Mission
Andrei's POV
Tama ba yung desisyon kong humingi ng tulong doon kay Tora? Parang kasing may sayad ang babaing yun but I don't have an option right now.
Nakaayos na ako para sa pagpunta sa Linanggo. Meron naman akong GPS para makagalaw ako ng maayos dito sa Albueva pero mas gusto ko maging low profile at magpanggap na turista. Mas mainam yun para walang makaalam ng tunay kung rason kung bakit ako nandito ngayon.
Pagdating ko palang sa HQ ay agad inexplain ni Commander BOB mismo ang magiging misyon ko sa Albueva.
"Andy ma' boy! Hahahaha!" Napailing ako. Kahit kelan talaga itong si Commander Bob.
Inakbayan niya ako at inakay patungo sa isang bar counter sa kanyang opisina pinaupo sa high stool at sinalinan ang dalawang kopitang nasa counter ng alak na kanina pa yata niya iniinom. Ibinigay niya sa akin ang isa.
"Let's have a toast Andy." Sinakyan ko nalang ang trip nitong Commander naming lasinggero.
Sumimsim ako ng alak, not bad.
"Andy..." Nagseryoso na ngayon si Commander. "Nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa matalik kong kaibigan na nasa Albueva."
Nakinig akong mabuti sa bawat detalyeng sasabihin niya.
"Niyaya niya akong magbakasyon doon hahahaha ang kaibigan ko talagang yun sabik na sabik na magpunta ako doon." Bigla akong napakamot sa ulo.
"Syempre gusto ko ring magbakasyon doon. Sariwa at presko ang hangin maganda ang tanawin at mariming mababait at magagandang binibini." Akala ko eh seryoso na bigla tuloy akong nawalan ng gana na tanggapin ang misyong ito.
"Ngunit may nagbabadyang sirain ang kagandahan ng lugar na ito at yun ang magiging misyon mo. Kailangan mong pigilan kung ano man ito."
Mula kung saan ay dumating ang dalawang Elites at may binigay na folder kay commander. Inabot niya ito sa akin. Binuksan ko ang folder.
"Siya ang kailangan mong manmanan oras na dumating ka sa Albueva."
"Marciano Hordonez..."
"Pinsan siya na Bernard La Grosa...ang pinakamayamang tao sa Albueva dating gobernador ng lalawigan at may-ari ng halos 78% ng lupa sa Albueva, maging sa karatig na lalawigan ay may lupain ang mga La Grosa ngunit ayon sa kasaysayan ng lalawigan nakamit niya ito sa marahas na paraan."
"Bakit si Hordonez ang kailangan kong manmanan? Bakit hindi si Bernard La Grosa?"
"Dahil sa ngayon ay nag-iba ang ihip ng hangin. Minamahal at hinahangaan na ng mga taga-Albueva si Bernard La Grosa. Pinapangalagaan niya ngayon ang kanyang pangalan kaya ang pinsan niyang si Marciano Hordonez ang ginagawa niyang dummy." Napatango nalang ako.
"Sa ngayon ay hindi pa namin alam kung anong ang plano nila at yan ang top priority mo sa pagpunta sa Albueva. Kailangan mong alamin ang project ni Hordonez at kung kaya mo itong pigilan...pigilan mo."
Yun ang huling sinabi ni Commander bago siya nagpaalam.
Sa pagdating ko palang dito ay kakaibang phenomenon na ang nasaksihan ko. Ang nagliparang mga ibon na sadyang napakarami ngunit wala man lang lumabas sa mga pahayagan tungkol sa nangyaring iyon kinabukasan. Doon palang ang makakaramdam ka ng may hindi tamang nagaganap.
Nasa lobby na ako ng hotel at hinihintay si Tora. May kakaiba akong nararamdaman sa babaing iyon una ko palang siyang makita at makasama sa airplane. Kung susuriin siya mula ulo hanggang paa kapansin pansin ang nakakatuwa niyang awra. She's beautiful hindi ko maitatanggi yun and very seductive parang kaya niyang gawin pabor sa kanya ang sitwasyon using her charm.
Akala ko nga noong una ay magiging boring at easy easy lang ang misyong ito ngunit may isang Maria Clarang nagpakita. Nababalitaan ko na ang pangalan niya noon at ang mga ginagawa niya. Akala ko nga ako na ang makakahuli sa sobrang ilap na magnanakaw na yun pero nagbago ang pangyayari at pumabor sa kanya. Kung may plan A, B, C, D ka siya naman ay may plan from A to Z at 1, 2, 3.
At yung huling naganap kagabi sa pagitan namin ay ilang beses ng nagpapaulit-ulit sa isip ko na parang sirang plaka na. Sobrang sakit ng ulo ko nung magising ako at sabi nung doctor na tumingin sa akin na isang malakas na uri ng pampatulog ang ginamit sa akin at hindi maiiwasan na may mga side effect parin ito, yun nga ang madalas na pagkahilo ko. Ito pa ang isang hindi ko maitindihan sa sarili ko tuwing napapatingin ako sa labi ni Tora si Maria Clara ang iniisip ko...and speaking of Tora, naaaninag ko na siyang papalapit sa akin.
Mukhang handang handa na siya sa pupuntahan namin dahil sa outfit niya. Nakasuot siya ng isang blouse at hindi na inabala ang sariling ibutones ito. Sa loob nito ay isang grey na razor back sando nakasuot ng pants at isang trekking shoes at may dalang back pack.
Habang papalapit siya ay biglang nagkaroon ng isang trance...nagslow motion ang paligid at habang dahan dahan ang paglapit niya sa akin para akong lumulutang hindi maalis ang tingin ko sa kanya samantalang siya ay halos batiin lahat ng tao sa paligid niya. I suddenly want to shout at her at sabihing sa akin ka ang tumingin pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Kanina ka pa Andy?" Bumalik lang ako sa kasalukuyan ng nandito na siya sa tabi ko.
"Halika na..." Huminga muna ako bago naglakad patungo sa inarkilahan kong sasakyan.
"Bakit parang wala ka sa mood?"
"Don't mind me just show me the way."
"Ok ...sungit" Hindi ko nalang pinansin pa ang side comment niya.
Tahimik kami buong biyahe ng biglang tumunog ang phone niya.
"Hello Theus." Who the hell is Theus? "Mamaya na ba ang flight mo?" So that means kung sino yang kausap niya ngayon ay pupunta din dito. "Ok baka hindi kita masundo may iba pa kasi akong aasikasuhin. Ok sige see you later. Bye!" Sabi niya bago tapusin ang usapan nila.
"Who is Theus?" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na tanungin siya. I got really curious kung sino si Theus..
"Ahh office mate ko siya ang partner ko ngayon sa case ng mga katutubo." Tumango tango nalang ako.
Mahaba haba narin ang naging biyahe namin ni Tora napapansin ko na may iba sa pananahimik niya. Minsan makikita ko siyang masaya dahil sa nakita at biglang malulungkot.
"Ayos ka lang ba?"
"Huh? Ahh...ok lang naman ako."
"Sorry sa term pero parang kasing may kasama akong baliw. Ngingiti tapos biglang malulungkot?"
"Ang sama! Ang ganda ko namang baliw." Napangiti nalang ako sa sinabi niya.
"Hindi pa kita gaanong kilala Tora pero marunong akong bumasa ng galaw ng isang tao. Sa pagkakabasa ko sayo. You experience tremendous joy and at the same time overwhelming tragedy in this place." Natahimik siya pero hindi din ito nagtagal.
"Grabe yung 'overwhelming tragedy' ha!"
"Am I exaggerating it or not?" Ngumiti siya ng tipid at tumingin sa malayo. Akala ko nga hindi na niya ako sasagutin ng biglang.
"Dito ako pinanganak, lumaki at nagkaisip halos dito na umiikot ang buhay ko sa Albueva ngunit sa isang iglap kailangan ko itong lisanin dahil sa isang napakalaking pagkakamali." Bakas sa kanyang boses ang sakit na nararamdaman niya habang sinasabi yun.
Ayaw ko naman usisain ang buhay niya pero parang nagkakaroon na ako ng konting kaalaman tungkol sa kanya.
"Pasensya na kung naungkat ang ganitong usapan."
"No it's ok. Hindi narin naman maiiwasan. Somehow yung pagkakasabi mo ng overwhelming tragedy ay totoong nangyari. Nag-uummapaw kasi ang trahedyang nangyari sa akin dito pero sa ngayon unti-unti ko ng natatanggap at nakalimutan ang mga yun. Masaya na akong muling makabalik dito."
I think she really move on dahil ramdam kong bukal naman sa loob niya ang mga sinasabi niya.
"Andy, iliko mo dito."
"Pero diretso ang sinasabi ng mga signage patungong rainforest." Tiningnan ko siya.
"Trust me." Tumitig ako sa mga mata niya at puno naman ito ng sinseridad kaya sinunod ko nalang ang gusto niya.
"Bakit dito tayo dumaan?" Hindi ko parin maiwasan hindi siya tanungin.
"Kasi kung gusto mong makakita ng mga clues tungkol sa mission mo kailangan mong iliko ang daan." Napakunot ang noo ko sa sinagot niya.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"
"Hindi mo ba napansin ang mga tire tracks sa main road kanina?" Napaisip ako tama siya hindi ako masyadong tumingin sa kalsada dahil ang atensyon ko ay nasa pagdi-drive at sa kanya.
"Malalaki ang mga tire tracks na ito mukhang galing sa malalaking sasakyan at dito sa nilikuan natin ang tungo nila. At dahil kabisado ko ang Albueva alam kong patungo ang mga sasakyan iyon sa dulong bahagi ng Linanggo." Dagdag pa niya.
"Alam mo pwede kang maging agent." Sa sinabi ko ay napansin ko sa gilid ng mata ko ang nagniningning niya mata. Para bang may sinabi akong makapagliligtas sa ekonomiya.
"Talaga! Gustong gusto ko talaga maging agent that's my dream job." Kaya pala now I knew. "Pero may kailangan pa akong tapusing misyon kaya mukhang hanggang pangarap nalang yun."
"May misyon ka rin? Ano yun?" Takang tanong ko.
"Yung...yung sa mga bata." Medyo alinlangan ang pagkakasagot niya.
Hininto ko ang sasakyan at tinitigan siya. This time she did not convince me, there something more to Tora than meets the eye.
"We’re here!" Sabi niya at biglang bumaba sa sasakyan. Halatang iniiwasan niya ang topic na yun.
Things in Albueva is getting more interesting when she's around.
Napangisi ako with that thought.