Tour Guide
Tora's POV
"What?" Tanong ko ng lumabas ako sa kwarto ni Andrei. Iba kasi ang titig niya sa akin ang talim na parang may sobrang laki akong atraso sa kanya.
"Why are you wearing my t-shirt?"
Ahh so ito pala ang dahilan ng kanyang masamang titig sa akin ang pagsuot ko ng t-shirt niya.
"Ikaw kaya magdididikit sa pader at maglalambitin ala spiderman tingnan ko lang kung hindi mapunit ang damit mo." Napailing nalang siya sa sagot ko.
"Sino ba naman kasi ang nagsabi sayo na gawin mo yun?"
"Wala, sige mauna na ako. Maraming salamat nga pala sa tulong mo, Andrei."
Hahawakan ko na sana ang seradura ng pinto ng bigla niya itong hinarangan.
"Not so fast lady, I said we will talk. You need a lot of explaining to do." Madiin niyang sabi.
"Fine..." Itinaas ko ang dalawang kamay ko at tamad na nagtungo ako sa sofa at umupo.
Sumunod siya ngunit nakatayo siya sa harap ko. Parang wala akong manners hindi ko naman kwarto ito pero feel at home na at home ako. Ngumisi ako sa kanya.
"Hehe pasensya na." Tatayo sana ako.
"No just be seated its ok." Bumalik ako sa pagkakaupo. Sa itsura niya ngayon mukhang mahaba habang usapan ito. Kumuha siya ng isang silya at inilagay sa tapat ko na nakaharap ang sandalan at doon umupo.
"Teka lang ha hindi ka ba muna magbibihis. Kakausapin mo ako na naka-boxers ka lang?"
Ngayon siya naman ang ngumisi.
"Feel na feel mo naman na dito sa kwarto eh might as well enjoy the view."
"Kapal ha! Hindi naman kagandahan yang katawan mo."
"Kung ganun naman pala eh bakit namumula yang pisngi mo?" Shocks! Hindi ko naman nakikita ang sarili ko sa salamin pero alam ko na kanina pa nag-iinit ang mukha ko dahil sa lalaking ito.
"Natural ang pagka-rosy cheeks nyan noh! Wag kang assuming." Inirapan ko siya at tinawanan niya lang ako.
Why do i find it sexy the way he laugh? Ang sarap pakinggan.
Piniling ko ang ulo ko. Don't day dream Tora. Ano ba!
"Let go back to business." Maya maya ay nagseryoso na siya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Puno ng pang-uusig ang mata niya. Nakayakap siya ngayon sa sandalan ng upuan niya habang hinihintay ang sagot ko.
Unang banat palang nito ay nabigla na ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin dito na ako ang nagnakaw sa wallet niya at dahil doon kaya nalaman ko ang pangalan at trabaho niya...ok alam ko na may naisip na ako.
"Narinig ko kanina nung may ka-video call ka." Mukha acceptable naman sa kanya yung sagot ko base sa reaction ng mukha niya. Napangiti ako.
"Ok, who are you? At bakit hinahanap ka ng mga lalaking yun?"
"I'm Vittoria McLine, you can call me Tora for short, nagtatrabaho bilang social worker sa isang private company at kaya ako hinahabol ng mga lalaking yun dahil naakit sila sa kagandahan ko at gusto nila ako gawan ng masama."
"Weh?" Kung hindi nga lang ako tinulungan ng lalaking ito kanina ay baka nakatikim sa akin ng batok ito. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya.
"Bakit hindi ba?" Ngumiti ako sa kanya and I make sure na seductive ang sound ng voice at action ko. Bilang resulta ay napaatras siya at napatayo. It's my turn to laugh.
I can stop laughing sa reaction niya. I never thought na sa ganun gesture ko eh aatras agad siya. Pero hindi ko siya masisisi marami narin akong nabiktima sa move kong yun.
"Seryoso kasi." Huminto ako sa pagtawa nung nagsalita siya.
Siguro nga kailangan ko narin sabihin sa kanya dahil ayon sa pag-i-eavesdropped ko sa kanya at sa kausap niya kanina may kinalam ang sa nangyayaring kakaiba sa Albueva ang misyon ng lalaking ito.
"Sinundan ko kasi si Mr. Bernard La Grosa sa function room ng hotel at nakuhanan ko ng video yung naging usapan nila ng mga ka-meeting niya tungkol sa pagpapatag sa Linanggo Rainforest dahil sa bigla ko dahil isa yun sa pinakamagandang rainforest sa bayang ito tapos sisirain lang nila nakagawa ako ng ingay. Nakita nila ako at pinahabol sa mga tauhan niya kaya dumaan ako sa bintana at naglambitin pababa para makatakas tapos dito ako napadpad sa kwarto mo."
"Magaling ka pala kumanta." Nangunot ang noon ko sa naging tugon niya sa mga sinabi ko. "Don't get me wrong detailed kasi ang pagkakakwento mo."
"Whatever! Nga pala narinig ko narin lang yun usapan mo ng mga kasamahan mo, are you an agent? Kasi sa tono ng pinag-uusapan niyo ay parang ganun na nga."
"Narinig mo na naman pala wala na akong magagawa kundi aminin ito. Yes I'm an agent Andrei Luis Ravendale ng Skylark Secret Service Agency." Tumayo ako para makipagshake hands sa kanya.
"Nice meeting you and I need to help you. Ibibigay ko sayo yung video ng naganap na meeting." Tinanggap niya ang kamay ko pero agad din naman niyang binitawan. Anong na naman kayang problema nito?
"Salamat kung ganun pero pwede bang humingi pa ng mas malaking favor tutal naman at tinulungan kita hihingiin ko narin ang tulong mo."
"Anong klaseng tulong?"
"Sa paraan ng pagkakabangit mo sa lugar ng Linanggo Rainforest at sa paglalarawan mo rito ay parang kabisado mo ang lugar na ito."
"Syempre naman dito kaya ako pinanganak at lumaki sa Albueva kaya alam ko ang kabuuan at pasikot sikot ng buong lalawigan."
"Really!" Parang nanalo ng jackpot ang mukha ni Andrei ngayon. "Kung ganun Tora pwede ba kitang maging tour guide?"
"Ako tour guide? Pero may trabaho din ako."
"Tutulungan din kita sa trabaho mo. I just need someone who knows the area please..." Napapikit ako sa hiling niya.
Kung sino man ang nagpadala kay Andrei dito alam ko na sobra ang concern niya sa Albueva. Naalala ko tuloy yung panahon ng rebelyon na halos ibuwis ng mga mamamayan ang buhay nila para sa bayan ito wag lang mabahiran ng kasamaan at kasakiman ngunit bigo ang naging resulta ng dahil sa akin.
Iwinaksi ko ang alalang iyon sa isip ko at nagpokus kay Andrei.
"Well then you got yourself a tour guide." Pumayag na ako ito na siguro ang kayang kong iambag sa kasalukuyan para makatulong din ako.
"Thank you Tora." Nakipagkamay siya sa akin at tinanggap ko iyon ng nakangiti.
"You're welcome Andrei, kung para sa Albueva ang gagawin mo ayos lang naman sa akin."
"Yeah para sa Albueva and just call me Andy masyadong mahaba ang Andrei."
"Ok Andy it is." Bumitaw nakami sa pagsha-sahake hands. "Kailangan ko ng umalis at magpalit kung ito-tour kita ngayong umaga. Mamayang hapon kasi ang schedule meeting ako sa mga taong nangangalaga sa mga katutubong na ninirahan sa Albueva."
"I just want you show me Linanggo Rainforest."
"Ahh ok medyo malayo ang biyahe patungo doon at dahil reserved area na yun ngayon kailangan mo kumuha ng permit para makapasok."
"Ganun ba?" Napahawak siya sa baba niya at nag-isip. "Paano kung wala kang maipakitang permit?"
"No permit no pass."
"Basta ihatid mo nalang ako doon. Ako ng bahala kung paano ako makakapasok sa loob." Parang bigla akong naexcite sa kung ano man ang iniisip ni Andy.
Masaya sigurong maging isang agent...siguro kung matatapos ko na ang misyon ko as Maria Clara mag-aaply ako para maging agent ngunit mukhang matatagalan pa ito. Wala pa sa kalahati ng mga ari-arian nila mommy ang naibabalik ko.
Pero hindi nito mapipigilan ang isang magandang ideyang pumasok sa isip ko. Pwede ko naman ma-experience maging agent eh.
I have what it takes to be an agent. I have the knowledge and skills in fighting and I am very intelligent and lastly I have someone beside me to show me more.