Codename: 004

1402 Words
Aurora Borealis     Tora's POV   Kinagabihan ay nagtungo ako sa nasabing pagtitipon na nagaganap ngayon sa mansion ng kamag-anak ng pinaka makapangyarihang pamilya dito sa Albueva...ang mga La Grosa. Masquerade ang tema ng pagtitipon kaya nakamaskara lahat ng imbitado.   Ang mga La Grosa sa pangunguna ni Bernard La Grosa at ng asawa nitong si Catalina La Grosa ang dahilan kung bakit nagkaroon ng isang napakalaking rebelyon noon. Hanggang ngayon ay meron parin naman ngunit nagagawa na nila itong kontrolin.   Hindi ako imbitado ngunit nagawan ko ng paraan upang makapasok. Napakalaki ng buong mansion at ipinagsisigawan nito kung gaano kayaman ang nakatira dito.   Iba't ibang klase rin ng mga tao ang dumalo sa pagtitipon at halos lahat ay mula sa alta ng bayan ng Albueva. Mga kapitalista, negosyante, haciendero, mga propesyunal at hindi mawawala ang mga pulitiko dahil sa nalalapit na naman ang eleksyon.   Habang abala ang lahat sa pakikipag-usap, sa pakikipagyabangan at plastikan. Abala naman ako sa pag-iikot-ikot ng ng humantong ako sa pakay ako ay laking tuwa ko.   Maraming nakapalibot ngayon na mga bodyguard ng mga La Grosa sa isang painting, ang painting ng Aurora Borealis. Maging kapulisan at mga sundalo ay nasa bahaging ito ng mansion ni Marciano La Grosa Hordonez. Napangiti ako dahil akala ko ay babalewalain lang nila yun.   Nakatanggap sila ang ng mensahe na pinadala ni AnymousTracy sa kanila na nanggaling sa akin. Grabe ang excitement na nararamdaman ko dahil dito. Kahit gaano nyo pa protektahan ang painting na yan sa akin din ang bagsak niyan.   Pinagmasdan ko ang buong paligid. Inalam ko ang posisyon ng mga bodyguards, police at sundalo sa palibot ng painting. Marami rin nilagay na CCTV sa paligid. Inalam ko din ang posisyon ng bawat CCTV at naghanap ako ng blind side kung saan ko sisimulan ang gagawin kong palabas.   Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si AnonymousTracy.   "Game ka na ba?" Tanong ko habang naglalakad sa isang bahagi ng mansyon.   'Kanina pa ako handa Maria Clara, Break their neck.' Sabi ni AnymousTracy gamit ang kanyang robotic na boses. Pagkasabi niya noon ay biglang nakarinig ako ng pagsabog. 'Sabi ko naman sayo eh. Hahahaha. Happy new year.'   "Ok I'll do my part na. Bye!"   I need a diversion para magawa ko ang pagkuha sa painting. Ang pagsabog na iyon ang isa sa mga diversions at sa pamamagitan noon ay maaagaw ang atensyon ng lahat ng tao dito sa loob ng masion.   "Wow! Ang aga naman nilang sinindihan ang fireworks display. Hindi pa nga nag sisimula ang programa." Rinig kong sabi ng isa sa mga panauhin. Nagtitipon tipon sila ngayon sa isang bintana habang ang iba naman ay lumabas upang saksihan ang fireworks display ng malapitan.   Actually, ngayon palang magsisimula ang programa at ako ang magiging host.   Mabilis kong hinubad ang damit kong suot kasabay noon ang pagpapalit ko ng damit bilang si Maria Clara ang dakilang kawatan. Hahahaha!   Nakita agad ako ng mga bantay ni Aurora kaya agad silang naglabas ng baril at itinutok sa akin. Tumakbo ako pasulong at inilabas ang mga smoke bomb na dala ko. Agad silang nagtakip ng ilong dahil hindi lang iyon basta basta smoke bomb may kasama itong chemical na nakakapagpatulong sa makakalanghap.   Habang busy sila tsaka naman ang takbo ko patungo kay Aurora. At ng sa wakas ay nakuha ko na siya maingat ko itong nilagay sa isang special na lalagyan at isinukbit sa balikat ko.   "Akala mo ba naisahan mo kami!." Napalingon ako sa isang pulis na nakatayo sa harapan ko at may hawak na isang uri ng vacuum. Napataas ang kilay ko.   "Ngayon na ang itinakdang araw para madakip ka namin Maria Clara." Sabi pa niya.   "Tama na ang daldal Insp. Zaguirre, hulihin mo na siya at iposas." Sabi nung isang kasama niya.   "Impressive!" Sabi ko using the robotic voice ng mask ko. "Pero hindi masyado." Dismayado kong habol.   "Anong--."   I snap my fingers at bigla nalang nagkasunog sa bahagi kong saan ko hinubad ang damit ko kanina. Mabilis kumalat ang apoy dahil sinigurado kong malapit ito sa isang malaking kurtina. Dahil doon ay gumana ang sprinkler system at alarm ng mansion.   Hindi alintana ng mga guest ang nangyayari sa loob dahil masyadong silang naaaliw ngayon sa fireworks display ni AnonymousTracy kasabay pa ang isang masarap sa tengang musika na sinasabayan nito.   "It's raining!" Masaya kong sabi habang dinadama ang tubig mula sa sprinkler.   "Guys! Focus mag niyong iwawala ang atensyon niyo kay Maria Clara!" Sigaw ng head ng mga pulis.   Ito na ang hudyat para gamitin ko ang isang illusion. Nagulat ang mga bantay ng bigla akong dumami. Nakagawa ako ng maraming ako using the water at mabilis akong sumibat sa eksena. Dahil sa iba't ibang dereksyon ng sprinkler iba't ibang direksyon din ang naging galaw ng mga duplicates ko.   "Huwag nyo siya hayaang makatakas!" Sigaw nung Insp. Zaguirre habang isa isa nilang dinadakma ang mga illusion ko.   Nakangiti naman ako habang tinatahak ang daanan ng masion sa likod. Wala parin tao dahil hanggang nagyon ay patuloy parin ang fireworks.   Nasa isang pasilyo na ako nang may marinig akong pumapalakpak sa unahan ko.   "I never imagine that I will witness how the illusionist theft with the name of Maria Clara works." Boses palang niya alam ko na kung sino ito.   Yung agent na si Ravendale.   "Good for you and that will be your last!" Ngumisi lang ito.   "Or your last? Hindi ko alam ang mga dahilan mo kung bakit mo ginagawa ito pero sa mata ng batas mali ang ginagawa mo."   "To hell with your law!" Bigla siyang tumakbo sa direksyon ko.   Umatras agad ako dahil ang painting sa likod ko ang target niya. May pinindot ako sa mask ko upang makausap si AnonymousTracy.   "May nakaharang sa daraanan ko. I need to safety the painting." Kausap ko siya habang iniiwasan ang sunud sunod na pag-atake sa akin nung agent. Nadale niya ako sa tyan kaya napaatras ako.   Leche ito hindi gentleman!   'Umakyat ka sa hagdan sa likod mo, tumakbo ka pakanan may bintana doon ihulog mo ang painting.'   "Ok copy." Mabilis akong umakayat patungong second floor nakasunod naman sa akin yung agent. Nang makita ko na ang bintana iniangat ko agad ito at inilaglag ang painting. Tatalon narin sana ako ng mahablot nung agent ang paa ko.   "You are going nowhere." Sabi niya habang inaabot ang kamay ko para posasan. Pinagmasdan ko ang isang droid ngayon na papalayo na sa mansion.   Napangiti ako! Mission accomplished. Ito nalang si Ravendale ang poproblemahin ko.   Nagtagumpay siya na posasan ako at iniharap niya ako sa pagkakadapa ko sa sahig.   "Now let's see kung sino si Maria Clara sa likod ng maskara." Nakangisi niyang sabi habang tinatanggal niya ang maskara ko. Balak ko pa sanang iuntog ang ulo ko sa kanya ngunit naging maagap siya. Idiniin niya ang pagkakahawak sa ulo ko at ginamit ang katawan niya, dinaganan niya ako upang hindi ko maigalaw ang upper body ko. Inipit naman ng binti niya ang lower body ko para hindi ko magamit ang mga paa ko.   Mukhang mahihirapan akong makawala sa isang ito.   "Tsk! Tsk! Wag ka na kasing pumalag." Dahan dahan na niyang tinataas ang maskara ko habang sinasabi yun.   Nagtagumpay siyang tanggalin ang maskara ngunit dahil madilim ang pwesto kinalalagyan namin ngayon alam kong hindi niya makita ang kabuuan ng mukha ko.   Dahil wala na akong choice I need to do this... dahan dahan kong inilapit sa kanya ang mukha ko tanging ang ilaw na mula sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa pwesto namin.   Alam kong klaro na niyang nakikita ang labi kong nakangisi ngayon. Pasensya na ito lang ang tanging paraan para makatakas ako sayo.   I kissed him...yung madiin sa kanyang mga labi. Nabigla rin yata siya sa ginawa ko pero maya maya ay bigla nalang siyang bumagsak.   "Hahahahahaha!" Hindi ko mapigilang hindi tumawa dahil sa ikalawang pagkakataon naisan ko na naman ang agent na ito.   Ang halik ni Maria Clara ay sadyang kay tamis ngunit minsan ay nagdudulot ito ng panganib dahil sa katagalan ikaw ay mahihimbing at maaaring hindi ka na magising.   Natatawa nalang ako sa patulang kasabihan na biglang nabuo sa isip ko.   Sa isang iglap ay nakawala ako sa pagkakaposas kahit walang susi. Kinuha ko ang maskara ko at isinuot uli.   "Don't worry sleeping chemicals lang naman ang ginamit ko kaya hindi ka mamamatay." Nagtungo ako sa bintana at pinagmasdan ang huling pasabog. Isang makulay na fireworks na replica ng Aurora Borealis. Isang phenomenom na minsan lang nangyayari sa kalangitaan na napakaganda talagang pagmasdan   Sumampa ako sa bintana ng makarinig ng ingay. Pinagmasdan ko uli si Agent Andrei Luis Ravendale na parang si sleeping beauty ngayon or rather sleeping handsome.   "I enjoy the kiss."   Tumalon ako mula sa second floor at sa pagtakas ko palayo sa mansion ay natatanaw ko sa kalangitan ang unti unting paglaho ng Aurora Borealis na maihahalintulad sa matagumpay kong pagnanakaw sa painting nito.   Sa pagkawala nito pumalit dito ay isang nakakatuwang fireworks ang pumalit na naiwan ng isang mensahe.   Thanks you! -Maria Clara        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD