Stuck On You
Tora's POV
Isang kilalang pamilya ngayon ang nagmamay-ari sa painting ng Aurora Borealis. Ang larawan ng isang napakagandang tanawin na likha ng kalangitan.
Ang pamilya Hordonez ay kamag-anak ng kasalukuyang pamilya na namamalakad sa buong bayan Albueva na halos tatlong dekada ng namumuno sa bayang iyon.
Marami paring nagbubulag-bulag sa pamamalakad ng pamilyang iyon. Maunlad man ang tingin nila sa Albueva sa loob naman nito ay nabubulok na.
Papasok na ako ngayon sa departure area at kinakabahan ako sa mga maaaring mangyari sa pagbabalik ko sa Albueva.
Kaunting gamit lang ang dala ko at kasalukuyan kong hinahanap ang upuan ko dito sa eroplano. Second seat sa gitnang bahagi ng eroplano. May nakaupo na sa window seat isang lalaki na kasalukuyang nag-eenjoy sa pakikinig ng music dahil sa malaking headset na nakapasak sa tenga niya may papadyak padyak pa ng paa at nakapikit na dinadama ang kanta.
Tinikom ko ang bibig ko dahil anong oras ay baka tumawa ako ng malakas dahil sa nakakatuwang itsura nung lalaki. Minabuti ko nalang na ilagay ang gamit ko sa compartment umupo ako at inayos ang sarili.
Sinimulan ko agad ang trabaho ko nung nasa himpapawid na kami. Inilabas ko ang aking tablet, isinuot ang reading glass at sinimulang basahin ang history ng tribo ng mga bata.
Apektado ang lupain nila sa ginagawang pagmimina sa lugar nila. Binigyan na sila ng lugar para sa relokasyon ngunit matigas ang paninindigan ng kanilang pinuno at nakakatandang miyembro na hindi sila aalis sa lupain ng kanilang ninuno.
Nanggagalaiti ako ngayon dahil sa inis but I need to suppressed my feelings dahil baka dito ako magwala sa eroplano. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko para makaisip ng paraan kung paano ko sisimulan ang pagtulong at ang aking misyon.
Sumandal ako upang i-relax ang isip ko ng maramdaman ko ang isang mapanuring mata ang kasalukuyang nakatingin sa akin.
Inayos ko ang eyeglass ko bago nilingon ang lalaki sa kabilang upuan. Pinagmamasdan niya ngayon ang tablet ko kaya itinaob ko ito.
Tinaasan ako ng kilay ng loko lokong ito ha! Tinaasan ko rin siya ng kilay at nakipagtitigan ako sa kanya pero nawala ang pokus ko ng bigla siyang ngumisi.
"You lose."
"You lose ka dyan tsismoso."
Tinawanan niya lang ako at bumalik na siya sa pakikinig niya dahil isinuot na niya ang kanyang headset.
'Attention passenger. Pansamantala po munang maaantala ang paglapag natin sa paliparan ng Albueva dahil sa mga naglipanang ibon sa runway. Kailangan po munang maialis ang mga ibon bago tuluyang lumapag ang eroplano. Konting pangunawa lang ang aming hinihingi. Maraming salamat po.'
Napabuntung hininga nalang ako pero nagtataka rin at the same time. Di ba dapat ay nai-clear na nila ang runway. Gusto ko sanang sumilip man lang sa bintana kaya lang nevermind.
"Ang daming ibon." Sabi nung lalaki. "Pero hindi naman sila yung klase ng migrant bird at bakit naman sila aalis eh ang daming gubat dito sa Albueva."
"Aba malay ko bakit di mo itanong sa kanila." Pabulong kong comment pero kung ganun nga ang nangyayari ay malaking question mark nga iyon.
"May sinasabi ka Miss?"
"Wala." Umirap nalang ako.
Mukhang matatagalan pa kaming paikot ikot dito sa itaas dahil kailangan ng lumayo ng eroplano sa mga nagliliparang ibon upang maiwasan ito. Delikado kasi oras na sumagi ito sa mga elisi ng eroplano pwede kaming mag-crash.
Nakakainip na pero wala naman akong magagawa. Hindi tulad nitong lalaki sa tabi ko nakuha pang kumanta hindi nalang sarilinin.
"Stuck on you got this feeling down deep in my soul that I just can't lose. Guess, I'm on my way. Needed a friend and the way I feel now I guess I'll be with you till the end. Guess I'm on my way. Mighty glad you stayed."
Napalingon ako sa kanya...ano bang trip nito?
"I'm stuck on you, been a fool too long I guess it's time for me to come home. Guess I'm on my way. "
Napansin niya yata ang paglingon ko sa kanya kaya dumilat siya at kinindatan ako. Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit nginisian niya lang ako. I look another way around para makaiwas sa titig niya.
"So hard to see that a woman like you could wait around for a man like me. Guess I'm on my way. Mighty glad you stay."
Pwede na. Nasa tono naman ang pagkanta niya at feel na feel niya kasi may papikit-pikit pa siyang nalalalaman kanina. Kaya lang may kakaiba talaga akong nararamdaman sa lalaking ito, hindi siya pangkaraniwan.
At mula sa title ng kanta niya na-stuck kami sa ere ng isang oras bago tuluyang makalapag. Umunat-unat ako dahil sa pangangalay bunga ng mahabang pagkakaupo.
"Tapos ka ng mag-unat miss? Pwede ka ng maglakad palabas o tumabi para makadaan ako." Bumuntong hinga nalang ako at pinauna siyang lumabas.
Ang taray ni Kuya! Well medyo ang tagal ko nang nag-uunat kaya hindi ko siya masisisi. Tumabi ako at hinayaan siyang makadaan. Habang papalabas sa airplane ay naka-received ako ng message mula kay AnonymousTracy.
From: AnymousTracy
Mamayang gabi mayroon gaganaping pagsasalo-salo sa bahay kung nasaan ang painting.
Mabilis akong nagreply sa kanya. Habang binabaybay ko na ang daan palabas sa paliparan.
To: AnymousTracy
If that's the case send them a note. I want to play with them.
Pagkapindot ko ng send button bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa paligid. Parang nag-slow motion at mula sa kinatatayuan ko natatanaw ko ang lalaking katabi ko sa plane. Nakasunod lang ako sa kanya sa malawak na hallway na ito ng airport.
"Tulong!! Magnanakaw!!" Narinig kong sigaw.
Aba't mayroon pa palang maglalakas ng loob na magnakaw dito sa loob ng airport.
May mabibilis na lalaking dumaan sa gilid ko at maraming mga yabag na nakasunod sa kanya. Hindi maalis ang tingin ko sa lalaki ngunit bigla na-focus ang tingin ko sa lalaking nakatabi ko sa airplane. Bigla itong yumuko at inayos ang sintas ng sapatos niya. Paparating na ang lalaki magnanakaw sa direksyon niya at mapansin ko ang mabilis na pagkilos ng paa niya upang patidin ito at nagtagumpay siya.
Umaarte pa siya nagulat at napatalon kaya naapakan niya ang kamay nung magnanakaw at nabitawan nito ang dala niyang bag.
"Sorry hindi ko sinasadya."
Mabilis sumaklolo ang mga airport police na kanina pa nakasunod sa kanya at inayos ang mga kumpulan ng taong nabubuo ngayon. Hinuli nila ang magnanakaw at nagpasalamat doon sa lalaki.
Nang makaalis na sila ay tsaka ako lumapit sa lalaki na nagpagpag at inaayos ang sarili.
"Pang-best actor ang acting." Nabigla yata siya sa pagsulpot ko.
"Bilib ka naman!" Pero mahangin talaga ang isang ito.
"You don't impress me much."
"Oh! Really?! I don't think I need to impress anybody. If you'll excuse me I need to go."
Nang nakaalis na siya at mawala na sa paningin ko ay hindi ko mapigilan ang tawa ko. Paanong akong maiimpress sa kanya eh nakatulong nga siya sa paghuli sa magnanakaw tapos hindi niya naramdaman na ninanakawan siya...na ninanakawan ko siya.
Hawak ko ngayon sa mga palad ko ang wallet niya. Wala talagang makakatalo sa malikot kong kamay. Hahahaha!
Nakakacurious kasi ang lalaking yun kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko. Binuksan ko ang wallet niya at tinginan ang i.d. niya.
Kaya pala ngayon alam ko na...
Andrei Luis Ravendale ang pangalan niya at isang siyang agent.
Anong gingawa ng isang agent dito sa Albueva?