Somewhere Only We Know
Tora's POV
Habang naglalakad kami ay bumunggo ako sa likod ni Andy.
"Anong problema? Sakit nun ha."
"Tsk! Bakit ba kasi ako ang nauuna edi ba ikaw ang tour guide."
"Ako ba may kasalanan eh ang lakas ng loob mong magyaya ng tara na akala ko naman alam mo yung dadaanan natin." Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Mukhang naligaw nga kami dahil patungo ang dinadaan namin ngayon sa loob pa ng gubat.
Tumingin ako sa langit maliwanag pa naman pero madilim na sa bandang nilalakaran namin dahil mas matataas na ang mga puno dito at may bigla akong naalala.
Ang daan na ito ay patungo sa isang lugar na natatakot akong balikan.
"Tora, ano na?"
"Balik tayo." Mabilis kong sabi sabay ikot pero pinigilan ako ni Andy.
"Bakit pa tayo babalik dyan eh nasa bukana na tayo."
"Ano kasi mas mapapalayo tayo pagdyan tayo dumaan." Humakbang ako pasulong pero napansin ko na hindi naman ako makaalis-alis sa pwesto ko dahil mahigpit ang hawak sa akin ni Andy.
"No Tora we will go there." Matigas niyang sabi ngunit mas pinili kong kumawala sa pagkakahawak niya.
Akala ko ay tuluyan na akong makakawala pero walanghiyang Andy ito. He lifted me like a sack of rice. Pinili kong kumawala pero bigla siyang tumakbo hanggang makarating kami sa bukana.
"Wow!" Yun ang narinig kong sabi niya. "This place is paradise." Dahan dahan niya akong binaba tumingin din ako sa pinagmamasdan niya. Napayuko nalang ako.
I know this place so well at hindi na ito parte ng Linanggo it's a private property owned by my mother's family at sa madaling salita pag-aari ko dahil ako nalang ang natitira sa angkan nila pero kung buhay pa ang pinsan ko saming dalawa..
"Ang ganda nung waterfalls and there is a majestic stone castle in left. This is incredible." May makikitang kang water falls sa kanang bahagi at isang bahay na mukhang kastilo naman sa kaliwa.
"Haunted house yun." Mahina kong sabi.
"What? A haunted house that's nice."
Nakarinig kami ng kaluskos kaya naging alerto kami.
"Kailangan na nating umalis dito." Wala na akong nagawa kundi hatakin si Andy sa direksyon ng stone castle. Magiging ligtas na kami once nakapunta na kami doon dahil off limits ang stone castle at tanging ang may ari lamang ang pwedeng makatapak doon.
Habang unti-unti akong lumalapit dito biglang bumalik sa aking ang mga alaala ko noong bata pa ako at kasama ko si Mommy at Daddy.
Sa lugar na ito ako lumaki at nagkaisip at sobrang mahal na mahal ko ang lugar na ito. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang hindi maging senti...
Kaya napakanta tuloy ako...
"I walk across an empty land. I knew the pathway like the back of my hand. I felt the earth beneath my feet, sat by the river and it made me complete. Oh simple thing where have you gone? I'm getting old and I need something to rely on. So tell me when you're gonna let me in. I'm getting tired and I need somewhere to begin." Naramdaman kong nakikinig si Andy sa akin pero hindi naman siya umimik. Nagpatuloy lang ako.
"I came across a fallen tree. I felt the branches of it looking at me. Is this the place we used to love? Is this the place that I've been dreaming of? Oh simple thing where have you gone? I'm getting old and I need something to rely on. So tell me when you're gonna let me in. I'm getting tired and I need somewhere to begin."
Nalungkot ako matapos kong kantahin yung dalawang stanza nung kanta...
"And if you have a minute why don't we go. Talk about it somewhere only we know? This could be the end of everything. So why don't we go somewhere only we know? Somewhere only we know?" Nagulat ako nung dinugtungan ni Andy yung kanta ko.
Alam niya yung kanta?
"Oh simple thing where have you gone? I'm getting old and I need something to rely on. So tell me when you're gonna let me in. I'm getting tired and I need somewhere to begin." Dugtong ko uli.
"And if you have a minute why don't we go. Talk about it somewhere only we know? This could be the end of everything. So why don't we go? So why don't we go? Ahahah, Ahahah. This could be the end of everything so why don't we go somewhere only we know? Somewhere only we know? Somewhere only we know?..."
Tinapos na niya yung kanta at natawa talaga ako. Nawala ang lungkot sa ginawa namin ngayon at yung part na kinakanta ni Andy iba ang dating sa akin parang minimean niya yung lyrics. Na willing siyang bigyan ako ng oras para makinig sa mga sintimiyento ko sa buhay.
"Marunong ka pala kumanta?" Maya maya ay tanong.
"Hindi gaano tuwing nalulungkot lang ako." Nangunot ang noo niya.
"Bakit malungkot din yung kanta mo? Dapat masaya."
"Nakasanayan ko na kasi. Mas malungkot ang kanta mas lulungkot ako pero I need to embrace loneliness para sa susunod na makaramdam uli ako ng lungkot hindi na magiging ganun katindi ang lungkot na mararamdaman ko." Naguluhan yata siya sa explaination ko.
"Pero sa totoo Tora kung nalulungkot ka willing akong magbigay ng time para makinig sayo kung mahihirapan ka na."
"Hello Andy! Two days palang tayong magkakilala."
"Wala naman yun sa tagal ng pagsasama pero naiintindihan naman kita. Mahirap magtiwala sa panahon ngayon."
Tumango nalang ako sa sinabi niya bilang pagsang-ayon.
"May harang." Biglang sabi ni Andy. Tanaw ko na ang malaking karatula na 'Private Property No Trespassing or You'll die.' Natawa na naman ako.
"Kailangan nating makatawid dyan para sabihin ligtas na talaga tayo." Sabi ko.
"Paano mukhang may kuryente pa ata ang harang na yan." Sinenyasan ko si Andy na lumapit sa akin at may tinuro ako sa kanyang pintuan.
"Doon tayo dadaan." Gawa sa mataas na fence ang harang at may kuryente.
Nasa tapat na kami nung pinto ng masusi itong sinuri ni Andy.
"Mukhang kailangan nating sirain ang pintuan kung gusto nating tumawid sa kabila dahil kailangan ng passcode or fingerprint para mabuksan yan at yun ang wala tayo." Habang nag-iisip kami ng mga paraan para makalipat sa kabilang side ay may narinig akong mabibilis na kilos at unti-unti itong pumapalibot sa amin ni Andy.
Batid kong nararamdaman din niya ito dahil huminto siya sa paggalaw.
"Tora, kailangan na talaga nating makalipat sa kabila. Hindi maganda ang nararamdaman ko."
"Ako man Andy." Sabi ko sa kanya.
This situation leaves me no choice but use my advantage. I own this place alam ko ang bawat sulok at may alam akong paraan para makaligtas kami.
May narining akong isang bagay na paparating sa likod ko. Mabilis ko itong nailagan isang maliit na palasong iyon. Nanlaki ang mata ko dahil pamilyar sa akin ang itsura ng palaso.
Maging si Andy ay tinira rin ng parehas na palaso at nakailag din siya.
"s**t!" Sunod sunod na ang ginagawang pagtira sa amin. Dahil sa iba't ibang direksyon ito nanggagaling nahihirapan kami na alamin kung paano namin iiwasan ang mga susunod. May mga muntik muntik ng makatama sa akin ngunit naiilagan ko pero hindi si Andy. Nadali siya ng isang palaso sa balikat.
Gamit ang finger prints ko binuksan ko ang pintuan papasok sa kabilang side mabilis kong hinila si Andy na sobrang ingat ngayon sa pag-ilag.
Nagsarado agad ang pintuan matapos naming makapasok. Patuloy kami sa pagtakbo dahil hindi parin sila tumitigil. Nung nasa malapit na kami sa gate papasok sa stone castle doon kami tumigil. Batid naming hindi na kami masusundan ng kung sino mang loko lokong iyon. Humanda siya sa akin!
"Tora, paano mong nabuksan iyon?" Yun agad ang pambungad na tanong ni Andy matapos naming makahinga na ng normal.
Hindi talaga ako makakaligtas sa pagiging sobrang observant ni Andy.
"Magic!" Sabi ko nalang alam kong hindi siya naniniwala sa akin pero wala akong pake!
Naglakad ako papunta sa gate ng stone castle. Kitang kita dito ang nakaukit crest ng pamilya nila mommy.
"Is that a letter B right?"
"Yeah."
"Hindi mo aakalain na hi-tech ang kastilo na ito kung titingnan mo lang siya sa labas. Look another gate that needs to be open by pass code or fingerprints."
Ayoko ng magtagal pa kami dito kasi feeling ko wala pa akong karapatang bumalik dito.
"Tora, can you do another magic? Let's get inside."
Seriously? Anyare dito kay Andy? Naniniwala ba talaga siyang gumamit ako ng magic para makapasok kami dito.
"Sa tingin ko wala kang karapan pumasok dyan."
Nanlamig ako sa boses na narinig ko. It was very familiar coming from an old ally.
"Tora?" Nag-aalala si Andy lalapitan na sana niya ako ng biglang tinamaan siya ng isang dart sa likod bumagsak siya. Dadaluhan ko pa sana siya ngunit may tumama din sa likod ko. Unti-unting akong bumagsak at hinihila ng antok. Bago ako tuluyang sakupin nito ay nakita ko kahit malabo ang mukha niya.
"Enri..."