NATANAW ko ang speed boat ng hindi sinasadya at nanlaki ang mata ko ng makitang malayo na 'yon. Kahit sumagwan ako ng libong beses ay hindi ko aabutin. Paano kami uuwi ngayon? Ano bang meron sa araw na ito at ang malas ko.
"Sh*t!"
"Ouch."
Ouch?? 'Yon lang ang masasabi n'ya. Hindi ba nya alam na speed boat ang natangay at hindi ang raft?
Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Really, Rye?"
"Hey, it wasn't my fault this time. Ako ba ang nagbaba ng angkla?"
Hindi naman n'ya talaga kasalanan -- pero may parte pa rin s'ya dahil dinistract n'ya ako. Damn his gorgeous face! Napapadyak ako sa inis.
"Relax. We will be okay. May raft pa naman eh."
"Nagpapatawa ka ba?"
"I'm just saying, wala naman na tayong magagawa kundi maghintay ng tulong. I am sure they will find us kapag nakita nila ang speed boat na naglalayag."
Napatanga ako sa kanya. For someone who hates camping and dislikes the ocean -- relax na relax s'ya!
"Besides, we have food, fire to keep us warm.. aside from our human bo--"
Did he just say human bodies? Damn! "Orion Russo!"
I saw him gulped. "What?"
"Be serious! Do you have your phone with you?"
"Binibiro lang kita. Masyado kang tense."
"Do you have your phone?"
"Nope. Baka mabasa kaya hindi ko na dinala."
Sa malas ay hindi ako nakapagcharge kagabi at tuluyan ng namatay ang telepono ko. Sino ba ang hindi matetense? Paano kung hindi kami agad marescue? Tapos umulan ng malakas? Bagyuhin kami dito? Tapos liparin ang tent at raft. Worse, wild animals at kainin ang mga pagkain na dala namin. Damn! Damn! Damn! I haven't panicked like this in my entire life at si Rye pa ang kasama ko. Anong skill nya? Magpapogi? Napabuntong hininga ako.
"Ewan ko sa 'yo. Gusto ko ng umuwi. Magsagwan na lang kaya tayo?"
Napabunghalit ito ng tawa. "Are you kidding me?"
"What is so funny? Ayaw mo bang umuwi sa resort?"
"Nope. I like it here. I just realized, camping is not so bad after all. Isa pa, kasama naman kita kaya mas lalong enjoy."
Namaywang ako. "Saan ka matutulog?"
"Obviously, sa tent mo. Nakita mo naman na wala akong dalang sleeping bag."
Bumalik na ito sa may apoy. We have together more firewood at siguradong malamig mamaya ang hangin. Don't worry Lana, you'll be warm when he wraps you in his arms.
Tinaasan ko s'ya ng kilay. "What makes you think I will let you sleep in the same tent?"
"Hindi ka naaawa sa akin? Eh kung may mangyari sa akin dito.. tapos hindi ka na mahanap? Gusto mong multuhin kita."
Takot sa patay. "Letse ka! Dyan ka na nga!"
I went inside the tent and left him there. Sa inis ko, namalayan ko na lang na nakaidlip na pala ako. When I woke up, the sun was already setting. Kulay kahel na ang langit at si Rye ay kasalukuyang nag-iihaw. Napansin ko rin ang tambak na mga tuyong kahoy sa gilid. May silbi rin naman pala ito.
"Gising ka na pala, malapit ng maluto ito."
Umupo ako malapit sa kanya. Inabutan n'ya ako ng tubig. Ano bang laman ng bag nito at parang hindi nauubusan ng pagkain. And he says he hates camping, pero daig pa ang boyscout sa dami ng dala. Baka naman may pangkulot rin s'ya? Hindi ko napigilan ang mapatawa sa naisip ko.
"What's so funny?"
Linya ko 'yon kanina pero ngayon ay s'ya na ang nagtatanong. "Wala."
"Spill it."
"Napansin ko kasi, parang hindi nauubos ang laman ng bag mo. Hindi ba ayaw na ayaw mo ng camping?"
I saw him smile. "Sinong nag-sabi sa 'yo?"
"Wala," tanggi ko.
Bakit ko naman aaminin na sinadya kong alamin 'yon noon. Nagkaroon kasi ng camping trip noong high school kami at s'ya lang ang hindi sumama. Then I heard his friends talking about how Rye hates camping and swimming. Most guys like that but he doesn't. There must a be another reason.
"Talaga? If I know, nagtanong tanong ka," tatawa tawang sabi n'ya. "May crush ka siguro sa akin. Aminin mo na. Tayo lang naman dito eh."
"Kapag ikaw, hindi pa tumigil sa kayabangan mo -- matutulog ka dito sa labas."
He chuckled. "Sige na, titigil na ako."
Hinango n'ya ang inihaw at inilagay sa paper plate. Bukod doon ay nag ihaw rin s'ya ng ilang piraso ng asparagus at bell pepper na pula. Tuluyan na akong napahagalpak ng tawa.
"Kulang na lang kumanta ka ng bahay kubo, Rye!"
Nagtataka ang mukha n'ya. "Why?"
"Slow mo ha, bahay kubo? Ever heard of that song?"
Umiling ito. "I don't know that song."
Napaismid ako at napakanta ng wala sa oras. I saw him took a plate for himself.
"Bahay-kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, pataniKundol, patola, upo't kalabasa
At tsaka mayro'n pang
Labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puno ng linga"
I started eating after singing the song and when I glanced at Rye, he was just staring at me. The next thing I know, his face was getting closer to mine. I felt his warm lips on mine and all I could do was close my eyes and kissed him back. It was a quick kiss, but sweet nonetheless.
"Mas masarap pala ang luto ko kapag mula sa labi mo."
Bago pa ako makahuma ay nakapagnakaw na s'ya uli ng mabilis na halik. The last time I heard, he is not dating anyone. At ako naman -- well, single na uli ako. Denver cheated on me about a few months ago and I broke up with him immediately. Kung sa iba ay malaki ang New York -- maliit lang ito para sa akin. Sa laki ng connection ng pamilya ko ay halos kilala ko na ang mga primerang pamilya.
"Kain na."
Maganang kumain si Rye at parang tanga na hindi mawala ang ngiti sa mga labi. Kung may ibang makakakita sa kaya -- ang unang iisipin ay kulang turnilyo sa utak n'ya. Wala na bang tapon sa lalakeng ito? Matalino, gwapo, mabait din naman kahit mabiro. Masarap pang magluto! Simple lang ang mga alam kong lutuin pero si Rye -- daig pa ang chef! Malinamnam.. parang labi n'ya.