Maria Clara
Third Person's POV
Nagmamadali ang mga bantay ng isang museo dahil sa malakas na tunog ng alarm system nila. May nakapasok na magnanakaw sa third level ng museum kung nasaan nakalagay ang ilang sa mga mamahalin nilang display.
Malapit na sila sa bukana ng bulwagan sa ikatlong palapag ng napansin nila ang basag nalalagyanng tiara na nagkakahalagang ng kalahating bilyon piso.
Nataranta sila ng mapansin nawala na ang tiara dito. Mas binilisan pa nila ang paglapit ditto ngunit hindi nila napansin ang habi ng mga lubid sa iba't ibang panig ng bulwagan. Nagmistulang mga insekto ang mga bantay na hindi makaalis sa lubid na parang sapot ng gagamba.
"s**t! Anong klaseng lubid ito."Dahil sa pagpupumilit namaka wala sa lubid ay lalo itong humuhigpit.
"Wag nakayong magulo lalo tayong sumisiksik dito."
Biglang sumimoy ang malakas na hangin nagmumula sa labas dahil sa pagbukas ng malaking bintana at makikita dito na malalim na ang gabi. Lahat ng bantay ay napatingin sa gawing bintana at naaninag nila ang isang babae isinasayaw ng hangin ang mahabang buhok.
"Hello boys." Lahat sila ay nahalina sa malambing na boses niya. "Pasensya na pala sa abala. Binabawi ko lang ang sa akin."
Napatigil ang lahat ng makarinig ng wangwang ng mga sasakyan ng pulis mula sa ibaba.
"Oppss! Kailangan ko ng umalis." Nag-flying kiss sa kanila ang babae at nagpatihulog sa bintana na una ang likod.
Dumating ang mga awtoridad sa ikatlong palapag ngunit agad silang binalaan ng mga bantay tungkol sa madikit na mga lubid.
"Panglimang beses na itong nangyari sa loob lamang ng isang buwan. Wala pa rin bang nakaka kilala sa babaing yun?" Tanong ng hepe ng pulis sa isang lalaki na masusing tinitingnan ang maninipis na lubid na nakapalibot sa buong bulwagan.
Humarap ang isang lalaki."Matagal na ako sa larangang ito Chief pero ngayon lang ako naka engkwentro ng magnanakaw na katulad nito."
May inilabas na isang matalas nabagay ang lalaki at gamit ito pinagpuputol niya ang mga lubid patungo sa estante na kinalalagyan ng tiara.
"Maraming salamat sa pag-iingat nito. Maria Clara." Binasa ng lalaki ang isang papel na iniwan kapalit ng nawawalang tiara. "Laging nag-iiwan ng ganitong sulat ang magnanakaw na nagtatago sa pangalang Maria Clara."
"Hoy! Umalis ka dyan this is a crime scene bawal galawin ang mga bagay na nandito ngayon." Sigaw ng isa pang lalaki nakararating lang.
"Inspector Grihaldo siya si Detective Zaguirre siya ang may hawak sa kaso ngayon ni Maria Clara."Pinigilan ng hepe ang paglapit ni Insp. Grihaldo kay Detective Zaguirre. "Mas mainam na magtulungan nalang tayo para malutas ang kasong ito sa lalong medaling panahon."
"Pasensya na hepe."Hinging paumanhin ng inspector na nasa edad 25 pataas. "Sa inyo rin Detective Zagguire." Tumango naman sa kanya ang detective.
"25 years na akong detective pero nahihirapan akong sundan ang mga bakas na iniiwan ni Maria Clara. Kung pagbabasehan mo ang mga ninanakaw niya wala itong koneksyon sa isa't isa maliban na lang na mga gamit ito ng iba't ibang maharlikang pamilya noon. Ang isa pa sa ipinagtataka ko bakit lagi siyang nagpapasalamat sa mga ninanakawan niya?"
"Hindi lang yun magaling siyang gumawa ng mga ilusyon at lubid na maninipis at matibay ang ginagamit niya sa pagnanakaw."Dagdag pa ng detective.
Naglakadang detective patungo sa bintana kung saan tumakas si Maria Clara. Mataas pa rin ang babagsakan sa oras natumalon ka sa posisyon iyong ngunit hindi makapaniwala ang detective sa lakas ng loob nito.
"Sa oras namagkamali ka mahuhuli din kita Maria Clara."Mahinang sambit ni Detective Zagguire.
Tora's POV
"Vittoria Ganesa McLine, ginabi ka na naman. Uwi ba ito ng matinong babae." Kinabahan ako doon pero hindi pa ba ako nasanay sa lolo ng lolo ko.
"Apoy naman...alam nyong may schedule ako ngayon." Umiiling-iling lang ang lolo ng lolo ko.
Apoy ang tawag sa pinaka matandang miyembro ng angkan namin ngunit kung titingnan si Apoy mas malakas pa ito sa sampung kalabaw.
Vincent Gregory McLine Sr., yan ang buong pangalan ni Apoy at dito ako nakatira sa bahay niya.
Mula sa Estados Unidos sila na dito na nanirahan sa Pilipinas at nagkapamilya. Sinunod sa kanya ang pangalan ni lolo at ni Daddy. Si Vincent Gregory McLine Jr., at Vincent Gregory McLine III at ako ang kaisa-isa niyang apo sa tuhod.
Ang mommy ko naman ay mula sa bayan ng Albueva. Halos buong angkan niya ay doon naninirahan. Meredith Serena McLine ang pangalan niya. Isang photographer si daddy na nainlove sa kagandahan ng Albueva at ni mommy. Ang ganda ng love story nila pero dahil sa akin...hindi na ito tumagal.
Pinunasan ko ang isang takas na luha sa akin mata. Kung hindi dahil sa akin buhay pa sana silang dalawa. Sana nandoon parin ako sa Albueva. Sana hindi nagkalat ang mga ari-arian nila mommy. Ang daming sana...
Kinuha ko ang tiarang ninakaw ko sa museo at pinagmasdan ito. Isa ito sa limang royal gift ng pamilya ni mommy. Ngayong tapos ko ng kunin ang mga ito ang susunod naman ay ang mga paintings.
Naglakad ako patungo sa kusina may pintuan doon na nagdudugtong sa garage kung nasaan ang mga vintage na kotse ni Apoy. Mayroon doong underground passageway kung saan ko itinatago lahat ng mga gamit ng pamilya ko na nabawi ko na.
Pagkarating ko sa lugar lumapit ako sa isang rack kung saan nakalagay ang mga royal gifts. Ang chalice, scepter, necklace, golden ring at inilagayang tiara doon.
Nahagip ng paningin ko ang isang larawan. Pinagmasdan ko ito na nasa lamesa sa gilid ng rack. Ang larawan kung saan magkakasama pa kami noon sa Albueva. Dalawang taong gulang ako doon at kasama pa namin doon si Tita Maribel. Ang kapatid ni mommy at ang anak nitong 6 months palang noon na si Baby Nira. Kuha ito sa kuta ng rebelyon sa bundok at sa likod namin ay ang mga kasamahan namin sa pagrerebelde.
Sabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak pero hindi ko mapigilan.
Mas lalong namuo ang hangarin ko at ipinapangako ko na matutupad ko ito.