Bright Idea
Tora's POV
Ang nangyaring pagnanakaw ni Maria Clara sa painting ng Aurora Borealis sa mansion ni Marciano La Grosa Hordonez ang naging napakalaking headlines sa mga pahayagan ngayon sa Albueva. Nasa isa akong coffee shop habang binabasa ang balitang ito isang local newspaper. Napangiti ako sabay higop ng kape.
Ni hindi man lang nga ako pinagpawisan sa mission kong yun.
Humigop uli ako sa tasa ko ng kape ng mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na tao. Hindi ko malilimutan si Don Enrico Natividad isa sa mga utak ng rebelyon dito noon ngunit sa sobrang galing niyang magtago ng ebidensya na kasapi siya sa rebelyon ay hindi siya makasu-kasuhan ng mga La Grosa.
Mabilis kong itinaas ang dyaryong hawak ko upang itago ang mukha ko sa kanya.
Kilala pa kaya niya ako?
Siguro hindi na sa tagal ko ba namang nawala sa lugar na ito e...pero hindi. Isa siya sa tao na kahit matanda na ay malakas parin ang memorya.
Minabuti ko nalang ang magkubli habang pinapanuod siyang nakikihalubilo sa mga tao dito sa coffee shop. Maayos ang pakikitungo sa kanya ng halos lahat ng tao dito sa maging siya ay laging may nakalaang ngiti para sa lahat.
Hindi ko namalayan na halos maexpose na ang mukha ko sa sobrang aliw ko sa pagsubaybay sa galaw niya kaya laking gulat ko ng tumingin siya sa direksyon ko.
Napatayo akong bigla kahit hindi pa ako tapos sa breakfast at coffee ko ay mabilis kong niligpit ang mga folders ng irereview ko at inilagay sa shoulder bag. Nagmamadali akong makaalis sa coffee shop at ng makalayo layo na ako ay tumakbo ako pabalik sa hotel kung saan ako ng naka-check in habang nandito ako sa Albueva.
Pagpasok ko sa entrance ay doon ako huminga ng malalim. Parang akong kriminal na ayaw magpahuli sa ginagawa kong pagtakas kay Don Enrico.
Naglakad ako patungong elevator nang mamataan ko si Bernard La Grosa kasama ang mga bodyguards niya. Hindi naman ito kasama sa misyon ko pero may nagsasabi sa utak ko na kailangan ko siyang sundan.
Maingat ako sa pagsunod sa kanila ngunit mahihirapan yata ako pagdating sa elevator dahil doon sila sumakay sa pang-private pero sabi ng instinct ko ay ipagpatuloy ko lang ang pagsunod. May gwardiya nakabantay sa private elevator kaya noong sumarado na ito ay agad akong lumapit sa kanya at minabuting magtanong.
"Good morning manong guard." Binati ko siya using may so malambing voice. "Pwede po bang magtanong?" Nagtatanong na kaya ako ano ba.
"Ano po yun ma'am."
"Yung private elevator naka-fix ba yan sa isang floor lang?"
"Ayy hindi po ma'am tatlong floor po ang sineserve ng elevator na ito sa 10th floor kung nasaan ang function room, sa 12th floor kung nasaan ang mga presidential suit, at sa roof top kung nasaan ang mga penthouse at helipad." Magalang niyang sagot.
Bingo! Sa itusra kanina ni Mr. La Grosa patungo yata ito sa function room.
"Ok maraming salamat manong guard." Agad akong sumakay sa public elevator kuno may private eh malamang public ito. Pinindot ko ang 10 para dalhin ako nito sa function rooms ng hotel.
Pagdating ko sa tamang palapag katahimikan ang bumungad sa akin. Parang napaka deserted ng 10th floor dahil walang katao tao pero in fairness sa buong floor, maganda ang kabuuan nito para kang nasa sinaunang palasyo.
Pumikit ako at pinukos ang sarili sa pakikinig ng makarinig ako ng konting ingay sa isang bahagi nagsimula akong maglakad patungo doon.
Mabilis akong nagtago ng maaninag ko ang mga bodyguards ni Mr. La Grosa na nakabantay sa isang pinto. Mabilis akong lumihis ng direksyon. Napakamot ako ng ulo.
Hay naku! Yan Tora sugod pa more! Ngunit nandito narin lang naman ako bakit hindi ko na lubos lubusin.
Napansin kong gawa sa sliding window ang bintana dito sumilip ako at napansin na pwedeng maapakan ang gilid ng pader ngunit kailangan ko lang mag-ingat dahil makitid ito. Tiyak na pagnalaglag ako dito. Isang maling galaw ko lang plakda ang beauty ko. Tatlong bintana ang kailangan kong tawirin bago ko marating ang bintana kung saan naroroon si Mr. La Grosa.
Maingat ako sa pagtawid kahit mabilis ang pagkilos ko. Sa isang iglap nakarating ako sa tamang kwarto. Dahan dahan kong ini-slide ang bintana. Isang mini office ang napasukan ko at nung binuksan ko ang pinto palabas dito...
Isang board room ang nakikita ko at may mga tao ngayon na nagkakaroon yata ng meeting. Inilabas ko ang cellphone ko para kunan ang nangyayari. Ipinukos ko sa mga mukha ng mga nagmemeeting ngayon ang camera. Halos lahat sa kanila ay may matataas na posisyon dito sa Albueva at ang isa naman ay may mataas na katungkulan sa AFP isang general.
"Natapos na namin ang first phase ng pagpapatag sa Linanggo."
"Dapat nag-ingat kayo sa pagpapatag dito dahil hindi ko nagustuhan ang nangyari. Muntik ng makaagaw ng pansin sa mga environmentalist ang nangyaring bird migration. Yun dapat ang inuna nyo. I want this project to be successful dahil malaki ang investment ko dito."
"Hindi na po iyon mauulit Mr. La Grosa, na control naman po namin ang sitwasyon at nagawan namin ng paraan para hindi na ungkatin ng media ang nangyari sa mga ibon."
Napatakip ako ngayon sa bibig ko dahil gusto ko magmura.
Shit! Damn! Son of a - ahh basta mga bwisit! Ang Linanggo ang isa sa pinakamalaking rainforest dito sa Albueva at tahanan ito ng napakaraming hayop at ang iba sa ito ay mga endangered species na. Anong na naman kabulastugan ang ginagawa nila doon?
Dahil hindi ko ma-contain ang nararamdaman kong inis naitulak ko ang pinto ng mini-office kaya lumikha ito ng ingay. Ito ang dahilan ng pagtigil sa ginagawa kong pagmamanman.
"Sino ka! Habulin nyo!"
Mabilis akong tumakbo pabalik sa bintana at imbis na bumalik sa dinaanan ko kanina pinili ko nalang lumambitin at pababa sa ikasiyam na palapag at pababa pa para makarating sa ikawalo kung nasaan ang kwarto ko. Paglambitin ko papasok sa isang pasilyo nadismaya ako dahil kailangan ko pang umikot dahil nasa kabilang side ang kwarto ko.
Wala akong choice kundi pumasok sa isang kwarto dahil naririnig kong sinusundan ako ng mga bodyguards kung saan ako dumaan mabuti nalang at may malapit na kwarto dito at bukas dito. Dahan dahan kong isinarado ang pinto ng makapasok ako at nagtago sa isang sofa kung saan busy ang umukupa ng kwarto sa pagkain ng almusal at may kausap yata via video call.
Kaya siguro bukas ang pinto ng room niya kasi nagpadeliver ito ng pagkain at hindi na naisarado dahil may call waiting.
“Kamusta Drei?”
"Ito nasimulan ko na ang pagmamanman kay Marciano Hordonez. Hindi naman ganun kahirap ang misyon ko kaya lang may asungot."
Pang-ilang beses ko na bang natuptop ang bibig ko ngayon sa mga nangyayari. Coincidence lang ba itong nangyayari? Bakit sa dinami-rami ng kwarto dito sa hotel na ito sa kwarto ni Andrei ako napadpad.
“Sinong asungot yan chicks ba?” Iba ang boses nung nagtanong dalawa siguro kausap nito.
"Oo chicks na asungot at masakit siya sa ulo. Hanggang ngayon bangag parin ang utak ko hindi ko alam ang anong lason meron sya. Hindi ko tuloy nakita yung mag-files na kailangan ko dahil mas nagtagal ako sa pagkakatulog kesa sa paghahalughog."
Asungot? Ako?! Sa ganadang kong ito asungot ang tingin niya sa akin. Eh kung sapakin ko kaya ito! Siya kaya itong pakialamero, nakikialam sa misyon ng may misyon.
“Yun oh! Hahahahaha!” Sabay na sabi nung kausap niya.
"Hoy! Mga ugok alam ko yang nasa isip nyo at never na mangyayari yang iniisip nyo."
“Ito na ang simula si Ms. Asungot ang sagot!”
"Shut up bro! May mas malaki talaga akong problema ngayon kesa dyan...nawawala yung wallet ko na may laman ng real informations ko."
“Ang kawawang agent may baril at may bala may bulsa nawawala ang pitaka.”
"Kadiri ka Ros, wag ka nga kumanta."
Ang speaking of that wallet dala ko pala yun dito sa shoulder bag ko.
Si Marciano Hordonez pala ang target ng agent na ito kaya nandoon siya sa mansion.
"Sige una na ako sa inyo may pupuntahan kasi akong site dito na kailangan kong imbestigahan." Nataranta ako bigla dahil hindi ko alam kong saan ako ngayon magtatago. May naririnig kasi akong paparating na yabag sa labas ng kwarto niya.
"Aray!" Ang sakit nun ha! Bigla ba naman niyang inatras yung sofa na inuupuan niya e doon ako nakatago.
Mabilis siyang lumapit sa akin.
"Ikaw yung babae sa airplane, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Gulat na gulat siyang makita ang kagandahan ko.
Grabe naman ito lalaking ito ang lakas ng loob na mag-boxers sa harapan ko. Tapos na ako mag-almusal noh though bitin ako.
"Sshhh..." Sabi ko sabay punta sa pinto at ni-lock ito.
"Oy! Oy! What are you doing?"
"Pwede ba makisama ka kahit ngayon lang." Tahimik siya habang nagsasalita ako at nakapokus lang ang mata niya sa bawat pagbuka ng labi ko. Napataas tuloy ako ng kilay. Problema nito?
Napailing siya at napahawak sa ulo niya. Bangag pa nga talaga ito. Baka na high sa sleeping kiss ko. Hahahaha.
Nakarinig kami ng katok sa pintuan ng unit niya. Sinilip naman niya kung sino ang tao sa may peep hole.
Nagulat ako ng sinenyasan niya akong matungo sa isang kwarto. Sumunod naman ako mas ok na ito kesa mahuli ako ng mga tauhan ni Mr. La Grosa.
Isang very neat na kwarto ang napasukan ko. Dito siguro siya natutulog dahil medyo magulo pa ang kama. Tinanggal ko ang shoulder bag ko at ipinatong sa isang lamesa. Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan upang pakinggan ang pinag-uusapan ni Andrei at nung mga tauhan ni Mr. La Grosa.
"Hindi na ba uso ang privacy ngayon?" Nakikipagtalo yata siya sa mga bodyguards.
"Gusto lang naman naming makita ang loob ng kwarto niyo, sir."
"Bakit nga? Hindi ko ba pwedeng malaman ang dahilan?" Nagkaroon bigla ng komosyon sa labas. "Wala namang tutukan ng baril, harassment na itong ginagawa niyo."
"Papasukin mo ba kami o kailangan ka pa naming saktan?"
"Tsk! Ok mga boss pero wag lang kayo masyadong maingay tulog pa yung GIRLFRIEND ko baka magising." Girlfriend daw? Pero alam ko ang ibig niyang sabihin binibigyan niya ako ng babala na patungo dito yung mga bodyguards.
What to do? What to do? Mag-isip ka Tora bilis!
Napangiti ako sa pumasok na idea sa utak ko. Mabilis aking naghubad ng damit pang-itaas. Ikinalat ko lang kung saan ang blouse ko kasunod ang pants ko naka-bra at panty nalang ako ngayon. Sumampa ako sa kama bago ko hinubad ang bra ko, ginulo ang buhok kinumutan ko ang aking sarili hanggang beywang lang dumapa sa kama inangat ko pa ng konti ang kumot exposing may gorgeous long legs and the acting starts in 1...2...3...Action.
Pretend that you are sleeping Tora and now you are on the verged of waking up.
Bumukas pinto ng kwarto at mabilis ding itong sumarado. Narinig kong humingi ng paumanhin ang mga bodyguards kay Andrei.
"Pasensya na po kayo sir sa abala."
Nangsumarado ang pinto umupo ako at binalot ng kumot ang hubad ang katawan.
"Ang galing mo napaalis mo ang mga yun anong ginawa mo bakit..." Napahinto si Andrei sa pagsasalita dahil sa nadatnan niyang itsura ko sa kama niya. "Bakit ka nakahubad?!"
"Like duh! Ikaw lang ba ang may karapatang mag-topless?"
"Pero babae ka!"
"I know mister kaya kahit paano ay prinotektahan ko ang aking sarili sa pamamagitan ng kumot. Tsaka ikaw narin ang nagbigay sa akin ng isang bright idea total naman at naka-topless ka narin lang at sinabihan mo silang natutulog pa ang girlfriend mo kaya ayun I act as your girlfriend." Kinindatan ko siya habang ipinagmamalaki ko sa kanya ng aking bright idea na ginamit ko ng dahil sa kanya.
At ito na naman ang napansin ko sa kanya, sa bibig ko na naman nakapokus ang mga mata niya. Pumikit siya pagkatapos kong mag-explain tapos tumalikod.
"Magbihis ka na at umalis ka na sa kwarto ko mag-uusap tayo." Sinarado na niya ang pinto at napabuntong hininga nalang ako.
Laking pasasalamat ko narin at dito ako sa kwarto niya dinala.
Napangiti nalang ako habang isa-isang pinupulot ang mga piraso ng damit ko.