards ang Lavitus Company. Pwedeng-pwede ka doon!" natigilan ako sa sinabi mo.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Hindi ako interesado." Seryosong ani ko.
Naningkit naman ang mga mata niya. "Ayaw mo bang subukan dahil natatakot ka?" nang-uuyam niyang tanong. "Bigatin ang Company nila. Iyon ang isa sa mga pinakamayamang pamilya sa buong mundo." Hindi naman na niya kailangang sabihin pa sa akin dahil alam ko naman. "Alam mo ang labo mo ding tao. Kung saan Malaki ang kita, aayaw-ayaw ka pero willing kang maging waitress lang sa isang coffee Shop. Ang cheap mo. Natatakot ka bang maging isang tagapagtanggol ng mga matataas na tao?"
Hindi naman sa ganoon. Daddy ko lang naman ang nagmamay-ari ng sinasabi niyang Company. "Ayaw ko nga. Ikaw na lang kasi." Inis kong sagot. "Bakit yang mga ganyang trabaho alam mo? Hindi ka naman galing sa mataas na pamilya." Pasimpleng tanong ko.
Natawa lang siya ng mapakla. "Syempre may mga koneksiyon ako sa itaas kaya alam ko. Mahirap ako pero praktikal akong tao. Lahat susuungin ko kahit trabaho pa ng mga matataas na tao. Kailangan nila ng mga tao dahil maraming traydor na tauhan doon."
"Akala ko ba sapat ang mga tao nila? Well-trained ang mga kinukuha nilang mga bouncers at body Guards. Saka-" natigilan ako nang mapagtanto ko lahat ng mga sinabi ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Bakit mo alam." Nagtatakang tanong niya. Ngumiti siya sa akin.
"Mayaman nga sila di ba? Ano bang bago doon?" palusot ko.
Siniko lang niya ako ng mahina. "Ikaw talaga. Paayaw-ayaw ko pa pero may interes ka din pala sa trabahong ganoon. Madali lang naman ang gagawin mo Shara, maging tapat ka lang sa kanila. Wala naman dito sa bansa ang pinakaboss nila kaya sobrang dali. Mga kasosyo lang ang mga babantayan mo."
"Kumbinsihin mo pa ako. Bigyan mo ako ng mga mabibigat na mga dahilan para pumayag ako sayo." Hamon ko sa kanya.
"Grabe! Ako na nga lang ang nagmamalasakit sayo, ikaw pa itong choosy!" singhal niya sa akin. "Sige pagbibigyan kita ngayon. Magpasalamat ka, hati tayo sa premyo sa race kung hindi- amp!" inis niyang ani. "Una sa lahat, Malaki ang sahod mo. Pangalawa, safe naman ang mgatrabaho sa kanila. Basta itikom mo lang ang bibig mo. Pangatlo, mapapaligiran ka ng mga gwapo at mayayamang nilalang. May pag-asa kang yumaman." Tsk! Mayaman na ako. Kung alam mo lang. "Pangapat, makakatulong sa kanila at sa sarili mo din. Matanda na rin ang taong nagpalago sa Company na iyon. Kailangan nila ng tauhan na katulad mo." napayuko ako. Tama siya, matanda na siya Dad. Ang dapat sa kanya, magpahinga na lang sa Mansion. "Ang balita ko, walang anak yong Boss nila. Kawawa siya di ba? Walang magmamana sa mga ari-arian niya kapag nagkataong maputulan na siya ng hininga." Napintig ang mga tainga ko sa sinabi niya. Agad ko siya kwenelyuhan.
"Anong sabi mo?!" galit kong ani.
"Shara ano bang nangyayari sayo?" gulat na gulat niyang tanong.
Natauhan naman ako agad kaya marahas ko siya binitawan. Natawa siya ng malakas. "Ano yon? Trip mo lang?"
"Gusto ko lang manuntok. Nagkataon lang na ikaw yong nasa harapan ko." Madiin kong ani.
"Nakakatakot ka. Tsk!" medyo lumayo siya sa akin. "Mabalik tayo sa usapan natin. "May pagkaulyanin na daw kasi yong matandang yon kaya madali na daw siyang lokohin." Naikuyom ko ang mga palad ko. Matalino ang Daddy ko. Hindi magtatagal ang company niya kung hindi siya bihasa sa mga tungkulin niya.
"Ang dami mong satsat. Bakit hindi na lang ikaw ang mag-apply?!" singhal ko sa kanya.
Napakamot naman siya sa ulo niya. "Akala mo palalagapasin ko ang pagkakataong iyon? Sinubukan ko pero hindi ako natanggap! I was rejected! Para nga akong lantang gulay na inihagis na lang. Asar"
"Tanggapin mo na kasi yong offer na yon. May pag-asa kang matanggap. Pinapabagsak na din nila ang Company na yon kaya siguradong makikinabang ka kapag nangyari yon." Tinitigan ko siya ng masama. Hindi yon mangyayari. Mamatay muna ako. Dugo at pawis ang mga isinakripisyo ng ama para sa kompayang iyon.
"Sige. Pumapayag na ako. Salamat dahil ibinahagi mo sa akin ang blessing mo." ngumiti ako sa kanya ng matamis.
Kung meron mang karapat-dapat na makinabang sa lahat, iyon ay ako. Ako na anak. Gagampanan ko ang papel ko bilang anak para maprotektahan ang mga yaman ng ama ko. Yaman na hindi lang basta umiikot sa pera. Isa itong yaman na natupad mula sa simpleng pangarap. Pangarap na nagbunga dahil sa taong nagsilbing ugat nito. Si Daddy iyon at wala ng iba.
"Sure. Welcome!" Ngiting asong ani niya. "Saglit nga. Bakit ang tagal ni Lindsy?" reklamo niya. "Lalabas lang ako. Doon kasi siya nagpunta kanina." Naglakad na siya. Sumunod naman ako agad sa kanya.
Ang bilis ng takbo ko. Ganoon din si Daphnie. Pagkalabas namin, naabutan namin si Lindsy na nakikipagsabakan sa limang mga babae. Napalunok ako dahil sobrang lakas niya. Napataob niya yong tatlong babae. Tumayo si Lindsy saka niya inalis ang pagkakapusod ng mga buhok niya. Isinuntok niya ang ulo niya sa isang babae kaya nakatulog ito.
Humakbang si Daphnie pero pinigilan ko siya sa balikat. Napatingin naman siya sa akin. "Bayaan mo siya. Ngayon mo lang tutulungan dahil iisa na lang yong kalaban niya?" nang-uuyam kong tanong. "Kung napatumba niya yong apat, yong isa pa kaya?" sumunod naman siya sa akin. Tahimik lang kaming nanonood dito sa gilid. Nakahalukipkip ako habang pinagaaralan ko ang bawat galaw niya. Napailing ako. Kakaibang Lindsy na naman ang nakikita ko ngayon. Ang galing niya. Ibang klase siya makipaglaban.
"Siya ba talaga yang nakikita natin?" hindi makapaniwalang ani ni Daphnie.
"Siya yan." Seryosong sagot ko.
Napapaisip na naman tuloy ako. Noong una si Zykie. Tapos si Lindsy naman ngayon. Mahihina ang turing ko sa kanila sa dati pero ngayon mukhang kakainin ko na lahat ng mga akala ko sa kanila. Matatapang din talaga sila. Iyon ang napatunayan ko.
"Lindsy!" malakas na sigaw ni Daphie. May nagraragasang sasakyan ang papunta sa kanya. Napahakbang ako paharap nang mahigip siya. Nagpagulong-gulong siya sa daan. Agad siyang tumayo mula sa pagkakahiga. May lumapit sa kanyang dalawang lalaki saka siya tinakpan ng panyon sa ilong. Nakatulog siya dahil doon.
Akmang tatakbo si Daphnie nang pigilan ko ulit siya. "Tanga ka ba?!" galit niyang ani. "Tinangay nila si Lindsy!"
"Baka ikaw ang tanga?" balik ko sa kanya. "Susundan mo sila pero alam nila?" pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Sumunod ka sa akin." Tumakbo ako patungo sa isang kotse sa gilid. Sumilip ako sa loob. Napansin ko ang susi na nakasaksak. Napangisi ako. Binasag ko ang salamin nito saka ako pumasok. "Sakay!" tumalima naman agad siya.
"Woah! Dating gawi?" natatawang ani niya.
Inirapan ko lang siya. "Tinangay nila si Lindsy! Ano gusto mong gawin natin? Tutunganga tayo?"
Napadpad kami sa isang lumang pabrika. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Mukhang dati itong pagawaan ng mga laruan na manika. May mga nagkalat kasi na mga ilang parte ng mga manika.
"Saang parte ng Pilipinas ang lugar na ito?" manghang ani ni Daphnie. "Bakit naman nila dadalhin si Lindsy dito."
Naramdaman kong parang may paparating sa akin. Agad ko ko itong hinuli gamit ang palad ko. Alam kong bola na naman ito ng baseball. Tumingala ako sa taong pinaggalingan nito. Natigilan ako nang makita ko si Cheska. Siya ang may kagagawan ng lahat ng mga ito?
Napakuyom ang mga palad ko nang makita ko si Lindsy na nakagapos sa upuan habang may mga piring ang mga mata at bibig niya. "Welcome Shara." Nakangiting bati niya sa akin. "Alm kong susundan mo talaga siya dito." Nakangising saad niya. Naglakad palapit sa tabi ni Lindsy.
"Sino ka bang walang-hiyang babae ka?!" singhal sa kanya ni Daphnie. "Pakawalan mo nga si Lindsy!"
"Ikaw ang manahimik kung ayaw mong pagmumugin kita ng dugo!" balik naman nito.
"Gawin mo. Mahal ang toothpaste kaya magtitiis na lang sa sariling dugo ko! Letche ka!" hinawakan ko siya sa braso para manahimik siya.
"Anong kailangan mo kay Lindsy?" madiin kong tanong.
"Wala." Nakangising sagot niya. "Ginamit ko lang naman siya para makita kita. Miss na miss na kita eh-" nang-uuyam niyang dagdag.
"Nandito na ako. Pakawalan mo siya. Ako ang kailangan mo di ba?" natawa lang siya ng malakas.
"s**t. Ang pangit ng tawa niya. Katunog nong witch sa Snow White." Natatawang ani ni Daphie. Nagsilabasan ang mga kasamahan nila. May mga hawak silang mga bakal at kung anu-ano pa. "Yan na ba ang mga alagad mo? Grabe. Nanghiram ka pa talaga ng mga alagad ni Snow White. Mga mukha silang nuno sa punso." Nang-iinis niyang dagdag.
"Tumahimik ka! Hindi ikaw ang kailangan ko kaya wag kang papansin!" sita naman ni Cheska sa kanya. "Huliin sila!" utos niya.
Pumalibot ang mga tauhan niya sa aming dalawa. Pinagtulungan nilang huliin si Daphnie kaya naiwan ako sa gitna. Ikinulong nila si Daphnie. Nagwawala siya pero hindi siya makatakas. Akmak papaluin ako ng isa sa ulo ko pero agad ko itong nasangga. Hinugot ko ito mula sa kanya saka ko ipinalo sa sikmura niya. Sinugod ulit ako ng sampo sa kanila. Lumundag ako saka ako umikot sa ere. Sinipa ko sila paikot kaya nang dumapo ako sa lupa natumba silang lahat. Hinihingal ako habang nakatunghay ako sa kanila. "Ang tunay na matapang lumalaban gamit ang sarili niya. Gamit ang mga kamay niya." Seryosong ani ko sa kanila. "Pakawalan mo sila." Tinanggal nila ang piring ni Lindsy. Sakto naman na nagkaroon na siya ng malay. Natulala siya nang makita niya ako.
Kinalagan nila si Lindsy. Pinakawalan naman nila si Daphnie. "Shara!" sabay nilang tawag sa akin.
"Mauna na kayo. Susunod ako." Matalim kong utos. Nagkatinginan naman silang dalawa.
"Hihintayin ka namin sa labas." Tumingin silang dalawa kay Cheska. "Humanda ka sa akin babae ka!" matalim na banta ni Lindsy kay Cheska.
"Kakalbuhin kita kapag magpapapansin ka pa ulit!" dagdag naman ni Daphnie. Sabay silang naglakad palabas ng pabrika.
"Kung naglalaro ka, wag kang mandamay ng ibang tao." Seryosong ani ko saka ko siya tinalikuran.
Natawa naman siya ng malakas. "Hindi ako naglalaro Ricky Amarah Fortania Lavitus." Matigas niyang bigkas. Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. "Namiss mo ba ang totoo mong pangalan Shara Mai Coe?" nang-uuyam niyang dagdag. Humalakhak siya ng malakas. "Ang baho ng pagkatao mo! Sana hindi mamatay si Bryle sa sobrang baho." Buong tapang akong humarap sa kanya. "Ricky Amarah Fortania Lavitus. Anak ng isang tanyag na Mafia Boss." Ngumisi siya sa akin. "Layuan mo si Bryle bago pa umalingasaw ang baho mo. Tutulungan kitang itago kung sino ka talaga pero sa isang kundisyon. Stay away from Bryle! Oo, Siya kapalit ng lahat!" pinanlakihan niya ako ng mga mata. Naikuyom ko lang ang mga kamay ko. Paano niya nalaman?
END OF Shara's POV