Linanggo Rainforest
Tora's POV
Muntikan na akong mahuli nitong si Andy. Alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko ng paulit-ulit ngunit hindi ko nalang itinuloy dahil bigla akong nagulat sa nakita ko ng tumingin ako sa bandang bangin ng area kung nasaan kami ngayon.
Mga trucks na ginagamit sa paghuhukay ang makikita doon. Backhoes, bulldozers, trucks at mga cranes. Kapansin pansin din ang isang daanan patungo sa kasukalan ng gubat.
"Anong tinitingnan mo dyan?" Medyo nagulat ako kasi nasa likod ko na palad si Andy.
"Ayun oh." Tinuro ko sa kanya yung daan. Tiningnan ko ang reaksyon niya nakakunot ang noo niya.
"Parang alam ko na kung anong ginagawa nila pero I need to investigate further." Maya maya sabi niya. "Pwede ka ng bumalik sa bayan Tora. Gamitin mo yung sasakyan."
Nagulat ako ng bigla siyang nagpadausdos sa bangin.
Baliw ba ito? Pagkatapos ko siyang ihatid dito at bigyan ng clue tapos iichapwera niya lang ako? Hindi yata tama yun. Hindi makatarungan.
Sinunod ko ang gusto niya ginamit ko ang sasakyan niya ngunit hindi para bumalik sa bayan. Umikot ako para mabilis mapuntahan yung lugar. Hindi ako katulad ni Andy na sugod nalang ng sugod. Kabisado ko ang bawat sulok ng rainforest kaya mas mauunahan ko siya patungo doon.
Nang makarating na ako ay itinago ko ang sasakyan for future use.
Naglakad ako sa daang pamilyar na pamilyar sa akin hanggang sa makarating ako sa isa sa pinakamalaki at pinaka mataas na puno. Hindi na ako nagdalawang isip na akyatin ito at mula dito ay tanaw na tanaw ko ang kagandahan ng Linanggo Rainforest ngunit nagimbal ako sa isang napakalaking buho sa gitna nito na kasya yata ang isang buong Araneta Coliseum at sa itsura nito ngayon mukhang may extension pa.
Mula sa kinalalagyan ko ay tanaw na tanaw ko si Andy habang dahan dahang ina-approach ang buho. Nakita ko kung paano ang gulat niya sa nasasaksihan ngunit ang sumunod ay hindi ko inasahan. May mga bantay sa bahaging iyon at hinahabol na nila ngayon si Andy na tumatakbo patungo sa direksyon ko.
I think I need to move now dahil hindi niya kakayain ang mga bantay na yun dahil mas alam nila ang pasikot-sikot sa gubat na ito kesa kay Andy.
Tumulay ako sa mga sanga-sanga ng puno habang sinusundan ko ang mga galaw ni Andy hanggang napunta siya sa isang dead end.
Nagdadalawang isip siya kung babalik sa pinanggalingan o maghahanap ng matataguan ngunit bago pa siya nakapag desisyon ay natibag ang lupa sa kinatatayuan niya. Dahil siguro sa paghuhukay na ginagawa nila sa lugar na ito kaya lumambot ang mga lupang malapit sa bangin.
Wala na akong choice kundi mag-ala-tarzan dahil kahit nakakapit sa isang ugat ng puno si Andy ay malapit lapit na siyang makabitaw.
"Whoahhhahh!!!" O.A. man pero sumigaw narin ako mas nakakadagdag kasi yun ng excitement.
Nakalambitin ako gamit ang isang kamay at mabilis kong inabot ang kamay ni Andy nakabitaw na sa ugat at ipinulupot sa bewang ko.
"Ang saya nun hahahaha!" Sabi ko habang naka suspend kami ngayon sa bangin na maraming mahahabang baging.
"Tora?!" Gulat ang reaksiyon niya. Hindi makapaniwalang nandito ako ngayon at nililigtas siya. "Paanung-."
"Sshhh...wag kang maingay nandyan na yung mga humahabol sayo. Kumapit kalang sa akin mamaya na tayo gagalaw and make sure natatakpan tayong maigi ng mga baging."
Nanahimik naman siya at ginamit ang isa niyang kamay para maitago kami.
"Nasaan na yun? Paano yun nakapasok dito? Malalagot tayo nito kay boss." Sabi nung isang bantay.
"Talasan niyo ag mata niyo? Hindi yun basta makakalayo nandito lang yun sa paligid."
"Yes! Boss!" Sigaw naman nung ibang kasama niya.
"At pag nakita niyo siya patayin nyo."
Matagal bago umalis sa bahaging yun ang mga bantay kaya medyo nangangawit na ako at nararamdaman ko narin ang bigat ni Andy.
"Tora, lilipat ako sa ibang baging mukhang nahihirapan ka na sakin."
"Ok, pero mag-inagt ka sa pagpili kasi kung yung ibang baging ay ililigtas ka, yung iba naman ay ilalaglag ka." Pagkasabi ko noon ay napatingin si Andy sa ibaba namin. Makikita mo doon ay isang malalawak rin na kagubatan ngunit hindi ka mabubuhay oras na malaglag ka.
Maingat na pumili si Andy at nang makalipat siya ay siya namang pagkakataon para ako naman ang mamili. Pinagmamasdan ko sa itaas ang direksyon ng mga baging.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya medyo mawe-weirduhan na siguro ito sa akin.
"May mga baging din na ililipad ka." At pagkasabi ko nun ay lumipat ako sa isang baging.
"Ano bang pinagsasasabi mo?"
"Lilipad tayo." Nakangisi kong sabi sa kanya sabay labas ng aking maliit na punyal na nakatago sa hita ko. "Andy, ikaw ang humawak sa baging na ito. Sasakay ako sa likod mo."
"Ano?!"
"Sumunod ka nalang kasi para makaalis na tayo dito." Sumunod siya at pagkasakay ko sa likod niya ay bumulong ako. "It will not be an easy ride but you will enjoy it so tighten your grip."
Hiniwa ko ang isa pang baging at dahil doon ay unti-unti kaming umangat at maya maya nung nasa open na kami biglang bumilis ang galaw ng baging. Dalawang kamay niya ang nakahawak sa dito habang naka-aba naman ako sa kanya.
"Tora! Lumipat ka sa harap ko!" Sigaw niya dahil pabilis ng pabilis ang swing namin. Ngayon naman ay ako ang sumunod sa kanya lumipat ako sa harapan niya at ipinulupot ang kamay ko sa katawan niya. Isang kamay nalang ang gamit ni Andy sa paghawak sa baging dahil ang isang kamay niya ay ipinulupot niya sa likod ko.
"Aaahhhh!!!" Sigaw naming parehas at sa isang iglap humampas kami sa mga puno ng kawayan. Hindi ko naramdaman ang impact ng paghampas dahil iniikot ni Andy ang katawan niya sa harap at ito ang tumanggap ng impact ng paghampas.
Mabilis akong tumayo para tulungan siya mabuti nalang at hindi siya masyadong nasaktan. Pinaupo ko muna siya.
"Ayos kalang Andy?" Nag-aalala talaga ako sa nangyari.
"I'm fine...medyo nahihilo lang." Sagot niya.
Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang noo niya.
"What are you doing?"
"Hilot, wag ka ngang maarte dyan." Hindi na siya nagreklamo pa at hiyaan akong hilutin ang ulo niya. Pansin ko ang pagpikit niya habang hinihilot ko siya. Feel na feel naman ng loko. Napangiti nalang ako.
"Are you feeling ok now?" Tanong ko matapos ang hilot session.
"Yeah, thanks Tora."
Tumayo ako at nag hanap ng isang uri ng baging. Malaki talaga ang tulong ng mga baging na ito dito sa gubat. Lumapit akong muli kay Andy at niyaya siyang tumayo.
"Bakit?"
"Alam ko nauuhaw ka na." Dinala ko siya doon sa baging. Hinawa ko ito at mula dito ay may tumagas na tubig. "Fresh water hidden in a rainforest."
Uminom dito si Andy at naghilamos narin. Pagkatapos niya ay ako naman ang uminom dito at naghilamos.
"Ang sarap ng tubig diba Andy?" Humarap ako sa kanya at amusement ang nakikita kong expression ngayon ng mata niya.
"What?!"
"I just drank in that." Na-gets ko naman ang ibig niyang sabihin.
"So bakit may sakit ka bang nakakahawa."
"Wala naman."
"Yun naman pala eh wag ka ngang pabebe dyan." Tumawa ako.
"Tora..." Seryoso niyang tawag sa pangalan ko. "Salamat at matigas ang ulo mo."
"Ayokong solohin mo lang ang adventure na ito noh."Ngumiti nalang ako sa kanya at nag-thumbs up.
Pagkatapos noon ay naglakad na kami paalis sa lugar nayun. Tanghali na at nakakaramdam na ako ng gutom.
"Dito muna tayo dumaan Andy."
"Bakit?"
"Nagugutom na ang mamayan sa akin tyan may mga prutas na tumutubo sa bahaging ito ng gubat."
At hindi nga ako nagkamali nandun parin ang taniman ng mga iba't ibang prutas sa lugar na ito. Kumuha kami ni Andy ng sapat ng prutas tulad ng saging, star apple, guyabano at sinimulang kainin sa isang tabi.
Habang kumakain ay bigla akong may narealize yung buho sa gitna na Linanggo sa oras na maextend pa ito maaaring pati ang mga prutas na ito na malayang tumutubo dito ay mawala.
"May problema ba Tora?"
"Huh? Ano kasi diba dinaan mo yung tinuro ko kanina...may nalaman ka ba? Kasi sa nakita kung malaking butas na yun sa gitna ng gubat alam kong may hindi sila tamang ginagawa."
"Tora sa totoo lang gusto ko mang sabihin sayo ay hindi maaari dahil gusto kong mapanatiling sikreto ang misyon ko."
"Pero Andy nadamay na ako at hindi kita titigilan hangga't di mo sinasabi sa akin. Ikaw narin ang nagsabing matigas ang ulo ko at ano mang oras pwede kitang iligaw dito." Pagbabanta ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.
"Anong nginingitingiti mo dyan?"
"You're really amusing...sigurado ka bang social worker ka lang?"
"Of course social worker na concern sa aking lupang sinilangan, tahanan ng aking lahi."
"Hahahahahaha!"
Siraulong ito! Tawanan lang ba ako.
"Andy kasi...please..." Here using my oh so famous charming seductive voice and I think it is working. Napakamot siya sa ulo at tumingin sa akin.
"Ang tanging nakita ko lang ng nakapasok ako sa isang make-shift house ay isang blue print at ang nakalagay doon ay 'The Rise of a New World.' Naghuhukay sila dito para magtayo ng isang underground city."
I never saw this coming...sinisira nila ang isang napakagandang kalikasan upang palitan ng isang underground city? Para kanino? Para sa kanilang pansariling interest at pagpapayaman.
Napayuko ako nakakadismaya ang nalaman kong ito? Wala bang pwedeng pumigil dito? Parang gusto ko uling bumuo ng rebelyon at isiwalat lahat ng bahong ito ng mga La Grosa. Masyado ng nagbubulagbulagan ang mga mamamayan dito sa Albueva.
Kung hindi sila kikilos ako ang gagawa ng paraan...
Natigil lamang ako sa malalim na pag-iisip ng hinawakan ni Andy ang balikat ko.
"Kung ano man yang iniisip mo ngayon ay ganun din ang sa akin. Parte ito ng misyon ko ang pigilan ang ginagawang proyekto sa lugar na ito." Gumaan ang loob ko sa sinabi ni Andy. Kaya pala siya nandito kung sakali siya ang magiging tagapagligats ng Albueva.
"Salamat Andy."
"Walang anuman halika na kailangan na nating umalis dito baka abutin pa tayo ng maghapon."
Tumayo nalang ako at sumunod sa kanya.
I hope this time ay magtagumpay ako...hindi kami pala ni Andy na pigilan ito. Ibibigay ko lahat ng meron ako kahit ang buhay ko iaalay ko para sa mga kasamahan ko noon sa rebelyon...para sa mga magulang ko...