Codename: 002

1106 Words
Albueva     Tora's POV   Pinuntahan ko ang isang sa mga kasong naka-assign sa akin bago dumiretso sa opisina ngunit hindi ko inaasahan ang masasaksihan ko. Ilang beses kung nakita kung paanong natutumba ang batang si Biboy habang sinisipa ng ama niya ang ulo niya. Iyak ng iyak ang bata ngunit hindi nito kayang labanan ang kanyang ama dahil limang taong gulang palang ito.   "Ang bobo mo talagang bata ka! Kanino ka ba nagmana?!" Sigaw niya uli dito sabay sipa uli sa ulo nito.   Hindi ko na kaya ang nakikita ko kaya bago pa siya masipa uli ng tatay niya ay humarang ako at sinalo ang paa niya.   "Bata lang ba ang kaya mo?" Tanong ko sa kanya.   Nakausap na namin ang tatay ni Biboy tungkol sa ginagawa niyang pananakit sa anak niya. Nangako ito na magbabago ngunit mukhang pinako niya lang ito.   "Bitawan mo ako! Wala kang pakialam kung paano ko didisiplinahin ang anak kong bobo!" Nagpantig ang tenga ko sa narinig.   "Ikaw pala itong bobo eh! Sana hindi ka nalang nag-anak." Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng tinangka niyang suntukin ako. Inilagan ko ito at hinuli ang mga kamay niya. Isang malakas na throw ang ginawa ko kaya bumagsak ang katawan niya habang hawak ko parin ang kamay niya.   Kahit nasaktan nagpupumilit parin siyang tumayo.   "ARG!!" Pinilipit ko ang kasi ang kamay kaya para siya ngayon kiti kiti sahig.   Tumingin ako ngayon kay Biboy na nakatingin lang sa amin. Tumigil na siya sa pag-iyak.   "Biboy, naglalaro lang kami ng tatay mo ok." Sabi ko sa kanya ng nakangiti pero alam ko na mali iitong ginagawa ko. Hindi dapat ito nakikita ng bata.   Pinatulog ko ang tatay ni Biboy sa parang alam ko. Tinusok ko ang mga bahaging alam kong makapagparalisa panandalian sa katawan niya. Nagtagumpay ako at binuhat ko si Biboy.   "Yan Biboy, tulog na ang tatay hayaan na muna nating siyang magpahinga ok." Tumango lang ang bata.   Dinala ko siya sa malapit na himpilan ng DSWD para mabigyan ng sapat na pangangalaga at sinabihan ko narin na patingnan ang bata sa doctor dahil makailang ulit itong sinapa ng ama sa ulo.   Nakakapagod man ngunit nakangiti akong pumasok sa osipina namin.   Ngunit hindi lahat ng tao ay masaya. Binagsak sa harapan ko ni Carla ang mga folder ng bagong kaso na ipinasa sa aming mga social worker ng pumasok si Theus na may dalang kape mula sa starbucks.   "May problema na naman ba sayo si Carla, Tora?" Tanong niya habang inaabot sa akin ang kape ko.   "Isa lang naman ang problema nun sa akin. She's so insecure."   Ang dami ko talagang bisita sa opisina pag-umaga dahil humahangos ang boss namin habang ipinagsisigawan ang pangalan ko.   "Vittoria! Ano naman ang ginawa mo?" Nagpating ang tenga ko pero nasanay naman na ako samantalang napaatras naman si Theus.   "Sir Sandy, hindi ko na kasi maatim na hindi makialam. Grabe na kasi ang pananakit ng ama niya sa bata."   "Kaya ikaw na mismo ang bumugbog dun sa ama? Anong klaseng solusyon yan sa problema? Mas pinalala mo lang ang sitwasyon." Nanlalaki ang mga mata ni Mr. Marlon Sandoval sa akin, ang head ng division namin.   "Hindi ko naman napuruhan yung tatay tsaka nabigla lang naman kasi ako kaya nagawa yun." I did my best para palambingin ang boses ko. Tumayo narin ako para lumapit kay Sir Sandy. Ako lang ang tumatawag sa kanya nun, isang way ng paglalambing ko.   Napapailing at napapangiti nalang si Theus sa ginagawa ko. Hinihimas-himas ko ang likod ni Sir Sandy para mahimasmasan siya at mapakalma. Tamang-tama I have a healing touch.   Naramdaman ko na kumalma naman si Sir Sandy. Nagpakawala siya ng isang maalim na buntong hininga ibig sabihin ay kumalma na siya.   "Ang hindi ko lang masisiguro sa ngayon Vittoria ay kung magsasampa ng kaso laban sayo yung tatay ng bata."   "Sir Sandy, ako ng bahala doon. Maraming akong paraan para labanan ang mapang-abusong taong iyon. Mas marami akong kasong maisasampa sa kanya." Ngumiti ako sa kanya.   "Sige ikaw na ang bahala." Umalis na si Sir at kami nalang uli ang naiwan ni Theus sa opisina ko.   "Ibang klase ka talaga, hindi lang ilang beses na ikaw mismo ang bumubugbog sa taong nang-aagrabyado sa mga tinutulungan mo."   "Paano ang bagal naman kasing kumilos ng kinauukulan dapat pagmay nagsumbong aksyon agad." Nakayukom ang dalawang kamay ko at itinaas ko ito habang sinasabi yun.   "Kaya gusto kita eh."   "Ano?" Hindi ko alam kung tama ang pagkakarinig ko sa sinabi ni Theus.   "Wala. Sige babalik na ako na desk ko may tinatapos pa akong report."   "Hoy! Anong wala...aba't gagawin mo pa akong bingi. Theus!!"   Hay naku! Mga lalaki talaga kung yung iba oportunista si Theus naman ay kabaligtaran. Ang hilig magpalipad hangin, mahilig sa nakaw tingin at sobrang torpe.   May itsura naman si Theus, matangos ang ilong, naka-emphasis ang panga, maayos manamit, gentleman at maganda ang malamlam niyang mata ngunit natatakpan ito ng makapal na salamin.   Kung liligawan niya ako siguro ay bibigyan ko siya ng pag-asa. Kaya assuming much ako dahil hindi ko naman talaga alam kung may gusto nga siya sa akin. Pero honestly speaking ayaw ko pang pumasok sa isang relasyon hindi ko naman mabibigyan ng buo kong atensyon at higit sa lahat nadala na ako sa una.   Ayoko na pag-usapan pa iyon kaya sinimulan ko nalang gawin ang trabaho ko. Ang mga folder na binigay ni Carla kanina ay mga bagong kaso na hahawakan ko. Ang pinagtataka ko ay kung bakit sobrang dami nito.   "Thirty folders? Seryoso ba ito?" Naibulalas ko nalang.   Inis-scan ko ito isa isa at ngayon ko lang lubos naisip kung bakit marami ang folders. Ang kaso ay tungkol sa mga batang katutubo sa isang lugar.   Nabigla ako sa pangalan ng bayan kung saan nakatira ang mga katutubong bata.   Bumukas uli ang pintuan ng opisina ko.   "Vittoria, nabigay na ba sayo ni Carla ang latest assignment mo?" Tumango lang ako kay Sir Sandy. "Sa lalong madaling panahon ay kailangan mong lumipad patungong Albueva. Medyo sensitive ang kasong yan dahil hindi nakikipagcooperate ang mga magulang ng mga katutubong bata. The government needs our help to solve this. Kasama mo si Theus sa kaso kaya lang kailangan mong mauna dahil may tinatapos pa si Theus."   Nakatingin lang ako kay Sir Sandy, pilit dina-digest ng utak ko ang mga sinasabi niya.   "I'm counting on you on this case Vittoria. You are one of the best social worker here kaya sayo ko binigay ang kaso. Good luck." Pagkasabi nun ay umalis na si Sir.   Doon ka lang din napansin na hindi para ako huminga ng mga sandaling iyon. Malakas akong bumuga ng ng hangin.   Is this a dream?   Pero sabi nga ni apoy hindi ko maiiwasan ang Albueva habang buhay...   Tumunog ang cellphone ko at nakatanggap ako ng message tungkol sa lokasyon ng mga paintings na kinuha sa pamilya namin.   Coincidence or meant to be?   Ang lokasyon ng painting na ginawa ng isang batikang pintor na regalo sa lolo ng lolo ng lolo ko sa side ni mama na ibabalik ko sa pagmamay ari namin ay nasa.   From: AnonymousTracy Yun painting ng Aurora Borealis ay nasa Albueva.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD